Tuesday, July 3, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 8


CHAPTER EIGHT

         Matapas mag-banyo ni TaeMin ay dumiretso ito sa lababo para mag-hugas ng kamay. Katatapos lang ng kasi ng solo guesting nito sa isang show habang ang mga hyung naman nito ay may kaniya-kaniyta ding shows ngayon. Sinilip nya ang sarili sa salamin at inayos ng daliri ang nagulong hibla ng buhok tapos ay nag-tungo ito sa tissue dispenser para kumuha ng pamunas sa kamay niya. Pag-kuway napapisik sya ng may piglang pumasok sa loob na ibinagsak ang pinto. Nang silipin nya ito ay bumulaga sa kaniya ang isang babaeng naka-pink na dress, may maliit itong bag pack na pink, naka-rubber shoes ito at nakasuot pa ito ng sumbrero na may parang tenga ng baboy.

         Napahinto si TaeMin habang ang babae ay wala paring kaalam alam na may tao sa unahan nya dahil busy sya sa pag-ling-ling sa likuran nya. Kaya naman ng humarap sya ay napaatras sya ng makitang wala ng isang pulgada ang lalo nila sa isa't isa. Nang-lalaki ang mata ng babae. kwestyonableng mukha naman ang isinagot ni TaeMin. Nang ma-realized ng babae na maling C.R ang pinasukan nya ay agad syang tumalikod kay TaeMin at nahihiyang humingi ng sorry.


        "So-sorry."utal nitong sabi.


        "Buti ako lang ang tao dito. Hindi mo ba nakita yung sign? For boys ang c.r na 'to."paliwanag ni TaeMin sa kanya.


        "Hi-hindi e."nahihiya parin ito.


        "Ganun ba? Okay. Sige next time tingnan mong mabuti. Baka mamaya matyempuhan mong maraming tao."payo ni TaeMin bago nag-paalam sa kanya. "Una na ko."anito. Pero nang palabas pa lang sya ng C.R ay hinawakan sya sa braso ng babae.


        "Teka sandali!"tawag nya dito. Napalingon si TeaMin.


        "Bakit?"kunot nuong tanong nito.


        "Pwe-pwede bang akin na lang yang suot mong jacket?"nakasuot kasi ng jacket si TaeMin na pinaiilaliman ng pulang T-Shirt. Hindi agad naka-imik si TaeMin, pinasalit salit pa nya ang paningin sa jacket nya at sa babaeng humihingi nito. sa huli ay ngumiti ito at ibinigay ang hinihingi nga babae.


       "Heto."pag-abot ni taeMin ay agad iyong kinuha ng babae at isinuot. Tapos ay dali dali nitong bunuksan ang bag para kuhain ang isang jeans. walang ano ano ay isinuot ito ng babae sa harapan ni TaeMin. Nang-laki ang mata ni TeaMin. Otomatikong napa-talikod ito sa babaeng nag-papalit ng jeans, nag-tuck-in pa ito ng dress para hindi halatang nakasuot nga ito ng dress. Parang wala na itong pakialam kung babae man o lalaki ang nasa harapan nya ang importante ay masuot nito ng mabilis ang jeans. Dali dali nitong tinali ang mahabang curly hair saka isinuksok ang hood sa ulo. Kinuha nito ang mga laman ng bag at inilagay sa bulsa ng kaniyang jeans.


        "Sayo muna yan."naiilang namang kinuha iyon ni TaeMin. "Salamat sa jacket. Ibabalik ko na lang 'to. Sayo muna yang bag ko. saka ko na kukunin pag-balik ko nito sayo."aalis na sana ang babae pero bumalik ulit ito, "Paki-ingatan lang. favorite ko kasi yan."paalala pa nito bago tuluyang umalis.


        Dahil sa pag-kabigla hindi rumehistro sa utak ni TaeMin ang mga pinag-sasabi ng babaeng umalis. Tiningnan nya ang bag na pink nang makita nyang may maliit na tag sa hawakan ng zipper ay bninasa nya ito. "Piggy Loves Pink?"kunot nuo nyang wika.


        Habang pabalik sya sa waiting room ng SHINee ay nasa isip nya parin ang mga sinasabi ng babae na hanggang ngayon ay hindi nya parin maisip ang meaning. Naroon na sila JungHyun at Key ng pumasok sya. Kunot nuo syang tiningnan ni Key nang mapansin nito ang hawak na pink bag ni TaeMin.


        "Ano ba yang hawak mo?"tanong nito.


        "Hu?"wala sa sarili nitong sagot.


        Lumapit si Key sa kaniya at kinuha ang hawak nyang bag. "Sabi ko ano ba 'tong hawa mo?"inikot ikot ni Key ang bag. "Bag? Bigay sayo ng fans mo 'to?"natatawang tanong ni Key. Lumapit naman si JungHyun.


        "Kelan ka pa nahilig sa pink?"maging si JungHyun ay natatawa sa kanya. Sinuot ni Key ang bag samanatalang inakbayan naman ni JungHyun si TaeMin.


        "Binigay yan sakin ng babae sa C.R."parehong nagulat sina JungHYung at Key sa sinabi ni TaeMin.


        "Ano?"sabay din nilang tanong dito.


        "C.R? Saang C.R?"saad ni Key. Nang ma-realized ni TaeMin na nakakahiya sa mga Hyung nya kapag sinabi nyang sa C.R ng mga lalaki ibinigay ng babaeng ito ang bag na iyan kapalit ng jacket nya, siguradong hindi sya titigilang asarin ng mga ito kaya naman naisipan nya na lang mag-sinungaling.


        "Sa labas ng C.R. Binigay nya sakin yan kapalit ng jacket ko. Sabi nya ibabalik nya naman daw."kwento pa nito.


        Pareho uling natawa sina Key at JungHyun. "Aigoo!"hinimas nya ito sa ulo. "Palusot lang nya yun. Ang totoo yung jacket mo talaga gusto nya."wika ni JungHyun.


        "Pano nya naman ibabalik sayo yun? Maliban na lang kung pumunta sya sa dorm at kusang  ibalik sayo yun."singit naman ni Key habang pinanunood ang sarili sa salamin suot ang bag. Doon lang naliwanagan si TaeMin. Pero okay lang, luma na rin naman ang jacket na yun. Nilingon nya ang bag, naisip nya na lang na itago yun dahil baka nga bumalik ang babae at kunin muli ang bag. Naalala nya ang sinabi nito kanina na ingatan nya ang bag dahil favorite nito iyon.


        "Nasaan si Noona?"pag-iiba ni TaeMin sa usapan ng mapansin nyang wala si JiYeon.


        "May pupuntahan lang daw sya saglit. Babalik din sya agad."sagot ni Key. Nag-kibit balikat lang si TaeMin at naupo sa sofa.


        SAMANTALA, napahinto sa pag-lalakd si JiYeon ng may biglang tumakip sa mga mata nya. Hindi man nya makita ay kilala na agad nya kung sino iyo. 


        "MinHo."natatawa nyang hula. Bumitaw si MinHo na may dismaya sa mukha ng tingnan ni JiYeon.


        "Pano mo naman nahulaang ako yun?"parang bata nitong tanong.


        "Kung gagawin mo yan sakin ulit wag ka mag-papabango."nakangiting saad ni JiYeon at nag-patiuna ito pababa sa pangpang ng ilog. Doon kasi sya pinapunta ni MinHo dahil gusto nito ipakita ang tagpuan nila ni HaRa kay JiYeon. Iniwan nitong nag-iisip si MinHo sa huling katagang sinabi nito. Natigilan muli si JiYeon ng may hindi kanaisnais itong nakita sa may ilalim ng tulay. Dali-dali syang bumalik kay MinHo na may tensyonadong ekspresyon. "Kanina ka pa ba dito?"maging sa pananalita ay halata ang tensyon nito.


       "Kararating ko lang din. Bakit?"anya.


       "Ganun ba? Tara na! Balik na tayo!"agarang yaya ni JiYeon dito.


       "Hu? Bakit naman? Ipapakita ko pa sayo yung lugar kung saan kami lagi mag-kita ni HaRa."pigil ni MinHo.


       "Hindi pwede! Nag-hihintay na doon ang iba pang member! Bumalik na tayo!"sumisigaw at halatang galit na si JiYeon. Ikinagulat iyon ni MinHo. Iyon ang first time na hindi sya pinag-bigyan nito. Iyon din ang unang beses na sinigawan sya nito.


      "O-o sige."utal nyang sagot dahil nabigla talaga sya dito. Pero nag-matigas sya at tinangka nyang takasan si JiYeon. Nang aasar itong tumakbo sa likuran ni JiYeon papunta sa ilalim ng tulay pero gaya ni JiYeon, napahinto rin ito sa nakita. Gulat na gulat ang mukha nito. Mag-kahalong galit at awa naman ang naramdaman ni JiYeon sa kanya. "HaRa?"halos bulong na lang ang salita nya.


       Tama, si HaRa nga ang nakikita nyang may kahalikang ibang lalaki. At sigurado syang kilala nya kung sino ang kahalikan ni HaRa. Si Ha MinWoo iyon, ang ex-boyfriend ni HaRa. Mag-kasama sila ngayong nag-hahalikan, ang masakit pa ay doon sa lugar kung saan madalas magkita si MinHo at HaRa. Kaya pala iyon ang napiling lugar ni HaRa noon na maging tagpuan nila. Hindi ma-explain ni MinHo ang nararamdaman. Samot saring emosyon ang nasa loob nya ngayon. Pakiramdam nya sasabog ang dibdib nya. Galit ang mukha nya at sobrang sakit namang ng puso nya. Hindi na nya napigilan pang lumuha. Naka-kuyom ang mga kamao nya na para bang gusto nyang suntukin si MinWoo. Walang ibang unang pumasok sa isip nya kundi ang takasan ang pangyayari.


        Naiiyak na sinundan ni JiYeon ang papalayong si MinHo. Ang bilis nitong lumakad to the point na kailangan ng tumakbo ni JiYeon para mahabol lang sya. Pag-dating sa highway ay bus ang sinakyan ni MinHo imbis na taxi. Binilisan ni JiYeon ang takbo para lang mahabol si MinHo pero huli na, nakasakay na ito. Wala na syang choice pa kundi ang habulin ang bus at ibalik si MinHo sa mga ka-grupo nitong nag-hihintay. At alam nya kung anong eskandalo ang mabubuo kapag nakita ng mga taong wala sa sarili si MinHo ngayon. Doon lang nya naisip na kailangan nyang protektahan si MinHo para hindi ito masaktan pa lalo. Kaya nga wala syang pake kahit bus pa na sinasakyan ni MinHo ang habulin nya.


       Kaya lang sa sobrang bilis ay hindi nya talaga kaya. Nauubusan na sya ng tubig sa katawan at tuluyan ng dumilim ang paningin nya. Napadausdus sya sa kalsada kaya tuloy nagalusan ang tuhod nya maging ang pisngi nya at kamay. Kahit namimilipit na sya sa sakit ay si MinHo parin ang nasa isip nya.


       Iika ika syang bumalik sa studio habang namamaga at nag-dudugo ang mga sugat nya. nag-tataka syang tinitingnan ng mga tao. Pero wala syang pakialam dahil busy sya sa pag-contact kay MinHo na hindi naman sumasagot. Pag pasok nya sa waiting room agad na napansin ng apat ang mga sugat nya. Napatayo sa swivel chair, patakbo itong lumapit kay JiYeon.


       "Kay ka lang ba?"nag-aalalang tanong nito kay JiYeon. Inalalayan nya itong maupo.


       "JiYeon anong nang-yari?"nag-aalala ding tanong ni Key.


       "Bakit ang dami mong sugat?"anya ni JungHyun. Hindi naman nakapag-salita si TaeMin. Dali-daling kinuha ni Onew ang panyo sa bulsa at pinunasan ang dugong tumulo sa sugat ni JiYeon sa pisngi.


       "Paki-tawagan nyo naman si MinHo."pakiusap ni JiYeon, agad namang sinunod ni TaeMin na hindi man lang inaalam ang rason kung bakit kailangan tawagan nya si MinHo.


      "Mabuti pa pumunta na tayo sa hospital. Ang daming sugat ni JiYeon e."suhestyon ni JungHyun.


      "Kay lang ako. Wag kayo mag-alala."saad ni JiYeon. "Sumagot ba sya TaeMin?"baling nito kay MinHo.


      "Sabihan na lang natin sya baka nasa shoot pa sya. Kailangan ka ng dalhin sa hospital para magamot mga sugat mo."giit ni JungHyun. Hindi pa kasi nila alam kung ano ang nang-yayari. Ang alam lang nila ay nasa shoot parin si MinHo


      "Tama si JungHyun. Tara na."sangayon naman ni Onew. Kahit malalim ang iniisip nito ay nagagawa parin nitong makisabay sa kasalukuyang nang-yayari. Iniisip nya kasi baka si MinHo ang dahilan kung bakit sya nag-kaganun. Ano nanaman kaya ang ginawa nitong kalokohan at bakit kailangan ibiwis ni JiYeon ang buhay sa kanya.


      "Tatawagan ko na si Mr. Kimm para ipaalam sa kanya ang lahat."da-dial na sana si Key kaso ay pinigilan sya ni JiYeon.


      "Wag na! Makakaistorbo lang tayo sa kanya. Busy sya ngayon sa album next project nyo. Okay lang ako guys. Wag kayo mag-alala."paninigurado nito sa kanila para hindi na mag-alala ang mga ito.


      "Kung ayaw mong tawagan namin si Mr. Kim pumayag kang dalhin namin sa hospital."istriktong utos ni Onew. Natakot bigla si JiYeon kaya naman wala na itong nagawa kundi ang sumunod. At isa pa masakit na talaga ang sugat nya. Sa pag-tayo nya ay muli syang napauo dahil sumasakit ang tuhod nya. Mukhang napuruhan banda doon. Inalalayan na lang syang mag-lakad nila JungHyun at Key, sumundo naman si TeaMin habang si Onew naman ay galit na kinuha ang cellphone para tawagan si MinHo. Pero gaya nila ay hindi rin sinasagot ni MinHo ang tawag nya. Galit paring sinundan ni Onew ang apat na nauna.


      Hindi man alam ni Onew ang nang-yari nakakasigurado syang si MinHo ang dahilan kung bakit nag-kaganoon si JiYeon. Dalangin lang ni Onew sa sana hindi na itago pa ni JiYeon ang totoong nang-yari kapag tinanong nya ito. Gusto nyang malaman kung ano ang nag-papawala ng konsintrasyon ni MinHo at bakit umaarte itong irresponsible nitong mga nakaraang buwan at mga araw. Gusto nyang malaman lahat.


    >>>CHAPTER 9 HERE
    




2 comments:

  1. ag kyut nung moment nla taemin! kyaaaaaaah! naiiisp q p ung cute face nia! waaaaaaaaah!

    ReplyDelete
  2. waah! ako na ba yan? si taemin ko!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^