CHAPTER FIFTEEN
UNTI UNTING iminulat ni JiYeon ang mga mata nya. Liwanag galing sa ilaw ang una nyang nakita. Nang lumingon sya sa kanan nya ay bahagya syang nagulat sa face towel na bumagsak mula sa nuo nya. Nakita nyang himbing na natutulog si Onew sa upuan. Saka lang nya na-realized na naroon sya sa kwarto nya ng ilibot nya ang paningin. Pilit nyang inaalal ang mga nang-yari at sinubukan nyang bumangon ng mapasapo sya braso nya. Nakita nyang may benda ito na may mantya ng dugo.
Parang kidlat na nag-flashback sa kanya ang mga nang-yari ilang oras na ang nakalipas. Muli syang bumalik sa pag-kakahiga. Sakto naman nagising si Onew.
"JiYeon."madali itong lumapit kay JiYeon para kamustahin ang lagay nito. Hinipo nya ang nuo ni JiYeon para i-check kung nilalagnat pa ba ito. Laking pasasalamat nya na bumaba na ito. "Ang taas ng lagnat mo kanina. Kaya tumawag na kami ng doktor para matingnan ka. Napainom ka na naman ng gamot."masayang wika ni Onew.
"Onew, sorry pero pagod na ko kay MinHo."pag-iiba nito sa usapan. Natahimik naman si Onew at sumiryoso ang mukha nito. ""Minsan masaya mag-mahal, pero minsan mas madlas masakit mag-mahal. Nakakaubos ng lakas, Nakaka-drain ng luha. Hanggang sa isang araw magigising ka na lang na wala ka ng mailabas dahil naibigay mo na lahat."sabi ni JiYeon habang nag-pipigil ito nang luha. Tahimik lang na nakikinig sa kaniya si Onew. "Wala akong pinag-kaiba sa isang babaeng shopaholic. Inubos ko ang lahat ng pera ko sa bagay na gusto ko. Masakit nga pala talaga na kahit gusto ko pang bumili wala na akong pambili dahil naubos na lahat."tuluyan ng tumulo ang mga luha ni JiYeon. Sinusubukan syang pakalmahin ni Onew. "Gusto ko nang umuwi."parang bata nyang pag-mamakaawa kay Onew.
Nakakapagod nga naman ang mag-mahal sa isang taong, alao pa at ibinigay mo na ang lahat ng makakaya mo pero ni hindi man lang nya ito masuklian. Ibinuwis mo na ang buhay mo in the end ikaw din ang mali. Ito na ba ang resulta nang desiyon nya? Sinakripisyo nya ang pangarap nya para lang makasama ang lalaking ito. Sinuway nya ang ate nya para lang dito at binali nya ang pangako sa mga kaibigan para lang makapiling si MinHo. Sa kabila ng lahat ito lang ang resulta? Masasaktan sya sa huli tapos ano? Back to basic sya ulit? Yun ay kung may babaikan pa sya. Ngayon ay nag-sisisi na sya sa mga nagawa nyang maling desisyon. She can't go back from the past now. Kailangan nya na lang gawin ngayon ay restart para maabutan pa nya ang magangdang resulta sa future nya. At hindi nya magaga yun kung nasa puder sya ni MinHo.
Panahon na sarili nya naman ang unahin nya. Kailangan nyang i-let go ang isang bagay na mahalaga sa kaniya para mag-bago. Kailangan nyang iwanan ang isang bagay na makakasagabal sa kaniya kung gusto nyang may mag-bago. Kailangan nyang umalis sa comfort zone na yun.
ILANG LINGGO na ang nakalipas simula ng mag-resigned si JiYeon sa pagiging road manager ng SHINee. Ngayon nga ay nag-papaka-busy sya sa pag-aaral ng designing. Nakaabot kasi sya sa entrance exam ng UP kaya ngayon ay puspusan ang pag-aaral nya. Hindi na nya sinabi sa ate nya kung ano ang totoo kung bakit naisipan nyang mag-resign at ipag-patuloy na lang ang pag-aaral ng designing. Gusto na rin kasi nyang tapusin ang issue na yun at mag-focus na lang sa sarili. Ilang weeks na rin syang hindi nakikipag-kita o nakikipag-usap kanila Aiko at Mina dahil hanggat maari ay gusto nyang umiwas sa mga bagay na mag-papaalala sa kaniya tungkol sa SHINee at kay MinHo. ni hindi na nga sya nanonood ng T.V dahil alam nyang laman lang din ng news ang SHINee. Mabuti na nga lang at hindi fanatic ng SHINee ang mga classmate nya. At least nakahanap sya ng makakausap na hindi isisingit ang grupong iyon.
Nag-palit na rin sya ng number dahil panay ang contact sa kaniya ng apat lalo na si TaeMin at Onew. Hindi sya galit sa mga ito, hindi rin sya nagalit kay MinHo. Ang gusto lang nya ngayon ay space para sa sarili nya. Gusto nya munang pagalingin ang mga sakit na naramdaman nya dahil kay MinHo. Nasa ganung process sya ngayon.
"JiYeon, kain muna tayo. Mamaya na natin tapusin yan."yaya sa kaniya ng classmate nya. Gumagawa kasi sila ng design ngayon na may theme na "70's Fashion". Project iyon na pinili lang ang gagawa at isa nga si JiYeon sa napili.
"Okay sige!"inilapag nito ang lapis na hawak saka kinuha ang bag para sumunod sa mga nauna nyang ka-klase. Medyo puno ang canteen dahil lunch time na. Mabuti na lang at nakahanap pa ng mauupuan sina JiYeon.
Sa pag-upo ni JiYeon ay hindi sinasadyang marinig nya ang usapan ng dalawang babae sa likiuran nya. "Alam mo ba? Babalik na daw si MinHo."wika ng isang babae.
"Talaga? Grabe! Ang tagal din nyang nawala sa SHINee ah! Nakaka-miss din sya."excited namang saad ng isa pang babae.
"Kaya nga e. Dalawang linggo na lang at i-re-release na ang bagong album nila! Grabe! Excited na talaga ako!"halata nga sa tono ng boses nito.
Babalik na si MinHo? ikinatuwa ni JiYeon ang narinig marahil siguro ay naka-recover na ito. Ang kinalulungkot lang ni JiYeon ay wala sya sa tabi nito at hindi man lang sya naging parte ng pag-recover nito. Bumabalik nanaman tuloy ang sakit na naramdaman nya. Napailing sya at pilit na lang binura ang naiispi. Nag-mo-move on na nga sya e. Ayaw na nyang bumalik nanaman.
Masayang binati si JiYeon ng ate nya ng makauwi ito sa bahay nila. May hawak itong papel na ibinida agad sa kanya. "Tada!"saad pa niya.
"Ano ba yan?"kunot nuong tanong ni JiYeon.
Hinila sya panupo ni Eun. "Scholarship para sa pag-aaral sa ibang New York University!"masayang anunsyo ni Eun. Naalala bigla ni JiYeon na nag-apply pala sya ng scholarship sa New York University noon. Pero hindi nya inaasahang makakapasa sya. Masaya sya dahil makakapag-aral sya sa ibang bansa. Doon masisigurado nyang mas mapapalawak pa nya ang kaalaman nya. Pangarap din kasi nyang mag-design ng damit sa mga hollywood actors and actresses. At ito na nga ang unang hakbang nya.
Masaya sya pero sa kabilang banda ay nalulungkot sya dahil maiiwanan nya ang mga mahal nya sa buhay at si MinHo. Matagal nya itong hindi makikita. Kaya lang naisip din nya na kailangan nyang unahin ang sarili nya dahil alam nya na wala rin naman syang mapapala kay MinHo. Pero nag-dadalawang isip parin sya kung tatanggapin ba nya ang scholarship o hindi.
KINABUKASAN ay inalis muna nya sa isip ang scholarship. Gusto nya munang mag-focus sa design nila dahil gusto nyang matapos ito ng maaga. Sa kalagitnaan ng ginagawa nila ay naubusan ng scratch paper si JiYeon.
"Naku naman! Ngayon pa naubusan!"napakamot sya sa ulo. "Sandali, bibili lang ako sa bookstore natin ng scratch paper hu?"paalam nya sa mga classmate saka lumabas dala ang wallet nya.
Nagulat sya ng may bigla na lang humablot ng wallet nya ng nag-lalakd sya sa corridor pababa ng ground floor. Nilingon nya kung sino iyon laking gulat nya ng makita ang nakangiting mukha ni MinHo hawak ang wallet nya.
"Pabaya ka talaga. Hindi mo man lang hinahawakan ng mahigpit ang wallet mo."asar pa nito. Saglit na hindi naka-galaw si JiYeon. Nang maka-recover ay doon lang nito pilit na inagaw ang wallet kay MinHo.
"Akin na yan."mahina pero mariin nitong saad. Kaya lang ay iniwas ito ni MinHo palayo sa kanya.
"Bakit ba ang sungit mo?"natatawang sabi ni MinHo.
"Akin na sabi yan!"sigaw ni JiYeon. Naiinis ito dahil nag-pakita pa si MinHo, para ano? Para manumbalik angh feelings ni JiYeon sa kaniya? Bakit pa ito nag-pakita sa harapan nya? Hindi nya tuloy alam ngayon kung ano pa ang gagawin niya. Para syang mababaliw.
Nabigla naman si MinHo kaya otomatikong ibinalik nito ang wallet kay JiYeon. Nang makuha iyon ni JiYeon ay nag-walked out na ito pero hinabol ito ni MinHo.
"JiYeon! Sandali!"hinawakan nya ito sa kamay. Kita parin ang mark ng paso sa kamay ni JiYeon. Tinitigan ni MinHo ang paso na sya ang may gawa. Napansin iyon ni JiYeon kaya agad nyang binawi ang kamay. Nakawala nga sya pero kabilang kamay naman ang kinuha ni MinHo. This time ay ang mark naman ng pag-kakasugat ni JiYeon sa blade ang tinitigan ni MinHo ksaunod ang maliit na keloid sa braso nito. Agad ding binawi ni JiYeon ang kamay sa pag-kakahaw ni MinHo. Halata sa mukha ni MinHo ang guilt at awa habang nakatingin kay JiYeon. Wala itong masabi sa kanya. JiYeon can't stand the awkward moment kaya naman sya na ang naunang umalis. Naiwan namang mag-isa si MinHo na tila ba pinag-sisisihan ang maling bagay na nagawa nya. Ano na ngayon ang gagawin nya?
ngayon hinahabol mo siya! omg! this is getting more exciting!
ReplyDeletei so~~~~~~~~~~~~ lyk wats happenin! s wkas nmn dumting n ung part n aq nmn ang hhbulin! ngayon minho, ipkita mng deservng k! aba khit nmn patay-n ptay aq sau, magpp-demure p rin aq noh! at tska, ang dmi qng heartaches sau ha... thank u po ate! i super, super, duper, duper, mega, mega love u n tlga!
ReplyDeleteANG TAGAL KONG SILENT READER BUT FINALLY NAKAPAG-COMMENT NA DIN. KASO ANONYMOUS LANG DAHIL WALA PO AKONG ACCOUNT DITO EH. LOVE YOUR STORY! I'M SO INLOVE WITH SHINEE NA DIN BECAUSE OF THIS! MORE POWERS PO ATE!!..
ReplyDelete-ALAIZA