Wednesday, July 4, 2012

My Borrowed Love : Chapter 29

AUTHOR'S NOTE!!!!
Pasalamat kayo kinikilig ako at Ginanahan akong mag-UD. Thanks to... uh... Hihi =">>>
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Play the Video please. 
(Danielle's POV)


>FRIDAY : 3pm<
>OPEN SPACE NEAR VILLA FUENTE PARADISE<




Kaharap ko ngayon yung Red Tiger na sinasabi niya. Hindi kami magkalayo dahil nag-uusap pa kami.





"Ikaw pala si Black Feather 'no? Ow! I'm scared! Parang gusto kong umurong." Pilosopong sabi niya.





"Just wait and see. Patutunayan ko sayo na hindi ako weak tulad ng sinasabi mo. I can make you down. Believe me." Saka na ako tumalikod at naglakad papunta sa pwesto ko.





Sword Battle.





Pumwesto na rin siya. 





"FIGHT!" Sigaw ni Ruijin kaya agad siyang tumakbo papunta sakin.





Nag-smirk lang ako saka iniwasan ang tira niya.





Tira siya ng tira pero ni-isa walang tumatama sakin.





Iiwas na lang ako, kesa pagurin ko ang sarili ko dito sa pulang tigre na 'to.





nung tumigil siya napasmirk din siya. Tila may naisip siyang paraan para matalo niya ko. Halata ko ang pagkahingal niya kaya sinimulan ko na siyang sugurin.




*TING!*




"Hiyaaaa!"Sigaw niya dahil sinasangga niya na rin yung uchigatana ko.




*TING! TING! *





Nagsasanggaan kami. Magaling din siya sa sword battle.




Yumuko ako at sinipa yung katana niya.




Akala ko tatalsik pero hnidi tumalsik sa halip parang hinagis niya pa yung katana paitaas tapos nung pababa na kinuha niya gamit ng pagtalon saka malakas na sinangga yung uchigatana ko. Tumalsik yung Espada ko kaya nung alam kong maluwag pa ang pagkakahawak niya sa katana niya sinipa ko na ito.




Na-out yung katana niya kaya di na pwedeng kunin pa. Yung akin naman nasa likod ko.





Sumugod siya at sinuntok ako sa pisngi.





Ouch! 




Sinabunutan niya na ako ngayon. ARGH!




Tinulak ko siya ng malakas at sinampal ng walang tigil sa pisngi.




Ngayon ko lang napansin na umiiyak pala siya.




"Hindi ko hahayaang makawala pa siya sakin! He's my Forever! Black Feather wag mo na siyang kunin! Mahal ko siya at akin lang siya! Tandaan mo yan Black Feather!" Sigaw niya habang pinipigilan yung mga kamay ko.




Tumayo siya at tinulak ako. Na-out of balance ako kaya napa-upo ako tapos umupo siya sa may tiyan ko at sinabunutan ulit ako.




Sinasampal-sampal na naman niya ko. Di ako makaganti dahil naka-upo siya sakin. Umiiyak pa rin siya saka umalis sa pagkakaupo sakin. Umupo lang siya sa tabi ko habang nakahiga pa ako.




"AKIN LANG SI MARTIN!! AKIN LANG SIYA BLACK FEATHER!! WALANG MAKAKA-AGAW SA KANYA MULA SAKIN! SABI NIYA AKO ANG FIRST LOVE NIYA KAYA PANININDIGAN KO NA YON!" Sigaw niya.




Tumayo na ako at hinatak yung buhok niya paakyat. "OUCH! ANO BA LET MY HAIR GO!" Reklamo niya.




Tinulak ko siya saka sinampal ulit ng walang tigil. Hindi ako magpapatalo. Hinding hindi na ako magpapatalo. Ayokong ilabas ang Althea na kilala ko dati.




Ako si Danielle Rivera. The Black Feather.




Napa-upo na siya kaya sinabunutan ko ulit siya. Umiiyak pa rin siya. 




Ako naman ang umupo sa tiyan niya saka ko siya sinabunutan at kinalmot kalmot sa braso.




Nanginginig na siya. 




Tumayo na ako at dumiretso papunta kela ruijin na naghihintay. Maraming nanonood sa gulo namin. Si martin lang daw ang nandito sa Pinas kaya walang pipigil ng gulo.




"DANIELLE!"





*PAK!*




Nagsigawan ang mga tao hanggang sa naramdaman kong unti-unti na akong bumabagsak. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may sumalo sakin. 




Pwede na kitang sundan Matthew.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!!!

Eeeh? Hihi! Sorry sa maikling UD. Sana sapat na yan ngayon. Paiiyakin ko muna ulit kayo. xD Hehe. Paiiyakin ko kayo habang kinikilig ako. xD Ahihi!

Anong nangyari sa kanila? Hala?



2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^