CHAPTER THIRTEEN
SINUBUKANG pagandahin ni JiYeon ang mood nya pag-kagising nya sa umaga. Kailangan nyang harapin si MinHo na may positive aura para hindi naman ito lalong pang-hinaan ng loob. Kahit nananakit ang mga paso ay pinilit paring mag-luto ni JiYeon. Kagagaling lang ng mga sugat nya sa pag-kakahabol sa bus ngayon ay may panibagong sugat nanaman sya at si MinHo nanaman ang may kagagawan. Mas makakabuti kung umiwas na lang sya dito dahil baka sa sunod ay buhay na nya ang maging kapalit. Kahit pa isang joke iyon hindi rin sya makakasiguro.
Inisang tabi nya muna ang mag negatibong isip at inumpisahan na nyang mag-luto ng agahan para kay MinHo. Sila lang dalawa doon ngayon, umalis kasi si Lin dahil may aasikasuhin lang ito.
Sinigurado muna ni JiYeon na hindi na masyadong mainit ang mga pag-kain bago nya ito ihatid kay MinHo dahil baka mamaya ay matapunan nanaman sya at madagdagan ang benda nya sa kamay. Tinungo nya ang kwarto ni MinHo dala ang tray ng pag-kain. Sa pag-pasok nya sa loob ay muli ngang tumilapon ang tray ng mga pag-kain. Hindi dahil kay MinHo kundi dahil sa nakita nyang gagawin ni MinHo. Nag-tatangka itong mag-las las gamit ang blade. Kaya nama agad itong tinakbo ni JiYeon para pigilan. Sya pa tuloy ang nahiwa sa daliri.
"MinHo ano ba!?"naiiyak nyang wika sa nag-mamakaawang boses. "Tama na! Gumising ka na!"tulo na lang ng tulo ang luha nya kasabay ng pag-tulo ng dugo sa daliri nya. Hanggang sa nakita na lang nila ang sarili na parehong umiiyak, parehong nasasaktan, parehong nakaupo sa lapag at nag-hihintay na kaawaan ng Panginoon.
Nag-daan ang mga araw na ganun ang ginagawa ni MinHo. Mabuti na lang talaga at naaabutan sya ni JiYeon. Sa takot nila ni Lin ay nag-desisyon si JiYeon na doon na lang matulog sa kwarto ni MinHo para mabantayan nya ito. Yun na lang naman ang tanging paraan para ma-protektahan ni JiYeon si MinHo. Kaya kahit pa hindi sya matulog buong mag-damag ay gagawin nya para lang kay MinHo.
ALAS OTSO na nang gabi natapos ang practice ng apat. Ngayon nga ay nag-papahinga na silang sabay sabay. Pag-kuway nag-salita si TaeMin.
"Mas masaya sana kung naan dito si MinHo hyung."nalulungkot nitong wika.
"Marami na syang na-miss sa practice natin."saad naman ni JungHyun.
"Sana naman sa launching ng album natin okay na sya."nalulungkot ding sabi ni Key.
"May time pa naman. Two months before the releasing of the album. Kayang kaya humabol ni MinHo."binilang pa ni Onew ang nalalabing buwan para sa album launching nila.
"Sa album launching. Yun din ang araw ng pag-balik ng totoong road manager natin. Ibig sabihin wala na nun si JiYeon."paalala ni TaeMin sa mga ito. Bahagya din syang nalungkot sa isiping aalis na si JiYeon sa araw na iyon. Sa katahimikan ng lahat ay may biglang pumasok sa loob. Sabay sabay silang napalingon sa pinto. Napatayo si TaeMin sa pag-kakaupo dahil pamilyar sa kaniya ang babaeng pumasok. "Ikaw?"kunot nuong gtanong nito. Sa kanya naman nabaling ang atensyon ng tatlo.
"Bakit? Kilala mo ba sya?"tanong ni JungHyun.
"Oh! Ikaw!"hindi pa man nakakasagot si TaeMin ay naunahan na sya ng babae. Ngayon ay hindi ito naka-pink kundi naka-blue naman itong dress. "Ikaw yung nakita ko sa C.R ng mga lalaki diba?"walang prenong saad ng babae. Nataranta naman si TaeMin sa sinabi nya.
"Ano?!"nadagdagan pa iyon ng sumilay ang mga pilyang ngiti at tingin ng mga hyung nya sa kaniya.
"Hindi yun ganun! Mali kayo sa iniisip nyo!"agad na paliwanag ni TaeMin sa mga ito.
"C.R pala hu!"malisyosong tingin at pilyang ngiting sabi ni JungHyun kay TaeMin.
"Hyung naman! Hindi nga yun ganun!"sinisikap talaga nitong mapaniwala ang mga hyung nya.
Lumapit ang babae sa kanya. "Pasensya ka na hu? Kasi nag-bihis ako sa harap mo. Nag-mamadali kasi ako nun e."dugtong pa ng walang prenong mag-salita na babae.
"Ano?!!"mas lalong nagulat ang tatlo na may kasama pang tawa.
"Mas mabangis pa pala satin ang maknae natin ah!"dagdag biro ni Key.
"Binata kana!"sumali pa si Onew sa biruan.
"Hindi nga ganun yun!"giit ni TaeMin pero mukhang ayaw sya pakinggan ng mga ito. "Hay! Bakit ba kasi walang preno yang bibig mo?!"inis na sita nya mismo sa harap ng babae.
"Bakit? Totoo naman yun e."kung inosente si TaeMin ay mas inosente naman ang babaeng ito kilala nya lang sa pangalang "PiggyLovesPink".
"Ikaw naman. Sya nga hindi nahihiya na aminin yun e. Okay lang yan. Mga hyung mo naman kami e."inakbayan pa ni JungHyun si TaeMin habang sinasabi iyon.
"Teka! Ano bang ginawa nyo sa C.R?"tanong ni Key na may malisyang ngiti kay TaeMin.
"Wala nga sabi! Hay!"tiningnan nito ng masama ang babae saka nilayasan ang mga hyung.
"Hoy! Teka! Saan ka pupunta? May tinatanong pa hyung mo!"tawag ni Key pero parang hindi narinig ni TaeMin. Nag-tataka na lang syang sinundan ng tingin ng babae. Ang gusto lang naman nito ay ibalik ang jacket nya at kunin ang bag.
Natatawa at napailing pa si Onew ng tapikin nya si Key. "Ikaw talaga. Naasar mo nanaman si TaeMin."wika pa nito.
Nasa daan na sila pabalik ng dorm ng makita ni Onew si Janey na nag-lalakad sa daan. Agad nyang pinahinto ang sasakyan n ikinagulat naman ng tatlo.
"Bakit? May nakalimutan ka ba?"kunot nuong tanong ni JungHyun.
"Oo. Mauna na kayo. Susunod na lang ako."kinuha ni Onew ang jacket na nasa paper bag na dala kanina ng babae. Bahagya namang nagulat sa kanya si TaeMin.
"Sa akin yan ah! Paano napungta sayo yan?"anito.
"Hinatid yan ng girlfriend mo kanina. Kaso nilayasan mo."muling asar ni Key.
"Hindi ko girlfriend yun!"galit na sagot nito.
"Grabe ka! Nag-effort na nga yung girlfriend mo para makita ka. Sinungitan mo pa."dinugtungan pa ni JungHyun.
"Sabing hindi ko nga yun girlfriend! Hay!"isinukbit na lang nito ang headset sa tenga at pinalakasan ang sound. Nag-tawana naman sina Key at JungHyun. Bago bumaba si Onew ay nag-suot muna ito ng sumbrero bago isinukbit ang hood ng jacket. Nag-suot pa ito ng shades.
"Mauna na kayo."wika nya bago isinara ang pinto ng sasakyan. Patakbo nyang tinungo si Janey at swerteng naabutan pa nya ito.
Mabuti na lang at sinundan ni Onew si Janey, dahil sa dulong street pala kung saan liblib ay may nakaabang na panganib kay Janey. May isang lalaki na lang na biglang humatak ng bag nya. Nakikipag-agawan si janey ng lumitaw si Onew. Sinipa nito ang holdaper, pero nang-laban pa ito. Nakipag-salitan pa ito ng suntukan kay Onew. Mabuti na lang at magaling si Onew umilag at mabuti na lang walang patalim ang holdaper dahil kung hindi baka may tagas na ang katawan ni Onew. Hanggang sa tumakbo na lang ito, marahil nalaman nito na walang itong laban kay Onew.
"Sa-salamat."halata ang takot sa boses nito.
Humarap si Onew sa kanya saka ngumiti. "Mag-iingat ka next time."sabay nyang inalis ang salamin pag-kasabi nya nun. Nagulat si janey dahil si Onew pala iyon.
"Onew?"anito.
"Ano ka ba. Lagi ka na lang nagugulat kapag nakikita mo ko."saad ni Onew.
"Hi-hindi lang kasi ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon ang leader ng SHINee."
"Ano bang bago sakin? Hindi pa rin naman ako nag-babago simula ng mga bata pa tayo e."pag-yayabang ni Onew kay Janey.
"Simula ng bata tayo?"kwestyonableng mukha ang sinagot ni Janey.
"Oo. Hindi mo ba naalala? Ako naalala ko pa yun."
"Sorry. Pero kasi ngayon lang kita nakilala."nahihiyang sagot ni Janey. Ang masayang mukha ni Onew ay napalitan ng pag-tatanong. Ano ba talaga ang nang-yari sa babaeng 'to? Bakit wala na itong maalala sa nakaraan?
"Hindi mo ba ako matandaan? Kung ganun bakit tinawag mo kong Onew noon ng mag-kita tayo sa tapat ng CD Store na para bang excited ka?"panunumbalik nito sa nakaraan.
Natawa si Janey. "Syempre, kaharap ko ang isa sa sikat na leader at isa sa member ng SHINee."mukhang naliwanagan si Onew sa nang-yari ng nakaraan.
Dahil lang pala sa sikat sya kaya ya kilala ni Janey. Ano na ngayon ang gagawin nya? Gusto nyang mabawi si Janey, pero hindi nya alam kung paano nya gagawin yun.
nkktuwa ung ibang luvteams! at ang bongga ng luvlife ni janey! ayiiiiiieeeeeeeeeeeee!
ReplyDeleteaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!! pwede po mgwala! ang tgal q tlga nde nkpgOL at ito tinignn q kung mei improvemnt n ba ang luvlyf q! so far, kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah! onew q!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletekyaaaah! nakakakilig din sila!
ReplyDelete