Monday, June 25, 2012

Kissing Bandit : Chapter 15

CHAPTER 15
(ATASHA ORELLANA POV)


“Sa huli, nakikita kong pagsisihan mo ‘tong ginawa mong pag-iwan sa kanila na silang dalawa lang.”


Ano ba naman!!! Gumugulo sa isip ko yung sinabi ni Ate Ganda! Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos pagkauwi namin dito sa dorm. Nasa isip ko si Zack my loves at yung dyosang Carly na yun.


Ngayon pa imbes na Sunday naman at bawiin ko yung tulog ko, ang aga ko pang nagising. Hindi na tuloy ako nakabalik sa pagtulog.


“Waaahhh!!! Ang laki pa ng eyebags ko!!!” =_________= Mukha akong inchik na nasuntok sa dalawang mata at kahit naniningkit, namamaga naman at nangingitim pa ang paligid sa buong mata ko!


At dahil nga hindi na ako dinalaw ng antok, nag-almusal na lang ako. Instant noodles at skyflakes na lang ang kinain ko. Naisip ko rin na mag-open ng laptop at nang ma-check ang dalawang account ko.


Yung real account ko which is Atasha09… hwaw!!! ZERO notification! Wala man lang comment or new followers!!! Asaness nga naman ako!!!


Magtungo naman tayo sa Anti_Kissing_Bandit account ko na pang TOP 16 na ngayon ang standings sa TMU diary.


As usual, puro hate comments patungkol sa nagmamay-ari nitong account at papuri naman sa mga pictures na pinost ko tungkol kay Laris. Hanggang ngayon nga, trending pa rin ang mga before and after photos ni Laris dun sa party ni Zack.


Wala namang interesting so off ko na…


But wait!!! Oo nga, bakit hindi ko i-check yun!!!


Type. Click. Search. Found!!!


Nagtataka siguro kayo kung sino ang hinahanap ko noh?


Eh di sino pa? Ang karibal kong si CARLY FRIAS…


Pang TOP 17 siya sa buong TMU, naungusan ko pa siya gamit ang ANTI_KB!!! Hwahahahaha!!! At least dun lumamang ako sa kanya!


So ayun, ni-check ko lang ang profile niya. Halos magkasing-edad sila ni Zack. They are both one-year older than me. Galing siya sa isang may kayang pamilya. Part-time model. She was crowned Miss TMU last year.


And these are just some of the pictures na meron siya sa kanyang album.


Ang ganda niya talaga! Shetlungs!!!


*sigh…*


Nakaka-frustrate na ganyang klaseng babae ang kalaban ko sa puso ni Zack! Alam niyo yung kantang may linyang… ahem… LANGIT SIYA, LUPA AKO~ Tama ba yun? Basta parang ganun na rin!!! Ang sakit lang sa bangs ko ha!


*Carly just posted a new update.*


“Online siya ngayong oras din?” Matignan nga yung bago niyang post…


.


.


.


______


.


.


.


I'mUrCarly says...

Sleep tight, Zacky!

This is after the party. Kawawa naman si bebe Zacky, so tired na kaya dito na nakitulog sa house namin.
Don’t tell him about this picture ha? fufufufufu…


.


.


.


“NOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!” - (>╭╮<)


Bakit dun nakitulog si Zack! Bakit! Bakit!










(Laris Howfer POV)


Sa wakas nakapagPOV na ulit ako! Kwento rin naman ito ng buhay ko diba? Akala ko nakalimutan na ng magaling na author na pagsalitain naman ako eh. Baka bawiin ko sa kanya ang first kiss na binigay ko eh.


Anyway, ayun walang pagbabago. Gwapo pa rin naman ako. Maraming fans. Sikat. At yun nga, gwapo pa rin. In born yan, ang pumalag pangit!


Nanatili pa rin akong 2nd sa TMU diary, lintek na Admin kasi, hindi ko maungusan! Pero okay lang, sigurado ko namang mas magandang lalaki ako kesa sa kanya. Yun eh kung lalaki siya. Kapag babae naman siya, sigurado kong one of my fans lang din yun!


Samantala, Sunday nga pero kailangan pa ring magtrabaho. May pinadalang damit na naman ang mga clients ko para i-model ko yung designs nila. Ang gwapo ko nga kasi! At kahit pa may hangover  pa ako dahil sa party ni Zack kagabi, kailangan kong mag-pose na suot ang mga damit na ito.



At syempre, ang alipin kong babaeng probinsyana ang kumukuha ng precious pictures ko. “Hoy Hot Pink! Bakit ang lutang mo?”


“Ha?”


“Pinalagpas na nga kita na walang morning update ngayon tapos itchura mo mukha pa ring puyat.”


“Ha?”


“Ha? Hahahain ko mukha mo eh! Ayusin mo nga pagpipicture mo.”


“Ha?”


Changgalang babae ‘to! Nagpipicture nga pero hindi ako palagay sa shots niya ngayon. “Hoy! Umayos ka nga!!! Gwapo nga ako pero parang walang dating itong shots na pinagkukuha mo eh!”


“Ha?” Ampupung HA yan!!! Pwede namang HE o HI o HO o HU, bakit kailangan palaging HA? “Ha? Ano yun?”


“Sabi ko ang pangit mo! May hangover ka ba? Eh wala namang halong alak yung ininom mong Arnold Palmer kahapon.”


“Ha… hindi ako lasing… wala lang… sige na, mag-pose ka na lang ulit. Ha!”


May himala nga yata? Katapusan na ba ng mundo? Uso ba ang HA ngayon? Himalang hindi nga gumaganti sa barahan ngayon si Hot Pink! Hindi siya hot ngayon!!! Ang lamya! Walang thrill asarin!!!


“Amin na nga yang camera!”


“Ha…?” Isa pang HA, ipupukpok ko  na ‘tong camera sa mukha niya!


“Ang pangit mo na nga, ang pangit mo pa lalo!!!” *click click* “Oh tignan mo itchura mo!!! Itchura ba ng babae yan? Muntae!!!”



“Ha?”


*buuuuggg!!!*


“Aray~” Ayan sabi sainyo tatama na 'tong camera sa mukha niya. At mukhang natauhan na rin naman siya! Ang talim na ng tingin niya saakin at umuusok pa ilong. “Aray ko naman eh…” Pero mali pala ako! Naupo pa siya at nagmukmok!


“May sakit ka ba? Ano namang inaarte-arte mo jan? Nagtatrabaho ka eh.”


“May sakit nga ako. Dito…”


“Saan?”


“Dito nga…” At itinuro niya ang dibdib niya kaya tinignan ko yun.


“Masakit yan? Baka lumalaki lang. Dapat nga matuwa ka pa.”


*buuuugssssh!!!*


Anak ng putek!!! Naalog yata brain ko nun ha! Pero at least may improvement na reaction niya. Oh start na po ng barahan ito.


“Bastos ka talaga kahit kelan!!!”


“Psh! Nakita ko naman na yan!”


“Kapal mo!!!” Oh yan sige lang! Hindi ako sanay na bait-baitan siya eh! Nakakadiri lang! “Ang puso ko ang masakit, okay?”


“Bakit?”


“Nakita mo ba ang trending kanina?”


“May bago ba? Malamang eh tungkol lang saakin yun.”


“Wala ka na bang ibang alam kundi ang tungkol sa sarili mo?”


“Bukod saakin… hmmm… wala na. Ako lang naman ang mahalaga eh.”


“Psh! Hindi ka matinong kausap!!!” Tapos tumayo na siya. “Tapos na ang pictorial! Ang dami ko nang nakuhang pictures mo!!! Okay na ‘to.”


“Anong okay? Kumuha ka pa ng marami.”


“Hindi ka ba maka-gets HA? WALA NGA AKO SA MOOD.”


“Oh ano ngayon? Nagtatrabaho ka diba? Trabaho mong kumuha ng pictures ko.” Sumimangot lang siya at nag-pout pa ng lips niya. Mukhang wala nga sa mood ang Hot Pink na ‘to. Hindi maganda ito, baka wala pang matinong picture ko ang nakuha niya! “Oh siya sige, ano ba kasi talagang problema mo? Anong tungkol sa TMU na hindi tungkol saakin ang pinoproblema mo ngayon?”



Nagbuntong-hininga siya at ang boring niya lang tignan. Ang sagwa talaga ng itchura, nakakawalang ganang titigan!!! “Mukhang tama ka nga sa sinabi mo. Na pagsisisihan ko na iniwan ko si Zack at si Carly na magkasama.”


“Sabi naman sayo, hindi pa ako nagkakamali. Ang galing ko talaga! Bilib ka na noh?” Tapos tinignan niya ako ng masama. “Ah eh bakit ba? Ano bang nangyari?”


“Tinignan ko yung account ni Carly…”


“Pffft… talaga?”


“Oh eh anong nakakatawa dun?”


“Wala naman. Oh sige, go on.”


“Tapos… tapos may nakita akong picture na pinost niya. Si Zack… si Zack doon natulog sa bahay nila.”


“Wow! Talaga? Ayus si Zack ha! Mukhang naka-score na kay Carly! Ahahahaha!” Tapos nagmukhang tae na naman yung reaction ni Hot Pink sa sinabi ko. Powta, ang panget lang talaga! “Pero sa ugali ni Zack, paniguradong wala namang nangyari dun sa dalawa kaya wag kang mag-alala jan.”


“Eh sa ganda ba naman nun ni Carly!”


“Eh sa old-fashion din yung si Zack!”


“Eh maganda pa rin si Carly! Paano kung… paano kung…”


“Well kung sa bagay. Sino nga bang makakatanggi dun kay Carly. Eh nakainom pa sila pareho kaya malamang nga…”


*sniff sniff*


“Oy? Ano yan?”


“Hmm…?” Hindi ko alam kung paano ide-describe yung mukha niya eh! Kahit ako hindi makapaniwala na naatim kong kausapin itong probinsyanang ito eh. “Uwaaaaaaaaaah!!!”


Potek!!! Umiiyak ba siya? “Oy umiiyak ka ba o nagpapawis lang?”


“May mata bang nagpapawis?”


“Oo. Yung sayo?”


“Uwaaaaaaaaaaah!!! Tange!!! Umiiyak ako!!!”


At ang laki ng bibig niya na kinailangan ko pang takpan dahil nakakaistorbo ang boses niya. “Hot Pink naman!!! Hinaan mo yang boses mo!!! Nakakahiya sa mga ibang dito sa dorm tao!!!” Tama ba naman kasing magngangawa dito eh siesta time ngayon!


“Uwaaaaaah~ si Zack…”


Hay! Mga babae talaga! Umaarte ng ganyan dahil lang sa pag-ibig! Tsk!


But well, bilang ako ang tinaguriang si Kissing Bandit, syempre sanay na ako sa mga ganitong eksena. At dahil ayokong makaistorbo pa kami ng ibang tao dito sa dorm, kinailangan ko nang gawin ang isang bagay kung saan ako magaling.










“Bakit tayo nandito?”


Eh nasa café kami. “Alangan namang maglalaro? Eh di bibili tayo ng dessert!”


“Eh bakit nga?”


“Kapag malungkot ang isang tao, kadalasan walang gana. Tulad mo ngayon, walang kang gana magtrabaho at wala ganang makipag-asaran saakin. But if you eat sweet food, it will also make your mood good.”


“Wala akong pera ngayon.”


Psh!!! Sabi na mapapasubo ako nito eh! Pero ayos na rin, may dahilan para magkautang na loob siya saakin! “Sige na, libre ko. Para merienda na rin.” Sisingilin ko na lang siya kapag ako naman ang mangailangan! Hahaha! Talino ko talaga!


Tapos, matagal na tumingin si Hot Pink dun sa menu. Wala pa ring kagana-gana ang mukha niya. Mugto pa mga mata niya! Uulitin ko lang ha, ang panget talaga!!!



“Tangna naman, bilisan mo mamili! Humahaba na pila oh!” Tapos tumingin siya saakin, at mukhang wala rin siya sa mood na mamili ng dessert. Malala na yata talaga ‘tong babaeng ‘to eh! “Pucha!!! Ako na nga mamimili!” At ako na ang umorder dun sa counter. “We’ll have chocolate truffle cake please.”


At pagkakuha ko ng in-order kong cake, dun kami napwesto sa kadulu-duluhang pwesto ng café. Adik rin itong si Hot Pink, ang laki lang talaga ng problema sa buhay eh.


“Oh yan, kainin mo.” Nakayuko lang siya at nakatitig lang dun sa cake na binili ko. “Masarap yan, dali kainin mo na.” Pero parang kumakausap lang ako sa hangin kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung isang tinidor at ako na unang kumain dun sa cake. “Hmm~ ang sarap!”


Pero wala pa rin siyang reaction.


“Nung una ang galing mong mag-deny na wala kang gusto kay Zack. Eh ano yang inaarte-arte mo?”


“Oh di OO na! Gusto ko nga siya! May mangyayari ba kung inamin ko agad ha?”


“Yan ang hirap sa inyong mga babae. Gusto niyo na ang lalaki pero nahihiya pa kayo. Tapos kung may mangyayaring ganito, magmumukmok kayo! As if may magbabago kung iiyakan niyo. Alam mo tawag jan? Tanga!”


*sniff sniff*


“Oh yan! Tas iiyak-iyak ko ulit ngayon! Tigilan mo yan, baka sabihin nung ibang customer, ako nagpa-iyak sayo eh!”


“Eh kasi hindi ka naman nakakatulong eh! Lalo mo pang pinasasama loob ko!”


“Anong gusto mo? Tulungan kita?”


“Para ano? Para ipamukha saakin na tama yung sinabi mo saakin dun sa party? ‘Dahil alam mo na ang tungkol kay Carly ngayon, sooner or later lalapit ka na saakin para hingin ang tulong ko.’  Yun ba?” Aba! Ginaya pa boses ko ha!


“Ang galing ha! Kabisado mo pa pala yung sinabi ko sayo kahapon. Pero oo, at mukha ngang panalo na ako sa bet. Aminin mo man o hindi, alam kong umaasa ka na may maitutulong ako sayo ngayon.”


“HINDI AH.” Ang arte talaga! Siya na nga ino-offeran ng tulong!


“Eh di wag.” But for sure, hihingi pa rin ng tulong yan! Pustahan pa tayo.


“Paano mo ba ako matutulungan ngayon, aber?” Oh kitams!


“Do you have your phone? Siguraduhin mong may load ka pantawag ha.”


At dinukot niya sa bulsa ang cellphone niya. “Ito. Tapos?”


“Tawagan mo ngayon si Zack.”


“AYOKO NGA! ANO NAMANG SASABIHIN KO!”


“Pwede bang bago violent reaction, makinig ka muna?” At nanahimik na nga siya. Dapat lang noh, kung hindi lalayasan ko na talaga siya. “Call him and just ask him kung kamusta na siya. Wag mong ioopen yung tungkol sa nakita mong picture na pinost ni Carly.”


“Tapos?”


“Tapos, kapag siya ang nagopen-up tungkol dun, wag kang mako-comment. Act like you don't know anything about it. Makinig ka lang sa mga sasabihin niya.”


“Ano namang point nun? Kakamustahin ko lang tapos hihintayin ko lang na siya ang magopen-up ng ganun tapos wala akong ire-react?”


“Kapag ang lalaki kasi, nagpaliwanag ng isang bagay na hindi naman tinatanong ng isang babae, ibig sabihin concern siya sa iisipin mo kapag nalaman mo na ang tungkol dun kaya uunahan na niyang sabihin ang side niya.” Nanlaki lang ang mata niya sa sinabi ko. “Once that happens, just laugh at it. Sabihin mo, okay lang yun at wala ka namang problema tungkol dun and then hang up the phone.”


“Yun lang? Sigurado ka?”


“Yup! Just try it.” And so she did. Ni-dial niya ang number ni Zack at halatang kabado. “Just relax! Yung normal lang na boses mo.”


“Kapag ako talaga ginu-goodtime mo lang… ah… hello…” Ginugoodtime pala ha! Let’s see! “Hi Zack! Kamusta? Ha? Wala naman! Ah… oo ayus naman ako. Ah… oo… hmm… picture?” There you go! Just do what I said Hot Pink! “Um… what picture? Sa TMU diary? Nope, hindi ko pa nakikita” Lungkot-lungkutan pa siya nung ma-open na yung tungkol sa picture.



Pero nanlalaki lang ang mata ni Hot Pink habang tumatagal ang pag-uusap nila ni Zack. Halatang nagulat dahil tumatama ang lahat ng sinabi ko. Nakatingin din siya saakin waiting for my next instructions. Pero ang bulong ko lang sa kanya, “You're doing good. Just keep on going!”


“Ah… ahahahaha. Talaga? Sa house ka ni Carly nakitulog? Ah… okay. Ahh… hahaha.” At magaling na estudyante naman din siya dahil sinusunod niya lang ang sinasabi ko. “Ahh! Zack! Okay lang yun! Ano ka ba! Walang problema dun.”


“Nice! Ngayon, magba-bye ka na…”


“Ah sige Zack. May gagawin pa ako eh, babye na.” At pagka-end nga ng usapan nila. “Wow!!!” The usual reaction of the girls na napapabilib ko sa kakaibang talent ko. “Wala akong masabi!!! Ibig bang sabihin nun, concern saakin si Zack kaya niya ipinaliwanag yun?”


“Well, most certainly yes.” Napangiti na siya nun, knowing that what I’am saying is always 100% percent correct! “Oh masaya ka na? Pero hindi pa yan natatapos jan?”


“Anong ibig mong sabihin?”


“Mas matuwa ka kapag naka-receive ka ng text sa kanya telling that he is relieved to hear na hindi ka nag-iisip ng kahit na anong negative tungkol dun.”


“Bakit ano namang ibig sabihin nun?”


At bago ko pa man masagot ang tanong niya, naka-receive na nga ng text si Hot Pink mula kay Zack.


“I’m so relieved you don’t think bad about it. Thanks Atasha, you're the best. Have a nice day!”


“OMG…” At nakakanganga na ngayon ang itchura niya habang hinihintay ang isasagot ko. “Dapat na ba akong mas matuwa? Anong ibig sabihin nito ha?”


Then I smiled at her. “There’s a big chance that you and Zack are both sharing the same feelings for each other.”


At kung makikita niyo lang talaga yung epic na reaction ng mukha niya! Nagtwinkle bigla ang mga mata niya at tumili pa sa harap ko. At sa pagwawala niya, nilantakan na rin niya yung cake na hindi niya pinapansin kanina.


“Okay, itatanong ko ulit, so bilib ka na ba saakin?”


Ow may gawd!!! It’s you already!!! Thank you!!!”


“Grabe! I'm so great!” Totoo naman diba? Umamin ka! Pati ikaw bumilib!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 15





8 comments:

  1. grbe! ang landi ni carly! hmp! anon ginwa mu kei zack!!! kkainis kng babae ka!!!!!

    peo ehem nmn! oo n laris, bilib n aq sau! ang gwapo mo pa! hahhhhahaha! ang gling nia ha! infairness nmn! kya pla isa xang legend eh! kinilig aq s knila ni atasha!

    ReplyDelete
  2. hala ang gwapo ni laris dun sa pictorial! ppabolz tlga!

    ReplyDelete
  3. i have a feeling na makakaaway talaga ni atasha si carly. she seems to be bitchy to me.

    ReplyDelete
  4. ang cute tlga nila!!.. gandang lalaki talaga ni Laris kht kelan,kakagigil!.. haha.. mas mganda pa kesa sakin.. kaka-insecure!..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  5. haahahahahaha...pagsisisihan mo Laris ang ginagawa mo....

    ReplyDelete
  6. ang sweet ni laris! siguro nga wala pa siyang feelings for atasha but time will come pagsisishan mo rin na pinupush mo si atasha kay zack!

    ReplyDelete
  7. Yeaboi! Bilib na ako sa iyo Laris! Pakiss naman jan. HAha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^