Saturday, March 16, 2013

10 Million Worth of Life : Chapter 11



~C H A P T E R  11~
(Meiro Pamplona POV)


"I propose a toast!" Ang sabi ng isa sa mga kabarkada ko habang may hawak na isang mamahaling bote ng alak na galing sa wine bar ng daddy ko. "Para kay Meiro at dito sa surprise party niya! You're the man, bro!!!" Nagpalakpakan naman ang lahat. "Pero... ano nga bang sini-celebrate natin?"





Nagtinginan ang lahat sa direksyon. Ano nga bang dahilan ng pagpapa-party ko? Eh hindi ko din alam eh.




"Sorry pero wala akong naihandang speech at wala rin akong dahilan para sa party na 'to." Tumayo ako para kumuha ng alak at pinuno ko yung baso ko. Inubos ko yun sa loob ng tatlong segundo at saka sumigaw, "Let's just all have a good time and get drunk!!!"



"Woaaaah!!!" Nagpalakpakan ulit sila at dumagundong na ang malakas na ingay ng tugtog at hiyawan. "Meiro! Meiro! Meiro! Meiro!"




Nagsimula na nga ang kasiyahan. Over-crowded na mga dito sa garden kung saan ginaganap itong party ko.


Most of the girls are taking off their clothes for a dip in our pool. Yung mga kaibigan ko namang manyakis na nagmana saakin, sinamantala na rin ang pagkakataon nila.



This is so fvcking fun!!! Half-naked girls are everywhere, pinipilit na nga nila akong samahan ko daw sila sa pool. We can have a group sex here anytime...




But the thing is, I'm in no mood for that.



"Meiro babe, come join us!"



"Oo nga, it's your party!"




Kumapit sila sa braso ko pero iniwas ko ito. Tinalikuran ko na lang sila at hindi ko na pinakinggan kung ano pang gusto nilang sabihin. Hindi rin naman nila ako mapipilit na samahan sila ngayon. Sabi ko nga, wala ako sa mood! Gusto ko lang magpakalasing!



Humanap ako ng ibang pwesto kung saan pwede akong uminom ng mag-isa nang walang istorbo. Nakaubos na nga yata ako ng higit limang bote. Pero sigurado akong wala pa akong tama... kasi naiisip ko pa rin siya.


"Nice party." Isang lalaking ngayon ko lang nakita ang lumapit saakin.




"Thanks!" I didn't personally invited him so baka yung mga kumag ko lang na kaibigan ang nagdala sa kanya dito. "Who are you by the way?"


Binanggit niya yung pangalan niya pero hindi ko rin narinig kasi biglang nagsigawan yung mga tao. Mga bangag na din eh.


Ang ikina-asar ko lang, lumayo nga ako iba? Pero itong lalaking hindi ko naman inimbita na feeling close na at hindi ko rin narinig ang pangalan kanina, biglang umupo dun sa upuan na nasa gilid ko.



"Dude, bakla ka ba ha?" Dinirecho ko na.


Pero tinawanan niya lang ako. Tapos nagsalok lang siya ng alak na iniinom ko dun sa sarili niyang baso at ininom ito ng walang kahirap-hirap.



Tingena, bakla nga yata 'tong kupal na 'to ha. "Ang daming babaeng nakahubad na dun sa pool!" Nginuso ko yung pool kung nasaan yung babae. "Go over there at wag mo akong guluhin."



Saka ako nagsindi ng sigarilyo at sinadya kong bugahan siya sa mukha. Kupal talaga eh, ayaw pang umalis.



"Don't worry, I'm not gay. Hindi tayo talo." Ganun naman pala eh. Mabuti nang maliwanag sayo dun. "But actually, I came here because I'm hoping to see someone... pero mukhang wala naman siya dito sa party mo."



"Ano ngayon?"



"Naisip ko lang na baka pinagta-trabaho mo siya dun sa loob ng bahay mo."




"Wait... you want to hook up with one of my maids?" Ayos din pala sa taste 'tong si mokong. Hindi nga siya bakla eh pumapatol naman pala sa mga mas matatanda pa sa kanya.



"She's not just your maid. I'm looking for your personal assistant, si Esmie." Nagpintig yung tenga ko nung banggitin niya ang pangalan niya. "Pinagagawa mo ba siya ng assignments mo? Will she be joining this party?"



Dahil dun, medyo naramdaman ko na yung tama ng magkahalo-halong alak na nainom ko. Kinuwelyuhan ko yung lalaki at nangangati na akong paduguin ang nguso niya. "At bakit mo siya hinahanap? Sino ka ba ha?"



"Hindi mo ba narinig kanina. I said I'm Kenji Deato."




Kenji Deato... "Ikaw yung student librarian..." Yung pampam na parang kinakikiligan ng babaeng yun noong tinawagan siya nito!




Hindi ko alam kung bakit, may sapi lang talaga ng alcohol! Nagdilim na kasi ang paningin ko at isang bagay lang ang gusto kong gawin, yun ay ang masuntok na kupal na Kenji Deato na 'to. 




At palapit na nga sana ang kamao ko sa nguso niya kung hindi niya lang ito napigilan.


"I won't do that if I were you." Saka siya gumanti ng paghawak sa kwelyo ko at itinulak ako palayo. Dun pa ako lumanding sa may lamesa.



Anong sunod na nangyari? Syempre nagulat yung mga bisita ko!


Pero kung akala ng gagong yun na ayos lang na pinahiya niya ako sa sarili kong party dito sa mansyon ko, nagkakamali siya.



Agad siyang dinumog ng mga bodyguards ko na nasa paligid lang.




Party is over. Inutos ko agad na palayasin ang ibang mga bisita at iwan si Kenji Deato.


Magtutuos kami nito.


(.(_).)


Hawak na ng mga tauhan ko ang magkabilang braso ni Kenji Deato. Pero kahit na alam niyang nasa dehadong sitwasyon na siya, parang hindi man lang kinakabahan ang kumag!




"Hindi mo ba ako kilala ha!" Sumugod ako at sinikmuraan ko siya! "Walang gumaganun saakin dahil ako si Meiro Pamplona!!!"



Saka ko siya binigyan ng tatlong sunud-sunod na suntok sa mukha. Kaso dahil nga medyo lasing na ako, kamuntikan pa akong matumba sa ginawa ko. "Boss, tama na po. Lasing na kayo. Kami na pong bahala sa isang 'to."



"SHUT UP!" Inupper-cut ko nga yung epal kong tauhan. "Kaya ko pa! Baka gusto mong ikaw ang gawin kong punching bag dito! Pabayaan niyo ako sa kumag na 'to."



"Ano bang ikinagagalit mo saakin ng sobra ha?" Sumabat na si Kenji. "Dahil ba hinahanap ko si Esmie?"



"Tumahimik ka!!!" Tinarget ko ulit ang mukha niya kaso sobrang tigas nun, nagdugo na din ang kamao ko. "Student assistant ka sa school na pagmamay-ari namin diba? Gusto mo pang ipatanggal kita or worse, ipa-expel kita!"



"I'm not afraid of you Mr. Meiro Pamplona." Aba't, gusto na nga yata talagang malibing ng buhay ng kupal na 'to. "Nasaan na ba kasi si Esmie? Siya naman talaga ang pakay ko dito eh."



That's it. Buburahin ko na pagmumukha niya! "Ano bang kailangan mo sa babaeng yun ha? Bakit mo siya hinahanap!"



"You think I went to your school para mag-aral?" Eh anong ginagawa niya dun? Tumatambay? "I went to your school for Esmie Saavedra. I'm an undercover gathering information about her. And that is all because napag-utusan lang ako."



Ano daw? Tama ba yung narinig ko o bangag na lang talaga ako?



Medyo umiikot na kasi ang paningin ko. Pilit ko lang nilalabanan para turuan sana ng leksyon ang Kenji na 'to.




"Pakiulit nga yung sinabi mo..."




"Hindi ako estudyante ng school niyo. Me as a student assitant, it was all an act! My real agenda is to know more about your personal assistant, Esmie Saavedra."




"At sinong nag-utos sayo?"



"Ako." Isang matandang lalaki ang biglang sumulpot at mas marami pang tauhan ang nakasunod sa likod niya. "He's one of my men kaya pakawalan niyo na siya."



Wala namang nagawa yung mga tao ko kundi sundin ang utos niya. "Thank you Sir." At yumuko ito sa harap niya.



"Job well done, Kenji." At pagtapos nilang mag-usap, saakin naman siya tumingin.  "Ako ang totoong amo niya, Meiro. Ako ang nag-utos sa kanya."




Yung lalaking dumating...




Hindi maari ito...




Patay na...



Patay na ako. "Dad?"




"It's been a while, son."



٩(̯͡͡



"Pumayag kami ng Mommy mo na iwan ka dito tapos ito lang pala ang ginagawa mo." We're inside my old man's office. "You're acting like a kid Meiro. What do you think you are doing?"




"Dad, pwede bang bukas na natin pag-usapan 'to." Sumasakit na talaga kasi ulo ko. Gumigewang-gewang pa ang buong paligid. Bangag na talaga ako. "I wanna go to sleep..."


*splaaaash~*



Sinabuyan niya ako bigla ng nagyeyelong tubig mula dun sa malaking pitchel na nasa side table. "What the heck!!! Dad?"


"Gising ka na ba?" Oo gising na ako! Basang-basa pa. "You gave away a check worth 10 million!!! Alam mo ba kung gaano kalaking halaga yun ha!"



"Ipon ko yun Dad!"




"Na mula din saamin ng mga magulang po."




"Na inipon ka nga!"



*splaaaash~*



Sinabuyan niya ulit ako ng tubig na nandun naman sa vase.




"Dad, will you stop doing that!!! Aish!!!" Daig ko pa naligo nito dun sa pool! "I did it for... for someone... I... I had to help her..."



"HER? You mean the girl named Esmie Saavedra."




"Yeah. Her."



"And why would you spend all your savings for someone like her? Tapos kinuha mo pa siyang personal assistant mo."



"Eh diba pina-imbestigahan mo na siya dun sa Kenji Deato." Naku, nabanggit ko na naman yung pangalan ng kumag na yun. Nasasayangan ako dahil hindi ko napasabog ko nguso niya. "I think you already know, Dad."


"You're right, may alam na ako tungkol sa babaeng yun." Naglabas siya ng isang brown envelop at may nilalaman yun na mga papeles at pictures ng babaeng yun. "Scholar siya sa school natin. Wala nang pamilya at baon pa sa utang. Alam mong hindi ka rin naman niya mababayaran but still ibinigay mo ang 10 million! What I still don't understand is that why did you help her? Why do you care so much about that girl?"



"She was about to commit suicide nang makita ko siya nun."




Dahil dun, naalala ko bigla yung unang beses na nag-usap kami ni Esmie.




“Heh! Magpapakamatay na talaga ako! Ulila na nga ako ang laki-laki pa ng utang na naiwan saakin! Paano ko babayaran yun!!! Sa grupo pa ng Yakuza na plano akong itorture sa loob ng 100 days o gawin akong sex slave habang buhay!!! Ayoko na!!!”



She was hopeless that time. It was clear na wala na siya sa tamang pag-iisip dahil sa problemang kinakaharap niya. That time, I did what I had to do...



“Kung ayaw mo na talaga sa buhay mo, bigay mo na lang saakin!”



“Ako ba talaga ginagagu mo?”



“I’m serious! Don’t throw your life away! Instead, give it to me.”



Ibinenta na niya ang buhay niya saakin. Yun lang ang tanging paraan para mailigtas ko siya.



"Ginawa ko rin yun para iligtas sa issue ang school natin. Alam mo na... malaking balita kapag nalaman ng media na may nagpakamatay na estudyante natin... kaya yun! Kinailangan kong gawin yun Dad."



Hindi na nakapag-salita si Daddy nun. Tingin ko naniniwala na siya sa sinabi ko.



"Now I told you everything you have to know."



"And where is she?"



"She resigned. But don't worry, babayaran pa rin naman niya ang utang niya eh."
 Ang sama na talaga ng pakiramdam ko ha. Dahil lang 'to sa lintek na alak. "I'm going to my room now..."



At aalis na sana talaga ako pero may pahabol pa pala ang ama ko. 
"Yun lang ba Meiro?" He looked at me as if he knew something else. "Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit mo tinulungan si Esmie Saavedra?"



Aish!!! Pampam din talaga 'tong tatay ko kahit kelan! I guess mukhang alam naman na talaga niya, pero tinatanong pa niya!



(✖╭╮✖)

End of Chapter 11


10 comments:

  1. ((Ako yata ang 1st comment))

    ((Infairness Miss Aegyo, ang bilis ng update mo dito ngayon))

    ReplyDelete
    Replies
    1. bumabawi ako sainyo dahil sa tagal ko nang hindi nakakapag-post! ahihihi~ thanks for reading beb! ^^

      Delete
    2. Kailan po ang susunod na update?? I can't wait.. Wooosh ..

      Delete
  2. ((Buti nga kay Meiro))

    ((Nagpa-party pa siya, he's broke naman pala))

    ((He's inlove with Esmie, mahirap bang aminin yun))

    ((At undercover agent pala ng Daddy ni Meiro si Kenji. Interesting naman yun))

    ((Sana hindi maging kontrabida si Dad niya kay Esmie. Kinakabahan ako))

    ReplyDelete
  3. aY aKaLa q p mAn din, tyPe n tLga ni Kenji c EsMie,,, seLos muCh p nmAn diN c mEiro,,, uN pLa, inutuSan LnG xAh ng dAddY niA,,, wAaAhh,,, nLoLokA n aq,,, aNo kyA suNod n mAngyyAri,,,

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Nami-miss niya si Esmie :)

    ReplyDelete
  5. Sa tingin mo po Ate Author. Kelan mo kaya to matatapos? Sana yung Kissing Bandit naman yung next :) O di kaya yung Wizard Tale2 :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Next week ko pa siguro ito matatapos. Tatlong chapters na lang din kasi ang kulang... pero baka hindi ko pa isunod yung Kissing Bandit or Wizard's Tale kasi yung lesser known stories muna ang gusto kong unahing tapusin. Pasensya na po. ^^

      Delete
  6. waaahh,ang bilis ng update!! ay kelandi much nman tong party na itech... hahaha.. owh no,so undercover lang pala ni kenji yun.. sayangness nman.. sakin ka na lng,heheh..

    ReplyDelete
  7. Naloka ako!!! Si Kenji, yung Dad ni Meiro... jusmio!!! Hahaha!!! May pinagmanahan pala itong si Meiro eh!!! :p nakakaloka!!! Kung saka-sakaling MAHAL man ni Meiro si Esmie, bakit kailangan ganun ang gawin niyang pakikitungo? Oh well, malalaman ko din yan! Sarap mo sapakin Meiro!!! Pramis!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^