Friday, June 22, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 5

~C H A P T E R  5~
(Esmie Saavedra POV)




Nakakainis talaga ang isang yun! Ang manyak na nga, feelingero pa masyado! Ano bang akala niya saakin? Hindi naman porket utang ko sa kanya ang buhay ko worth 10M, gaganunin na lang niya ako! Dapat tinuturuan ng leksyon ang tulad niya eh!



Anyway, after nung umagang yun, hindi ko na siya nakita ng buong araw. Maghapon lang siya sa kwarto niya. Himala nga din na hindi ako inuutusan ngayon dahil puro yung mga housemaids niya lang ang tinatawag niya.



Nakakapagtaka lang ha! Silent treatment ba ito? Don’t tell me saakin pa siya galit ngayon! Samantalang siya naman ang may ginawang kalokohan!



*tok tok tok!*



Minsan, nakakapagod din tumunganga ha! Walang ginagawa, ang boring! “Sir Meiro!!! May iuutos po ba kayo? Kung wala naman, pwede bang matulog na lang ngayong hapon?”



*1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 seconds later… and more*



Ang walangya! Hindi man lang sumagot! “Sir! Silence means yes ha!”



Tumalikod na ako at pupunta na sa kwarto ko para mag-hibernate. Puyat din ako kaya sobrang saya ko na makakatulog ako ngayong hapon! Bahala siya kung hindi man ako magising mamaya para sa hapunan niya.



Kaso three baby steps pa nga lang nagagawa ko, bigla na lang bumukas yung pinto ng kwarto niya. Tapos sumilip siya at, “Esmie~ ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko…”



Magrereact pa nga lang ako sa sinabi niya pero bigla ba naman siyang napatumba sa harap ko. Buti na nga lang nasalo ko siya dahil kung hindi, butas ang bunbunan niya panigurado! “Sir Meiro!!! Hala anong nangyayari sayo? May sakit ka ba?”



Sa takot ko, pumasok na ako sa kwarto niya para madala ko siya sa higaan. “Hindi ka naman ganun kainit. May sinat ka ba?” Ano bang problema nitong amo ko? Hindi sumasagot, eh paano wala ngang malay! “Meiro!”



Pagkalapit ko sa higaan niya, inihiga ko na siya. “Meiro gumising ka!!! Ano ba!!! Anong gagawin ko? Bakit hinimatay ka?” Tinapik-tapik ko pa nga pisngi niya pero hindi siya dumilat. At dahil hindi ko alam ang gagawin ko, naisipan ko na ngang tawagin yung ibang mas nakakatandang katulong.



Kaso aalis pa lang sana ako, may humawak bigla sa braso ko. Si Meiro pala yun at bigla ba naman niya akong hinila palapit sa kanya kaya natumba na din ako sa higaan niya. “Joke lang Esmie!” - ^^



“Wa… wala kang sakit? Hindi ka hinimatay?” - (_)



“Hindi. Sinubukan ko lang kung gaano ka tatagal na hindi kita kinakausap! Namiss mo ako agad eh! Tignan mo nag-alala ka pa. Natakot ka noh?” - (─‿‿─)


*buuuuuuuggssshhh!!!*



“Aray!!! Bakit nanapok ka!!! Nabali yata ilong ko!!!” - ٩(̾●̮̮̃ ̾•̃̾)۶



“Bastusin kang lalaking ka!!! Namutla na ako sa kaba!!! Akala ko kung anong nangyari sayo!!! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na masamang biro yung ganun!!!”



“Tinuruan nila ako. Hindi lang ako natuto.”



“Aba’t pilosopo ka pa!!!”



*buuuugggggsssshhhhh!*



Sinapok ko ulit siya at tumayo na ako. “Hindi porket katulong mo ako dito sa bahay at malaki ang utang na loob ko sayo, hindi ibig sabihin nun gaganituhin mo na ako!!!”



“Chill! Paulit-ulit mo nang sinasabi yan.”



“Eh kasi hindi ka natututo!!!”



“Galit ka na agad? Joke lang naman eh.” At hahawakan pa niya sana ulit ako pero…



“Wag mo akong hawakan!!! Naiinis talaga ako sa mga pinaggagagawa mo!!! Hindi kita maintindihan!!! Kulang ba yang turnilyo mo sa utak?”



“Sorry na. Ginu-goodtime ka lang naman… pikon ‘to!”



“AKO PA PIKON!!! AKO PA!!! ARGH!!!”




Hindi ko na siya pinakinggan pa at umalis na talaga ako agad. Maloloka ako sa ugali ng lalaking yun! Ano bang gusto niyang palabasin? Bipolar pa siya? Anong klaseng sakit sa utak meron siya?



Nakakainis!!! *sniff sniff* Maluha-luha pa talaga ako sa takot at pag-aalala kanina! Siguro tuwang-tuwa siya kapag niloloko niya ako! NAKAKAPAGOD NA!!!



()



May pasok na ulit at nasa school kami. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya pinapansin. Kahit pa matagal nang lumipas yung mga nakaraang araw na sunud-sunod ang panloloko niya saakin, hindi ko pa rin kinakalimutan yun.



“Galit ka pa rin? Sorry na!” Ano ako? Lolokohin ng ganun, tapos patatawarin ko na lang siya ng ganun-ganun na lang rin! Manigas siya! “Esmie bati na tayo!!! Kausapin mo na ako!!!”



“Wala ka bang iuutos saakin? Oh yan! Kinausap na kita.”



“Eh~ bati na tayo!!! Promise hindi ko na uulitin yun! Promise talaga!!! Cross my heart!!! Hope to die!!! I’ll give you my heart.” Ang korni niya rin eh noh? Isip-bata na luku-luko!



“Aalis na ako kung wala kang iuutos saakin.” Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ako pero…



“Esmie~!” Anak ng putek!!! Bakit ba ang kulit niya talaga!!! “ESMIE TINGIN KA DITO!!!”



“ANO NA NAMAN BA!!!”



At paglingon ko ulit sa kanya, may hawak na siyang malaking lollipop at may nakasulat dun na ‘SORRY.’ Teka, saan niya nakuha yun? “Sorry na. Alam mo ayoko talagang may kagalit, lalo ka na. Kaya bati na tayo, please? I promise magiging good boy na ako.”



Natahimik lang ako nun. Hindi ko kasi mapigilan na titigan yung mukha niya na nagpapa-puppy eyes pa! Kahit spoiled brat at maloko ang kumag na ito, hindi ko matiis ang isang tulad niya!



Mabait kasi siya saakin… at sabihin na rin nating sweet kahit pa may halong kabastusan yun kung minsan. At dahil jan, hindi ko maintindihan ang sarili ko na kahit anong asar o bwiset ko sa pinaggagagawa niya, hindi ko siya matiis.



“Oo na nga, sige na!” At kinuha ko na yung lollipop. “Bati na tayo.”



“Talaga? Talaga, talaga? Kiss mo nga ako kung talagang bati na tayo?”



Ako – (◣╭╮◢)



“Joke lang! Sabi ko nga hindi ka na galit eh. Yey, bati na kami!” At hindi ko alam kung anong ihip ng hangin na naman ang pumasok sa utak niya at bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit at inikot-ikot pa ako! “Okay, next class na natin! Tara na, pasok na tayo!” Saka niya ako hinawakan sa kamay at sabay kaming pumasok sa classroom.



*dug dug dug dug*



What’s with that strange sound effect of my heart? WEIRD!!!



(♥)



“Hmm~ ang sarap.” Para akong tanga dito ngayon. Nakangiti habang gumagawa ng notes at assignment para sa amo ko. Buti na lang, mag-isa lang ako ngayon sa vacant room na ‘to. At tinitipid ko rin yung lollipop na nakuha ko kanina, ang sarap kasi eh!



“Ano ba ‘tong iniisip ko?” At umiling-iling ako. Naiisip ko na naman yung mukha ni Meiro kanina nung nagso-sorry siya. “Kahit mokong talaga yun, ang cute niya pa rin.” Ay ano ba yan ulit!!!



Magko-concentrate na nga lang ako sa pagsusulat. “Pero ang sarap talaga nitong lollipop!” It’s so~ sweet! Ahehehehe!



“Esmie…” Sino namang panira ng katahimikan yun? Pagtingin ko, isang grupo ng girls ang nandito ngayon. Yung ilan sa kanila, classmates ko na pinamumunuan ni Elsbeth.



“Bakit? Anong ginagawa niyo dito?” May hawak silang mga notebooks at books nila tapos ipiinatong nilang lahat yun sa lamesa ko. “Ano ‘to? Wala naman akong naalala na saakin ipapasa ang mga yan?”



“Hindi Esmie. Pagagawain ka lang rin namin ng assignments namin.”



“At bakit ako?”



“Eh diba katulong ka ni Meiro? Nagsabi kami sa kanya kung pwede bang ikaw na lang rin ang pagawain namin nito. Ang dami na kasi naming ginagawa.”



“Ano? Sabi ni Meiro yun? Sa pagkakatanda ko, sa kanya lang ako may utang at sa kanya lang ako naninilbihan.” At ibinalik ko isa-isa yung mga gamit nila. “Kayo gumawa ng assignments niyo! Wag kayong tamad mag-aral.”



“Hindi mo ba narinig ang sinabi namin? Utos ‘to ni Meiro! Gusto mo isumbong ka namin sa kanya?”



“Oo nga. Libre ka na ngang nakaka-aral dito sa school niya, ang kapal pang umangal kapag inutusan!!!”



“Gawin mo na yan. Babalikan namin mamaya. Ayusin mo yung sulat ha!”



“Tara na girls! Baka iwan na tayo nina Meiro. Manlilibre pa naman yun mamaya sa bar dahil may celebration daw.” At sabay-sabay rin nilang ibinalik ulit saakin ang mga notebooks nila.



*bug!!!*



Binato ko yung isang notebook at nanlaki ang mata nung may-ari nun. Pero hindi pa ako tapos, isa-isa kong tinapon na yung mga gamit nila kaya nagkalat na ang lahat ng mga gamit nila sa sahig.



Yung reaction nila, parang anytime madedeklara akong dead-on-the-spot pero hindi nakakamatay ang mga tingin kaya hindi ako nagpatinag. Kahit pa galing sa mayayamang pamilya ang mga ito, hindi ako natatakot sa kanila. “Hindi ko gagawin yan!”



“YOU!!!” May isang tumulak saakin, kaya tinulak ko rin ito. Tapos yung mga kasama niya, nakigaya na at hindi na lang tulak ang ginagawa nila! May kasama nang sampal, sabunot, kalmot at pang-aapi!



At ang lagay ba, hindi ako gaganti? SYEMPRE GUMANTI AT LUMABAN AKO! Sinabunutan ko rin sila at pinaghahampas yung mga mukha nila! Aba’t sino bang mas dehado? Eh di syempre silang mas gumagastos para sa mga mukha nila! Ako, wala akong pake kahit masira mukha ko, matagal na naman nang sira.



Rawr!!! Para na talaga akong amazona! Biruin mo, higit lima sila pero isa-isa ko silang napabagsak! Nag-iiyak na nga sila dahil hindi nila ako matalo! At hangga’t hindi sila tumitigil, lumalaban pa rin ako.



At ilang sandali pa, may nakarinig na rin na ibang estudyante at nagtawag na ng iba para pigilan kami... “CAT FIGHT!!! May cat fight!!!” And soon, napalibutan na nga kami ng maraming tao para pigilan kaming lahat.



And the winner is…



ESMIE SAAVEDRA!!! Yebah!!! I’m the last girl standing eh! Yung mga kalaban ko kanina, bugbog-sarado saakin! “ANO LALABAN PA KAYO HA!!! No match pala kayo!!!”



“What the fvck is happening here?”



“Me… Meiro…?”



“Meiro~ binugbog kami ng babaeng yan!”



Tumingin saakin si Meiro, tapos tumingin siya sa mga nakiusyoso. “Is that true?” And obviously, nabugbog ko nga sila at yun ang alam ng lahat, kasi yun lang ang nakita nila.



Meiro looked at me with a plain expression and it seems like disappointed siya saakin.



()

End of Chapter 5


6 comments:

  1. kakainis tlga ung mga babaeng un! malalndi n nga, inarte pa!
    kakainis din c meiro! mukhng kkmpihan p nia ung mga un! hmp!

    ReplyDelete
  2. mga bobong babae kasi! magsisimula ng away tapos hindi naman pala kaya! serves them right! ang galing mo esmie! pero sana wag kampihan ni meiro yung girls! hindi naman si esmie ang nagsimula! tinapos lang niya yung gulo!

    ReplyDelete
  3. grbeng mga bbae! kakainis cla! no match nmn!

    ReplyDelete
  4. ..yay..sayang hehe cute scene na pa naman sana ung mga nangyayari kala esmie and meiro..hehe I think may hidden desire si meiro kay esmie..
    >aj..

    ReplyDelete
  5. Aw. Cute cute ni Meiro~ isip bata!!! Hahahahaha. Ang sweeeeeeeet din niya!!! Nakakaloka ang silang dalawa kapag nagsama!!! XD parang aso't pusa! Aba naman Esmie!!! Amazonang amazona ang peg mo ha!!! Grabe lang! At waaaaaaaah! Si Meiro ><

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^