FOUR SEASONS
Choi MinHo
Minabuti na munang mag-lakad-lakad ni Minho salabas habang wala pa si Key at naglilinis naman ng bahay si Taemin. Naisip niyang puntahan ang gubat na malait lang sa kanila. Dala-dala ang bola ng soccer damang dama ni Minho ang sariwang ahngin sa gubat na yun. Nakaka-refreshing talaga at pakiramdam niya ay nawala ang stress niya. Nang may makita siyang malaking puno ay nahiga siya ilalim nito nang may bigla siyang mapansin sa itaas ng puno. Tumayo siya ulit para siguraduhin kung tree house nga yung nakita niya at hindi nga siya nag-kamali. Inakyat nya ang tree house. Marami itong nakadikit na pictures sa kilid at mga designs na naluma na dahil sa tagal nitong nakaimbak doon. Sinilip ni Minho ang bintana at tiningnan kung may malapit pa bang bahay dito maliban sa kanila pero wala siyang makita kundi ang bahay na tinitrahan nila ngayon.
"Kanino kaya ang tree house na 'to?"tanong na lang ni Minho sa sarili. Napahinto siya ng may makita siyang isang gold na sobre sa ibabaw ng lamesa na gawa sa katawan ng puno. Kinuha niya iyon at binasa.
"Mag-hihitay ako kahit gaano katagal. Dahil ala kong babalik ka."basa ni Minho. Matagal bago naka-react si Minho. Pag-kuway inilapag niya ulit ang sulat at tinungo ang parang terace ng tree house at naupo doon. Bumuntong hininga siya saka isinandal ang likod sa pader. Mariin niyang ipinikit ang mata saka nag-salita. "Apat na taon na rin pala akong nag-hihintay sa kaniya."aniya.
Si Minho ang star player soccer sa school nila dahil sa galing nito mag-laro. Limang sunid sunod na panalo na ang naitala nila simula ng sumal si Minho sa soccer team. Dahil dyan ay naging kilala siya at talaga namang hinahabol-habol ng mga kababaihan. Pero marami mang babae ang humahaligi sa kaniya isa lang ang ninanais niyang mapansin siya iyon ang ang class president nilang si Mia Park. Hindi mahalaga para kay MInho ang kasikatan o kagwapuhan at hindi maikakailang nasa kaniya lahat ng iyon pero ang pinag-tataka niya ay bakit wala itong ipekto para kay Mia. Bukod naman sa pagiging ace ni Minho sa soccer ay kahit papano may laman din ang utak niya sa academic subject. Pero bakit hindi siya mapansin ni Mia. Ito lang ang tanging babae na hindi nag-hahabol sa kaniya at isa iyon sa nagustuhan ni Minho para kay Mia.
Panay ang butong hininga ni Minho habang tinatanaw mula sa malayo si Mia. May practice sila ngayon at ang kalaban nila ay ibang school. Gusto sanang yayain ni Minho na manood si Mia pero hindi niya alam kung paano dahil hindi niya naman ito gaanong close kahit ito pa ang class president nila.
"Minho, wala ka bang yayayaing girls para manood ng practice game natin? Para naman ganahan kag mag-laro?"tawag ng isang ka-team mate ni Minho sa kaniya.
Lahat napalingon kay Minho maliban kay Mia. Hinihintay ng lahat ang sagot niya. Nilingon ni Minho ang classmate na ka-teammate din niya para sagutin ang tanong nito.
"Wala."tipid niyang sagot.
"Hu? Ganoon ba?"ani ng ka-team mate niya.
"Wag mo na nga igaya sayo si Minho! Kahit walang girls sa tabi niya ganado siya mag-laro no! At kahit wala man siyang yayain, maunuod parin kami ng laro niya. We'r here for you Minho oppa."pag-tatanggol ng isang babae kay Minho. Ngumiti na lang si Minho at nag-pasalamat. muli niyang tiningnan si Mia ngayon ay abala na ito sa pag-babasa ng libro.
nag-mamadali na si Minho papuntang soccer field dahil maya-maya lang ay mag-uumpisa na ang laro nila. Inaayos niya ang gamit niya habang nag-lalakad ng hindi niya mapansin na may tao pala sa harapan niya. Nag-kabanggaan sila at natigilan si Minho ng malaman kung sino ang nabangga niya.
"Miss Officer. Sorry hindi kita napansin"gulat na wika ni Minho. Ngumiti si Mia, pakiramdam ni Minho ay humito saglit ang oras dahil unang beses niyang nakitang ngumiti si Mia mismo sa harap niya.
"Ayos lang."anito, napasin ni Mia ang dala nitong mga gamit. "Goodluck sa laro niyo. Sana manalo kayo kahit practice game lang."muli nanamang ngumiti si Mia.
Lagi namang ganado si Minho pagnaglalaro ng soccer pero ang unang beses na naramdaman niya ang kakaibang excitement ng marinig niya ang sinabi ni Mia. Tila nais na niyang maglaro at talunin lahat ng naroon sa field.
"Salamat."halata ang excitement sa boses nito. Tumango si Mia at akma na sanang aalis ng tawagin siya ni Minho. "Ah, Miss Officer. Hi-hindi ka ba manunuod ng laro?"nauutal pa nitong tanong. Nag-isip muna si Mia bago sumagot at habang nagiisip ito ay palihim namang nananalangin si Minho na sana ay manuod ito.
"Hindi ko alam. Kung matapos ko agad ang paper works ko susunod na lang ako."
Bahagyang nalungkot si Minho pero hindi niya ito pinahalata kay Mia sa halip ay ngumiti lang ito ng pilit at bumuntong hininga. "Ganoon ba? Sana maka-punta ka."pahabol pa nito.
"Sana nga. Sige pumunta ka na doon, baka late ka na. Goodluck ulit."Saka lang naalala ni Minho na mali-late na nga talaga siya. Kaya kahit ayaw pa niyang umalis ay wala na siyang magagawa dahil baka mapagalitan pa siya at mas nakakahiya dahil siya ang team captian.
Kumpleto na ang team niya at siya na lamang ang hinihintay ng mga ka-team niya. Maraming manunuod ngayon, marahil ay isa sa kilalang mahusay sa soccer ang makakalaban nila Minho ngayon. Talaga namang magiging exciting ang laro laban ngayon lalo pa at sobrang ganado ngayon si Minho at disidido siyang ipanalo ang laban kahit practice game lamang ito.
Nang tumabi si Minho sa isang ka-team niya na classmate niya din ay napansin agad nito ang kalmateng ekpresyon ng mukha ni Minho.
"Oh, Minho, mukhang kalmante ang mukha mo. Mukhang sure na namananalo tayo nito."natawa pa ang lalaki. Ngiti lamang ang isinagot ni Minho sa kaniya.
Ilang saglit pa ay nag-umpisa na ang laro. Umaalingaw-ngaw ang hiyawan ng mga nanunuod lalong lalo na ang mga kabaaihan. Sabay-sabay pa nilang hinihinyaw ang pangalan ni Minho. Unang period pa lang ay hindi na pinalampas pa ni Minho kaya namang lumaang agad sila. Lalo pa siyang ginanahan ng makita niyang naroon na si Mia sa crowd at pinapanuod sila. Natapos ang laro na sila ang panalo sa halos dikit na laban.
"Ibang klase ka talaga mag-laro captain!"puri ng mga ka-team niya. Tahimik natao si Minho kaya ang mga bagay na hindi naman kailangang sagutin ay hindi na niya pinagaaksayahan pa ng laway. Sapat na ang ngiti na lamang at naiintindihan na nila iyon.
Agad na hinanap ni Minho si Mia sa crowd ng makatapos siyang mag-aysos ng gamit. Pero wala na doon si Mia, nais pa naman sana niya itong ilibre sa labas dahil ito ang dahilan kung bakit sobrang inspired siya mag-laro ngayon. Bumuntong hininga siya at doon niya lamang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan. Kaya minabuti na niyang umuwi at mag-pahinga dahil bukas ay mayroon nanaman silang practice game.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Minho. Hindi niya alam kung bakit basta ganado lamang siyang pumasok ng maaga. Laking tuwa niya ng makitang si Mia ang nasa-unahan niyang nag-lalakad. Marami itong dala kaya agad na tinakbo ni Minho ito para tulungan. Ikinagulat naman ni Mia ang biglaang pag-sulpot ni Minho.
"Minho! Ang aga mo naman pumasok?"kunot nuong tanong ni Mia.
Kinuha ni Minho ang ilang mga dala ni Mia bago ito sumagot. "Maaga kasi ako nagising. Kaysa mag-hintay ng oras naisip ko na lang pumasok ng maaga."sabi niya saka ibinaling ang tanong kay Mia. "Ikaw 'bat ang aga mo? At 'bat ang dami mong dala?'
"Paper works syempre. Ganitong oras naman talaga ko pumapasok. Para may time pa ko pumunta ng library."hindi na maitago pa ni Minho ang pag-hanga sa pagiging studious ni Mia.
"Wow! Ibang klase ka talaga pag-dating sa pag-aaral. Bagay ka talaga sa pagiging class officer namin."pamumuri ni Minho na ikinatawa ni Mia.
"Nambola ka pa!"humito sila sa harap ng library. "Oh pano? Dito na ko. Ikaw? Saan ang punta mo ngayon?"kinuha na ni Mia ang mga gamit niyang hawak ni Minho. Samantalang si Minho ay iniisip kung saan siya pupunta habang hihintay ang oras ng klase nila. Wala naman siyang maisip kaya minabuti niya na lang na sumama kay Mia at the same time chance na niya ito para makasama ng matagal-tagal si Mia.
"Pwede bang sumama na lang ako sayo sa loob? Promise hindi kita guguluhin."itinaas pa nito ang kanang kamay. Ngumiti si Mia tanda na payad ito.
Simula ng araw na iyon ay naging mag-kaibigan na si Minho ay Mia. Masayang masaya si Minho dahil matagal na niyang pinangarap mapalapit kay Mia dahil inaamin niya naman sa sarili niya na gusto niya ito noong una pa lamang. Parati na silang sabay pumasok, mag-lunch at maging sa pag-uwi ay sabay pa sila at hinahatid pa ni Mihno si Mia sa bahay nito. Sa pag-kakalapit nilang iyon ay hindi na namalayan ni Minho na minahal na niya pala si Mia at ganoon din si Mia sa kaniya.
"Hindi ko akalaing mararamdaman ko 'to."nakangiting wika ni Mia habang nag-lalakad sila pauwi. Kagagaling lang nila ng school noon at pauwi na sila. Inihahatid na ni Minho si Mia sa kanila.
"Bakit? Hindi mo ba gusto ang nararamdaman mo ngayon?"lumungkot ang mukha ni Minho na animo nag-tatampo na parang bata.gugustuhin?'sandaling nanahimik si Mia maya-maya ay muli itong nag-salita. "Salamat."
Nang makita ni Mia ang expression na iyo ni Minho ay agad niyang niyakap ang braso nito at nilambing. "Bakit ko naman hindi
Napalingon sa kaniya si Minho sa may pag-kalito sa mukha, "Salamat saan?"tanong nito.
"Dahil sayo nagagawa ko lahat ng hindi ko nagawa noon. At marami akong natutunan. Kaya salamat."saka tumingin si Mia kay Minho. Nakabitiw na noon si Mia sa pag-kakayakap sa braso ni Minho.
Hindi nakaimik si Minho, nanatili lamang itong nakatingin sa mukha ni Mia, tla may binabasa ito sa mukha ni Mia na hidni niya maintindihan kung ano ang nakasulat na iyon.
"Oh. bakit natulala ka?"gising sa kaniya ni Mia.
"Wala naman."muli silang nag-lakad at ilang saglit pa ay nasa tapat na sila ng bahay ni Mia.
"Mag-hihiwalay nanaman tayo."hawak ni Minho ang kamay ni Mia.
"Ilang oras lang naman iyon e."
"Ayaw ko kasi na nahihiwalay sayo."
Ngumiti si Mia pag-kuway hinalikan nito ang likod ng kamay ni Minho pag-kaapos ay idinampi sa labi ni Minho. Ngumiti si Minho at ganoon din ang giniya kay Mia. Ganoon ang way nila para mahalikan ang isa't-isa dahil iginagalang ni Minho si Mia at pareho nilang alam na bata pa sila sa mga ganiyang bagay. Hinintay muna ni Minho na makapasok si Mia bago siya tuluyang umalis.
Nag-tataka si Minho dahil kanina pa wala sa mood si Mia. Hindi siya nito pinapansin at iritable ito buong mag-hapon. Kaya tuloy prostraited si Minho kaiisip kung ano ba ang nagawa niyang mali. Hanggang sa pag-uwi nila ay walang imik si Mia. Hindi na matiis ni Minho ang pangyayaring iyon kaya kinompronta na niya ito.
"May problema ba?"pag-bubukas ni Minho sa usapan. Matagal na hindi sumagot si Mia kaya muling nag-salita si Minho. "Kung may problema pag-usapan natin."pilit kinakalma ni Minho ang sarili.
Napakawala ng malalim na buntong hininga si Mia saka lumingon kay Minho. "Aalis na kami papuntang America."pag-amin nito na ikinabigla ni Minho kaya hindi agad ito naka-pagsalita. "Doon na ako mag-aaral kasi sabi ni Mommy mas maganda ang kinabukasan ko doon."dugtong nito.
Hindi parin maka-pagsalita si Minho sa pag-kabigla at tila pilit pa nitong ina-adapt ang narinig. Hinid niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak. Mix emotion ang nararamdaman niya ngayon. Tuluyan nang bumagsak ang kanina pang luhang pinipigian ni Mia habang si Minho ay lutaw parin.
Ilang saglit pa ay natauhan na si Minho, mukhang naging malinaw sa kaniya ang lahat. Tiningnan niya si Mia at, saka lamang siya naka-pagsalita. "Kung . . . kung para sayo naman 'yon. Ayos lang sakin."parang hindi alam ni Minho kung ano ang sinasabi niya.
"Minho."iyon lang ang nasabi ni Mia at niyakap niya ito na para bang ito na ang huli nilang pag-kikita.
"Pero sana bago ka umalis gawin muna natin ang isang bagay na hindi pa natin nagawa."kundisyon ni Minho
"Ano naman 'yon?"nanginiting tanong ni Mia.
"Mag-cutting."
Kinabukasan nga ay ginawa nilang dalawa ang mag-cutting at imbis na sa malls sila mag-punta ay mas ginusto nilang mag-punta sa amusement park. Bawat rides na daanan ay sinakyan nila, nag-sasaya sila na para bang wala nang bukas at tinodo na nila iyo na para bang huling araw na nila iyon. Gabi na sila nakauwi ng araw na iyon.
"Wow! Ito na ang pinaka-masayang ginawa natin."masayang wika ni Mia habang nakasakay sa likdo ni Minho.
"Mami-miss kita."ngunit iba ang isinagot ni Minho sa sinabing iyon ni Mia. Ikinalungkot ni Mia ang sinabi ni Minho, dama sa mga boses nito ang kalunkutan na nadarama. Ilang minuto din silang nanahimik hanggang mag-salita si Mia.
"Mahihintay mo ba 'ko?"seryoso ang tono ng boses nito.
Tila pinag-isipina pa ni Minho ang sasabihin dahil matagal ito bago nakasagot. "Oo. Mag-hihintay ako kahit dumaan pa ang four seasons ng paulit-ulit."
"Kung ganoon. Panatag ang loob ko na umalis. Dahil sigurado akong may babalikan ako."niyakap niya ng mahigpit si Minho. Napangiti naman si Minho ay nag-patuloy sila sa pag-lalakad.
Summer ng umalis si Mai, malunkot man si Minho pero kailangan niyang tiisin para kay Mia. At ipinapangako niya dito na mga-hihintay siya kahit pauli-ulit man ang fours seasons.
Iminulat ni Minho ang mga mata, matagal na pala syang nakaupo doon habang iniisip ang nakaraan. Naisipan na niyang tumayo at bumalik na sa bahay baka naroon na rin si Key at hinahanap na siya ng mga ito. Pag-balik niya ay nasalubong niya si Jonghyun na palabas ng kwarto at may dala itong isang pink na notebook. Ngunit wala parin doon si Key maging sina Taemin at Onew ay wala doon. Nakuha ang atensyon niya sa notebook na iyon na binabasa ni Jonghyun.
Ano kaya iyon at tila ganoon na lamang ang interes ni Jonghyun samantalang hindi ito interesado sa ano mang mga babasahin.
aww...
ReplyDeletehahaha!!!...
ReplyDeletekakatuwa po basahin!!!!!....
haha .. ako natatawa nung basahin ko yung ending ko .. muntungek lang .. haha .. e2 yung mga time na tinatamad ako mag-sulat .. haha.!!
Deleteang ganda ate!.. kinilig ako dun sa kiss on the hand-lips!..
ReplyDelete