Friday, March 15, 2013

10 Million Worth of Life : Chapter 10


~C H A P T E R  10~
(Esmie Saavedra POV)



Hinahalikan ako ni Meiro… at gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Ibinalik ko lang yung halik na ginagawa niya.



“No…” Biglang siyang natauhan sa nangyayari kaya napatigil siya. Ang tagal naming magkatitigan pero siya rin ang unang umiwas ng tingin. “I’m sorry... I didn’t mean to…”  Tapos lumayo siya saakin at umalis na lang palabas ng kwarto ko.



Feeling ko naman nanghina buong katawan ko. Napaupo na lang ako sa sahig habang hawak yung labi ko. naririnig ko pa rin yung malakas na kabog ng dibdib ko. “Ano ba talagang tumatakbo jan sa utak mo, Meiro?”



Grabe, nahihiya ako sa sarili ko dahil imbes na patigilin siya kanina, nagustuhan ko pa! Ang masakit lang, ano yung ibig niyang sabihin na  “I’m sorry... I didn’t mean to…" Hindi niya sinadya… hindi niya ginustong halikan ako.



At siya pa mismo ang pumutol sa halik na sinimulan niya… “Ang first kiss namin… ang first kiss ko…” Nakakainis! Naiiyak na naman ako!



ͼ(ݓ_ݓ)ͽ



After ng nangyari, ini-expect ko yung usual na ginagawa ni Meiro. Yung tipong parang wala lang nangyari… pero mali ako.



Hindi niya ako kinausap kinaumagahan. Hindi niya ako isinabay sa sasakyan niya kaya ibang sasakyan ang naghatid saakin papuntang school. At hindi niya ako pinapansin. 



Nagtuluy-tuloy yung pagiging cold niya saakin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang araw na ang lumipas. Basta ang alam ko, higit isang linggo na!



At yung pag-iwas niya halatang-halata! Siya ang may kasalanan saakin diba? Pero siya pa ‘tong may ganang hindi mamansin! At ang hindi ko gusto sa feeling na ito, ako pa yung nasasaktan ng sobra kasi hinahanap-hanap ko yung attention at kakulitan niya.



“Hoy Esmie. Ito nga pala yung notebook ni Meiro." Sabi ni Elsbeth. Tignan mo yang babaeng yan, matapos siyang gamitin at hiwalayan, habol pa rin ng habol kay Meiro. "Gawaan mo daw siya ng notes and he wants it before 3 PM.”



“Bakit hindi na lang siya ang nagbigay nito? Bakit inutos pa sayo?”




“Aba malay ko. Baka ayaw niyang makita ang pagmumukha mo.” At sabay tawa siya ng pang-asar saka umalis kasama ang ilan pang mga malalandi niyang kaibigan.



Ganun na lang palagi. Kung may gustong ipagawa saakin si Meiro, iuutos pa muna niya sa iba at saka iuutos saakin! Kung ayaw niya akong kausapin, pakawalan na lang niya ako!!! Mas gugustuhin ko pa yun kesa manatili sa puder niya.



Pero… *sigh~* Ilang beses na akong sumubok diba? Sa huli wala akong nagawa kundi manatili pa rin dito.



Binilisan ko ang pagtapos ng notes niya. Pero habang ginagawa ko yun, pinag-iisipan ko na ulit yung plano ko na pag-alis na lang ng tuluyan. Siguro magsasawa rin siyang humindi kapag paulit-ulit akong nagpumilit na umalis. Lalo pa ngayon na ang tagal na naming hindi nagpapansinan. Kapag nagpaalam ako sa kanya ngayon, baka pumayag na siya.



Pagkatapos ng ginagawa ko, tumayo ako agad at nagpunta kung saan man siya naroroon ngayon. Kabisado ko ang schedule niya at kung saan ang room niya. Sa ngayon wala siyang klase, but I know exactly where to find him. Malamang nakatambay lang siya.



Sa laboratory room ako nagpunta at tulad nga ng hula ko, nandito nga siya. How did I know? May mga babae dito sa labas at parang nag-aabang! Parang may pila!!! Pero bukod dun, nandito rin kasi yung mga kabarkada niyang lalaki.



“Si Meiro?”



“Nasa loob.” Ang bilis ng sagot nung lalaki kasi naman may kalampungan na babae. “Kanina ka pa niya hinihintay. Pasok ka na.”



Napa-iling na lang ako sa kanila. Pumasok na ako sa lab room at walang katao-tao! Sabi nila nandito si Meiro... saan?



Maya-maya, nakarinig ako ng mga ungol.



"Uhm... ah... ah... yes... ummm... Meiro... ah... owgosh!!! Dont stop... ahh!!!"



Ako - (•__•)



Nakita ko si Meiro at may kasama siyang babae. Nakasuot pa rin naman ng pantalon si Meiro pero yung kasama niya, nakahubad na!!! As in!!! At nandun sila sa sahig!!!



"What?" Sabi ni Meiro nang nakatingin saakin but still kissing the other woman's breast. At kahit nandito na ako, hindi nila tinitigil yung ginagawa nila. Wala na ba silang kahihiyan?



Pero dapat hindi na ako magtaka o magulat diba? Ordinaryo na lang 'to para kay Meiro! Dapat sanay na ako sa mga kabastusan niya.



Tinalikuran ko siya at, "Da... dala ko na yung notes mo."



"Amin na... lumapit ka saamin..."



Kung ginagawa ito ni Meiro para turuan ako ng leksyon o pag-selosin o asarin, he's doing a great job! And I can't believe I fell in love with a man like him!



Hinarap ko na sila. I looked at both of them at lumapit na ako sa kanila. Iniabot ko na sa kanya yung notebook niya and right after that, itinuloy nila yung kalaswaan nila. Naghalikan pa sila ng torrid sa harap ko.



"Alis na." Ang cold ng pagkakasabi niya.



Hindi na ako makahinga dahil nangigigil na ako sa galit, inis at sakit! Pero wala na din akong nagawa. Hindi ko na kayang makita pa sila ng babae niya. Tumakbo na ako paalis nun.




/==\




Ini-empake ko na ulit ang mga gamit ko. This time wala na talaga. Sagad na sagad na ako.



Pilit naman akong pinipigilan ng ibang mga katulong dito sa mansyon na naging ka-close ko na at tinuturing kong mga kaibigan. "Esmie, papagurin mo lang ang sarili mo eh. Hindi ka rin naman papayagan ni Sir."



" At wala ka naman nang mapupuntahan. Tsaka paano mo babayaran ang utang mo kung aalis ka dito?"



"Buo na ang desisyon ko. Dapat nga noon pa ako nakaalis dito eh." Napabuntong-hininga na lang ako pero hindi ko pinahalata na nahihirapan ako. "Makakahanap din ako ng paraan para makaipon. Kahit na anong trabaho, basta ayoko na talaga dito."



"Nung last time na umalis ka, parang Martial Law na dito sa loob ng mansyon! First time lang namin makita si Sir Meiro na nagkaganun nung umalis ka ng walang paalam. Tapos ngayon, uulitin mo? Wag ka nang umalis Esmie. Parang awa mo na."



Kahit na ano pa man din ang sabihin nila, itutuloy ko ito. Hindi ako magpapapigil kahit si Meiro pa ang mag-utos nun.



Ilang sandali pa, bitbit ko na ang mga gamit ko at palapit na ako sa pintuan ng mansyon. Konting hakbang na lang, makakaalis na ako sa lugar na ito. Pero sa kamalas-malasan, nasalubong ko pa siya!



"Saan ka pupunta?" Nagulat siya nung una pero madali ring napalitan yung expression ng mukha. Naging sobrang blanko na parang walang pakelam. "Aalis ka?"



"Oo... and this time kahit ano pang gawin mo, hindi na ako papayag na pigilan mo ako."



Tinaasan niya lang ako ng kilay, "At paano ang utang mo?"



"Makakahanap ako ng trabaho kapag pinakawalan mo na ako. Kada buwan ipapadala ko sayo ang magiging sahod ko. Babayaran kita sa kahit na anong paraan na wala nang kinalaman pa sayo." Mas nilakasan ko ang loob ko at tinapangan ko pa ang boses ko. "At alam ko naman na hindi kita matatakasan. Makakaya mo akong ipahuli sa mga pulis kapag tinakbuhan kita kaya naman pinapangako ko sayo na hinding-hindi ko gagawin yun."



Nabalot na ng katahimikan ang buong lugar. Nasa gilid lang yung ibang mga katulong, naghihintay lang din yung mga bodyguards ni Meiro sa likod niya, pero ni isa man, walang nag-iingay.



Ewan ko nga, mas maingay pa yata ang kabog ng puso ko ngayon.



"Fine." Ang ikli pero seryoso ng pagkakasabi ni Meiro. He's looking at me pero wala akong makitang kahit na anong emotion sa mga mata niya. He is stone-cold serious. "You're free to go."



Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Meiro. Maski ako!



Umabot kami sa puntong ito at ngayon ay ganung kadali na lang niya akong pakakawalan.



Pero hindi na niya yun pinansin, hindi na niya ako pinansin. "Where are the other maids?"



"Sir nandito po kami..."



"I invited people kaya maghanda kayo para sa party ko."



"Party po Sir?" Biglaan naman masyado yun.



"You heard me. Wag na kayong tumunganga jan at gawin niyo na trabaho niyo."



And just like that, he went on to his own business. Tumuloy na siya sa paglalakad, paakyat ng hagdan at papunta na sa kwarto niya.



WALA NA TALAGA SIYANG PAKELAM SAAKIN... Eh ano naman? ITO KAYA ANG GUSTO KO NOH! Hindi na ako nagtagal pa sa mansyong yun at umalis na ako.



Pagdating ko sa gate, may papasok nang isang magarang sasakyan, pero wala na akong pakelam kung sinong may sakay nun. Siguro, sakay na nun yung mga inimbitahan ni Meiro. Maaring mga kaibigan o babae lang ni Meiro.



Naglakad na ako palabas and I didn't dare to look back.



Sa wakas, tapos na ang lahat. Hindi ko na kailangan pang mag-tiis kay Meiro.



Tama 'tong desisyon ko. Tama 'to kahit sobrang sakit...



(_)

End of Chapter 10

15 comments:

  1. waaaaaaaaah! ate, i miss u po!!! nbalitaan q po ung nangyari s pc mo dun s watty pero buti nman at nakapag-update ka n dito... i miss u po talaga pti n rin sina ate queen and shinaya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. espren, isang malaking question lang, paano naging bold-text ang comment mo? ahaha, ako may-ari nitong blog hindi ko alam kung paano gawin yan! lels~

      Delete
    2. katulad lang din ng code sa pf... less than sign 'b' greater than sign 'b' sa start ng txt... tapos sa huli ng text, less than sign, slash, 'b' greater than...

      gets mo ba?hehehe...

      Delete
    3. aha!!! yown lang pala yun!!! now i know!!!

      Delete
  2. nakakainis c meiro dito. prang cnasadya nia tlgang saktan c esmie eh! mbuti n din at nde nia pinigilan s pag-alis si esmie. makikita nia, pagsisihan nia rin ung mga pinag-gagawa nia s kanya.

    ReplyDelete
  3. i hate meiro so much!
    why is he doing it to esmie.

    go esmie, malaya ka na!

    ReplyDelete
  4. Yey, Esmie....you are now an independent country!!!! Lol...hayaan mo lang jan na manigas si Meiro.

    ReplyDelete
  5. yey!! nka pag UD na rin si ate aegyo!! finally!! mhisshhhuuu ate ko!!

    hmpf,emotero talaga ung lokong meiro na yan.. ikaw pa rin ang nawalan.. hahah.. gorabelles ka lang esmie.. nasa iyo pa rin ang huling halakhak.. hahah..

    --DemiDoLL (tinatamad akong mag sign-in,hihihi)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! I miss you more!!! babawi ako sa update ko sa kwentong ito. tinatapos ko na eh! malapit na, konti na lang!

      at sana nag-login ka para kita ko ang beautiful DP mo noh! XD

      Delete
    2. hahah.. asus.. ngayon mo lang sinabi.. hndi ko na talaga nxt tym kakalimutan.. hahah

      Delete
  6. ((Suportado ka namin Esmie jan sa desisyon mo))

    ((I just hope Meiro realize lahat ng mga pagkakamali niya))

    ((Ang bad niya eh))

    ReplyDelete
  7. oh mY gOsh! naG-upd8 ka n pO pLa uLit! i'M so hAppY!!!

    ReplyDelete
  8. oh mY gOsh! naG-upd8 ka n pO pLa uLit! i'M so hAppY!!!

    ReplyDelete
  9. OMG!!!! anong nangyari?! NAKAKAINIS KA MEIRO!!! HUHUHUHUHU!!! Ang sarap mo ipalapa sa Warg!!! Hindi kita maintindihan!!!! Why you like that?! Why?! *sob*

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^