~C H A P T E R 14~
(Esmie Saavedra POV)
Isang araw sa hallway, may nakasalubong ako…
“Ah… hello!” Pagkatapos ng maikling batian ay dumirecho na kami.
Nung sumunod na araw sa may library, may nakasalubong ako ulit…
“Esmie…?”
“Meiro.”
“Nandito ka pala?”
“Oo eh, may hinahanap lang na libro.” At dahil hindi ko makita yung librong tinutukoy ko, umalis na lang ako agad.
At nung sumunod pang mga araw, sa cafeteria…
“Hi Esmie. Musta?”
“Okay naman… hehe. Ah sige una na ako ha?”
Sa theater hall…
“Ikaw pala Esmie.”
“Hehehe… napadaan lang.”
Sa car park…
“Hey Esmie! Pauwi ka na?”
“Uy~ ikaw pala Meiro! Oo, pauwi na ako.”
At marami pang awkward moments sa iba’t ibang sulok ng school namin.
Ganyan po palagi ang eksena sa tuwing magkakasalubong kami ni Meiro. Kaya nga hangga’t maari, sinusubukan ko na lang na iwasan si Meiro kapag nandito sa school.
Umiiwas ako kasi hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan eh.
Noong nag-away kasi kami, lumayas ako sa kanila at hindi na niya ako pinakealaman simula noon, ni hindi kami nakapag-usap man lang tungkol dun. Dahil walang matinong closure sa pagitan namin kaya hindi ko alam kung paano ba talaga kami mag-uusap ngayon. At kung may dapat pa ba kaming pag-usapan?
Sa labas ng room ko… “Esmie.”
Nilingon ko, “Meiro...!” Kunwari may gulat factor pa sa boses ko. “Hi!” Nginitian ko lang siya at nagmadali na ding naglakad paalis.
Pero hindi mo nga lang talaga aakalain na minsan sa buhay namin, nagkasama kami ni Meiro Pamplona sa iisang bahay. Na naging katulong niya ako at amo ko siya. Ni minahal ko siya... at nasaktan lang sa bandang huli.
٩(-﹏-)۶
Saan pa kaya ako pwedeng tumambay nito?
Yung wala nang kahit na anong may kinalaman kay Meiro na mambubwiset saakin. O siguro mas dapat na makahanap ako ng ibang pagkakaabalahan para hindi ko na rin siya maisip.
“Esmie Saavedra.”
Pamilyar na boses yun ha. Si... “Kenji?” Nakasunod pala siya sa likod ko at umiinom lang ng juice.
“Bakit pakalat-kalat ka?”
“Pakalat-kalat ka jan! Nililibang ko lang sarili ko noh. Hinihintay ko pa yung last subject ko ngayong araw bago ako makauwi at makapagtrabaho ulit. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?”
“Wala lang~ napasyal lang!” Tapos ngumiti siya at may kakaibang kutob ako sa ngiting yun.
“May iniimbestigahan ka na naman ba?”
“Paano mo nasabi?”
“Hindi mo ni-deny so may iniimbestigahan ka nga.”
“Hindi pa naman ako nagsabi ng oo.”
“At hindi ka pa rin naman nagsabi ng hindi!”
Napatitig na lang si Kenji saakin. “Tsk! Matalino ka nga talaga. Pwede kang mag-abogado. Ang daming lusot!”
Saka ako ngumiti ng pagkalaki-laki! “So~ sinong iniimbestigahan mo? At tsaka tungkol saan?”
“Sorry but it's highly confidential. You don’t have to concern yourself about it.”
“Psh~” Napa-pout na lang ako. “Umi-English ka pa jan. Arte mo!”
“And you? Kamusta na kayo ni Meiro?”
“Kami ni Meiro...? Ano ka ba! Eh di wala!” O kita niyo na! Pati si Kenji pinapaalala pa rin saakin si Meiro! Nakakasakit na lang talaga sa bangs ‘to eh! “At tsaka pwede ba, wag ka na ngang magbanggit ng tungkol sa lalaking yun!”
“Ah Esmie…”
“Iniiwasan ko na nga yun eh! Gusto ko na talagang kalimutan ang Meiro na yun!”
Biglang natahimik si Kenji habang sinasabi ko yun. Napakamot na nga lang siya sa batok niya at ang layo lang ng tingin niya. Parang may nakita pa siyang kakilala.
Pagkatapos, kinawayan nga niya ito at binati pa. Kaso yung ngiti, halatang napipilitan.
“Meiro…”
Hwaaat!!! Si Meiro!!! Lumingon ako at ito nga siya! Ubod ng lapit saamin.
“Me... Meiro... kanina ka pa jan...” Anak ng!!! Narinig kaya niya yung pinagsasabi ko?
“Ano kasi... kanina pa kita hinahanap… may sasabihin lang sana...”
Hindi ko madescribe yung mukha niya. Yung alam mong sobrang lungkot na parang ang bigat-bigat ng nararamdaman niya. Ganun kaproblemado ang mukha ni Meiro ngayon.
“Di bale na nga lang.” At umiwas na lang siya ng tingin. “Nakakaistorbo yata ako eh.” At walang pasabi na umalis na lang siya at nagmamadali pa!
Noong maiwan na lang ulit kami ni Kenji… “Lagot ka Esmie.”
“KENJI!!!”
“Narinig niya lahat ng sinabi mo.”
“Bakit hindi mo ako pinigilan!”
“Wala ka nang preno sa pagsasalita eh.” Pang-asar talaga 'tong Kenji na 'to. Kaya minsan nagtataka ako kung magkaibigan na ba talaga kami nito o wala lang! “You should probably go after him.”
Napabuntong-hininga na lang ako. “Hindi na siguro. Mabuti na rin at narinig niya yung pinagsasabi ko.”
“He looks really problematic, you know?” Hindi ako nakasagot nun. “Siguro nahalata na niyang pag-iwas mo sa kanya. Tapos narinig pa niya yung mag pinagsasabi mo! For sure, parang pinagsakluban ng langit at lupa ang feeling nun ngayon!”
“Wag mo na nga akong kinokunsensya!”
“It’s time Esmie. Ayusin niyo na yung tungkol sa inyong dalawa.” Lumapit siya saakin at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. “Sige na Esmie. Sundan mo na siya…”
Nagdadalawang-isip pa rin ako kahit pinipilit na ako ni Kenji pero dahil sa sunod niyang sinabi, “Alam mo bang may pagka-suicidal din yang si Meiro katulad mo?”
“A… anong pinagsasabi mo?”
“Diba nakwento mo saakin, pinigilan ka niyang tumalon sa building noon?” Yes. That was the first time na nag-usap kami ni Meiro at pinautang niya ako ng pera na pambayad sa mga Yakuza. “A few weeks before that incident, nag-try din kayang magpakamatay si Meiro.”
“WEH!!! HINDI NGA!!!”
“Mukha ba akong nagbibiro Esmie? Gusto mo pa ng ebidensya?”
“Eh pero…”
“Last week, dumadalaw ulit siya sa psychiatrist niya. Tingin ko, problemado talaga siya at wala na akong maisip na dahilan kundi ikaw.” Kinabahan ako. Na ako ng sobra nun. Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Kenji? “Nakita mo itchura niya ngayon diba? Sa pag-aanalisa ko sa mukha niya, he’s really not doing fine.”
Parang wala na akong naririnig nun. Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi pa ni Kenji.
Marami akong hindi alam kay Meiro katulad ng pagkalulong niya sa droga noon. Tapos ngayon, suicidal pa daw siya.
If that’s true… well hinding-hindi ko hahayaang mangyari yun!
Siguro kaya ako iniligtas ni Meiro noong magpapakamatay din sana ako kasi alam niya ang pakiramdam ng parang wala nang pag-asa.
(ノಠ益ಠ)ノ
Tinakbo ko na yung direksyon na pinuntahan ni Meiro kanina. Hinalughog ko yung buong lugar at nagtanong-tanong pa nga ako sa kahit na sino kung nakita ba nila si Meiro. Dahil sikat kasi siya, kilala siya ng lahat.
“Pwedeng magtanong? Si Meiro? Nakita niyo bang dumaan si Meiro?”
Nagulat yung lalaking tinanungan ko at paniguradong iniisip niya na ang feeling close ko. Pero wala na akong iisipin ng iba. “Um… si Meiro Pamplona ba?”
“OO! Si Meiro Pamplona! Nakita mo ba siya?”
“Sumakay siya ng elevator…”
So umakyat siya pataas! Nag-stairs na lang ako kesa antayin ko pa yung elevator.
Hinlughog ko ang 1st floor. Wala siya.
Dun sa 2nd floor. Wala rin siya.
Sa 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th foors. Wala pa rin siya!
“Meiro… nasaan ka na ba…?” Hindi ko na alintana ang pagod ko! Basta ang kailangan ko lang, ang mahanap si Meiro.
.
.
.
.
.
And then may na-realize ako. This building… ito yung building kung saan ako nagbalak na magpakamatay noon! Ito kasi yung pinakamataas na building dito sa campus! “Hindi kaya…”
I shook my head and ran quickly. Hindi ko na pinuntahan yung natitira pang floors. Dun na ako dumirecho sa rooftop nitong building.
Nagkadadapa-dapa na nga ako paakyat pero kinaya ko pa rin.
Nung makita ko na na naka-open yung pintuan papuntang rooftop, na-confirm ko na may tao nga dito. Na-confirm ko na nandito nga si Meiro…
At nakatayo siya dun sa pwesto kung saan ako nakatayo noon nung magpapakamatay na din sana ako.
“MEIRO WAG!!!”
m/(>.<)\m
End of Chapter 14
Aegyo's Note: Ito na dapat ang final chapter ng kwentong ito, tapos epilogue na ang kasunod. Pero dahil nahabaan ako masyado sa naisulat kong epilogue kaya naisipan kong paghiwalay na lang yun. Kaya naman Chapter 15 pa ang next at saka ang pinakahihintay niyong ending ng story nina Esmie at Meiro.
Ngayon, nagpapasalamat na ako sa mga nagbasa ng kwentong ito hanggang dito sa katapusan. Maraming salamat po!!! ^_____^
>>>CHAPTER 15 HERE
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
wew..prang ung sa isang story u po..ung bipolar..hehe tnx po sa update..gud luck po and more power..
ReplyDeleteahaha, yung sa a-z series ko po. :D
DeleteYung tipong kada may nakikita akong update nito. Napapamura ako. Hahaha unbelievable eh :)
ReplyDeletebakit may kasamang mura! lels~ XD
DeleteHoy Meiro! >___< Umayos ka nga! Torpe ka na ewan eh! Kaasaaaaar! Hmp! Suicidal? Aba! Bagay nga kayo ni Esmie! :P >__________< Esmie! Kung kay Kenji ka na lang kaya? Ayt. Patapos na yung kwento saka pa ko naghangad na sana kay Kenji ka na lang. HAHAHA. Baliw langs. XD
ReplyDeletehaha kabaliwan ni Kenji xD
ReplyDeleteawwww,kawawa nmn sa beybi meiro! haha.. melodrama din pala itong si meiro eh.. hahah..
ReplyDeletesakin ka na lang kasi kenji!! hahha
Napakahirap naman basahin ng A/N mo Unnie! Pinasingkit ko pa lalo mata ko eh! Hahahahaha. Nakakatuwa lang~ mukhang tae sila Esmie at Meiro! Parehas ng nararamdaman pagkatapos... hay nako! Sa panahon ngayon dapat talaga sinasabi na rin sa isang tao kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman eh. Para hindi hula ng hula, assume ng assume! Kailangan naninigurado gamit ang pagtatanong! Kung hindi man maganda ang kinalabasan ng pagtatanong mo, okay lang! At least alam mo na diba? Hay!!! Nakakaloka ang love story nila Esmie at Meiro~ nakakaloka -- oops!!! Hindi pa tapos may last chapter pa!!! SALAMAT KAY KENJIE!!! Hahahaha. Lakas makakunsensya~
ReplyDeletehahahah, ako din naningkit sa author's note ko. hahaha, walanjo, sobrang liit pala ng font na gamit ko jan XD
Delete