~C H A P T E R 13~
(Esmie Saavedra POV)
Hindi ko akalaing makakabalik ako agad sa pag-aaral. Akala ko kasi, next year pa talaga ako makakapag-enroll. Pero ito ako ngayon, nakabalik agad ngayong sumunod na sem.
Buti na lang talaga, sunud-sunod ang swerteng dumadating sa buhay ko. Yung dalawang trabaho ko, nabibigyan ako ng sapat na kita para sa sarili ko at para sa pambayad ko sa utang kong sampung milyon. Take note, wala pa dun yung ibang pinapasukan as part-time job.
Although, matagal pa rin talaga bago ko mabayaran yung milyones na utang ko, magsusumikap ako. At pagbubutihan ko pa ang pag-aaral ko!
Pumasok na ako sa room ko para sa unang subject. Halos ma-late nga ako sa first day ko pero buti na lang, nakaabot pa ako. Pagpasok ko sa loob ng room, halos occupied na ang lahat ng seats. Marami-rami din ang kaklase ko ngayon ha!
“OH MY GOSH! Look girls~! Isn’t that Esmie Saavedra?”
“Ohohoho~ oo nga noh! Paano yan nakapag-enroll ulit dito?”
“Akala ko hindi ko na ulit siya makikita until we graduate here.”
Eesh! Hanggang ngayon ba naman, kaklase ko pa rin ‘tong mga ‘to? Last sem kaklase ko rin sila sa subject na ‘to eh. Ibig sabihin, bumagsak sila!!!
Nagsilapitan yung mga bruhilda saakin. Pero ang pinaka-nangunguna sa kanila, yung leader nilang mukhang takong ng sapatos din na suot niya.
“Esmie~ Esmie~ Esmie…”
“Elsbeth.” Nakipagtitigan lang ako sa kanya tulad ng ginagawa niya.
“Bakit nagbalik ka pa?” Arte lang ha!
Pwes, hindi uubra saakin ang kaartehan na yan. “Pake mo?”
“Diba, you don’t work for Meiro na? So how did you manage to enroll here again?”
Halatang gusto lang akong bully-hin ng babaitang ‘to eh. Gusto lang talagang ipalandakan sa buong klase naman kung sino at anong klaseng babae siya. Palibhasa nagpapasikat siya sa mga kaklase namin from lower years.
Hindi ko na lang siya pinansin at naghanap na ng mauupuan ko. Nakahanap ako ng vacant seat sa may dulo, malapit sa bintana pero nakabuntot pa rin saakin sina Elsbeth at mga aanga-anga niyang taga-sunod.
“Aha! Maybe, nag-prostitute ka na Esmie noh?” Ang bastusing babae, sinadya pa talagang lakasan ang boses niya para iparinig sa lahat ang panlalait niya. “Kasi naman, imposible makapagbayad ka sa utang mo kay Meiro, buhayin ang sarili mo and at the same time mag-aral pa dito!”
Nagtawanan silang lahat kasama si Elsbeth. “So yeah, ano pa nga bang magagawa ng mga low-life na kagaya mo? Eh di ibinibenta ang sarili kung kani-kanino!”
At sabay-sabay sila ng mga kaibigan niya na nag-“EWWWWW~!”
Pero akala ba nila, maiinsulto ako sa mga ginagawa nila? “Um, let me just ask you a question Elsbeth. Alam mo ba yung salitang scholarship?”
“Like duh? Anong tingin mo saakin, bobo?”
“Eh ikaw? Anong tingin mo rin saakin, bobo?” Hinintay ko siyang makasagot. “Baka lang kasi nakakalimutan mo, pinaka-matalino ako sa klase natin noon. Pinaka-matalino sa buong batch natin.” Ayokong magyabang pero sa pagkakataong ito, gagawin ko. “Sa katalinuhang taglay ko, madali lang para saakin makakuha ng FULL scholarship. Ibig sabihin, dahil matalino ako, libre akong makakapag-aral! I bet, hindi nyo alam ng mga kabigan mo yun noh?”
Halos nanggagalaiti na ang mga itchura nila. Lalo na si Elsbeth, putok na nga yung pisngi niya dahil sa blush-on, lalo pang namutok dahil sa galit niya saakin. Pero hindi pa ako tapos!
“At yung sinasabi mong baka ako nagpo-prostitute? Na kung kani-kaninong lalaki ko ibinibenta ang sarili ko? WOW LANG HA!!!” At sinadya kong pumalakpak! Mga tatlong beses. “Bakit mo naman ako ginagaya sa sarili mo?”
“You bitch!”
“Ops! Ang magalit pikon!”
“I AM NOT A PROSTITUTE! HOW DARE YOU!!!”
“Haha! Eh diba kung kani-kaninong lalaki ka nga nakikipag-sex. Take note, kung saan-saan pa!” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Nagbulungan nga ang mga kaklase namin dahil sinadya ko ding lakasan ang boses ko. Akala niya siya lang pwedeng mamahiya ha! “And as I remember, diba pumayag ka pa nga maikama ni Meiro para lang hindi ako ma-expel sa school na ‘to. Tapos anong nangyari, tinapon ka na lang niya agad dahil wala ka nang silbi. Sinasabi mong low-life ako, ano tingin mo sarili mo?”
Sa galit niya, akma na niyang sasampalin ako pero…
“Sige ituloy mo Elsbeth. Kung dati black-eye lang nakuha mo saakin, sisiguraduhing kong masisira na mukha mo ngayon. Yung tipong mauubos na lahat ng pera ng pamilya mo para lang i- retoke pabalik yang pagmumukha mo.”
Nagroll-eyes lang siya tapos pilit na tumawa. Eh halata naman nang lubug na lubog na siya. “Eh tapang mo naman talaga ha! Kayang-kaya kitang patalsikin dito sa school. Isang tawag ko lang sa daddy ko.”
“Wala ka na bang ibang panakot na alam? Yung daddy mo na naman? Eh bakit narinig ko sa balita, nabili na daw ang shares ng pamilya niyo sa school na ‘to. Meaning, hindi na kayo kabilang sa nagmamay-ari nito.”
Natigilan silang lahat sa sinabi ko. Si Elsbeth naman, gulat na gulat at litung-lito kung paano ko nalaman ang tungkol dun.
“How can you say that Esmie?”
“Oo nga, wala ka namang proof!”
“Kabilang pa rin ang family ni Elsbeth na nagmamay-ari nitong school.”
“She’s just making up things.”
“Yeah, maybe I’m not really sure!” At saka ako ngumiti ng pagkalaki-laki. “Siguro, iko-confirm ko na lang muna sa kaibigan kong private investigator.” Si Kenji yata ang nagsabi saakin ng tungkol dun! Mwahahahaha!!!
At nung ma-realize ni Elsbeth na seryoso ako, napa-atras na siya.
“Tara na nga girls.”
“Pero Elsbeth… hahayaan na lang ba natin ang babaeng yan…”
“LET’S GO!” At nauna na siyang bumalik sa upuan niya kaya nagsisunuran na ang mga tanga-sunod, este taga-sunod niya.
Ayaw niyang lumabas ang totoo. Na naba-bankrupt na nga sila. At kapag nalaman ng mga tao ang tungkol dun, siguradong babagsak siya.
Kaya kung ayaw niyang mapahiya ulit, mabuti na talagang wag niya akong babanggain. Hindi naman ako mangengealam sa kanya basta wag niya lang din akong pakealaman ngayon sa pagbabagong-buhay ko.
Hindi na ako papayag na apihin pa nila ako noh!
ᕙ(`▽´)ᕗ
Matapos ang eksenang yun with Elsbeth, mukhang bawas na ang po-problemahin ko ngayon. Isang bagay na lang ang dapat kong lampasan… ang makita ulit si Meiro. Dahil syempre, imposible naming hindi mag-krus ang landas naming dito noh? Darating at darating pa rin yung pagkakataon na magkikita kami.
Pero ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nag-aaral na ulit ako dito? Hmm… at bakit naman din siya magri-react? Ang feeling ko lang ha!
May one hour break ako bago ang next class. Imbes na tumambay ako kung saan-saan, doon nalang ako tatambay sa lugar na malapit na sa room ko.
So papunta na ako sa room ko nay un nang mapatigil ako sa paglalakad.
Madadaanan ko kasi yung lab room kung saan madalas tumambay sina Meiro at mga kabarkada niya. Yun yung teritoryo nila eh. Ang lugar kung saan madalas maganap yung mga kababalaghan at himala nila.
Siguro dahil first day pa lang kaya walang nakatambay dun. Usually kasi, kahit anong oras, hindi nawawalan ng tao dun.
Sinilip ko yung loob ng room at wala ngang tao. At hindi ko alam kung anong sumapi saakin pero sinubukan kong buksan yun. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok ako sa loob.
“Hay naku… ang lugar na ‘to.” Napailing na lang ako. “Ano ba naman kasi Esmie! Bakit kailangan mo pang isipin ang tungkol dito?”
Naglakad-lakad lang ako. Parang sinu-survey ko yung buong lugar.
Tapos napatigil ulit ako nang matapat ako sa isang spot.
“Ang pwesto na yun…” Yun yung pwesto kung saan may nakita akong kaanuhan si Meiro. “Ano ba naman! Nakakadiri na talaga ‘tong pumapasok sa isip ko ha!”
Pero hindi naman talaga yung image nila na nagsi-sex ang naiisip ko.
Kirot pa rin yung nararamdaman ko sa tuwing naalala ko yun.
“Bakit ba naman kasi ako nagkagusto sa bastos na yun!” At binatukan ko na lang ang sarili ko para magising na sa katotohanan. “Tapos na yun. Tapos nay un kaya kalimutan mo na Esmie! Nagbabagong-buhay ka na diba?”
Nagpasya na akong aalis na sana pero biglang may nag-bukas ng pinto. At pagtingin ko kung sino yun…
“And girls…”
Si Meiro.
“…ito naman ang lab room namin…”
He’s with a lot of girls!
“Madalas dito kami tumatambay ng mga friends ko but you are not allowed in here kung wala ako.”
Mga mukhang transfer students!
“Aww~ ang cool naman ng tambayan niyo!”
“So hahanapin ka na lang namin para makatambay din kami dito!”
“Oo nga Meiro!”
Tinawanan sila ni Meiro. Halatang nagpapa-cute ang mokong!
Pero nung mapansin nilang nandito…
“Eh sino siya?”
Napatingin silang lahat saakin at nang makilala din ako ni Meiro, “E… Esmie…?”
Wala lang. Hindi ko hinayaang lumabas ang kahit na anong expression sa mukha ko. Baka mamaya, kung ano pang isipin nila. Dumirecho na lang ako agad dun sa kabilang pintuan at umalis na.
Grabe. Ilang buwan din kaming hindi nagkita.
Hindi pa rin pala talaga siya nagbabago.
.
.
.
.
.
Eh bakit nasasaktan pa rin ako? Wala na yata akong pag-asa eh.
“Esmie, sandali!!!”
Paglingon ko, tumatakbo na palapit saakin si Meiro.
Kaya naman sinadya kong dalian din ang paglalakad para hindi niya ako maabutan… kaso naabutan pa rin niya ako.
“ESMIE!” Pinigilan niya ako sa paghawak sa braso ko.
“Meiro… ikaw pala?” Kunwari cool lang. Cool lang talaga dapat. “Kamusta? Nakukuha mo ba yung mga pinapadala kong bayad sa utang ko sayo?”
“Nag-aaral ka na ulit.” Ano ba yun, hindi man lang pinansin yung tanong ko.
“Nakakuha ako ng full scholarship…” Ang tagal niyang nakatingin saakin. At hindi sa nakatitig din ako sa kanya ha. “Oh paano, una na ako… next week na ulit ipapadala yung bayad ko ha.”
Aalis na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.
“Those girls… it’s not what you think it is.” Bakit ano ba yung iniisip ko? Yung mga babaeng yun, for sure ay bagong mga biktima niya! “They were transfer students at inutusan lang ako na bigyan sila ng tour.”
.
.
.
.
.
“Okay. It has nothing to do with me naman. Diba?”
Naging blanko ang reaction niya. Tapos napaiwas siya ng tingin. “Ah, oo… oo nga…”
“Sige. Una na ako ha!” And this time, umalis na talaga ako.
٩(╯﹏╰)۶
“Nagkita na kayo…” Ikinwento ko kay Kenji yung nangyari saamin kanina nii Meiro. “At naabutan mo siya na nagdala ng mga babae dun.”
“Oo. Ganun na nga.”
Ang tagal kong hinintay ang magiging reaction niya pero…
“Hwahahahahaha!!!” Tinawanan lang ako ni Kenji. “Pasensya na Esmie, hindi ko mapigilan! Ahahahahaha!!!”
“At ano namang nakakatawa dun?”
“Yung part na nag-walkout ka. Tapos hinabol ka niya at nagpaliwanag pa siya na hindi yun katulad ng iniisip mo! Hwahahahaha!!!”
Ako – (◔_◔)?
Kenji – (ಥ‿ಥ)
“Sige tawa pa Kenji. Wala namang nakakatawa dun. Psh!”
“Nakakatawa kayong dalawa!” Siguro, inabot pa muna ng ilang minute bago niya nailabas ang lahat ng tawa niya at naka-usap ko na rin siya ng matino. “Ngayon na lang ulit kayo nagkita at nakapag-usap. Wala na ba talaga kayong balak na ayusin ang misunderstandings niyo.”
“Hoy Kenji, baka nakakalimutan mo. Si Meiro naman kaya ang dahilan kung bakit kami nagkaaway! Siya ang naging cold ang pakikitungo saakin noh.”
“Eh lumayas ka naman…”
“At hindi niya ako pinigilan!”
“So gusto mo palang magpapigil noon?”
“Hindi sa ganun!” Napasimangot ako sa sinabi ni Kenji. “Kasi ito ha, isipin mo. Nag-confess ako ng feelings ko sa kanya ng ilang ulit! Tapos ilang beses niya ding ni-turndown! Minsan naman, umakto siya na parang nagseselos sa ibang lalaki tapos bigla-bigla na lang, makikita ko siyang may kasamang kung sinu-sinong babae. Ang hirap intindihin ng ugali niya eh. Yung feeling na parang may gusto din talaga siya saakin… tapos yun pala nag-aassume lang ako! Nakakaasar kaya! Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.”
“Edi bakit hindi mo paniwalaan yung sinabi ni Sir Raniel. He said you are the reason kung bakit nagbago si Meiro. Ibig sabihin, espesyal ka para kay Meiro na dahilan kung bakit siya tumino ngayon.”
Natahimik ako sa sinabi ni Kenji.
Hanggang ngayon nga, gumugulo pa din saakin yung tungkol sa sinabi niya.
Nagbago si Meiro nang dahil DAW saakin.
At higit sa lahat, tunay DAW na may gusto saakin ang lalaking yun.
Diba naman? Paano kaya nangyari yun!
٩(×__×)۶
End of Chapter 13
First!!! Yayyy... Ang ganda ng UD!
ReplyDeleteESMIE! 'DAW' nga eh. Wag ka muna maniwala. XD HAHA
ReplyDeleteyAng DAW n yAn, totOo yAn,,, sNa magKaayOs n tLga cnA meiRo at esMie,,, LaSt feW chApters n Lng oHh,,,
DeleteFreak! nakakakilig :) Tuloy-tuloy na ba ang milagrong nangyayari dito? Lagi ng may UD? YEHEY! :)
ReplyDeleteFreak! nakakakilig :) Tuloy-tuloy na ba ang milagrong nangyayari dito? Lagi na bang may UD? YEHEY! :)
ReplyDeletebOom,,, pHiya k ngAun eLsbeTh,,, buTi ngA sAu maghihirAp k nA,,, hwAhaHa,,,
ReplyDeleteBoom!!! Ang astig lang ni Esmie!!! Hahahaha. Hands down ako sa kanya! Wahahahaha. Wala pala tong sila Elsbeth eh! Nyenyenye!!! Buti nga!!! XD "the walkout girls" na dapat ang ipangalan sa kanila! Hahahahaha. K. Masyado akong nag-enjoy sa ginawa ni Esmie kay Elsbeth! At nakanantuts naman si Meiro!!! Nage-explain kay Esmie!!! Aamin ka na ba? XD at ang bait ha! Nagto-tour ka na ngayon? Nagbago ka na talaga ngayon~? Emegesh! Ang ganda-ganda talaga nito! <3
ReplyDelete