CHAPTER 15
(ATASHA
ORELLANA POV)
“Sa huli, nakikita kong pagsisihan mo
‘tong ginawa mong pag-iwan sa kanila na silang dalawa lang.”
Ano
ba naman!!! Gumugulo sa isip ko yung sinabi ni Ate Ganda! Hindi tuloy ako
nakatulog ng maayos pagkauwi namin dito sa dorm. Nasa isip ko si Zack my loves
at yung dyosang Carly na yun.
Ngayon
pa imbes na Sunday naman at bawiin ko yung tulog ko, ang aga ko pang nagising.
Hindi na tuloy ako nakabalik sa pagtulog.
“Waaahhh!!! Ang laki pa ng eyebags ko!!!” =_________= Mukha akong inchik na
nasuntok sa dalawang mata at kahit naniningkit, namamaga naman at nangingitim
pa ang paligid sa buong mata ko!
At
dahil nga hindi na ako dinalaw ng antok, nag-almusal na lang ako. Instant
noodles at skyflakes na lang ang kinain ko. Naisip ko rin na mag-open ng laptop
at nang ma-check ang dalawang account ko.
Yung
real account ko which is Atasha09… hwaw!!! ZERO notification! Wala man lang
comment or new followers!!! Asaness nga naman ako!!!
Magtungo
naman tayo sa Anti_Kissing_Bandit account ko na pang TOP 16 na ngayon ang standings
sa TMU diary.
As
usual, puro hate comments patungkol sa nagmamay-ari nitong account at papuri
naman sa mga pictures na pinost ko tungkol kay Laris. Hanggang ngayon nga,
trending pa rin ang mga before and after photos ni Laris dun sa party ni Zack.
Wala
namang interesting so off ko na…
But
wait!!! Oo nga, bakit hindi ko i-check yun!!!
Type.
Click. Search. Found!!!
Nagtataka
siguro kayo kung sino ang hinahanap ko noh?
Eh
di sino pa? Ang karibal kong si CARLY FRIAS…
Pang
TOP 17 siya sa buong TMU, naungusan ko pa siya gamit ang ANTI_KB!!!
Hwahahahaha!!! At least dun lumamang ako sa kanya!
So
ayun, ni-check ko lang ang profile niya. Halos magkasing-edad sila ni Zack. They
are both one-year older than me. Galing siya sa isang may kayang pamilya.
Part-time model. She was crowned Miss TMU last year.
And
these are just some of the pictures na meron siya sa kanyang album.
Ang
ganda niya talaga! Shetlungs!!!
*sigh…*
Nakaka-frustrate
na ganyang klaseng babae ang kalaban ko sa puso ni Zack! Alam niyo yung kantang
may linyang… ahem… LANGIT SIYA, LUPA AKO~
Tama ba yun? Basta parang ganun na rin!!! Ang sakit lang sa bangs ko ha!
*Carly
just posted a new update.*
“Online siya ngayong oras din?” Matignan nga yung bago niyang post…
.
.
.
ಠ______ಠ
.
.
.
I'mUrCarly says...
Sleep tight, Zacky!
This is after the party. Kawawa naman si bebe Zacky, so tired na kaya dito na nakitulog sa house namin.
Don’t tell him about this picture ha? fufufufufu…
.
.
.
.
.
“NOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!” - (>╭╮<)
Bakit
dun nakitulog si Zack! Bakit! Bakit!
(Laris Howfer POV)
Sa
wakas nakapagPOV na ulit ako! Kwento rin naman ito ng buhay ko diba? Akala ko
nakalimutan na ng magaling na author na pagsalitain naman ako eh. Baka bawiin ko
sa kanya ang first kiss na binigay ko eh.
Anyway,
ayun walang pagbabago. Gwapo
pa rin naman ako. Maraming fans. Sikat. At yun nga, gwapo pa rin. In born yan,
ang pumalag pangit!
Nanatili
pa rin akong 2nd sa TMU diary, lintek na Admin kasi, hindi ko
maungusan! Pero okay lang, sigurado ko namang mas magandang lalaki ako kesa sa
kanya. Yun eh kung lalaki siya. Kapag babae naman siya, sigurado kong one of my fans lang din yun!
Samantala,
Sunday nga pero kailangan pa ring magtrabaho. May pinadalang damit na naman ang
mga clients ko para i-model ko yung designs nila. Ang gwapo ko nga kasi! At kahit
pa may hangover pa ako dahil sa party ni
Zack kagabi, kailangan kong mag-pose na suot ang mga damit na ito.
At
syempre, ang alipin kong babaeng probinsyana ang kumukuha ng precious pictures
ko. “Hoy Hot Pink! Bakit ang lutang mo?”
“Ha?”
“Pinalagpas na nga kita na walang morning
update ngayon tapos itchura mo mukha pa ring puyat.”
“Ha?”
“Ha? Hahahain ko mukha mo eh! Ayusin mo
nga pagpipicture mo.”
“Ha?”
Changgalang
babae ‘to! Nagpipicture nga pero hindi ako palagay sa shots niya ngayon. “Hoy! Umayos ka nga!!! Gwapo nga ako pero
parang walang dating itong shots na pinagkukuha mo eh!”
“Ha?” Ampupung HA yan!!! Pwede namang HE o HI o HO o HU, bakit kailangan
palaging HA? “Ha? Ano yun?”
“Sabi ko ang pangit mo! May hangover ka ba?
Eh wala namang halong alak yung ininom mong Arnold Palmer kahapon.”
“Ha… hindi ako lasing… wala lang… sige na,
mag-pose ka na lang ulit. Ha!”
May
himala nga yata? Katapusan na ba ng mundo? Uso ba ang HA ngayon? Himalang hindi nga gumaganti sa
barahan ngayon si Hot Pink! Hindi siya hot ngayon!!! Ang lamya! Walang thrill
asarin!!!
“Amin na nga yang camera!”
“Ha…?” Isa pang HA, ipupukpok ko na ‘tong camera sa mukha niya!
“Ang pangit mo na nga, ang pangit mo pa
lalo!!!” *click click* “Oh tignan mo
itchura mo!!! Itchura ba ng babae yan? Muntae!!!”
“Ha?”
*buuuuggg!!!*
“Aray~” Ayan sabi sainyo tatama na 'tong camera sa mukha niya. At mukhang natauhan na rin naman siya! Ang talim na ng tingin niya saakin at
umuusok pa ilong. “Aray ko naman eh…”
Pero mali pala ako! Naupo pa siya at nagmukmok!
“May sakit ka ba? Ano namang
inaarte-arte mo jan? Nagtatrabaho ka eh.”
“May sakit nga ako. Dito…”
“Saan?”
“Dito nga…” At itinuro niya ang dibdib niya kaya
tinignan ko yun.
“Masakit yan? Baka lumalaki lang. Dapat
nga matuwa ka pa.”
*buuuugssssh!!!*
Anak
ng putek!!! Naalog yata brain ko nun ha! Pero at least may improvement na
reaction niya. Oh start na po ng barahan ito.
“Bastos ka talaga kahit kelan!!!”
“Psh! Nakita ko naman na yan!”
“Kapal mo!!!” Oh yan sige lang! Hindi ako sanay na
bait-baitan siya eh! Nakakadiri lang! “Ang
puso ko ang masakit, okay?”
“Bakit?”
“Nakita mo ba ang trending kanina?”
“May bago ba? Malamang eh tungkol lang
saakin yun.”
“Wala ka na bang ibang alam kundi ang
tungkol sa sarili mo?”
“Bukod saakin… hmmm… wala na. Ako lang
naman ang mahalaga eh.”
“Psh! Hindi ka matinong kausap!!!” Tapos tumayo na siya. “Tapos na ang pictorial! Ang dami ko nang
nakuhang pictures mo!!! Okay na ‘to.”
“Anong okay? Kumuha ka pa ng marami.”
“Hindi ka ba maka-gets HA? WALA NGA AKO SA
MOOD.”
“Oh ano ngayon? Nagtatrabaho ka diba?
Trabaho mong kumuha ng pictures ko.” Sumimangot
lang siya at nag-pout pa ng lips niya. Mukhang wala nga sa mood ang Hot Pink na
‘to. Hindi maganda ito, baka wala pang matinong picture ko ang nakuha niya! “Oh siya sige, ano ba kasi talagang
problema mo? Anong tungkol sa TMU na hindi tungkol saakin ang pinoproblema mo
ngayon?”
Nagbuntong-hininga
siya at ang boring niya lang tignan. Ang sagwa talaga ng itchura, nakakawalang
ganang titigan!!! “Mukhang tama ka nga
sa sinabi mo. Na pagsisisihan ko na iniwan ko si Zack at si Carly na magkasama.”
“Sabi naman sayo, hindi pa ako
nagkakamali. Ang galing ko talaga! Bilib ka na noh?” Tapos tinignan niya ako ng masama. “Ah eh bakit ba? Ano bang nangyari?”
“Tinignan ko yung account ni Carly…”
“Pffft… talaga?”
“Oh eh anong nakakatawa dun?”
“Wala naman. Oh sige, go on.”
“Tapos… tapos may nakita akong picture na
pinost niya. Si Zack… si Zack doon natulog sa bahay nila.”
“Wow! Talaga? Ayus si Zack ha! Mukhang
naka-score na kay Carly! Ahahahaha!”
Tapos nagmukhang tae na naman yung reaction ni Hot Pink sa sinabi ko. Powta,
ang panget lang talaga! “Pero sa ugali
ni Zack, paniguradong wala namang nangyari dun sa dalawa kaya wag kang
mag-alala jan.”
“Eh sa ganda ba naman nun ni Carly!”
“Eh sa old-fashion din yung si Zack!”
“Eh maganda pa rin si Carly! Paano kung…
paano kung…”
“Well kung sa bagay. Sino nga bang makakatanggi
dun kay Carly. Eh nakainom pa sila pareho kaya malamang nga…”
*sniff sniff*
“Oy? Ano yan?”
“Hmm…?” Hindi ko alam kung paano ide-describe yung mukha niya eh! Kahit ako hindi makapaniwala na naatim
kong kausapin itong probinsyanang ito eh.
“Uwaaaaaaaaaah!!!”
Potek!!!
Umiiyak ba siya? “Oy umiiyak ka ba o
nagpapawis lang?”
“May mata bang nagpapawis?”
“Oo. Yung sayo?”
“Uwaaaaaaaaaaah!!! Tange!!! Umiiyak ako!!!”
At
ang laki ng bibig niya na kinailangan ko pang takpan dahil nakakaistorbo ang
boses niya. “Hot Pink naman!!! Hinaan mo
yang boses mo!!! Nakakahiya sa mga ibang dito sa dorm tao!!!” Tama
ba naman kasing magngangawa dito eh siesta time ngayon!
“Uwaaaaaah~ si Zack…”
Hay!
Mga babae talaga! Umaarte ng ganyan dahil lang sa pag-ibig! Tsk!
But
well, bilang ako ang tinaguriang si Kissing Bandit, syempre sanay na ako sa mga
ganitong eksena. At dahil ayokong makaistorbo pa kami ng ibang tao dito sa
dorm, kinailangan ko nang gawin ang isang bagay kung saan ako magaling.
“Bakit tayo nandito?”
Eh
nasa café kami. “Alangan namang maglalaro? Eh di bibili
tayo ng dessert!”
“Eh bakit nga?”
“Kapag malungkot ang isang tao, kadalasan
walang gana. Tulad mo ngayon, walang kang gana magtrabaho at wala ganang
makipag-asaran saakin. But if you eat sweet food, it will also make your mood
good.”
“Wala akong pera ngayon.”
Psh!!!
Sabi na mapapasubo ako nito eh! Pero ayos na rin, may dahilan para magkautang
na loob siya saakin! “Sige na, libre ko.
Para merienda na rin.” Sisingilin ko na lang siya kapag ako naman ang
mangailangan! Hahaha! Talino ko talaga!
Tapos,
matagal na tumingin si Hot Pink dun sa menu. Wala pa ring kagana-gana ang mukha
niya. Mugto pa mga mata niya! Uulitin ko lang ha, ang panget talaga!!!
“Tangna naman, bilisan mo mamili! Humahaba
na pila oh!” Tapos
tumingin siya saakin, at mukhang wala rin siya sa mood na mamili ng dessert.
Malala na yata talaga ‘tong babaeng ‘to eh! “Pucha!!! Ako na nga mamimili!” At ako na ang umorder dun sa
counter. “We’ll have chocolate truffle
cake please.”
At
pagkakuha ko ng in-order kong cake, dun kami napwesto sa kadulu-duluhang pwesto
ng café. Adik rin itong si Hot Pink, ang laki lang talaga ng problema sa buhay
eh.
“Oh yan, kainin mo.” Nakayuko lang siya at nakatitig lang dun
sa cake na binili ko. “Masarap yan, dali
kainin mo na.” Pero parang kumakausap lang ako sa hangin kaya ang ginawa
ko, kinuha ko yung isang tinidor at ako na unang kumain dun sa cake. “Hmm~ ang sarap!”
Pero
wala pa rin siyang reaction.
“Nung una ang galing mong mag-deny na wala
kang gusto kay Zack. Eh ano yang inaarte-arte mo?”
“Oh di OO na! Gusto ko nga siya! May
mangyayari ba kung inamin ko agad ha?”
“Yan ang hirap sa inyong mga babae. Gusto
niyo na ang lalaki pero nahihiya pa kayo. Tapos kung may mangyayaring ganito,
magmumukmok kayo! As if may magbabago kung iiyakan niyo. Alam mo tawag jan? Tanga!”
*sniff sniff*
“Oh yan! Tas iiyak-iyak ko ulit ngayon!
Tigilan mo yan, baka sabihin nung ibang customer, ako nagpa-iyak sayo eh!”
“Eh kasi hindi ka naman nakakatulong eh!
Lalo mo pang pinasasama loob ko!”
“Anong gusto mo? Tulungan kita?”
“Para ano? Para ipamukha saakin na tama
yung sinabi mo saakin dun sa party?
‘Dahil alam mo na ang tungkol kay Carly
ngayon, sooner or later lalapit ka na saakin para hingin ang tulong ko.’ Yun ba?” Aba! Ginaya pa boses ko ha!
“Ang galing ha! Kabisado mo pa pala yung
sinabi ko sayo kahapon. Pero oo, at mukha ngang panalo na ako sa bet. Aminin mo
man o hindi, alam kong umaasa ka na may maitutulong ako sayo ngayon.”
“HINDI AH.” Ang arte talaga! Siya na nga ino-offeran
ng tulong!
“Eh di wag.” But for sure, hihingi pa rin ng tulong
yan! Pustahan pa tayo.
“Paano mo ba ako matutulungan ngayon, aber?” Oh kitams!
“Do you have your phone? Siguraduhin mong
may load ka pantawag ha.”
At
dinukot niya sa bulsa ang cellphone niya. “Ito.
Tapos?”
“Tawagan mo ngayon si Zack.”
“AYOKO NGA! ANO NAMANG SASABIHIN KO!”
“Pwede bang bago violent reaction, makinig ka muna?” At nanahimik na nga siya. Dapat lang noh,
kung hindi lalayasan ko na talaga siya. “Call
him and just ask him kung kamusta na siya. Wag mong ioopen yung tungkol sa
nakita mong picture na pinost ni Carly.”
“Tapos?”
“Tapos, kapag siya ang nagopen-up tungkol
dun, wag kang mako-comment. Act like you don't know anything about it. Makinig ka lang sa mga sasabihin niya.”
“Ano namang point nun? Kakamustahin ko
lang tapos hihintayin ko lang na siya ang magopen-up ng ganun tapos wala akong
ire-react?”
“Kapag ang lalaki kasi, nagpaliwanag ng
isang bagay na hindi naman tinatanong ng isang babae, ibig sabihin concern siya
sa iisipin mo kapag nalaman mo na ang tungkol dun kaya uunahan na niyang sabihin ang side niya.” Nanlaki lang ang mata niya sa sinabi ko. “Once that happens, just laugh at it.
Sabihin mo, okay lang yun at wala ka namang problema tungkol dun and then hang up the
phone.”
“Yun lang? Sigurado ka?”
“Yup! Just try it.” And so she did. Ni-dial niya ang number ni
Zack at halatang kabado. “Just relax!
Yung normal lang na boses mo.”
“Kapag ako talaga ginu-goodtime mo lang…
ah… hello…” Ginugoodtime
pala ha! Let’s see! “Hi Zack! Kamusta?
Ha? Wala naman! Ah… oo ayus naman ako. Ah… oo… hmm… picture?” There you go! Just
do what I said Hot Pink! “Um… what
picture? Sa TMU diary? Nope, hindi ko pa nakikita” Lungkot-lungkutan pa siya nung ma-open na yung tungkol sa picture.
Pero nanlalaki
lang ang mata ni Hot Pink habang tumatagal ang pag-uusap nila ni Zack. Halatang nagulat dahil tumatama ang lahat ng sinabi ko. Nakatingin din siya
saakin waiting for my next instructions. Pero ang bulong ko lang sa kanya, “You're doing good. Just keep on going!”
“Ah… ahahahaha. Talaga? Sa house ka ni
Carly nakitulog? Ah… okay. Ahh… hahaha.”
At magaling na estudyante naman din siya dahil sinusunod niya lang ang sinasabi
ko. “Ahh! Zack! Okay lang yun! Ano ka ba!
Walang problema dun.”
“Nice! Ngayon, magba-bye ka na…”
“Ah sige Zack. May gagawin pa ako eh,
babye na.” At
pagka-end nga ng usapan nila. “Wow!!!” The
usual reaction of the girls na napapabilib ko sa kakaibang talent ko. “Wala akong masabi!!! Ibig bang sabihin
nun, concern saakin si Zack kaya niya ipinaliwanag yun?”
“Well, most certainly yes.” Napangiti na siya nun, knowing that what I’am
saying is always 100% percent correct! “Oh
masaya ka na? Pero hindi pa yan natatapos jan?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Mas matuwa ka kapag naka-receive ka ng
text sa kanya telling that he is relieved to hear na hindi ka nag-iisip ng
kahit na anong negative tungkol dun.”
“Bakit ano namang ibig sabihin nun?”
At
bago ko pa man masagot ang tanong niya, naka-receive na nga ng text si Hot Pink
mula kay Zack.
“I’m so relieved you don’t think bad about it.
Thanks Atasha, you're the best. Have a nice day!”
“OMG…” At nakakanganga na ngayon ang itchura niya habang hinihintay ang
isasagot ko. “Dapat na ba akong mas
matuwa? Anong ibig sabihin nito ha?”
Then
I smiled at her. “There’s a big chance
that you and Zack are both sharing the same feelings for each other.”
At
kung makikita niyo lang talaga yung epic na reaction ng mukha niya! Nagtwinkle
bigla ang mga mata niya at tumili pa sa harap ko. At sa pagwawala niya,
nilantakan na rin niya yung cake na hindi niya pinapansin kanina.
“Okay, itatanong ko ulit, so bilib ka na ba saakin?”
“Ow may gawd!!! It’s you already!!! Thank you!!!”
“Grabe! I'm so great!” Totoo naman diba? Umamin ka! Pati ikaw bumilib!
“Grabe! I'm so great!” Totoo naman diba? Umamin ka! Pati ikaw bumilib!
(Disclaimer: I do not own the photos used
in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
grbe! ang landi ni carly! hmp! anon ginwa mu kei zack!!! kkainis kng babae ka!!!!!
ReplyDeletepeo ehem nmn! oo n laris, bilib n aq sau! ang gwapo mo pa! hahhhhahaha! ang gling nia ha! infairness nmn! kya pla isa xang legend eh! kinilig aq s knila ni atasha!
hala ang gwapo ni laris dun sa pictorial! ppabolz tlga!
ReplyDeletei have a feeling na makakaaway talaga ni atasha si carly. she seems to be bitchy to me.
ReplyDeleteang cute tlga nila!!.. gandang lalaki talaga ni Laris kht kelan,kakagigil!.. haha.. mas mganda pa kesa sakin.. kaka-insecure!..
ReplyDelete--DemiDoLL
haahahahahaha...pagsisisihan mo Laris ang ginagawa mo....
ReplyDeleteang sweet ni laris! siguro nga wala pa siyang feelings for atasha but time will come pagsisishan mo rin na pinupush mo si atasha kay zack!
ReplyDeleteYeaboi! Bilib na ako sa iyo Laris! Pakiss naman jan. HAha
ReplyDeleteNew Generation ni Brylle! xD
ReplyDelete