Chapter 17
-Janus’ POV-
Yung babaeng yun.. Kahit kelan talaga napakaingay!
Tss! -__- At talagang todo tanggi pa siya kahapon, eh si Cloud naman talaga ang
dahilan kung bkit dito siya nagstay. Psh. Ganun ba talaga kalakas ang tama niya
dun? Kelan lang naman sila nagkakilala? Pero sa pagkakaalam ko, una niyang
nameet ang lalaking yung sa restau kung saan ito nagtatrabaho. Baka naman
isipin niyong stalker ako ng Pikachu na yun! Di na. Kahit pa attract—ah sht!
Kinuwento lang kasi sakin yun ni Vincent at Maxene, okay? Kahit hindi ako
intersado. Psh! At ang sabi pa nung dalawa pinagtripan pa daw ito ng mokong ah!
Hahahaha. Tch. Di na ko magtatataka, kahit ako napagtripan niya din nang una
kaming magkakilala.. Kakaibang babae tlaga!
“Booo!”
“Wtf!” napasigaw kong sabi. Tae! May manggulat ba
naman sa’yo eh!
“Shet! Ang sama mo naman palang magulat Bulbasor!
Hahaha! Ano? Wtf?! Sapakin kita diyan eh!!”
Huh?!! O_O Tae. Si Alex pala!!! Tsk. Napamura pa
ko!! Ay! F talalaga!
“-__-”
“Hihihi! Peace men! ^__^V” she said. Psh. Kwela
talagang babae. Tumabi siya sakin..
“Loner lang, Buls? Haha. And yeah, same place again”
she said. Nandito kasi ulit ako sa school park. And yeah, same place kung saan
kami nagkausap nung isang araw..
“Wala lang, mas gusto ko dito. Ta.hi.mik. Kaso, wala
eh, here you go again..” I said, gusto ko lang siyang asarin.. ang dali kasing
mapikon eh. Hahaha.
“Ayt. Chuseraaaaa! HAHAHA. Edi lalo akong
mag-iingay! Bwhahah! Here I come. Ang ganda ganda ko eh” she said. May
pinagmanahan din talaga ang kayabangan nito -_- Sa bestfriend niya! Aba, at
hindi siya natinag sa pang-aasar ko ah. Tch.
“Pero, hindi nga Buls? Bakit ka nag-iisa? Galing ako
sa court kanina eh nandun sila nagpapractice ah”
Masakyan nga ang kayabangan. “Ah. So, hinanap mo ko
ganun? Haay, iba talaga ang nagagawa ng gwapo!” I said. At talagang nahawa na
nman ako sa kalokohan niya! Una, sa pokemon thingy na yan! Tch. At ngayon pati
sa pagiging conceited nitong babaeng ‘to! Psh.
“Yuck. In your dreams! Teka, ano ikaw? Gwapooooo?!
As in?!! Waaaaa” pag-iinarte niya at nagdrama pa siyang kunwari nasusuka..
“Tss. Nababaliw ka naman Pikachu” nasabi ko nalang.
“Kapal din pala ng pez mo nuh!! Pare-pareho talaga
kayong mga lalaki!” she said. At sa tono ng pananalita niya, parang may halong
galit? Oh? Anyare naman dito?!
Napikon?
“What do you mean?” tanong ko sa kanya dahil ko
masyadong nagets yung pare-pareho na yan? Tss! Anong pare-pareho eh di hamak na
mas gwapo ako kela Vincent?! -___- Di sa mayabang, pero yun tlaga ang totoo.
Sht. At saan ko naman napulot ‘tong kayabangan ko na
‘to ngayon? Ah, taeng yan oh!
“Watta slow poke pokemon! Duh!” she said. Aish, di
talaga mawawala ang kaartehan sa mga babae. Pero bagay din naman sa kanya.
Hahahah.
“Eh, sa hindi ko nagets eh. Now, tell me”
At sumeryoso talaga ang mukha niya.Eh? “You guys are
all the same. Parehas mayayabang!” she said. Ano mayabang? Psh. Aba, ako
mayabang?!
“Tch. And you girls are all the same. Parehas
maaarte.” Sabi ko naman.
“At bakit natural naman saming mga babaeng yun ah”
“Then likewise. Natural lang din naman saming mga
lalaki ang minsang magyabang!” sabi ko naman. At ano namang nangyari? Feeling
ko mag-aaway kami nito eh.
“So, natural lang din ang manloko ng babae sa inyo?”
she said? Huh?! Ano namang problema nitong babaeng ‘to?! Ano bang klaseng
tanong yan?!
I sighed.“Wag ako ang tanungin mo ng ganyan, Alex.
At pwede ba, wag kang mandamay. Wag mong nilalahat.” Asar na sabi ko sa kanya.
Lalaki ako. At feeling ko, natatapakan ang paglalaki ko sa kanya ah! Inosente
ako tae! At isa pa, ni hindi ko pa nga nagagawang manloko ng babae eh tapos ako
pang tatanungin nito at parang siya pa yung naloko ko! At ano na nman bang
kabaliwan ang nangyari dito!
“Masama na palang magtanung ngayon! Nagtanung lang
ako Bulbasor! Bakit ba masyado kang defensive sa tanong ko? At hindi ko
nilalahat! Kung tinamaan ka sa tanong ko, edi mas okay mas masasagot mo yung
tanong ko!” pasigaw niyang sabi. Ano bang nangyari at napunta sa lokohan ang
usapang ito! Pakshet! Kahit ako nababadtrip na!
“And what the heck are you trying to say, Alex?!”
Nakakainis ‘tong babaeng ‘to! Kanina okay ah. Tapos biglang mag-oopen ng mga
ganyang bagay at sakin pa magagalit?! Watdaeff!
“Nakakabwisit kang Bulbasor ka! I’m just asking so
don’t try to defend yourself! Just answer me” she said angrily. Buti nalang
konti ang tao dito! Ano bang pinagsasabi nitong babaeng ito!! Bigla-bigla
nalang mang-aaway!!! Fck!
At bakit ba bigla nalang uminit agad ang dugo niya
sa mga lalaki?!
“WHAT?!! Ako pa ngayon?! Ikaw ‘tong lalapit lapit
dito tapos bigla-biglang mang-aaway tapos ganyan ka?!! Kung may problema ka,
wag akong ang pagbuntunan mo ng galit mo!! We’re not too even close yet, Alex!!
Dammit!” pasigaw kong sabi sa kanya.. Habang siya, parang gulat sa inasal ko.
Badtrip eh!
Kung may problema siya sa mga lalaki niya, wag ako
ang idadamay niya! Palibhasa dami niyang crush! Tss!
Tumayo na ko. Badtrip! Sobrang badtrip!! Ang lakas
ng topak nitong Alex na ‘to!!! Aish! Bwiset na babae. “Don’t you ever try to
talk me again. We really don’t know each other’s yet. And don’t you dare
calling me..Bulbasor..AGAIN.” I said then umalis na.
I left her dumbfounded. Nagulat siguro sa inasal ko.
Napuno na talaga ako eh!
Nakakabadtrip! Dapat ba pati ako, idamay niya sa mga
lalaking manloloko?! Bakit, wala ding bang babaeng manloloko?! Tae! Hindi daw
nilalahat eh bakit ako ang kailangang tanungin niya sa mga ganung bagay!!!!
Bwisit talaga!
--
-Alex’s POV-
“Don’t
you ever try to talk me again. We really don’t know each other’s yet. And don’t
you dare calling me..Bulbasor..AGAIN.”
“Waaaaa! Huhuhu!! >//< ‘Emsodead! Huhuhu!”
“Tumigil ka na nga diyan ng kakaiyak mo! Nakakahiya
ka! Sabihin pa nila, pinaiiyak kita!” Cloud said. Waaaaa! Nandito ako ngayon sa
restaurant nila Cloud. Tatlong araw na din since nung nag-away kami!! Huhu! At
hanggang ngayon, umiiyak pa din ako sa nangyari. Eh kasi ba naman. Yung mga
tipong ganung mukha na katulad ng Bulbasor na aakalin mo tlagang hindi kayang
magalit eh, sinigawan ako dahil sa katangahan ko! Waa. Huhuhu! Nag-away kami!
“Don’t
you ever try to talk me again. We really don’t know each other’s yet. And don’t
you dare calling me..Bulbasor..AGAIN.”
Sht. Naalala ko na nman. Huhuhu. Ibig sabihin ba
nun, di na kami friends?
July 18 na din pala. At July 15 pa kami nag-away!
Friday! T_T Huhu. Halos isang buwan palang kaming friends nung pokemon na yun
pero nag-away na kami agad!
Bakit nga ba kasi pinairal ko na naman yung galit ko?
At kay Bulbasor pa na walang alam. Dapat kay Vincent nalang eh!Waaa! >_<
“Para ka namang nakipagbreak sa boyfriend mo eh. Sht
Alex. Akala ko ba ako lang?” Cloud said. Tae. Natawa naman ako sa drama niya!
Ang benta nun sakin ah! Bwhahaha!
“Pakyu!”
“Ayan, atleast napatawa kita. Ako diba dapat ang
pinapasaya mo? Remember?”
Cloud said. Sisipain ko ‘to eh! Kapal ng mukha!! F
na f niyang siya ang dahilan kung bakit dito na ko nag-aaral! Asa ka, Cloud.
Asaaaaaa!
“Ehhh. Ewan sa’yo *sniff* *sniff*” Naiinis pa din
ako sa sarili ko. Kung bakit ko inaway si Buls! Waa! Badtrip naman kasi si Mama
eh!
“Eh, sino ba yung nakaaway mo? Three days ago na
pala yan ngayon ka lang nagluluksa. Boyfriend mo ba? Or should I say ex?”
pang-aasar niya.
“Are you serious? Shet. Waley aketch boyfie noh!
Ewww!”
At siya namang parang nagulat pa sa inasal ko.
“Sht! Are you gay, Alex?! O_O Kaya ba, Alex yang
name mo, at ginawa mo lang Alexandra?!! Wtf!” he said. At ano namang katangahan
ang naisip bigla nitong Cloud na ‘to! Hell! Do I look like a gay?!!
*PAK*
“Sira-ulo! Masama na bang magsalita ngayon ng gay
words?! Ang arte mo! Tae!!!” pasigaw kong sabi kanya. Buset na ‘to!!
“Aray! Ang sakit nun Alex ah! Langya ka talaga!
Ayus-ayusin din kasi ang pananalita!” asar niyang sabi habang hinihimas himas
yung part na sinapak ko kanina. Bwahahahaha! Edi, ako na brutal! Ganun ba
talaga ako kasakit manapak? Hihihi.
“Tsk. Shemay! Ang sakit! Pwede ka palang maging
boksingero. Lalaki ka ngang talagang siguro. Tapos bakla tlaga, tapos nagpasex
change para maging babae?”
He said. ANO DAW?!! Talaga bang inaasar niya
ko!!!!!! Argh!!!!!
“Hoy, Mr. Cloud Matthew Vergara, you’re really
annoying na ah! Isa pa! Masasagad mo na talaga ‘tong pasensya ko!!” I said then
gave him a death glare! Grrr! Dapt si Maxene nalang pinagsabihan ko eh! Tch!
“Pikon mong babae ka!! HAHAHA!” he said then biglang
sumeryoso. “De, pero seryoso, ano nga bang nangyari ha? Tell me” he said. At
ayun nga nagkwento ako kay Cloud, pero hindi ko sinabi lahat. Hihihi.
“Loko ka pala eh, bakit nga naman siya ang
pagbubuntuan mo ng galit. Kahit ako magagalit pag ganun. Saka, ano ba yung
sinabi mo para ikagalit niya?” he asked. Waaaa! Ayan. Dapt sinabi ko na din
pala nung una sa kanya talaga ang lahat.
>_<
“Sabihin mo na nga diyan. -_-” he said at mukhang
naaasar na siya.
And shet! No choice ang lola niyo kundi ikwento na
din tlaga ang lahat lahat. -__- Mula sa nangyari sa house ng madir kowwww. DEAD!
“Pagkatapos, nung hindi niya masagot eh sobrang
nagalit ka na?! Ano bang biglang pumasok diyan sa kokote mo!! Naman!!” asar
niyang sabi.. Hala!! Waaa! Huhuhuh!
“Alam mo Cloud, you’re not helping eh. Kanina ka pa.
Really! Ako na nga ang mali diba? Tulungan mo naman ako kung paano magsosorry
sa kanya -_-”
“Edi, sabihin mo yung word na sorry. Problema ba
yun” he said coldly. Oh, ano namang problema nito bigla-bigla?!!!! Sinasaltik
na naman yata! Psh!
“Cloud naman eh---”
“Alex. Listen to this. Kung ako man yung sinabihan
mo nang ganun, tlagang magagalit ako. Alam mo yun? You don’t have the right para
sabihan mo siya ng ganun. Oo nga tanung lang yun. Pero isipin mo, lalaki siya.
Malay mo naman inosente yung tao tapos di niya tlaga alam ang isasagot tapos
bigla-bigla mo pang sisigawan.. Aba, sinong lalaking ang matutuwa dun? Parang
inapakan mo din yung pride niya nun. Tapos, halos isang buwan pa lang kayong
magkakilala oh. Isip naman, dude!” he said. Ouch! Edi ako na nga diba? Sorry
naman! Huhuhuh. Sige, kill me now! Mainit lang tlaga ulo ko nun. I was just
kinda problematic that day! >:( Di ko lang tlaga pinahalata. Waaa! Pero ito
namang si Cloud. Sus! If I know, may pinaghuhugutaan yan mga pre!
“Viola! Yung totoo, may pinaghuhugutan ka ‘tol?”
tanong ko sa kanya. Bwhahaha.
At umiwas naman siya ng tingin. Sus! Halata naman sa
taong ‘to!
“Ayaw pa kasi ishare yung problem niya. Hoho.” I
said
“Waste of time” he said that with some.. bitterness
in his tone? Haha
“Che! Ang arte mo!” sigaw ko sa kanya. Then, chineck
ko na din yung relo ko. Waa! 8:12pm napala. Hihi. Hiniram ko naman ‘tong si
Cloud kay Mangaer eh. Dapat kasi, 6pm start na siya sa work niya.. haba na din
pala ng naging usapan namin..
“Naku, alis na ko kupal—”
“KUPAL?!” pasigaw niyang tanong. At ano pa nga bang
bago? Palagi nalang niyang pinuputol yung pagsasalita ko.
“Asar ka na niyan? Hahaha” pang-asar ko.
“Umalis ka na ngang iyakin ka -___-”
“Aalis na talaga ko. Don’t ya worry”
“Buti naman.” He said hanggang sa makarating na kami
sa kotse ko..Kotse ko? Charuuuuut! Sa mamita ko ‘to. She’s in Cali right now
eh. So ayun, akin muna ‘to. Bwhahaha.
“Tss. May kotse naman pala, pahambog pa. Lakad lakad
pa pauwi. Tss” Cloud said.
“Oh, you mind so? Haynako. Watever. Bye, kupalkongklasmeyt”
I said nang makasakay na sa ko sa kotse.. Siyempre may driver ako! Di kaya ako
marunong. T____T
“Leche. Panira ng araw” he said at dinilaan ko lang
siya.. Hanggang sa makaalis na kami..
“Haaaaay.
Paano kaya ako magso-sorry sa kanya? >’<”
Naihhiya tlaga ako sa ginawa ko kay Buls. Nasigawan
pa tuloy ako niya! >//< Tapos.. tapos.. Waaaaa! Ah ewan!
--
Thank you sa patuloy na pagbabasa nito :))
*bow*
when i started to read this i got hook! nakakatuwa! hope you update more soon.
ReplyDeletei love it so mch! sobrng kinikilig tlga aketch!
ReplyDeletenkkkilig!
ReplyDeletegrabe!.. ano ba yan.. nawawala na ung poise ko kakatawa.. hahaha.. update na po pls ate,maawa ka!.. haha
ReplyDelete--DemiDoLL