CHAPTER SIXTEEN
GABI NA ng matapos sina JiYeon sa ginagawa nilang design. Mag-kahalong saya at proud sa sarili at sa mga kasama ang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon. Ngayon na tapos na sila sa design uumpisahan na nila ang pag-tahi dito. Kasama din kasi sa tarbaho nila ang tahiin ang dinesenyo nila. Si JiYeon ang nakatoka para mag-hanap ng tela kaya naman kailangan nyang gumising ng maaga bukas para mamili.
Lupay pay ang katawan nya habang nag-lalakdd sya pauwi ng bahay nila. Masakit kasi ang katawan nya at gustong gusto na nyang humiga sa kama para mag-pahinga dahil pagod na pagod na sya. Bigla nya tuloy naalala yung mga panahon na naramdaman din nya ang ganun kay MinHo. Pagod na pagod na para bang hindi na kakayanin pang makatayo pag nasubukan mo ng humiga. Napabuntong hininga na lang si JiYeon. Past is past, hindi na dapat balikan. Pero may mga panahon na kailangan mo talagang balikan ang nakaraan para matuto sa kasalukuyan ng sa ganun ay hindi ka na mag-kamali sa hinaharap.
Salamat at narating din ni JiYeon ang bahay nila. Pakiramdam nya biglang lumayo ang bahay nila dahil matagal bago sya nakarating. Papasok na sana sya sa gate ng may biglang tumawag sa likuran nya. Pag-lingon nya si MinHo pala iyon. Natigilan sya at natulala saglit. Hindi kasi sya makapaniwala na si MinHo nga ang nasa harapan nya.
"Kamusta?"pangangamusta pa ni MinHo. Saka lang natauhan si JiYeon.
Tanong ang isinagot ni JiYeon. "Anong ginagawa mo dito?"may halong inis sa boses nito.
"Gusto lang kita kamustahin."naiilang nitong sagot. Mukhang naramdaman nito na hindi ito welcome kay JiYeon.
Inismid sya ni JiYeon bago sumagot. "Ayos na ko. Pwede ka nang umuwi."saka ito tuluyang pumasok sa loob. May patama ang sinabi ni JiYeon na 'ayos na ako'. Mukhang gusto nyang ipahiwatig kay Minho na okay na sya, wag na sanang mangulit pa si MinHo at ipilit ang sarili sa kaniya dahil baka umulit nanaman ang pag-kakanmali nya at yun ang hindi nya gagawin.
Kinabukasan, maaga ngang nagising si JiYeon. Mabilis syang naligo at nag-ayos saka nag-handa para umalis. Nasa mood na sya at ayaw nyang masira iyon dahil kailangan ya yun para sa pag-hahanap ng magandang klase ng tela. Nasira ang lahat ng lumabas sya sa gate at si MinHo agad ang nakita nya. Naka-ngiti ito na para bang walang bukas. Pareho parin ang suot na damit nito kahapon. Mukhang hindi ito umuwi.
"Good Morning!"masayang bati nito kay JiYeon.
Inismid ito ni JiYeon at nag-patiunang nag-lakad. Hindi ikinatutuwa ni JiYeon ang ginagawang iyon ni MinHo. Ano bang pakay nito? Ang paibigin ulit sya? Tapos ano? Papaasahin sya hanggang sa huli babagsak nanaman sya sa pag-kakamali nya nang una? No way! Ayaw na nyang maulit pa yun! But why is this guy so persistent? Ano bang binabalak nito? Nakakainis na para kay JiYeon.
"JiYeon!"tawag nya habang hinahabol nya ang mabilis na lakad ni JiYeon. Hindi sya nito nililingon. "Sandali lang! Bakit ba ang bilis mo mag-lakad?"reklamo nito. Huminto si JiYeon at galit syang hinarap.
"Wag kang sumunod kung ayaw mo ng mabilis na lakad!"sigaw nito bago tinalikurang muli si MinHo.
"Galit ka ba?"wika ni MinHo.
Napapikit sa inis si JiYeon. Humarap ulit ito kay MinHo. "Obvious ba?! Pwede ba! Wag mo na ako sundan! Nakakainis ka na!"galit na galit na talaga ito. Gulat ang naging reaksyon ni MinHo ng makita sa ganung state si JiYeon. Pero sa halip na sumuko ay mas ginanahan pa si MinHo na suyuin si JiYeon.
"Hay! Bakit ba ang sungit mo? Hindi ka naman ganyan sakin dati?"reklamo nito sa ipinapakitang kagaspangan ni JiYeon. Hindi sya sinasagot nito, nag-patuloy lang ito sa pag-lakad. "Yah! Bakit ayaw mo ko kausapin? JiYeon!"pilit nyang inaabot ang braso ni JiYeon pero pilit din itong iniiwas ni JiYeon. "Sandali!"sa huli ay nahawakan ito ni MinHo at pinihit paharap sa kaniya si JiYeon. Kaya lang ay na-out of balance si JiYeon kaya naman sa halip na mapaharap ito ay natumba ito. Mabuti na lang at maagap si MinHo at nasalo nya si JiYeon.
Matagal na nasa ganung posisyon ang dalawa. Napakunot ang nuo ni MinHo ng may kakaiba itong naramdaman. Kilala nya ang pakiramdam na yun. Iyun din ang kaba naramdaman nya ng una silang mag-kita ni JiYeon. Kaba na akala nya ay dala ng pag-kainis nya dito ng sabay silang matumba sa hagdan. ito rin ang kaba na nararamdaman nya sa tuwing mag-kasama sila ni JiYeon at sa tuwing nakikita nyang nakangiti si JiYeon. Ano ba ang ibig sabihin ng pakiramdamn na yun na madalas nyang nararamdaman sa tuwing kasama nya si JiYeon. Kaba na ni minsan ay hindi nya naramdaman kay HaRa.
Nang matauhan si JiYeon ay agad syang tumayo at itinulak si MinHo palayo sa kaniya. Samantalang si MinHo naman ay inaanalisa parin ang nararamdaman nya.
"Nakakainis!"sigaw ni JiYeon saka nag-mamadaling lumakad palayo kay MinHo.
"Ano ba yun?"tanong ni MinHo sa sarili. Pag-lingon nya kay JiYeon nakita nyang pasakay na ito ng bus. Hahabulin pa sana nya ito kaso lang unti unti na syang na-re-recognized ng mga tao na kanina naman ay wala doon.
MATAPOS ni JiYeon mamili ng mga tela ay dumiretso na agd ito sa school para ihanda ang lahat. Ilang saglit pa ay dumating na ang mga classmates nya at sinimulan na nila ang pag-tatahi ng mga damit. Habang tinatahi nila ang mga ito ay biglang pumasok sa isip ni JiYeon ang SHINee. Ganung ganun kasi ang style ng SHINee, colorful fashion. Napangiti na lang sya na may halong lungkot saka nag-patuloy na sa ginagawa.
Nag-break muna si JiYeon dahil gusto nitong uminom ng kape. Nang palabas na sya ng school para pumunta sa isang coffee shop malapit sa school nila ay nasalubong niya bigla si Onew. Ikinagulat nya iyon dahil hindi nya naman inaasahang bigla na lang susulpot sa harapan nya si Onew.
"Onew!"halata ang pag-kabigla sa boses ni JiYeon. Ngumiti si Onew bago nag-salita.
"Kamusta ka na?"pangangamusta nito.
Ngayon ay naroon na sa coffee shop ang dalawa. Sa una ang tahimik ang mga ito. Nakatingin lang si Onew sa kaniya habang si JiYeon naman ay nahihiya dahil nga bigla na lang itong nawala at ni hindi man lang ito tumawag o nag-text sa kanila. Binasag ni Onew ang katahimikan.
Inilapag ni Onew ang cellphone nya sa lamesa bago nag-salita. "Next week na ang launching ng new album namin. Sana naman pumunta ka. Pero sa tingin ko kailangan mo talagang pumunta."paunang sabi nito.
"Hindi ko na kailangang pumunta no. Ano namang gagawin ko dun? Isa pa hindi na ako ang road manager nyo."wika nito ang ibig sabihin ay tinatangihan nito ang imbitasyon ni Onew.
"Yung damit na deni-design nyo-"hindi pa man tapos si Onew ay sumingit na agad si JiYeon.
"Yun ba? Project namin yun. Napansin mo rin ba na style nyo yun? Ang ganda nga e. Next week na ang presentation nun kaya minamadali namin."anito. Natawa si Onew.
"Oo nga. Style nga namin yun."humigop ito ng kape, pag-kuway inilipat nito ang topic kay MinHo. "Si MinHo-"pero muli nanamang pinutol ni JiYeon ang sasabihin nya.
"Ayaw ko na pag-usapan yun."iwas nya. Saglit na natahimik si Onew. Tumango ito saka ngumiti.
"Naintindihan ko."wika niya.
"Kung alam ko lang na ta-traidurin ako ng mga memories na ginawa ko kasama sya sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko na gawin yun."saad ni JiYeon. "Ang hirap bumitaw sa tuwing may mag-papaalala sayo tungkol sa kanya. Ang hirap mag-patawad sa tuwing mararamdaman mo yung sakit ng nakaraan mo sa kaniya. At ang hirap mag-tiwala ulit kung sa tuwing maaalala mo kung papaano ka nya ilang beses na tinanggihan."ang nang-gigiglid na luha ni JiYeon ay tuluyan nang tumulo. Pinilit nyang matawa sabay punas sa mga luha. "Pasensya ka na. Medyo emosyonal ako kasi pagod ako sa pag-tatahi."dahilan nito. Kinuha ni JiYeon ang tissue na nasa harapan niya pinunasan ang luha.
Samantala, hindi naman malaman ni MinHo kung maininis ba sya sa sarili o hindi. Sa mga narinig nyang sinabi ni JiYeon sa kabilang linya. Naroon sya ngayon sa tapat ng school ni JiYeon nag-hihintay. Kararating niya lang kasi kaya hindi nya alam na lumabas si Jiyeon. Kaya pala tawag ng tawag sa kaniya si Onew kanina dahil may gusto itong iparinig sa kaniya. Gusto palang iparinig ni Onew sa kaniya ang nararamdaman ni JiYeon. Napasapo sya nuo, galit sya sa sarili. Pakiramdam nya ay ang sama sama nyang tao. Bigla nyang naalala ang mga ginawa ni JiYeon para sa kaniya. Lahat ng sakripisyo nito para sa kaniya. Lahat ng sakit, sugat na ginawa nito para sa kaniya. Ni minsan hindi nya man lang nasukliaan lahat yun. Nahihiya na syangg humarap pa kay JiYeon. Nawawalan sya ng lakas ng loob na harapin ito. Ano na ngayon ang gagawin nya?
Nag-paalam na si JiYeon kay Onew dahil babalik na sya sa school. Baka hinahanap na rin sya ng mga kasamahan nya. Hindi pa man sya nakakapasok sa gate ay sinalubong na sya ni MinHo. Pareho silang walang imik, pareho lang nag-tititigan. Si JiYeon ang naunang umiwas at nag-pumilit na lumakadpalayo pero pinigilan sya ni MinHo.
"JiYeon."aniya. Tahimik lang na nakikinig sa kaniya si JiYeon. "Alam ko huli na para sabihin ko 'to."parang maiiyak ito habang nag-sasalita. "Pero-sorry."wika niya. Napapikit si JiYeon at naluha. Agad nyang pinunasan ang mga luha dahil ayaw nyang makita iyon ni MinHo. "Gusto kong makabawi sa lahat."dugtong pa nito. "Kaya sana pag-bigyan mo pa ko."
Hindi nag-sasalita si JiYeon dahil hindi rin naman nya alam kung ano ang sasabihin. Inalis ni JiYeon ang pag-kakahawak ni MinHo sa kamay niya. "Patunayan mo."saka ito lumakad palayo. Sa sinabing iyon ni JiYeon ay muling nabuhayan ng loob si MinHo. Para sa kanya iyon ang sign na binibigyan sya ng pangalawang pag-kakataon ni JiYeon at ipinapangako niya hindi lamang sa sarili kundi maging kay JiYeon na gagawin nya ang lahat para lang mapatawad sya nito.
grbe lungs!!!!!!!!!!! aq n kinikilig n prang timang! nsbihan p aq n bliw ng mga clasm8s q dhil s comshop lng aq ngbbsa ehhh.... hwaaaaaaaaa!!! pinpbsa q n nga rin s knila iba mng gingwa! hihhhihih!
ReplyDeleteKYAAAAAAAH! I LOVE THIS!
ReplyDelete