Thursday, July 5, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 11


CHAPTER ELEVEN


  
            KAHIT  wala  si MinHo ay tuloy parin ang activities ng SHINee. Maraming tao parin ang tumatangkilik sa kanila pero mas maraming bumabatikos sa  maling nagawa ni MinHo. May mga iniintindi ito at may mga nang-lalait naman. Ganun pa man ay nag-patuloy parin ang apat alang alang sa nasimulan nilang pangarap.


Katatapos lang ng practice nila ng mag-punta si Onew sa isang coffee shop malapit lang sa building ng SM Entertainment. Parang bigla nyang naisipang uminom ng kape. Nakisabay na ring nag-pabili ang tatlo ng paborito nilang babana cake. Swerte ni Onew dahil walang pila ngayon sa coffee shop kaya naman nakabili agad sya ng dapat nyang bilhin. Pag-labas nya ng coffee shop ay napatingin sya sa isang babae na nag-lalakad sa may kabilang kanto. Tiniyak nyang mabuti kung kilala ba nya ang babae. At nang makasigurado ay nag-mamadali nya itong nilapitan. Ang problema nga lang ay may mga sasakyan na nag-raragasa. Pero walang pakialam si Onew. Ang mahala ay maabutan nya ang babae. Sigurado syang kilala nya yun. Sigurado syang si Janey yun. Si Janey, ang babaeng matagal nyang hinanap. At hindi na nya palalampasin pa ang pag-kakataong ito dahil baka bigla nanaman itong mawala. Ayaw na nyang mag-hintay pa ng ilang taon nanaman bago nya muling makita si Janey.



Nakikipag-patentero sya sa mga sasakyan. Hindi nya alam kung saan sa lilingon. Kung sa mga paparating bang sasakyan o kay Janey. Palayo na ito ng papalayo habang si Onew ay sinisikap na makatawid sa kabila na buhay. Nabitawan pa nya ang mga biniling mga pag-kain dahil sa kakaiwas. Gustom pa sana nyang balikan kaso wala na syang oras. Hinayaan nya nalang itong nag-kalat sa kalsada hanggang sa wakas ay nakatawid na sya sa kabila. Pakiramdam nya parang bigla na lang dumami ang mga taong humaharang sa kanya palapit kay Janey. Hindi na nya ito makita hanggang satuluyan na nga itng nawala ng makarating sya sa intersection. Hingal na hingal sya sa kakatakbo. Parang mas nakakapagod pa iyn kaysa sa practice nila kanina.



Maya-maya pa ay pinalilibutan na sya ng mga taong humahanga sa kaniya. Tuwang tuwa ang mga ito at may mga nag-pi-picture pa. May isa pang babae na nag-lakas ng loob na mag-pa-autograph sa kaniya at pinag-bigyan nya naman iyon. Ilang saglit pa ay tumawag na si Key.



“Hyung! Asan ka na ba? Mamamatay na kami sa gutom ditto e!”reklamo ni Key sa kabilang linya. Nag-palibot libot ng tingin si Onew sa paligid. Medyo malayo layo ang tinakbo nya mula sa SM Entertainment.



“Ha-ah-sige pabalik na ko.”utal nyang sagot.


  
“Sige, bili mo na rin kami ng soda!”pahabol pa nito bago ibinaba ang cellphone. Napabuntong hininga si Onew. Naiinis sya, kung kailan ayan na, abot kamay na nya ay nawala pa. Babalik n asana sya nang muli nyang makita si Janey na lumabas sa isang CD shop mismo sa harapan nya. Hindi na sya nag-atubili pang lumapit dito. “Janey.”hinawakan nya ang kamay nito para pigilan itong lumakad. Parang nag-slow motion ang ikot ng mundo ng humarap sa kaniya si Janey. Kaya lang parang bigla syang binagsakan ng mundo ng biglang mag-salita ng wirdo si Janey.



"Onew!"masayang bati nito sa kanya.



"Kamusta ka na?"masayang pangangamusta nito sa kaniya.



"Okay naman ako. Ikaw?"balik tanong nito.



"Hindi ako makapaniwalang nakita na kita! Ang tagal kitang hinanap!"niyakap pa ni Onew si Janey. Parang wala namang kamalay malay ang reaksyon ng mukha ni Janey. Parang hindi nito naiintindihan ang nang-yayari. "Bakit ba bigla kang nawala noon? Bumalik ako noon pero pag ba;lik ko wala na kayo dun."nag-hahanap ito ng kasagutan kay Janey pero iba ang lumabas sa bibig nito.



"Hu? Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."anito. Napakunot lalo ang nuo ni Onew.



"Hindi mo na ba maalala?"dali daling may kinuha si Onew sa bulsa at ipinakita ito kay Janey. Isang maliit na vial na mayroong maliit na naka-rolyong papel sa loob. "Ito! Naalala mo ba to?"



Kwestyonableng mukha parin ang ipinakita ni Janey. Nag-tataka na si Onew kung bakit wala na itong maalala sa nakaraan nilang dalawa? Dahil ba sobrang tagal na nilang hindi nag-kikita kaya ganun? O sinasadya lang nitong hindi sya maalala dahil baka may galit ito sa kaniya dahil sa pag-alis nya noon? Kung ganun nga hindi na nito kailangan pang mag-panggap na hindi sya nito naaalala. Mas gugustuhin pa ni Onew na sampalin na lang sya ni Janey kaysa kalimutan.



"Janey!"sabay napatingin ang dalawa ng may tumawag sa likuran ni Janey. Isang lalaki yun.



"JiYoung!"masayang bati ni Janey. Lumapit pa ito sa kanya at kumapit sa braso. Nasasaktan si Onew sa nakikita. Ayaw nyang makita si Janey na masaya dahil sa ibang lalaki. Dahil noon pa man sya na ang nag-papasaya dito. Sya lang at wala ng iba, pero ngayon? Iba na ang nakakagawa ng mga ngiti sa labi ni Janey. Gusto nyang sapakin si JiYoung kung hindi lang sya sikat.



"Ang swerte ko kasi nakita ko si Onew. Ang leader ng SHINee."sumbong ni Janey kay jiYoung. Binaling naman ni JiYoung ang atensyon kay Onew.



"Kamusta? Alam mo fan na fan ka talaga ng girlfriend ko."saad ni JiYoung. Grilfriend? Ang lakas naman ng loob ng lalaking 'to na sabihin iyon sa harapan ni Onew. Walang pwedeng umangkin kay Janey kundi si Onew lang.



Tulala tuloy si Onew ng makabalik ito sa practice room ng SM Entertainment. Sa lalim ng iniisip nito ay nakalimutan na nitong bilhin muli ang kanina ay natapong mga pag-kain sa kalsada. Sinalubong sya ng tatlo sa pinto pa lang. Halata sa mga ito ang gutom.



"Hyung! Nasaan na ang pag-kain?"tanong ni TaeMin habang hinahanap ang mga pinabili nila. Doon lang natauhan si Onew.



"Aist! Nakalimutan ko! Sorry! Sorry!"paulit ulit nitong wika. Napahiga sa lapag si JungHyun at nag-umpisa nang mag-wala si Key.



"Ano bang nasa isip mo!? Ang tagal tagal mo sa baba wala ka man lang nabili? Gutom na gutom na kami! Una si MinHo, ngayon ikaw naman ang nababaliw! Haist!"sa inis ay hindi na naalala ni Key na matanda pa sa kanya ang kausap nya. Tahimik na lang na naupo sa tabi ang nagugutom na si TaeMIn.



"Sorry talaga! Tara! Iti-treat ko na lang kayo sa restaurant!"mabutri na lang at nag-kusa ito. Dahil kung hindi ay habang buhay na siyang isusumpa ng mga ka-grupo nya.


       ISANG LINGGO na rin ang lumipas simula ng mag-punta sila MinHo at JiYeon sa probinsya. At sa lumipas na araw na yun ay unti unti namang nakaka-recover si MinHo sa sakit na dinanas nya. Nakakangiti na rin ito kahit paano at nakakausap na rin ito ni JiYeon ng maayos. Kaya lang kung minsan ay wala lang talaga ito sa mood.


       Nang umaga nga ay naisipan ni MinHo na ayain si JiYeon na mamasyal sa hacienda. Sa pag-baba nya ay naabutan nyang nanunuod ng T.V si JiYeon. Gugulatin nya sana ito pero mukhang sya ang nagulat sa pinanpanood ni JiYeon.


       "Opisyal na ngang umamin sa publiko sina HaRa ng Kara at MinWoo ng ZE:A na sila na. Ayon nga sa aming impormasyon ay mismong umamain ay si HaRa. Mahal daw nila ang isa't isa kaya wala nang dapat pang itago."dinig na dinig ni MinHo ang balita. Para syang isang salamin na unti unting nababasag. Nakakabawi na nga sya sa naunang sakit pero heto nanaman ang panibagong sakit. Mas masakit pa nga ito sa nauna. Hindi ba sya patatahimikin ni HaRa? Hindi ba sya nito bibigyan ng mapayapang buhay? Bakit kailangan pa nyang gawin iyon? Masaya ba sya na nasasaktan si MinHo?


        Ang kaninang masayang mood ni MinHo ay napalitan ng sakit. Sana ay lalabas sya ngayon pero mas ninais nya na lamang na bumalik na lang sa kwarto at mag-kulong. Mas okay na dun, naisip nya na mas safe sya doon. Walang mananakit sa kanya. Wala syang maririnig na mga salitang mag-papabasag ng pag-katao nya. Ayaw na nyang umalis pa doon.


        Samantala, nang-gagalaiti naman si JiYeon habang pinanonood ang video ni HaRa kasama si MinWoo. Kung nasa harap lang nya ito ay sinabunutan na nya.


        "Bwisit ka talagang HaRa ka! Nakakangiti ka pa ng ganyan! Habang si MinHo ko nasasaktan ng dahil sayo! Kung hindi ka lang kasi nagpa-HARAng HARAng samin ni MinHo E di sana sakin sya nai-in-love ng todo! Hay!'inambahan pa nya ito. Biglang pumasok sa isip nya si MinHo na ang pag-kakaalam nya ay himbing lang na natutulog sa kwarto nito. Ang hindi nya alam ay napanood na nito ang news. "Kamusta kaya sya? Sana naman hindi nya napanood yung news. Okay na pa naman ang mood nya ngayon."nilingon pa nya ang itaas bago muling umayos ng upo. "Sana mag-tuloy tuloy na ang recovery nya."bumuntong hininga pa sya.


        Hanggang saan kaya kakayanin ni JiYeon ang pag-titiis nya para kay MinHo. Hanggang saan kaya ang limitasyon ng pag-mamahal nya dito? Ngayon na parang hindi na makaka-move on pa si MinHo mula sa sakit na pinag-daraanan nito. Sana nga lang ay makayanan pa nya at huwag sya sumuko.


        >>>CHAPTER 12 HERE

3 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    eveyrthing happens for a reason minho. nanjan pa naman si jiyeon. look at her po. wag mong sayangin ang oras mo sa ibang hindi ka naman pinahahalagahan. anjan si jiyeon... grabe ang sobrang drama din ng comment ko po \m/

    ReplyDelete
  2. ang cute! kakilig! si angel, dumadrama na! ahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^