Tuesday, July 3, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 6

~C H A P T E R  6~
(Esmie Saavedra POV)



Bukod sa napa-guidance ako for the first time in my entire life, suspended pa ako for one week! Pero hindi pa yun natatapos dun dahil pagmi-meetingan pa daw ng board kung suspension lang o expulsion ang ipapataw nila sa kaso ko.



Self-defense lang naman yung ginawa kong pagtatanggol sa sarili ko! Pinauwi ako ni Meiro at hindi niya ako inimik pagkatapos nung eksenang yun. Ipinaliwanag ko naman ang side ko pero disappointed siya.



Hindi ko naman sila masisisi kung ganun na lang ang pagkagulat nila, pero sana intindihin naman nila ako! Hindi ko naman gagawin yun kung hindi ako ang unang ginawaan ng mali eh.



Naghintay ako sa pag-uwi ni Meiro. Hindi talaga ako matatahimik hangga’t hindi ko naririnig sa kanya na naiintindihan niya ang side ko. At maga-alas onse na nang umuwi na siya. “Meiro! Buti nakauwi… ka na…”



Pero hindi pala siya nag-iisa... “BITCH!!! YOU AGAIN!!!” Sabi nung babaeng kasama ni Meiro. Mukha silang nakainom pareho kaya parang anacondang nakalingkis yung babae sa katawan ni Meiro.



Pero ang higit na nakakapagpainit ng dugo ko, yung babaeng yun, isa sa mga babaeng binugbog ko kanina!!! “Don’t mind her Elsbeth. She’s my personal maid remember?”



“Palayasin mo na nga lang siya Meiro! That girl punched me on the face today. I swear I’m gonna…” At bago pa man makapagbanta si Elsbeth, pinigilan siya ni Meiro by kissing her on the mouth.



“No Elsbeth. She’s not worth your time.” And flirty ng boses niya! “Let’s just forgive and forget…”



“But that bitch ruined my face!!!”



“You’re still beautiful to me…” And they giggled habang patuloy lang sa kanilang display of affection!!! Then Meiro looked at me… “Go Esmie!!! Hindi ka namin kailangan dito…”



Hindi ako nakasagot nun but when Elsbeth glared at me… “HE SAID GO!!! UMALIS KA NA!!!”



Napayuko ako nun kaya tinalikuran na sila at nagsimula nang maglakad palayo. And even without looking at them, alam kong binuhat ni Meiro si Elsbeth papasok sa kwarto niya at dun buong magdamag na silang magkasama. Yung mga sunod nilang ginawa, hindi ko na gustong isipin pa.



Nagkulong na lang din ako sa kwarto ko since wala naman na akong trabaho. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib at napapunas sa mga mata ko… hindi ko alam kung bakit ako naluluha… basta ang alam ko lang, masakit. Masakit yung ginawa ni Meiro.



(ݓ_ݓ)


Kahit malayo ang kwarto ko sa kwarto ni Meiro, naririnig ko yung landian nila ni Elsbeth. Nakakaasiwa pakinggan yung mga sigaw at ingay na ginagawa nila. Hindi na sila nahiya sa mga pinaggagagawa nila! At ilang oras ko din tiniis yun bago nanahimik ang buong lugar.



Madaling araw na pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Naisipan kong tumayo para uminom ng tubig. Pero pagdating ko sa kusina, may nauna na pala saakin.



Nakita ko si Meiro na suot lang ay polo shirt at boxer shorts, “OMG!!!” At napatalikod ako. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung iinom pa ba ako ng tubig o tatakbo na pabalik sa kwarto ko.



Pero nagulat ako nang nakatayo na sa gilid ko si Meiro na may hawak na isang basong tubig. “Nauuhaw ka rin ba?” At in-offer saakin yun.



“Kung makipag-usap ka saakin, parang walang nangyari kanina.”



“Are you thirsty or not?” Hindi ko siya sinagot at halata sa boses niya ang pagkainis. Kaya siya na ang uminom ng tubig at ipinatong ng malakas sa lababo yung baso. “I’m very disappointed with you Esmie. Siguraduhin mong hindi na mauulit pa ‘to. Maliwanag ba?”



That’s it!!! “Eh sinabi nang hindi naman ako ang may kasalanan!!! SILA ANG NAUNA!!! Pinakinggan mo ba ang paliwanag ko kanina?”



“Whether it’s their fault or not, hindi mo dapat ginawa yun!”



“At ano? Magpapa-api ako sa kanila?”



“Bakit ba ang taas ng pride mo! It’s your fault, admit it!!!”



“It’s not pride but dignity!!! Hindi ko hahayaang tapak-tapakan nila ang pagkatao ko!!! Palibhasa mayaman kayo kaya hindi niyo alam ang feeling ng minamaliit!!! Lalaban ako dahil yun ang tama!”



“You clearly don’t know what’s the right thing to do! Dahil kung alam mo, hindi mo sila dapat sinaktan, especially Elsbeth!!! She’s the daughter of a major investor of my school!!!”



Ah kaya pala!!! “Kaya pala siya ang kinakampihan mo kahit alam mong sila ang may mali! Kasi, kumpanya at pera niyo ang nakasalalay!!!” Bakit pa nga ba ako nagtataka?



“It’s not because of that!!!”



“And what is it Sir Meiro? Dahil ba kasi isa sa mga babae mo si Elsbeth? Yeah… that could be one of the reason…”



“DAHIL KAYANG-KAYA KA NIYANG PATALSIKIN SA SCHOOL!!! Don’t you get it? Kung hindi ko pa siguro nagawaan ng paraan kanina, EXPELLED ka na dapat!!!”



I was speechless for a while. Pero unti-unting nag-sink sa utak ko yung gustong sabihin ni Meiro. But I still don’t get it. I still don’t understand it. “At anong paraan ang sinasabi mo? A night with Elsbeth?” Definitely that’s the answer. “Sinabi ko bang gawin mo yun para saakin ha? Sinabi ko bang makipag-sex ka sa kanya para lang hindi ako ma-expel!!!”



“Bakit ba hindi mo maintindihan ang point ko Esmie!!!”



“Then tell me what's your point? Ipaliwanag mo nga!!! You spend the night with the woman you don’t even love just to save me? Yun ba ha?” Pero hindi niya ako sinagot.



Ang tahimik lang ng buong paligid, at parehong seryoso ang mga mata namin. “Hindi ko maintindihan Meiro. Hindi kita maintindihan! Bakit ang bait-bait mo saakin? Pinautang mo ako samantalang hindi ka naman sigurado kung mababayaran kita. Tapos sasabihin mo ulit, ginagawa mo ‘to para saakin? Tingin mo maniniwala ako dun? Eh kung sinu-sino ngang babae ang dinadala mo dito sa mansion mo!!!”



“Well I’m not in the position to explain it you!!!! Especially because you’re not even my girlfriend!!!” Nag-echo sa buong paligid yung sinabi niya. And I felt something pricked my heart. “Lalong-lalo na, wala ka sa position na umarte o umangal dahil ako may-ari ng buhay mo!”



Yeah… he was right about that… pero kailangan pa bang ipamukha niya saakin yun? “Mamayang umaga paggising ni Elsbeth, you better apologize to her.”



Nanggigil na ako nung time na yun pero hindi na lang ako nagsalita. “And don’t ask me why the hell I’m doing this to you! Pasalamat ka na nga lang at hindi ka maee-expel sa school so do your job right!” At padabog na siyang umalis kaya naiwan na akong nag-iisa dun sa kusina.



And just seconds after that loneliness, naramdaman kong uminit ang mukha ko… tumutulo na kasi luha ko.



Hindi ko na maitatago pa ‘tong gumugulo sa isip at puso ko. Hindi ko na matitiis na manatili pa sa lugar na ‘to. Hindi ko na matatagalan pa ang ugali ni Meiro!



(__)

(Meiro Pamplona POV)



“Good morning babe~” ang sabi ni Elsbeth while still naked. Nakapatong ang ulo niya sa braso ko habang nandito kami sa kama ko.



“Morning…” There’s nothing good in the morning lalong lalo na at nag-away pa kami ni Esmie kaninang madaling araw. “Umusog ka nga. Kaya pala kanina pa ngangalay braso ko eh…” Nagbago naman ang reaction ni Elsbeth when I said that. “Anyway, tinawagan mo na ba ang dad mo about Esmie’s case?”



“If you give me a morning kiss, I’ll do it now.” This sucks! Hindi pa nga yata nagmumumog ang babaeng ‘to! May morning breathe pa!



“How about you call him now then I’ll give you a kiss that you’ll never forget.” Tapos kinapa ko yung sahig para kunin ang bag niya. Pagkakuha ko nun, hinanap ko yung cellphone niya at binigay ito sa kanya. “Call him now.”



“Fine…” She dialed and, “Hello dad. Yes… about Esmie Saavedra. Yes, let’s forgive that girl.” Nag-usap pa sila at nakinig lang ako until I made sure that everything is already fine. “Done! Na-fax na daw agad ng secretary sa board yung tungkol sa decision niya.”



“Good girl~” And as promised kahit na hindi ko gusto, I kissed her. Magma-mouthwash na lang ako ng three times mamaya.



“Why are you even doing this to that girl, babe? Masyado kang mabait sa kanya kaya nakakalimutan na niya ang totoong papel niya as your maid.”



I just gave her a smile and didn’t answer. “How about we have breakfast na? I’m sure you’re hungry.”


“Let’s just stay in bed… please~” She’s teasing but I don’t like it. Kailangan ko pang pagtiisan ang babaeng ‘to. But I swear, hindi ko na ‘to patatagalin lalo pa at tapos na rin ang papel niya dito!



“No. I’m hungry.” At tumayo ako para mag-breakfast kaya wala siyang nagawa kundi magbihis na din at sumunod saakin.



(✖╭╮✖)


Ibang maid ang nagsisilbi saamin ni Elsbeth ngayon ng breakfast. Nasaan na kaya si Esmie? She’s supposed to be the one to serve us!



“Oh nasaan na yung personal katulong mo? I’m waiting for her apology.”



“Just wait there babe…” Then I look at the maid na nagse-serve saamin. “After niyan, pakitawag nga si Esmie! I need her right now.” Agad na sumunod ang katulong na inutusan ko at nagpunta na nga sa kwarto ni Esmie.



Samantala, ang hirap talaga kapag nagtya-tyaga ka na lang sa babaeng hindi mo naman gusto! I feel like masusuka ko ‘tong pagkain na kinakain ko ngayon!



Elsbeth is not and will never be my type. Despite the fact the she came from a wealthy family, she acts like a prostitute! I don’t wonder kung bakit walang sumiseryoso sa babaeng ‘to!



After a minute, humahangos na bumalik ang katulong na inutusan ko. “SIR MEIRO!!! Si… si Esmie po!!!”



Dahil sa boses niya, nakaramdam tuloy ako ng kaba. “Why? What happened to her?”



She gave me a paper at alam kong si Esmie ang nagsulat nun. Kabisado ko ang penmanship niya dahil siya ang gumagawa ng assignments at nagsusulat ng notes para saakin.



Binasa ko yung nakasulat at… “WHAT THE FVCK!!!” I crumpled the paper at wala na akong pakelam kahit pa si Elsbeth yung tinamaan nung papel pagkatapon ko nun!



“HEY watch it! What happen ba?”



“You! Get out of my mansion.”



“Come again?”



“Binge ka ba? I’m through with you so get out of my mansion!!! NOW!!!”



Namumula siya dahil sa magkahalong inis at kahihiyan! Pero wala na siyang magawa kundi sumunod kaya padabog na lang siyang umalis sa harapan ko. Pinagsisigawan pa niya yung mga katulong sa paligid but the hell I care!



Galit din ako ngayon! Nabadtrip ako kaya hinawi ko lahat ng pagkain sa harapan ko at nabasag ang lahat ng baso at plato na ginagamit namin kanina. Natakot naman yung ibang mga katulong na nakakita saakin!



“Ipahanap niyo si Esmie ngayon din!!!”



“Ye… yes sir.” At hindi na sila magkandarapa para sabihan yung mga tauhan ng pamilya ko tungkol sa utos ko.



Dear Sir Meiro,

     Hindi ko na kayang manilbihan pa sayo. Pero wag kang mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang utang ko. Maghahanap ako ng ibang trabaho para bayaran kahit paunti-unti ang 10 milyon na utang ko sayo.
I swear in the name of my dead parents, so you have my word Meiro Pamplona. Anyway, thanks for everything.

Esmie Saavedra




Hindi pwedeng umalis si Esmie!!! Hindi niya ako pwedeng iwan na lang ng ganun!



(◣╭╮◢)

End of Chapter 6



10 comments:

  1. Grabe ang ganda ng story! Can't wait sa next update! :)

    ReplyDelete
  2. nakakainis k meiro! llo k n elsbeth! die!!!!!!!!! buti nga lumayas c esmie! peo nsan n xah?????

    ReplyDelete
  3. GRABE! NAKAKAASAR YUNG GINAWA NI MEIRO!

    ReplyDelete
  4. buti nga lumayas c esmie! habulin mu xah ngaun!

    ReplyDelete
  5. omo..umalis na c esmie..
    >aj..

    ReplyDelete
  6. grabehan ito! ginawa lang naman ni meiro yun para hindi ka ma-expel esmie. though mali yung paraan niya. naeexcite ako for the next chapter. nasaan kaya si esmie?

    ReplyDelete
  7. ~>angel is luv<~

    mali kasi ang pamamaraan mo meiro! yan tuloy! hanapin mo si esmie dali!

    ReplyDelete
  8. kyaah!.. grabe nman un.. sa harap pa ni esmie kng mgharutan!.. kainis ka meiro!.. update na po ate..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  9. Ew lang ha. Ang pkpk lang nung Elsbeth -__- nakakainis siya. Nakakainit ng dugo. Hayan, sana matuto ka kahit papaano, Meiro!!! Isa ka pang malandi! Naiintindihan ko naman na ginagawa mo yun para kay Esmie...ayieh! Pero kasi nakakainis naman talaga! =__=

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^