CHAPTER SEVENTEEN
NASALUBONG ni MinHo si Onew sa salas pag-pasok nya ng dorm nila. Pareho silang nagulat sa isa't isa. Kaliligo lamang ni Onew dahil may hawak pa itong towel habang si MinHo naman ay kararating lang.
"San ka galing? Nawiwili ka sa labas ah."tanong ni Onew sa kaniya habang pinupunasan nito ang basang buhok.
"Hu?"hindi nito alam kung sasabihin ba nitong galing ito sa school ni JiYeon. "Ah-galing ako sa school ni JiYeon."sa huli ay umamin din sya. Bahagyang nagulat si Onew.
"Talaga? Ano naman ginagawa mo dun? Balak mo bang mag-aral?"kahit alam ni Onew ang dahilan ay hindi nya dinediretso si MinHo. Gusto nya na si MinHo mismo ang mag-sabi noon. Naupo sa sofa si Onew, kinuha nito ang remote na nasa kamay pa ng tulog na tulog na si TaeMin sa lapag saka inilipat ang channel ng T.V. Sumunod sa kaniya si MinHo.
"Onew."tawag nya dito.
"Bakit?"sagot naman ni Onew pero ang atensyon ay sa pag-lilipat ng T.V.
"Yung kanina-bakit mo ginawa yun?"pag-iiba nito sa usapan.
"Bakit? Ayaw mo bang malaman kung bakit ka biglang iniwan ni JiYeon?"prangkang sagot nito.
"Gu-gusto-sa-salamat."nahihiyang wika ni MinHo. Natawang lumingon sa kanya si Onew, umiling pa ito saka muling ibinalik ang atensyon sa pinanonood.
"Alam mo naisip ko hindi ang pag-mamahal ang nakakapag-pabulag sa tao kundi ang desire. Kung hindi lang sana ako nabulag noon hindi sana mag-kakaganito ang lahat ngayon."naguguluhan si MinHo. Bakit biglang nag-sasalita ng ganun si Onew?
"Onew? May nagawa ka na ba na pinag-sisisihan mo ngayon?"tanong nito.
"Ako?"natawa si Onew. "Marami. Kaya nga ikaw kung ayaw mong mabuhay sa pag-sisisi gawin mo kung anu yung alam mong makakapag-pasaya sayo. Iwanan mo yung alam mong makakasakit sayo."tumayo si Onew at lumapit kay MinHo. "Mag-lilimang taon na tayo. Tumatanda na rin tayo. Marami nang napatunayan ang grupo natin. Marami na tayong nagawa para sa sarili natin. Sa tingin ko panahon na para unahin naman natin yung iba."tinapik ni Onew ang balikat ni MinHo saka lumakad papuntang itaas habang pinupunasan nito ang basang buhok. Sinundan lang sya ng tingin ni MinHo.
Nakuha nya ang punto nito. Nitong mga nag-daang mga araw kasi walang ibang inisip si MinHo kundi ang sarili nya. Ni hindi nya napapansin ang mga nagagawa sa kaniya ni JiYeon. Ni hindi nya nga yata ito bapasalamatan eh. Kelan ba ang huling beses na nilambing nya ito kahit bilang kaibigan lang? Kelan nya ba huling nabigyan ng regalo ito para mag-pasalamat? At kelan nya ba huling nginitian ito para ipaalam dito na maganda ang ginawa nito? Wala na syang maalala dahil wala syang ibang inisip noon kundi ang sarili nya. Kaya ngayon nasasaktan si JiYeon.
TAKANG-TAKA si JungHyun habang pinapanood ang nag-bibihis na si MinHo. Ang dami kasi nitong sinusuot na dami. Nag-suot pa ito ng jacket kahit na mainit sa labas. Kumuha pa ito ng sumbrero at shades.
"Saan ka ba pupunta? Bakit naka-jacket ka? Ang init init sa labas."hindi na nakatiis na tanong ni JungHyun. Naroon sila ngayon sa kwarto ni MinHo.
"Wala ka na dun."nang ma-realized ni MinHo na kampante nakahiga sa kama nya si JungHyun habang nilalaro ang iPad nya ay agad nya itong sinita. "Teka nga muna! Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko? At bakit mo nilalaruan yang iPad ko?"inis na saad nito.
"Bakit? Masama na bang pumasok dito at gamitin 'tong iPad mo?"ito pa ang galit kay MinHo. "Ang ingay kasi ni Key sa kabila! Nakakarindi na! Hayaan mo muna ako dito kahit ngayon lang. Hu?"wika ni JungHyun na may pag-mamakaawa.
"Hay! Bahala ka!"saka ito lumabas ng kwarto. Nasalubong sya ni TaeMin sa may hagdan. Clueless syang sinundan ng tingin ni TaeMin pero nag-patuloy lang sya sa pag-lalakad.
"San pupunta si Hyung?"kunot nuong anong ni TaeMin kay Onew ng masalubong nya rin ito.
"Sa dapat nyang puntahan."ngumiti ito kat TaeMin saka inakbayan. "Tara! Order tayo ng pag-kain!"yaya nya dito na narinig naman ni Key sa likuran.
"Anong pag-kain hu? I-order nyo rin ako!"anito.
"Hay! Ang lakas talaga ng pandinig mo!"wika ni Onew na ikinatawa naman ni TaeMin saka sila dumiretso sa kwarto ni MinHo kung saan nananahimik si JungHyun. Nagulat pa ito ng mag-pasukan ang tatlo.
"Ano bang ginagwa nyo dito? Wag nga kayo dito!"reklamo ni JungHyun. Pero hindi sya pinansin ng mga ito. Naunang nag-dive si Key sa kama sumunod si Onew. Samantalang si TaeMin ay tinungo ang study table ni MinHo na naka-pwesto sa tapat ng bintana. Kinuha nya ang isang comic book ng bigla syang mapatingin sa labas. Tinitigan nya ang isang babae na alam nyang pamilyar sa kaniya. Nang mamukhaan ay agad syang naupo sa sahig para mag-tago.
"Naman! Ano bang ginagawa nya dito?"sumilay ang problemadong mukha nito. Ang babaeng iyon kasi ang pinag-kakamalan ng mga hyung nya na girlfriend nya. Ipinag-darasal lang nya na sana naman ay wag na nito ulitin yung ginawa nito noon na bigla itong papasok sa kwarto na naroon ang mga hyung nya dahil siguradong walang humpay nanaman ang asaran nun.
INIT NA INIT na si MinHo sa suot nya habang nag-hihintay sya sa labas ng school nila JiYeon. Lahat ng taong mapapadaan ay napapatingin sa outfit nyang balot na balot. Kung tutuusin ay pwede nya namang alisin iyon at mag-pakita sa mga tao. At kung tanungin man sya ng mga ito kung ano ang ginagawa nya sa school na yun ay pwede nyang idahilan na mag-e-enquire sya. Ang iniingatan nya lang ay baka mag-karoon ng issue tungkol sa kanila ni JiYeon. Baka kasi imbes na makabawi sya ay mas lalo pang mapalala ang sitwasyon nila ni JiYeon pag nag-kataong may lumabas na issue. Baka lalo lang syang layuan ni JiYeon at iyon ang ayaw nyang mang-yari.
Maya-maya pa ay nakita na ni MinHo si JiYeon na palabas. Kasabay nito ang mga classmate nya pero humiwalay din ng makarating sila sa gate. Hindi muna nilapitan ni MinHo si JiYeon. Mas minabuti nya munang sundan ito. Gusto nya munang humanap ng tyempo bago ito lapitan. Nilalakad lang nito ang sakayan ng bus. Nakita ni MinHo na napahinto si JiYeon ng may madaanan itong isang flower shop. Nakakuha ng idea si MinHo. Nang muling lumakad si JiYeon ay agad na nilapitan ni MinHo ang flower shop saka bumili ng tatlong pulang roses.
"Pakibigay naman po ito dun sa babaeng yun. Pero wag nyo po sabihing galing sakin."turo ni MinHo kay JiYeon na ngayon ay tumitingin ng mga tela.
"Okay."masayang wika ng tindera.
"Salamat po."sa puntong iyon ng makita ni MinHo na ibinigay ng tindera ang roses kay JiYeon ay doon lang nya naramdamang kiligin. Halata sa mga ngiti niya ang kilig habang hinahanap ni JiYeon ang taong nag-bigay sa kaniya nun. Sinundan parin nya si JiYeon at this time ay isang clothing shop na may pangalang Six to Five ang hinintuan ni JiYeon.
Ang may-ari ng brand na yun ang isa sa hinahangaan ni JiYeon pag-dating sa fashion. Talagang magaling ito at kilala ang brand nito hindi lang sa kanila kundi sa ibang bansa. Bukod pa doon ay kilala ding singer ang may-ari nun. Ngayon nga ay may sarili na rin itong Entertainment company, ang J.Tune Entertainment o mas kilala sa tawag na Rainy Entertainment ng mga tagahanga nito. Balang araw pangarap ni JiYeon na maging kagaya nya.
Pumasok sa loob si JiYeon, ganun din si MinHo. Pinag-mamasdan lang sya nito. At lahat ng damit na tiningnan ni JiYeon at kinukuha ni MinHo saka dinadala sa cashier. Nang mabayaran lahat ay inutusan nya rin ang sales lady na ibigay ang mga ito kay JiYeon pero wag sasabihin na galing sa kaniya.
Palabas na ng shop si JiYeon ng habulin sya ng siang sales lady dala-dala ang limang paper bag na itim. "Miss! Sandali."inabot nito ang mga iyon. Kwestyonable namang nag-salit salit ang tingin ni JiYeon sa paper bag at sa sales lady. Pilit na inaabot ng babae ang papaer bag.
"A-ano yan?"kunot nuo nitong tanong.
"May nag-papabigay po sa inyo."wika nito.
"Sa akin? Sino?"kunot nuo nitong tanong. Hindi nag-salita ang babae sa halip ay iniabot nito ang paper bag. Kinuha na lang iyon ni JiYeon. Nag-dadalawang isip pa sya kung kukunin nya o hindi dahil baka hindi pa ito bayad. Pero muling nag-salita ang sales lady.
"Bayad na po yan."
"Hu? Sino nag-bayad?"gulat na wika ni JiYeon. Ngumiti lang ang babae saka iniwan syang kwestyonable. Hanggang sa labas ay hindi iniisip nya kung sino ang nag-bigay ng mga roses at ng mga damit na yun. Pinakiramdaman nya ang paligid nya. Pinakiramdaman nyang mabuti kung may sumusunod sa kaniya. Para mahuli ay bigla syang lumingon sa likuran nya. Kaya lang wala na sa likuran nya si MinHo kundi naroon na ito sa harapan nya nakangiti ng ubod ng tamis at may hawak na bouquet of Hyacinth. May halo ito ng aqua blue at violet. Iyon ang pinili ni MinHo dahil humihingi sya ng sorry kay JiYeon. Nalaman nya kasing isa sa best "apology flowers" ang Hyacinth. Aqua blue hyacinth means sincerity and violet hyacinth means forgiveness for the recipient. Sa madaling salita sinsero talaga si MinHo sa pag-hingi ng tawad kay JiYeon.
Hindi agad naka-react si JiYeon. Hindi nya alam kung maiinis ba sya o kikiligin sa ginawa nito. Wala syang masabi kundi ang mag-walk out. "Teka! Sandali! Nag-effort ako ah!"habol nya dito.
Nakasimangot syang hinarap ni JiYeon. "Effort ba 'to?"ibinato nya ang mga paper bag kay MinHo maging ang tatlong piraso ng roses. "Hindi ko sinabing bumili ka ng mga ganito!"galit nyang wika.
"Bakit ba ang sungit mo?"parang batang tanong ni MinHo. Hindi sya sinagot ni JiYeon sa halip ay lumakad lang ito palayo. Nag-mamadali syang sinundan ni MinHo dala-dala ang mga paper bags, ang bouquet of Hyacinth. Isiniksik nya na lang ang tatlong roses sa bouquet para hindi na sya mahirapan sa pag-bitbit. Para syang alalay na sumusunod sa amo nya. Nang sulyapan sya ni JiYeon ay bigla itong nakaisip ng ideya. Kulang pa kasi ang tela na kailangan nila at iba pang materiales. Naisipan nyang ngayon na lang bumili tutal maaga pa naman. Nilingon nya si MinHo.
"Gusto mo ba talagang makabawi?"tanong nito. Huminto si MinHo at tumingin sa kaniya na may brighter smile. Tumango-tango ito. "Sumama ka sakin!"punuta sila sa bilihan ng mga tela. Maraming binili si JiYeon at lahat iyon ay pinabuhat nya kay MinHo. Hirap na hirap na si MinHo, tagaktak na ang pawis nito sa init dahil sa suot nitong jacket. Pero kailangan nyang mag-tiis alang alang kay JiYeon. Kahit pinahihirapan man sya nito ngayon ay masaya sya dahil unti unti na nyang nakukuha ulit ang loob ni JiYeon. Sana nga ay mag-tuloy tuloy na iyon.
ang feelers q n tlga! sbrng ntututwa aq s mga pangyyri! sobra p 2 s imagintions q! grabe! minho! kkkilig tlga!
ReplyDeleteang gnda n tlga ng mga nangyyri! kilig much aq!
ReplyDeletewaaaaaaaaaaah! kilig!
ReplyDelete