~C H A P T E R 1~
(Esmie
Saavedra POV)
Sampung milyon. Ganun daw
kalaki ang utang na iniwan saakin ng namatay kong mga magulang nung nakaraang
taon bago pa man sila bawian ng buhay sa isang car crash. Ako na nga itong naulila,
pasanin ko pa ang mabigat na problemang yun.
Ngayon sinisingil na ako ng
mga taong pinagkaka-utangan namin! Ang malala pa jan, hindi sila basta simpleng
tao lang! Nagmula sila sa isang notorious na grupo na kilala pa nga sa Japan na
mga Yakuza!!!
Nagtatrabaho sana ako ngayon
para sana maipagpatuloy ko pa ang pag-aaral ko sa college at para na rin bayaran ang utang ko kahit pakonti-konti, kaso pagsulpot ng
mga Yakuza, ginulo nila yung lugar kaya natanggal pa ako sa trabaho!
Hindi lang yun, binigyan
nila ako ng isang araw bilang palugit para mabayaran yung sampung milyon na
utang ko!!! Pagbalik nila at wala pa rin
akong naibigay na pambayad, dalawang parusa ang pwede kong pagpilian na ibibigay nila saakin.
Una, ito-torture nila ako
for 100 straight days bago patayin at isako ang katawan ko para itapon sa dagat at nang walang makaalam sa krimen na yun.
O pangalawa, kukunin nila
ako bilang alipin at ipapa-rape ako sa iba’t ibang matatandang customers
nila para lang mabayaran ko ang lahat ng utang ko.
(✖╭╮✖)
Nandito ako ngayon sa school
na pinapasukan ko. Mamaya kapag uwian, magpapakita na yung mga Yakuza!
At dahil hindi ko naman
maitatatae yung hinihingi nilang sampung milyon, nasa malaking problema na
talaga ako!!!
So ano? Papa-torture at
murder na lang ba ako? O papayag akong maging sex slave nila?
My answer???
None of the above!
Ayokong mamatay sa malalang
paraan! Sa loob pa ng 100 days? No way!!!
At lalong ayokong gamitin
ang katawan ko pambayad! Mabuti nang mamatay na virgin!!!
Kaya heto ako ngayon… imbes
na danasin ko ang lahat ng hirap sa utang na hindi ko kailanman mababayaran…
mabuti pang tapusin ko na ito na sa isang iglap lang.
“Oy! Anong ginagawa mo jan?”
Sino naman itong epal na ‘to?
Nung tignan ko ang mukha niya, si classmate lang pala! “Obvious ba? Eh di magpapakamatay!!!”
Nasa rooftop ako ngayon.
Umiiyak. Wala nang pag-asa sa buhay. Tapos biglang nasulpot itong si Meiro
Pamplona. Isang mayamang lalaki na kung ituring ng lahat ay prinsipe.
“Gagawa ka pa ng eksena! Mai-issue lang ang school sa gagawin mo
eh. Dudumihan mo pa yung daanan sa baba dahil sa lasog-lasog na katawan mo
kapag tumalon ka jan.”
(ಠ______ಠ) - Ako
“Kung ako sayo, wag mo nang ituloy yan! Oh kaya, pili ka na lang
ng ibang lugar.”
“Tumahimik ka! Bakit ba kahit sa pagpapakamatay ko may susulpot
pang asungot!!!”
“Wag kang sumigaw! Nakakabinge!”
“Heh! Magpapakamatay na talaga ako! Ulila na nga ako ang
laki-laki pa ng utang na naiwan saakin! Paano ko babayaran yun!!! Sa grupo pa
ng Yakuza na plano akong itorture sa loob ng 100 days o gawin akong sex slave
habang buhay!!! Ayoko na!!!”
Itutuloy ko na ‘to para
matapos na ang paghihirap ko! Heto na! Isang hakbang na lang!
“Oy teka!!! Are you really serious? Magpapakamatay ka talaga?”
Aning pala ‘tong lalaking
‘to eh! Kanina pa kami nag-uusap, hindi pa rin pala naniniwala! Seryoso ako!
Magpapakamatay na talaga ako!!!
“Kung ayaw mo na talaga sa buhay mo, bigay mo na lang saakin!” Ano?
Ano daw?
“Ako ba talaga ginagagu mo?”
“I’m serious! Don’t throw your life away! Instead, give it to
me.” Lokohan na talaga ‘to! “Let me buy you, at hindi ka na kailan man
makakaranas pa ng paghihirap.”
WTH!!! Seryoso yata talaga
siya. Alam kong kasing sobrang yaman ng lalaking ito. So what now Esmie?
Magpapakamatay pa ba? O
benta ko na buhay ko sa kanya?
“Magkano mo bibilhin ang buhay ko?”
“Magkano ba kailangan mo?” Masyadong bumaba ang
tingin ko sa sarili ko pero…
“Sampung milyon. Kaya mong bayaran? Ngayon na?”
Ang tagal niya lang sumagot,
pero… “Sure.
That’s just a small amount. I can buy you now.” Tapos may kinuha
siyang maliit na note dun sa bulsa ng coat niya. May pinirmahan siyang cheke at
dahan-dahan na siyang lumapit para iabot yun saakin.
Pero hindi ko agad yun
tinanggap. Ano rin bang malay ko sa plano nitong Meiro na ‘to! Baka mamaya,
pinasasakay niya lang ako para lang hindi ako matuloy sa pagpapakamatay ko.
“Here. Kunin mo na ‘tong cheke!”
“Bakit mo ginagawa ‘to?”
“Binibili ko na nga ang buhay mo diba?”
“Ano namang kapalit? Alam ko sisingilin mo rin ako sa halagang
yan! Anong gagawin mo saakin kapag tinanggap ko yang pera mo?”
“I just don’t want any issues. Sisirain mo lang ang magandang
pangalan nitong school na tinayo ng parents ko and I don’t want that to happen!” Oo nga
pala. Sila ang may-ari nitong school na pinapasukan ko. “And besides, I’m bored.”
Ang seryoso lang ng mukha
niya! And somehow, naiinggit ako sa kanya because money was never a problem to
them.
Ganun-ganun na lang siya
magpapakawala ng halagang sampung milyon just because he’s bored!!! “You’re bored?
Anong tingin mo saakin, laruan? Bakit ganyan kayong mayayaman?”
“Who told you na gagawin kitang laruan? It’s more of like I need
a personal assistant. Katulong for short.”
And
he gave me that look again. “So what? Do we have a deal? Bibilhin na kita o
magpapakamatay ka pa rin?”
“Papayag ako sa isa pang kundisyon…”
“Tsk! Ang dami mo namang dagdag! Tanggapin mo na lang!”
“Just promise me na ita-trato mo ako na hindi parang hayop!
Magtatrabaho ako sayo para bayaran ka, but I’m keeping my dignity as a human!” Napailing
lang siya sa sinabi kong yun. Akala niya siguro nagbibiro ako!
But this time with a calm
voice he said, “I
promise.”
I believed in him when he answered
that kaya bumaba na ako dun sa kinatatayuan ko and he gave me the cheque.
The cheque that’s worth 10
Million. Ang halaga ng buhay ko ngayon.
٩(͡๏̯͡๏)۶
Kaharap ko na ngayon yung
mga taga-Yakuza na pinagkakautangan ko. Lahat
sila, may mga nakatagong deadly weapons just in case hindi ako makapagbayad o
maisipan kong tumakas.
“Heto po ang sampung milyon niyo.”
May sinabing kung anu-ano yung
panget na Hapon at ang translation na katabi niyang interpreter. “Magaling! Hindi namin alam kung paano ka
nakakuha ng ganito kalaking pera sa loob lang ng isang araw…”
“Wag niyo na lang po akong guguluhin ulit.”
“Makakaasa
ka.”
Tumalikod na silang lahat at ilang sandali pa, mag-isa na akong nakatayo dito sa
lugar.
Nagbuntong hininga na lang
ako at nagsimula namang maglakad papalapit sa isa pang sasakyan na nag-aabang
naman saakin kanina pa. Ang sasakyan na pagmamay-ari
ni Meiro Pamplona.
May driver na nagbukas ng
pinto at saka ako pumasok sa loob.
“Naabot mo na ba ang cheke sa kanila?” Tumango
lang ako bilang sagot. “Nangako ba silang hindi ka na ulit guguluhin?”
“Oo…” Tapos yumuko ako. “Salamat…”
“Alright!” Sumandal na siya sa kinauupuan niya at
nag-utos na sa driver. “Tara na sa mansion.”
“Yes sir.”
At saka tumingin saakin si Meiro.
“Magsisimula
ka nang magtrabaho saakin ngayon. Maliwanag?”
“Alam ko po. Hindi ko nakakalimutan yun.”
≧⁰,⁰≦
End
of Chapter 1
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
~>angel is luv<~
ReplyDeletemga grabe yung yakuza! kakatakot naman yung parusa nila! paghanapin ka daw ba ng 10M in just one day! kung ako rin siguro niyan, nagpakamatay na ako! pero buti na lang dumating si meiro at niligtas si esmie.
great 1st chapter po ate!
mkhng mggus2han ko ang plot dn n2ng new story mu ate! dun p lng s suicide scene, naexcite n aq eh.
ReplyDeletenice!
ReplyDeletesaklap pala ng buhay ni esmie. buti na lang si meiro ang bumili at nagbayad sa utang niya!
ReplyDeleteUr a savior meiro,,, lyk q ang 1st chaptr,,
ReplyDeleteDahil lang sa board siya... kaya niya bibilhin ang buhay ni Esmie -__- wow naman Meiro! Ikaw na ang mayaman! Pero ha... savior ni Esmie si Meiro!!! Hihihi~ kahit papaano naman swerte pa din siya <3
ReplyDelete