Monday, June 25, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 4


CHAPTER FOUR


        Maagang gumising si JiYeon dahil naisipan nyang ipag-luto ang lima. Nag-handa sya ng american breakfast. Nag-hahain na sya ng maabutan sya ni MinHo. Pareho silang napatitig sa isa't isa. Si JiYeon ang unang umiwas dahil hindi nya kaya ang mga tingin ni MinHo. Pakiramdam nya aatakihin sya sa puso. Tinalikuran nya ito kunwari ay may ginagawa pa ito sa lababo. Pero ang totoo ay ayaw lang nyang makita ang pamumula ng mukha nya. Kaso hindi nya alam kung sinasadya ni MinHo na akitin sya dahil naramdaman nyang naroon na ito sa likuran nya. Pag-harap nya ay sakto namang pagbukas ni MinHo sa cabinet na nasa uluhan ni JiYeon. Napasandal sya sa lababo, pigil na pigil sya sa pag-hinga. Panay ang kurap ng mata nya dahil ilang centimeter na lang ang layo nila sa isa't isa. Dinig na nya ang pag-hinga nito. Amoy na niya ang bango nito kahit bagong gising. Pakiramdam nya biglang nag-slowdown ang ikot ng mundo.


        "Bakit?"inosenteng tanong ni MinHo nag mapansin nya ang reaksyo ni JiYoen. Para kasing hindi na ito humihinga.


        "Wa-wala."kahit sa pag-sasalita ay pigil ang hininga nito. Nakahinga lang ito ng lumayo na si MinHo. Sobrang intense kukuha lang naman pala ito ng baso para uminom ng tubig. Napasapo tuloy si JiYeon sa dib dib. Pero may isang bagay syang napansin kay MinHo. Maga ang mata nito, halatang umiyak ito. Bigla tuloy syang nag-alala. Hindi na sya nakatiis, ayaw nya kasing nakikitang nasasaktan si MinHo. Kung noon ay sa mga social network lang nya nako-comfort si MinHo. Ngayon ay abot kamay na nya ito. Pwedeng pwede na nya itong kausapin tungkol sa mga bagay na nag-papalungkot dito. "Mi-MinHo."tawag nya. Nilingon naman sya ni MinHo with his charismatic look. "U-umiyak ka ba?"naiinis sya sa sarili. Para kasi syang ewan. Hindi nya alam kung bakit sya nauutal.


       Matagal bago nakasagot si MinHo. Mukhang inisip pa nito kung aamin ba ito o hindi. "Ako?"tinuro pa nya ang sarili pag-kuway ngumiti ito. "Hindi ah! Bakit naman ako iiyak?"tanggi nito sa katotohan. "Napuyat lang ako kagabi sa kaka-practice."palusot pa nya. Tumango na lang si JiYeon kahit hindi sya convince sa sinabi ni MinHo. Ayaw na nyang mangulit kasi baka magalit pa ito sa kanya. Baka sabihin panito na nang-hihimasok sya sa buhay nito.


       Maaga silang umalis ng bahay dahil may guesting si MinHo ngayon sa isang variety shows kasama ang girl group na Kara. Medyo tense si JiYeon dahil nasa grupong iyon si Hara, ang napapabbalitang girl friend ni MinHo. First time nya itong makikita sa personal. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Para syang nai-insecure bigla kay Hara. Maganda siguro talaga ito dahil hindi naman ito  parating mababanggit ni MinHo sa mga interview na may tanong kung sino ang ideal girl nya o kung sino ang gusto nya sa mga girl group. Wala syang ibang sagot kundi si Hara.


       Walang humpay ang kulitan nila Key, JungHyun at TeaMin sa dressing room habang si Onew naman ay  masayang nakikipag-usap kay JiYeon. Pero ang atensyon ni JiYeon ay nakay MinHo na tahimik lang sa sulok hawak ang cellphone nito. Hindi maintindihan ang mukha nito. Nag-hihintay na lang nang tawag mula sa staff ng show ang mga ito. Naguguluhan na tuloy sya. Ayos lang ba talaga ito o nag-kukunwari lang ito? Maya maya pa ay tinawag na si MinHo ng staff kung saan sya guest dahil mag-uumpisa na ang show. Sina Onew kasi ay may kanya kanya ding guesting sa braodcasting company na iyon.


       Kahit sa show ay hindi maipinta ang mukha ni MinHo. Halata dito na may dinadamdam talaga ito. Pag-kuway biglang naitanong ng MC ang issue sa dalawa.


       "Totoo bang may relasyon kayo?"usisa ng babaeng MC. Si Hara agad ang sumagot.


       "Hindi po totoo yun."sagot ni Hara. Pero parang hindi iyon ang gustong sabihin ni MinHo.


       "Talaga? Bakit parang hindi naman yun ang gustong sabihin ni MinHo. MinHo totoo bang may relasyon kayo?"kay MinHo naman bumaling ang MC. Matagal na hindi naka-sagot si MinHo. Nakaabang na sa kaniya ang mga nanonood maging ang MC na nag-tanong sa kanya. Naalarma si JiYeon, pag nag-tagal na ganun sya ay mag-hihinala talaga ang mga manunood sa kanya. At baka isipin pa ng mga ito na si Hara ang dahilan kung bakit kakaiba sya ngayon. Agad na umisip ng paraan si JiYeon, pumwesto sya kung saan makikita sya ni MinHo tapos ay kinawayan nya ito para mapansin sya. Nang magawa nya iyon ay sinenyasan nya si MinHo na sumagot sa tanong ng MC.


       Matagal bago naintindihan ni MinHo ang gusto nyang sabihin. "Hi-hindi totoo na may relasyon kami."halata ni JiYeon ang sakit sa mga salita nito.


       "E, bakit parang malungkot ka?"pangungulit ng MC.


       Lumingon muna si MinHo kay JiYeon na para bang nag-tatanong ito ng susunod na gagawin. Pasimpleng sumenyas si JiYeon na may sakit siya. Naintindihan naman iyon ni MinHo kaya iyon ang sin agot nito sa MC. "Masama kasi pakiramdam ko ngayon."muli syang tumingin kay JiYeon. Sumenyas si JiYeon na ngumiti sya. Parang bata lang syang sinusunod ni MinHo. Salamat na lang kay JiYeon dahil na-save ang araw ni MinHo.


      Nang matapos ang show ay nahihiyang nilapitan ni MinHo si JiYeon. Gusto nitong mag-pasalamat sa ginawa niyang pag-save dito. "JiYeon."tawag ni MinHo. Nakangiti naman syang tiningnan ni JiYeon.


       "Ano yun?"


       "Thank You nga pala kanina."nahihiya nyang saad. Kakamot kamot pa ito sa batok.
      "Anong Thank You? Dapat i-treat mo ko!"biro ni JiYeon na hindi nya akalaing seseryosohin ni MinHo.


      "Sige! Tara!"yaya ni MinHo sabay hatak sa kamay ni JiYeonn palabas ng studio.


      Ang sarap ng pakiramdam ni JiYeon habang hawak ni MinHo ang kamay niya. Ayaw na nyang bumitaw  dito. Dinadasal nya na sana tumagal sila sa ganung akto. Dahil sa unang pag-kakataon ay naramdaman ni JiYeon na hindi sya isang fans. Pakiramdam nya para syang isang espesyal na taong ayaw mawala sa buhay ni MinHo. Pero ayaw na nya mag-isip pa ng ganun. Naalala nya ang pinangako nya sa mga kaibigan nya na hindi sya mai-in-love kay MinHo. Naipangako nya rin iyon sa sarili nya. At isa pa ayaw nyang umasa sa isang bagay na alam nya namang hindi kailan man mag-kakatotoo. Parang bigla syang bumalik sa realidad ng bitawan ni MinHo ang kamay nya. Muling bumalik abng kamalayan nya.


      Sa canteen ng building sila nag-punta. "Pasensya ka na dito lang kita dinala. alam mo naman na may show  pa mamaya."paliwanag ni MinHo. Para kay JiYeon ay ayos na yun ang importante mag-kasama sila.


      "Ayos lang. Okay na nga dito e."saad ni JiYeon.


      "Ano ba gusto mong kainin?"tanong ni MinHo habang nakatingin sa menu.


      "Kahit ano. Basta masarap."


      "Sige. I-order natin ang pinaka-masarap na menu nila."tinuro ni MinHo ang rice cake. Umasim ang mukha ni JiYeon. Nadala na sya sa rice cake simula ng matikman nya ang luto ni Onew. "Don't worry. Hindi naman masyadong maanghang yan. Mild lang. Promise masarap yan."itinaas pa ni MinHo ang kanang kamay. Pumayad na lang si JiYeon sa huli.


      Okay na si JiYeon dahil tumatawa na ulit si MinHo. Kanina kasi hindi maipinta ang mukha nito. Gusto tuloy nyang maniwala sa sariling haka-haka na baka si Hara ang dahilan sa mga napapansing kakaiba nito kay MinHo. Kung tama man ang hula nya, nag-iisip na sya ng bagay na pwede nyang gawin para lang hindi nya makitang malungkot si MinHo. Kailangan nya munang alamin ang dahilan para maka-isip sya ng sulosyon. Pero hindi nya naman alam kung paano ito io-open kay MinHo. Masayado kasing sensitive ang topic. Nang handa na syang itanong ay saka naman tumunog ang cellphone ni MinHo. Biglang bumalik ang hindi maintindihang expression ng mukha nya nang mabasa kung sino ang natawag. Nag-dadalawang isip pa sya kung sasagutin ba nya ito o hindi.


      "Sino ba yan? Bakit ayaw mong sagutin? Nahihiya ka bang marinig ko? Sige alis na lang ako."biro pa ni JiYeon.


      "Hindi. Dyan ka lang."sinagot ni MinHo ang tawag pero hindi sya umiimik.


      "Ayaw mo bang sagutin kasi nakaka-istorbo ako sa date nyong dalawa?"wika ng babae sa kabilang linya na may pag-seselos ang boses. Hinanap ni MinHo kung nasaan ang nag-sasalita. Pag-lingon nya ay nakita nya sa pang-limang upuan si Hara. Nakaupo ito patalikod sa kanila habang naka-salpak ang cellphone sa tenga. Mukhang ikinatuwa naman ni MinHo ang pag-seselos na iyon ni Hara kaya naman nakaisip syang mas lalo pa itong pag-selosin. Binabaan nya ito ng cellphone saka masayang nakipag-usap ulit kay JiYeon.


      Lalo lang nalito si JiYeon sa pinapakita ni MinHo. Masyado itong moody. Kanina malungkot ito, ngayon naman ay masaya na ito. Naisip tuloy nya na baka nasisiraan na ito ng ulo. Sa di kalayuan namang table ay halos hindi na mapakali si Hara. Gusto na nyang lapitan sina MinHo at patigilin ang mga ito sa ginagawa. Hindi nya alam kung anong gagawin nya. Parang sinisilaban ang pwet nya sa kakaikot sa upuan. Sinubukan nya uling tawagan si MinHo pero hindi nito sinasagot ang tawag nya. Sa inis nya ay tumayo sya at nag-kunwaring napadaan sa harap nila MinHo at JiYeon. nag-kunyari pa itong hindi nya nakita ang dalawa. Kaya lang dahil kilala sya ni JiYeon ito na ang nag-kusang batiin sya.


      "Hara! Kamusta? Ako nga pala ang substitute Road Manager ng SHINee. Nice to meet you."pakilala ni JiYeon kahit na alam nyang wala naman pakialam si Hara sa kanya. Dahil sigurado syang si MinHo naman talaga ang pakay nito.


      "Oh! Hi! Nan dito pala kayo? Hi MinHo!"hindi rin pala magaling na singer si Hara kundi magaling din syang actress. Nangi-ngiti naman bumati sa kanyan si MinHo.


       "Oo. Nag-di-date kaming dalawa."saad ni MinHo. Nataranta naman si JiYeon sa sinabi ni MinHo kaya agad syang tumanggi.


       "Hindi kami nag-de-date. nilibre nya lang ako kasi tinulungan ko sya sa interview nya kanina."depensa ni JiYeon. Hindi nya alam kungg bakit biglang nailang sya sa situation. Pakiramdam nya may something sa dalawa na dahilan para makaramdam sya ng awkwardness. 


       "Bakit? Parang date na rin naman yun diba?"giit ni MinHo.


       "Talaga? Okay. Enjoy kayo."ngumti si saglit si Hara saka umalis na may nakasimangot na mukha. Naiwan naman nakangiti si MinHo. Ramdam na ramdam ni JiYeon na may tinatago ang dalawang ito. Kakaiba ang arte ng mga ito. Arte nf dalawang mag-karelasyon na itinatago lang sa mga tao.


       Inaamin ni JiYeon medyo nasaktan sya pero ayaw nya na lang i-entertain ang ganung feelings. Kailangan nyang matutong mag-control ng nararadaman nya. Alalahanin nya na lang ang trabaho nya. Mag-ipon ng pera para sa pag-aaral nya sa second semester. Pakiramdam nya para syang sira, para maiwasan ang sakit ay inisip nya na lang ang ganung mga bagay. Basta masaya si MinHo, masaya na rin sya. Iyon ang motto nya para kay MinHo.






3 comments:

  1. waaaaaaaaaaah!!!!!!!!! hara y u epal!!!!!!!!!! paHARAng-HARAng k s ikssya ng luvlyf q ha!!!!
    peo ahem nmn, nagdidate daw kami ni minho KO! ahihhhihhhihhihi!

    peo mei secret relationship nga cguro cla minho! T^T

    ReplyDelete
  2. nku, pinagseselos ni minho c hara gmit c jiyeon! tsk. mei secret relatioship ung dlwa.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^