CHAPTER TWELVE
NAISIPANG ipag-luto ni JiYeon si MinHo ng hapunan. Ganadong ganado sya mag-luto may pakanta kanta pa sya ng Love Should Go On ng SHINee habang hinahalo nya ang bibimbap. Nang ready na ang lahat ay naisipan nyang ihatid ito sa kwarto ni MinHo. Pag-dating doon ay nag-taka sya kung bakit patay ang ilaw. marahan nyang inilapag ang hawak na tray ng mga pag-kain sa side table na malapit sa pinto saka binuksan ang ilaw. Ikinabigla nya ng makita si MinHo sa isang sulok ng kwarto tulala na para bang wala sa sarili. Dali dali syang nilapitan ni JiYeon.
"MinHo!"wika ni JiYeon. "Anong nang-yari? Okay ka lang ba?"nang subukan nya itong hawakan ay itinulak sya nito palayo. Nag-tataka si JiYeon kahapon lang ay okay ito ngayon ay wala nanaman ito sa sarili. "Ano bang problema?"sinubukan nya ulit itong hawakan pero muli rin syang itinulak nito, this time ay malakas na iyon kaya naman napaupo si JiYeon. Iniisip nya kung ano ang nang-yari dito, naalala nya ang news kanina tungkol kay HaRa at MinWoo. Baka napanood nito ang news kaya ganito nanaman ito ngayon.
Tumayo sya at kinuha ang tray ng mga pag-kain. "Tumayo ka na dyan. Hindi tama na nag-mumukmok ka. Ito nag-luto ako ng beef bulgogi at bibimbap, may sakuyaki din akong niluto. Kumain ka. Ang laki ng nang pinayat mo oh."inilapit nya ito kay MinHo, worse, tinabig ito ni MinHo dahilan para tumilapon ang mainit na pag-kain at sabaw ng sakuyaki kay JiYeon. Napahinga ng mamalim si JiYeon sa init ng sabaw. Umuusok pa kasi ito at kakasalin nya lang mula sa kumukulong laman ng kaldero.
Pakiramdam nya ay nalapnos ang mga kamay nya sa sobrang init ng sabaw. Hindi agad sya nakapag-salita, samantalang si MinHo ay nanatiling walang imik. Tumakbo si JiYeon papuntang banyo para basain ang napasong mga kamay at ilang parte ng hita nya. Sa ganoong akto sila naabutan ni Lin. Narinig kasi nito ang mga nabasag na mga plato kaya nag-madali itong umakyat.
"Diyos ko po!"napasapo ito sa dib dib dahil sa nakitang nag-kalat na mga basag na pinggan. Tinakbo din nya si JiYeon sa banyo. "JiYeon! Okay ka lang ba?"lalong nangasim ang mukha ni Lin ng makita nya ang paso sa kamay ni JiYeon. "Naku po! Teka lang! Kukuha ako ng gamot!"nag-tatatakbo ito pabalik sa ibaba para kumuha ng gamot. Ilang saglit lang ay naroon na ulit ito sa banyo dala-dala ang ointment para sa paso ni JiYeon. "Masakit ba?"nag-aalalang tanong ni Lin.
"Wag po kayong mag-alala. Okay lang ako. Ako na po ang mag-liligpit ng mga nabasag na plato."saad nito kahit sa loob loob nya ay sobrang sakit ng paso.
"Sure ka bang okay ka lang?"paninigurado nito. Sinubukang ngumiti ni JiYeon para makumbinsi sya.
"Opo. Ayos lang ako. Hindi naman ganun kalalim ang paso e."aniya.
"Sige. Hintayin kita sa baba. Titingnan ko ulit yang paso mo."wika ni Lin saka tuluyang bumaba.
Bumalik si JiYeon sa nabasag na mga plato. Hanggang nagyon ay naroon parin si MinHo, tulala at walang reaksyon. Baliwala lang dito ang lahat. Para na itong bulag, pipi at bingi. Masama ang loob ni JiYeon pero hindi na magawang magalit dito. Pilit parin nyang iniintindi ang nararamdaman nito. Pilit nyang sinasaksak sa kokote nya na may pinag-dadaanan ito kaya ganito ito. Kailangan nyang itong intindihin.
Tahimik sya habang pinipulot ang mga piraso ng nabasag ng plato, mangkok at baso. Kumuha sya ng basahan para punasan ang basang sahig at walis tambo para punasan ang nag-kalat na pag-kain. Tiningnan nya si MinHo, pati pala ito ay natalsikan ng natapong pag-kain. Bumuntong hininga sya at sinubukang punasan si MinHo pero gaya kanina ay tinulak lang sya nito. Muli nyang sinubukan pero ganun parin. Napuno na si JiYeon kaya hindi na nito napigilang ilabas ang sama ng loob.
"Ano ba! Dahil lang sa isang babae nag-kakaganyan ka? MinHo! Hindi lang sya ang babae sa mundo! Hindi lang sya ang nag-mamahal sayo! Gumising ka naman! Wag mong hayaang masira ang buhay mo dahil lang sa kanya!"nang hindi na mapigilan ni JiYeon ang mga luha ay agad itong tumayo at lumabas sa kwarto. Tumakbo ito papunta sa kwarto nya saka doon umiyak.
Sa unang pag-kakataon ay nailabas nya ang sakit na nararamdaman nya. Siguro nga ay naipon na ito sa dib dib nya kaya sumabog na. Hindi na naman kasi tama ang ginagawa ni MinHo.Galit sya hindi dahil napaso sya ng sabaw na itninapon ni MinHo, galit sya dahil sinisira ni MinHo ang buhay nya dahil lang kay HaRa. Hindi iyon ang MinHong nakilala nya. Malayong malayo sa isang charismatic idol na nakilala nya. Ngayon ang unang pag-kakataong nakita nya itong walang charisma.
Gusto nya ng kausap, gusto nya ng mahihingahan pero sino? Si Onew? Baka nakaka-istorbo lang sya dito. Pakiramdam nya ng mga oras na iyon ay nag-iisa sya. Kung kailan kailangan nya ang ate nya saka naman sya hindi makalapit. Dahil siguradong pauuwiin sya nito ng wala sa oras kapag nalaman nito ang sitwasyon. Hindi din nya masabi sa mga kaibigang sina Aiko at Mina na na-in-love na sya kay MinHo, nangako kasi sya sa mga ito. Pero hindi nya natupad ang pangakong iyon kaya nahihiya syang aminin sa mga ito. Sa huli ay kay Onew din ang bagsak nya.
Tatlong ring pa lang ay agad nang sinagot ni Onew ang tawag ni JiYeon. "JiYeon? May problema ba kay MinHo?"tanong sa kabilang linya.
"Hu-ah-wala naman. Tu-tumawag lang ako kasi-ano-kasi-"hindi nito masabi ang punto kaya si Onew na ang nag-sabi poara sa kaniya.
"Kasi nga may problema ka kay MinHo. Bakit ano nanaman ba ang ginawa nya?"wika nito.
"Ano kasi-hindi sya kumakain. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."saad nito pero hindi naman iyon ang gusgto nitong sabihin kay Onew.
"Ganun ba? Sige, pag nag-karoon kami ng free time susubukan kong dumalaw diyan. Ngayon kasi pinag-hahandaan namin ang launching ng album. Gusto ko rin makausap si MinHo dahil gusto kong kumpleto kami pag-launch ng album."sabi ni Onew na may kaunting guilt sa tono ng boses.
"Talaga? Susubukan ko rin lang syang kausapin baka maging okay na sya. Sige, baka nakaka-istorbo ako sayo. Good Luck sa preparation nyo."napalayo pa tuloy ang usapan nilang dalawa.
"Salamat. Uhm-JiYeon, alam kong nahihirapan ka na kay MinHo. Pero sana naman hindi ka parin mag-sawang initindihin sya."pag-kuway wika ni Onew.
"Hu-"natawa si JiYeon. "Okay lang ako. Ako nang bahala sa kanya. Wag kayong mag-alala dyan."
"Salamat ulit. Pasensya ka na hu?"pag-hingi ng tawad ni Onew.
"Okay lang. Sige. Bye na."putol nito sa usapan.
"Okay. I'll see you soon."doon lang naputol ang linya. Napakamot na lang sa ulo si JiYeon. Ang layo nang pinag-usapan nila sa totoong pakay nya. Sunod nyang tinawagan ang ate nya. Susubukan nyang aminin dito ang totoo at kukumbinsihin nya itong okay lang sya para hindi sya nito pauwiin.
Dalawang ring lang ay sumagot agad ang ate nya. "Hello? JIYeon? Kamusta ka naman dyan? Kung hindi ka okay umuwi ka na lang dito. Hindi mo naman kailangang isakripisyo ang pag-aaral mo para lang makasama ang palaaway na MinHo na yan e!"tama nga ang naisip nya. Pauuwiin talaga sya ng ate nya kapag nalaman nito na hindi sya okay.
"Ano ka ba ate! Okay lang ako dito! Kaya nga tumawag ako para sabihin sayo yun. Wag ka mag-alala ayos lang talaga ako. At saka yung tungkol kay MinHo. Misunderstanding lang yun."pinag-tangol pa nito si MinHo sa kabila ng pag-sisinungaling nito.
"Siguraduhin mo lang na okay ka dahil kung hindi ako mismo ang susundo sayo dyan!"wika ng ate nya.
"Oo. O sige ate matutulog na ko. Good Night."sya na ang naunang nag-off nang phone nya. "Hay! Ang hirap naman mag-sabi ng nararamdamansa ibang tao!"mas lalong napakamot ito sa ulo. "Sana naman okay sina Aiko at Mina!"sinubukan nyang tawagan si Mina pero busy ang line nito kaya si Aiko na lang ako tinawagan nya. Isang ring lang ay agad na sumagot si Aiko.
"Hello? JiYeon! Balita ko lalabas na daw ang fourth Mini Album ng SHINee entitled Sherlock! Uy! Kwento mo naman yung tungkol sa album!"excited na bungad ni Aiko sa kanya sa cellphone.
"Ah-Oo nga. Malapit na. Abangan mo na lang sya, sigurado akong mas magugustuhan mo sya sa mga nakaraang album nila."nag-promote pa sya ng wala sa oras.
"Grabe! Excited na talaga ako! Ano kaya ang new hairstyle ni baby TaeMin ko?!"kinikilig pang wika ni Aiko sa kabilang linya. Pilit lang na natawa sa kaniya si JiYeon. "Uy! Sige! Nag-re-review pa kasi ako. May entrance exam pa kasi ako bukas. Next time na lang ulit."yunlang at ibinaba na ni Aiko ang phone.
Entrance exam? Nag-paulit ulit sa isipan ni JiYeon ang salitang iyon. Oo nga pala, May 30 na bukas. Bukas din dapat ang entrance exam nya sa UP kung hindi nya lang sya nag-presinta sa trabahong ito. Hindi sana sya nasasaktan ng ganun ngayon. Hindi sana sya nag-titiis ng ganun ngayon. Sana ay pinu-pursue nya ngayon ang pag-aaral nya ng designing. Parang bigla tuloy syang nag-sisi sa ginawa nya. Bigla syang nag-duda sa sarili nya kung tama ba o mali ang naging desisyon nya. Pero ano pang magagawa nya? Naumpisahan na nya, ituloy itloy nya na lang. Bahala na kung ano ang ending.
~>angel is luv<~
ReplyDeletesana may picture nga ni taemin with his new hairstyle. hehe. nakiki-fangil lang po.
this is really nice.. thanks for the update author!
ReplyDeletewelcome po ..
Deleteohmyghad! naiiyak aq ate! at sakit-sakit dn ng pkiramdam q hbng binbsa 2! aqng-aq yan! ipgpplit ang up pra lng kei minho! ang oa q peo 220 un gnun ggwin q s 22ong buhay tlga! peo ang ms maskit jan, ang martir q! hwaaaaaaaaaaaa!
ReplyDelete