Thursday, September 13, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 7


~C H A P T E R  7~
(Esmie Saavedra POV)



Magtu-two weeks na simula nung lumayas ako sa bahay nina Meiro. Nakahanap ako ng trabaho sa isang karenderia. Buti na nga lang, mabait yung may-ari at binigyan pa ako ng kwartong pwede kong tuluyan. Three thousand ang sweldo ko sa isang buwan.



Sa gabi naman, may part-time job ako sa mga katabing nightclub. Hindi ako nagpo-prosti ha! Mascot lang ang trabaho ko dun. 350 pesos ang sweldo kada gabi. Basta kayod kalabaw ako mabayaran ko lang ang utang ko kay Meiro.



Anyway, hindi na rin pala ako pumapasok sa school dahil wala naman akong pantustos.



“Manang Jinggay, tatlong goto, dalawang lechon kawali at isang tapsilog daw po sa Table 2. Dun naman sa Table 3, yung usual order daw po nila.” Waitress - slash - janitress - slash - minsan cashier- slash- tagahugas ng pinggan ang trabaho ko pala dito sa karenderia.



“Oh sige. Hayaan mo na si Beki na mag-waitress jan. Punta ka na dun sa kusina at palitan mo na si Buknoy na maghugas ng pinggan kasi tutulungan pa niyang magluto si Mameng.” What a names!



“Sige po.” Infairness naman kasi dito sa karenderia ni Manang Jinggay, sikat!!! Walang oras na hindi kami nauubusan ng customer. Ang mahirap lang dito, apat lang kaming tauhan niya kaya triple talaga dapat ang gawain.



Ako na nga ang naghugas ng plato at tambak na yung buong lababo ng mga pinagkainan! Kakapagod ang trabaho ko dito! Malayung-malayo sa pagiging personal assistant ko noon. But anyway, I want to forget that! Kaya nga umalis ako dun dahil emotionally stressed naman ako sa trabahong yun.


Nasa kalagitnaan pa lang ako sa pagsasabon pero narinig kong may kaguluhan sa labas. Hindi yung tipong suntukan o basagan ng gamit ha? May special customer yata kaya parang hindi magkanda-ugaga sina Manang Jinggay at ang baklitang si Beki. Hindi ko na nga lang pinansin dahil nagko-concentrate ako sa pag-aalis ng sebo dito sa mga hugasan ko.



Kaso… “Ah… E… Esmie. Dali ka, ikaw ang mag-serve dun sa Table 5. Special order yun.”



“Po?”



“Pabayaan mo na si Beki na maghugas jan!” Tamang nakapag-hugas lang ako ng kamay saka nila ako tinulak paalis. Binitbit ko pa yung tray na inorder daw nung customer sa Table 5. Ano kayang meron at naging special ang customer na ‘to?



Nakatalikod siya at nag-iisa dun sa table. Paglapit ko sa kanya, “Sir ito na po yung special or… der…” He looks familiar… “Niyo…?”



Tinanggal niya yung shades niya saka tumingin saakin. “Thanks.”



“Me… Meiro? Anong ginagawa mo dito?”



“I ordered from the special menu. Now sit.”



“Anong sit? May trabaho pa ako noh!” Tinignan ko si Manang Jinggay pero sumenyas siya na maupo daw ako katabi ni Meiro.



“I will pay triple the price for this food including your presence here. Kaya kapag sinabi kong umupo ka jan, umupo ka!” Napaka-arrogante! Conceited! Spoiled-brat! Nakakainis talaga!!!



ͼ(ݓ_ݓ)ͽ



Wala naman akong nagawa kundi ang maupo sa upuan kaharap niya habang sinimulan na niyang kumain. He seemed satisfied sa kinakain niya at hindi naman niya ako pinapansin. Paano niya ako nahanap eh tagong lugar ‘to!



“Gusto mong kumain? Share tayo.”



“No thanks.”



“Masarap ang sini-serve niyong pagkain dito, pero dapat ikaw ang nagluto para mas lalong masarap.”



“Ano bang ginagawa mo dito?”



“Kumakain.” Ang sabi niya habang ngumunguya pa. “At tsaka dalawang linggo na kitang pinahahanap. Ang tagal mo na rin kasing absent sa school. Burado naman na kaso mo kaya pwede ka nang bumalik.”



“AYOKO NANG BUMALIK. Diba sabi ko sa sulat ko, hindi ko naman tatakbuhan ang utang ko. Doble kayod ang ginagawa ko kaya wag kang mag-alala, mababayaran kita.”



“Who told you that you can just run away like that. As I remember, buhay mo ang binili ko.” Sarap sampalin ng lalaking ‘to! Kung hindi lang talaga siya customer dito ngayon, kanina ko pa ginawa yun eh. “You’re coming back with me whether you like or not.”



“HINDI AKO SASAMA. Tapos na ako sa pagiging katulong mo! Hindi ko na maaatim ang mga pinaggagagawa mo. At isa pa, ayoko nang dagdagan pa ang utang na loob ko sayo. Baka lalo lang akong hindi makabayad sayo.”



Tumayo na ako para iwan na sana siya, “Sit down, Esmie. Hindi pa ako tapos kumain.”



“Marami pa akong gagawin kaya…”



At aalis na sana ako pabalik sa kusina kaso may humarang na lalaki sa gilid ko.



“Excuse me lang.”



“Sabi ni Sir Meiro, maupo daw po kayo.” Humawak siya sa balikat ko at pinilit akong pabalikin sa pag-upo.



He was one of the bodyguards ni Meiro. At hindi lang siya nag-iisa. Nakaupo ang ilan sa ibang table, yung iba nag-aabang sa may pinto at meron pang iba sa labas nitong karenderia!!! Powtek!!! Pinalilibutan nila kami!!!



“I told you. Whether you like it or not, you’re coming back with me.” Tapos para siyang timang na nakangiti at ini-enjoy lang ang kinakain niya!



“Natatawa ka pa!!! Ibang klase ka rin noh? Sa dinami-dami na ng mga katulong at babae mo, bakit hindi mo pa ako tigilan?”



“Because I own you.”



“Kaya nga nagtatrabaho ako para mabawi ko, diba?”



“Magtrabaho ka para saakin, hindi para sa iba.”



Nakaka-imbyerna!!! Ang kitid ng utak niya! “You’re doing this dahil wala ka bang mapaglaruan ha?” Hindi naman siya sumagot. Nakakababa lang ng pagkatao itong ginagawa niya saakin.



Parang ipinamumukha niya saakin na habang-buhay na akong hindi makakawala sa kanya. Ang sakit lang sa part ko lalo pa at parang… parang… ewan!!! Nakaramdam ako bigla ng paninikip ng dibdib habang tinitignan ko siya. Nakakainis, bakit ba ako nagkakaganito!



Pagkatapos niyang kumain, tumayo na siya. “Tara na.”



Pero nagmatigas ako at nakatingin lang ng masama sa kanya. Hindi rin ako tumayo sa kinauupuan ko.



“Tara na, uuwi na tayo.”



“Hindi ako sasama sayo. Tapos.”



“Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo.” Siya nga mas matigas ang ulo eh! Ang sarap iumpog sa pader! Nakapamewang siya at hindi rin inialis ang tingin saakin. “Oh siya!!! You leave me no choice! Bahala ka sa buhay mo!”



Teka, ibig bang sabihin pinapakawalan na niya ako? Syempre babayaran ko pa rin yung utang ko ha, pero ibig bang sabihin ng sinabi niya ay hindi na niya ako pipiliting isama sa mansion niya?



Uwaaaah! Mukhang ayun na nga yun!!! Yes yes yes!!! Tinalikuran na niya ako at nagbayad na siya dun sa cashier. Saka siya umalis palabas ng karenderia at hindi na ako nilingon.



◠◡◠≦



Ang saya-saya ko lang!!! Sa wakas!!! Nakuha ko na ang freedom na gusto!!! Nanalo na din ako sa kanya sa wakas!!! Yeh……………. Hey? “Hoy, bakit mo ako hinahawakan ha? May trabaho pa ako dun sa loob.”



“Pinapakuha na po kayo ni Sir Meiro.”



“Ano? Wala naman siyang sinabi ha!!! Sabi niya, bahala na daw ako sa buhay ko noh…” At papalag pa sana ako, kaso yung isang bodyguard, binuhat na ako na parang sako ng bigas at naglakad na siya palabas. “Hwaaaaaaaaah!!! Ayokong sumama sa inyo!!! Ibaba niyo ako!!! Manang Jinggay!!! Help!!! Help!!!”



“Sumama ka na Esmie! Mas maganda buhay mo jan sa boss mo. Ba-bye~!” Hwaaaaaah!!! Mga hinayupak!!! Pati yung ibang katrabaho ko, tuwang-tuwa pa! Gaano kalaki kaya yung ibinayad sa kanila ng bwiset na si Meiro!!!



Ipinasok na ako ng guard sa loob ng sasakyan, at doon nakatabi ko ang ngiting-aso nang pagmumukha ni Meiro. “Hay, makakauwi na rin tayo sa wakas.” Nagawa pa niya akong kindatan! Argh!!! At mabilis nang umandar ang sasakyang sinasakyan namin at pabalik na kami sa mansion niya.



t(╥.╥t)

End of Chapter 7


10 comments:

  1. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!
    Ang tagal kong hinintay yung update na 'to! Pwede bang ako nalang ang kuhain ni Meiro? Bwahahahaha!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually, matagal nang nakatambay yan sa draft. ngayon ko lang naisipan ipost... ahaha...

      Delete
  2. na-miss ko naman ng bongga ang story na to. . . hahaha. . .


    --->>> ang pakelamerang reyna!!!

    ReplyDelete
  3. kYa aYaw pKawaLan ni MeirO si esMie nde dHiL LNg s uTaNg niYa kUndi dHiL inLove xaH kei esMie,,, waAaahh,,, neXt pO aGad, nKkbitiN ee,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. if meiro just tell the truth, i don't think wala naman problema na sana!
      esmie is just obvious na kasi about her feelings.

      Delete
  4. kyaaahhhh!!! mei UD!!! grabe!na miss ko toh!.. na miss nya lang si esmie eh.ayaw lang umamin.. haha.. ang cute nila! sapilitan eh.. hahah

    ReplyDelete
  5. grbe k meiro!!! ginganyan mu lng c esmie! anu b tlga feeling mu s knya! umamin n kse!!! ahihhhihihii!

    ReplyDelete
  6. gûstunğ güşťø kô añg pęršónałitý nï mêiřo.iťş obviôuş na kaýã ayàw nīa pakäwałaň si esmïę aý đahiľ mąy gūsťø siýa díto.sänâ pø nexť chąpteŕ po ağađ.. Ü

    ReplyDelete
  7. mli ksi pmamaraan ni meiro kei esmie. dinadaan n santong paspasan c esmie. hahahhahahha!!! kelan kya xah aamin. ksi esmie, mukhang na-fall n din tlga kei meiro ee... kitam mu nmn, affected n xah s appearnce nia dba?

    ReplyDelete
  8. Kakaiba ka talaga Unnie sa mga names!!! Napa-Watdapak ako eh! Hahahahaha. Ayos din naman trabaho ni Esmie, todo kayod nga! Grabehan lang! Nakakaloka talaga tong Meiro na toh! Masyado siyang unpredictable eh!!! Hahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^