Thursday, July 5, 2012

Black and White (FTV) - Chapter 1

Photobucket
CHAPTER 1
“It's a mystery that we're a couple…”
 (Gina POV)


gina: neowa na black and white, neo neo neowa na black and white, nabakke eobseo eobtdago juwil deulleobwa, jebal jebal jebal, back to me, back to me, back back back to me~…


TECH. D: AND CUT! GOOD JOB GINA! (Sigaw nung technical director dun sa studio control room after ng recording ng bago kong Korean single na ‘Black and White.’) ANG GANDA TALAGA NG BOSES MO! BAGAY NA BAGAY SA KANTA!


GINA: THANK YOU!


Bigla ding lumapit saakin yung manager ko after ng recording.


MANAGER: WITHIN THIS MONTH DIN, PWEDE NANG I-SHOOT ANG VIDEO NG BLACK AND WHITE. MINAMADALI TAYO NG COMPANY SO ANG GUSTO KO, I-PRACTICE MO LANG LAHAT NG STEPS NA TINURO NG CHOREOGRAPHER. PAGBUTIHAN MO GINA, MALAKI NA NAMAN ANG INILAANG BUDGET NG COMPANY PARA SAYO.


GINA: DON’T WORRY MANAGER, AKO NANG BAHALA! UM, PWEDE NA BA AKONG UMUWI? (Tapos nagpa-beautiful eyes ako sa harapan niya)


MANAGER: HAY NAKU YANG MGA GANYANG PAGPAPA-CUTE MO GINA, KAYA LALO KANG SUMISIKAT EH. SIGE NA, MAGPAHINGA KA NA. (Napangiti ako ng sobra sa sinabi niya.) NAGHIHINTAY NA RIN YUNG BOYFRIEND MO DUN SA LOBBY NITONG BUILDING.


GINA: SI JIN!!! (Lalo akong na-excite pagkasabi niya nun) OKAY! BYE MANAGER! MAUNA NA PO AKO! (At kumaripas ako agad ng takbo)


MANAGER: OH WAG KANG MASYADONG CARELESS! TANDAAN MO, PAKALAT-KALAT LANG ANG MGA PAPARAZZI NA NAKASUNOD SAYO!


GINA: YES, I KNOW! BYE!


Ako nga pala si Gina. Isa akong singer-slash-dancer. Isang malaking idol star ng generation ko ngayon. I never imagine na sisikat ako kasi wala naman sa plano ko nung bata ako na mag-artista.


Ang naalala ko lang na pangarap ko nung bata pa ako ay maging isang housewife katulad ng mommy ko at magkaroon ng gwapong husband katulad ng daddy ko.


Well I think naman matutupad pa rin ang pangarap kong iyon dahil isang prinsipe sa kagwapuhan ang boyfriend ko… si Jin!


GINA: (Paglabas ko agad sa elevator, nakita ko na agad yung likod ni Jin) JIN!!! (Pero nagulat na lang ako nung lumapit ako sa kanya…) SINO NA NAMAN YANG KASAMA MO??? (Galit kong tinanong)


Paanong hindi ako magagalit, kung makalingkis yung babae sa braso niya, daig pa ang king anaconda!


JIN: AH… GI… GINA… (Nauutal pa! Kitam mo! May kasalanan ang lalaking ‘to!) THIS IS NOT WHAT YOU THINK IT IS.


Bago pa man siya magpaliwanag, nag-walkout na ako agad. Alam ko naman na nakasunod siya saakin dahil panay ang tawag niya saakin mula sa likod.


Nang maabutan niya ako…


JIN: GANITO MO BA SALUBUNGIN ANG BOYFRIEND MONG THREE MONTHS MONG HINDI NAKITA?


GINA: ANG TANONG, GANUN BA DAPAT ANG MASALUBONG KO KANINA? NAPAKA-PLAYBOY MO! WALANG HIYA KA!!! WALA KANG KWENTA!!! BREAK NA TA… (Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tinakpan niya bigla ang bibig ko. At makikipaghiwalay na ako sa kanya.)


JIN: BAGO MO SABIHIN YAN, DUN NA TAYO SA APARTMENT NATIN!


GINA: HMM!!! H-H-HMMM-HHHMM-H-H-HMM!!! Fv^%y#0i@*$!!! (Anong ibig sabihin nun? Minumura ko siya pero dahil nga nakatakip pa rin ang bibig ko, hindi ko mailabas yung galit ko.)


Isinakay niya ako sa sasakyan, at nag-drive na siya. Dun na ako tumahimik. Sige, kung gusto niyang doon kami sa apartment magtuos, dun kami magtutuos.


*     *     *


JIN: SHE WAS JUST A FAN. (Hindi ko siya sinagot. Dapat naka-focus lang siya sa sasakyan) SHE WANTED TO TAKE A PICTURE WITH THAT KIND OF POSE. (Nagroll-eyes lang ako) OF ALL PEOPLE DAPAT IKAW ANG NAKAKAALAM NA MAY MGA GANUN FANS TALAGA!

Photobucket

Nakasimangot pa rin ako. Vocalist kasi si Jin ng isang sikat na banda. So hindi lang ako ang sikat, pati rin siya. Itong nakaraang tatlong buwan, nasa Asian Tour sila kaya matagal din kaming hindi nagkita.


Actually, bago pa man kami sumikat, mag-on na talaga kami. Pero noon pa man, madalas na naming pag-awayan ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya kasi nga habulin siya masyado!


Ilang break-ups na rin ang naganap sa relasyon namin, at ilang balikan na rin! Hindi ko nga ma-gets kung bakit hanggang ngayon, kami pa rin. Siguro nga mahal na mahal niya ako kaya hindi niya ako kayang pakawalan… O pwede ring mahal na mahal ko siya kaya hindi ko siya maiwan.

Photobucket

Pagdating namin sa apartment namin…


JIN: UY! HINDI KA PA RIN BA NANINIWALA SAAKIN? (Sa buong oras kasi ng biyahe namin, nagpapaliwanag lang siya) WALA NGA YUN!

Photobucket

Actually, naniniwala na ako sa kanya. Alam ko naman din na ganun lang talaga dahil sikat na sikat na siya. Naasar lang talaga ako dahil napakaselosa ko… at parang ako lang ang madalas na may pinagseselosan!


JIN: MASISISI MO BANG MASYADONG COOL ANG BOYFRIEND MO? (Cool at mahangin!) AT TSAKA NATITIGAN MO BA YUNG ITSURA NUNG BABAE, PAGPAPALIT BA KITA DOON?


GINA: AYOKO NA! PAGOD NA TALAGA AKO SA GANITO! (Medyo tampo pa rin ako ha… pero part na lang ‘to ng pag-iinarte ko.)


JIN: SERYOSO KA BA? (Hinawakan niya ako bigla… ngayon halata na sa mukha niya ang kaba) WALA NGA AKONG KALOKOHAN! AYOKONG MAKIPAG-BREAK, BAHALA KA!


GINA: BITAWAN MO NGA AKO… (Tapos naupo ako sa sofa…) SUMASAKIT ANG ULO KO SAYO.

Photobucket

JIN: SORRY NA KASI… GUSTO MO I-MASSAGE PA KITA.


GINA: BWISET KA! LUMAYO KA SAAKIN!


JIN: GINA-GUMMYBEARS NAMAN! MY HOT GIRLFRIEND! SIGE NA BATI NA TAYO SWEETIE BABY… MISS NA MISS NA KITA ALAM MO BA YUN MY LOVELY WIFEY?

Photobucket

Sige ganyan nga Jin, magmakaawa ka pa… hehe… Ito naman ang gusto ko kapag nag-aaway kami at siya ang may kasalanan. Ganyan siya ka-sweet, at kadesperado kung mag-sorry.


At lahat na yata ng endearment, naagaw na namin!


GINA: HINDI KA NAKAKATAWA. (Syempre joke lang yun! Kanina pa ako kinakabag kakapigil sa pagtawa)


JIN: OH HETO… (Tapos bigla siyang nagpa-cute sa harapan ko) TATAWA NA YAN!

Photobucket

Ang tagal ko lang nakatitig sa kanya, dahil napaka-cute niya! At hindi ako nagsasawa sa kanya!


GINA: PFFT… (At syempre, hindi ko na naitago yung ngiti ko)


JIN: UWAAAH!!! NAKITA KO YUN!!! BATI NA TAYO NAPANGITI NA KITA!


GINA: OO NA! ANG KULIT-KULIT MO!


JIN: UWAAAH!!! (Sigaw niya ulit sabay yakap saakin ng mahigpit) I MISS YOU, I MISS YOU, I LOVE YOU, I LOVE YOU, LET ME KISS YOU, LET ME KISS YOU… (Parang bata lang ang kumag, pero saakin lang siya ganyan!) MUU…


Tapos pinahaba na niya ang nguso niya at nakapikit pa siya para halikan na sana ako pero dinutdot ko lang ang noo niya.

Photobucket

GINA: KISS KA JAN!


JIN: ARAY KO NAMAN!!!


GINA: PINAPATAWAD NA KITA, PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN, GANUN NA LANG YUN!


JIN: PERO MY HONEY BUNCH… I MISS YOU’RE SWEET SUGAR-SUGAR LIPS! WELCOME BACK KISS MAN LANG! (Uwaah! Kakilabot talaga siya pag naglalambing!!!)

Photobucket

GINA: HINDI! WALANG WELCOME BACK KISS. PARA MATUTO KA NA SA SUSUNOD NA HUMIHINDI KA RIN DAPAT SA MGA FANS MO.


JIN: OKAY! HINDI NA NGA MAUULIT YUN DIBA! BUT I STILL DEMAND MY RIGHT TO KISS YOU!


GINA: AH RIGHT PALA AH… (Tapos dinutdot ko ulit for the second time ang noo niya.) SAPILITAN BA NG HALIK ‘TO? YAN ANG RIGHT NA PARA SAYO.


Tapos nag-walkout ulit ako pero dun na ako sa veranda.

Photobucket
Photobucket

JIN: AISH!!! NAPAKA-DUGA NAMAN TALAGA!!!


Naririnig ko pang magmaktol si Jin dun sa loob at hindi niya alam, natatawa na lang akong mag-isa ngayon dito.

Photobucket

So masisisi niyo ba kami kahit na on-off ang relationship namin, pero sa huli nagkakapatawaran pa rin. Kahit kasi madalas na magkaiba kami ng pananaw o madalas na pagtalunan namin ang isang simpleng bagay, sa huli natututunan namin na tanggapin na lang yun.


At saka sa huli, kung may isa mang mang-iiwan saamin, babalik at babalik pa rin kami sa isa’t isa… pero hanggang kailang kaya kami ganito?


Napaisip tuloy ako… hanggang kailan magiging black and white ang relasyon namin ni Jin?

Photobucket
Photobucket

ALL IMAGES IN THIS CHAPTER ARE SCREENSHOT AND EDITED BY AEGYODAYDREAMER
PLEASE DO NOT TAKE WITHOUT PERMISSION!!!


End of Chapter 1

Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!

Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.


7 comments:

  1. nakktuwa cla! ikw n jin! lahat n ng endearmnt ninakaw mu! nde k n nagtira! hahhhahaha!

    ReplyDelete
  2. ~>angel is luv<~

    wow! nasimulan na pala. since short lang ito, aabangan ko din po ito.

    ReplyDelete
  3. omo \m/
    ang cute nilang dalawa!!!...
    <3<3<3

    ReplyDelete
  4. ncmulan n! yes yes yes! ala-vander lng eh... c jin ang kulit!

    ReplyDelete
  5. aNg cuTe ni jiN!!! kiNikiLig n aq 1st chaptEr p LNg,,

    ReplyDelete
  6. Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah~ (lagi nalang ganito ang reaksyon ko XD) ang cute ni Jin!!! Shetpaks!!! Kinikilig ako sa kanya! Tapos ang gwapo pa niya! Crush na crush ko talaga itong lalaking 'to!!! Hahahaha. Sugar-sugar :p Gina-gummybears! Hala sige lahat na!!! Kilig to the max ako eh! Miihihihihihi~

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^