Wednesday, April 24, 2013

10 Million Worth of Life : Chapter 12


~C H A P T E R  12~
(Esmie Saavedra POV)



Magi-isang buwan na rin nang palayain ako ni Meiro. At simula nun, hindi na niya ako ginugulo o kinukulit pa. Minabuti kong mag-stop na rin muna sa pag-aaral ko dun sa school niya kaya hindi na rin talaga kami nagkikita.



Nakahanap naman ako agad ng trabaho sa isang bakery bilang cashier at waitress. At may libre din akong matutuluyan dun dahil mabait ang may-ari. Mabait pa rin talaga saakin ang Diyos.



"Good morning Sir, welcome to Fiona's Bakeshop..." Natulala ako dun sa kaharap kong customer ngayon. Si... "Kenji?"



"Hi!" Ang casual lang ng bati niya saakin.



"A... anong ginagawa mo dito?"



"Magti-takeout sana ng cake. Pwede ba umorder?"



"Ah... oo naman! May I take your order sir?"



"I'll have strawberry and cream cheese cake please."



"That will  be 850 Sir."



"Okay..." Nag-abot siya saakin ng 1000 at, "Keep the change."



"Ha? Si... sigurado ka?"



"Yep! Tip ko yan sa napakagandang service at cashier na nasa harap ko ngayon."



Abot-langit naman daw ang ngiti ko. Bolero much lang 'tong si Kenji ha. Pero hindi ko tatanggihan ang papuri at tip niya saakin! "Okay Sir, pahintay na lang po at ilalagay ko lang sa box ang cake niyo. Pwede po kayong maupo muna sa banda dun."



"Will it be fine kung magpapasama ako sayo tutal naman wala pa naman kayong customer."



Napangiti na ako nun. "Oo naman!"



Hindi naman magagalit ang boss ko na makipag-usap kami sa customer as long as hindi namin napapabayaan ang trabaho.



"Kamusta ka na?"



"Heto, malaki ang sweldo ko dito sa bakery. Tapos sa gabi naman, part-time call center agent naman ako."



"Ah, kaya ba hindi ka na pumapasok sa school?"



"Mas kailangan kong kumita ng pera ngayon kesa mag-aral. Pero itutuloy ko pa rin naman pag-aaral ko next year kapag nakaluwag na ako. Eh ikaw? Kamusta ang school."



"Hindi na rin ako pumapasok." Nagulat ako sa sinabi niya. "Actually, hindi naman talaga ako estudyante doon. I went there for something else."



"Eh kung hindi ka estudyante, anong ginagawa mo dun? Nag student librarian ka pa diba?"



"I actually work for Mr. Pamplona." Na-shock ako nun. "Not with Meiro but with his father."



"Sa... sa tatay ni Meiro."



"I was given a task to investigate on someone...” Mas na-shock ako dun. Investigator si Kenji? Sa edad niyang yan… teka eh halos kasing edad ko lang naman talaga siya. At teka ulit… sinong iniimbestigahan niya? “That someone is you, Esmie."



“AKO?” Alright. Ang hirap iabsorb nito sa utak ha! Pinaiimbestigahan ako ng tatay ni Meiro! Grabe!!! Grabe lang talaga.



Inexplain saakin ni Kenji ang ginawa niyang trabaho. Kung bakit niya yun ginawa, kung bakit yun iniutos ng daddy ni Meiro. And after finishing his story...



"Ah... okay..."



"Ang haba ng nakwento ko, yan lang ang sasabihin mo?"



"Ano bang dapat kong sabihin?"



"Hindi ka ba galit saakin? Well technically, I had to be nice with you just so I can gather information about you without you knowing it."



"Hindi ako galit. Alam ko naman na ginawa mo lang ang trabaho mo." May nakita akong relief sa mukha ni Kenji pagkasabi ko nun. "At isa pa, naging mabait ka naman talaga saakin. Kahit na sandaling panahon lang yun."



"Mabuti naman kung ganun." Napangiti na si Kenji nun. “At siguro naman naiintindihan mo kung bakit pinagawa ito ng Daddy ni Meiro.”



“Oo naman! Magulang siya at natural lang na alamin niya ang mga nangyayari sa anak niyang si Meiro.” Gusto ko pa sanang pahabain ang usapan namin ni Kenji, kaso nagbabadya na ulit ang pagdagsa ng mga customers namin. "Oh paano Kenji, kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Dalaw-dalaw ka na lang dito kapag hindi ka busy sa trabaho mo."



"Since napag-uusapan na rin lang ang trabaho ko, hindi lang ang pagbili ng cake at dalawin ka ang ipinunta ko dito."



"Talaga? Ano pang dahilan mo?"



"I came here to pick you up. Mr. Raniel Pamplona wants to talk to you."



"Yung daddy ni Meiro?" Pinagpawisan ako bigla ng malamig ha. Bakit ako gustong makausap ni Mr. Pamplona? "Kenji, nag-resign na ako kay Meiro... hindi na ako babalik dun sa mansyon nila.”



"Mr. Raniel specifically told me that I'll bring you to him in any possible way." Jusmio! Lalo yata ako kinakabahan sa pakay ng tatay ni Meiro eh. "Kaya bago pa man tayo umabot sa iba pang posibleng paraan para makipagkita ka sa kanya, I think it's best na sumama ka na lang ng kusa."



Waaaah!!! Ngayon pa lang, nangangatog na ako sa kaba!!!



┻━┻ ︵ヽ(`´) ┻━┻



Sabi ko pa naman, hinding-hindi na ako tutungtong sa mansyon ng Pamplona Family. Kasi ang plano ko na sa tuwing magbabayad ako ng utang, ipapadala ko na lang. Pero heto ako ngayon, nasa loob ulit ng mansyon, at kaharap ko pa ngayon ang Daddy ni Meiro! "Ikaw na pala si Esmie Saavedra. Maupo ka."



Kahit na may edad na, may itchura ang dad ni Meiro. Magkamukha nga sila. "I guess you've already heard from Kenji na pina-imbestigahan ka namin. We're sorry for that but we did it for our son." Pero kahit wala pa namang ginagawa si Mr. Pamplona, nakakaramdam na ako ng kakaibang kaba. "Sayang nga lang, hindi nakasama saakin ngayon si Elaiza. Gugustuhin ka rin sanang makilala ng personal ng Mommy ni Meiro."



Hindi ako makapag-salita. Hindi ko rin kasi alam yung mga sasabihin ko.



"Anong problema Miss Esmie? Am I making you uncomfortable?"



"Pasensya na po kayo pero hindi ko po kasi alam ang dahilan kung bakit niyo ako pinapunta dito.” Kaso sa totoo lang, naisip kong posibleng dahilan dun ay, “Kung yung tungkol po sa utang ko sa pamilya niyo ang dahilan, nagta-trabaho po ako ng maiigi para mabayaran yun. Hindi ko kayo tatakasan.”



“Let me just clear something Miss Esmie, wala kang utang saamin… kundi dun lang sa anak kong si Meiro. Sariling ipon daw niya ang ipinahiram niya sayo.” Eh diba mula pa rin naman sa kanila yung pera na pinahiram saakin ni Meiro. “At ang totoo niyan, kami pa nga ang may utang sayo.”



“PO?” Paano sila magkakautang saakin? “Magkano po utang niyo saakin?”



Biglang natawa si Mr. Raniel. “I’m not talking about money. Ang utang na tinutukoy ko ay utang na loob.”



Utang na loob! Lalo lang akong naguguluhan ha!



“You know, nag-iisang anak lang namin si Meiro. Nakakahiya man pero tanggap ko bilang ama niya na isa yun sa malaking rason kung bakit lumaking spoiled, wild, conceited, happy-go-lucky, matigas ang ulo, tamad…”



“At medyo bastos.”



“Oo isa rin yun. Dahil nag-iisang anak lang namin siya kaya nga siguro lumaki sa layaw at medyo nagre-rebelde si Meiro. His mother and I tried our best to raise him well, pero iba na ang pag-iisip ng kabataan ngayon.” Sabi ko na nga ba! Grabe ang paghihirap ng mga magulang ni Meiro sa kanya!



“Ang laki ng takot namin ng mommy niya na baka lumala pa ang batang yan lalo na sa pagtungtong niya sa tamang edad at kapag nasa college na siya. The only option that we had was to leave him all by himself.”



Kaya pala nandun sila sa ibang bansa habang nandito lang mag-isa si Meiro.



“Ganun din kasi ang pagpapalaking ginawa saamin ng mga magulang namin kaya natuto kami. And that’s why Elaiza and I thought na kung hahayaan namin si Meiro na gumawa ng mga sarili niyang desisyon, mas matututo siya.”




Napabuntong-hininga bigla si Mr. Raniel. Ang seryoso at lalim ng iniisip niya.



“Elaiza and I almost thought that we made another bad decision for our son. Kasi simula nang iwan namin siyang mag-isa dito sa Pilipinas, parang lalong lumala pa ang topak ng batang yun. Sabi ng mga private investigators ko, bihira na umuwi si Meiro dito sa mansion. Kapag nasa school naman siya, hindi naman nag-aaral! At higit sa lahat, bukod sa nalulong siya sa alak at drugs… kung sinu-sino pang babae ang ikinakama niya.”



Napaubo ako sa sinabi ng dad niya. Ayokong maniwala sa sinasabi niya pwera lang dun sa part na kung sinu-sino yung babaeng ikinakama. I mean si Meiro, naging adik sa drugs? Parang hindi naman kaya ganun si Meiro! Anong pinagsasabi niya?



“Alam ko hindi ka naniniwala sa mga pinagsasabi ko.” Aba, at parang nabasa pa niya ang iniisip ko! “But I have no reason for lying. Ikinahihiya ko nga ang bagay na yun tungkol sa anak ko… pero ano bang magagawa ko?”



Tumango na lang ako at tinuloy ang pakikinig sa kwento niya.



“At dapat babalikan na talaga namin siya nung mga panahon na yun. Ayaw namin ni Elaiza na baka umabot pa sa malalang sitwasyon ang pinaggagawa ng anak namin. Pero hindi namin nagawa dahil pinigilan kami ng Lolo at Lola ni Meiro.”



“Lolo at Lola po?”



“Ang in-laws ko. Parents ni Elaiza. Sina Sir Eleazer at Samira Pascual.” Samira. Alam ko ang name ng lola na yun ni Meiro kasi nabanggit niya saakin yun noon. “Close si Meiro sa grandparents niya. Siya ang bunsong apo nila eh. At naniniwala sila na makakayang mag-isa ni Meiro dito sa Pilipinas kaya pinigilan nila kaming makialam sa mga pinaggagawa ni Meiro.”



Sa parteng yun, nakita kong napapangiti na si Mr. Raniel. At hindi ko alam kung bakit.



“We are very glad that we followed his grandparents. Hindi rin nagtagal, may nakita kaming pagbabago kay Meiro… and it all started when he met you.”



Alam ko kanina pa ako speechless sa mahabang kwento ni Mr. Raniel… pero mas na-speechless ako ngayon. As in talagang kahit hininga ko, hindi mo na maririnig!



Nagbago si Meiro ng dahil saakin?



Pero paano!!!



(-●●)



(Meiro Pamplona POV)




Pauwi na ako galing ng school. Boring nga dun eh… pero nasanay na akong pumasok talaga sa mga klase ko. Kung hindi ko lang sana nakilala si… ah basta SIYA! Kung hindi ko SIYA nakilala, hindi ko naman sana mari-realize na may halaga itong pagpasok ko araw-araw.



May mga nag-aya din saakin kanina na mag-bar daw kami… kaso tinanggihan ko na din. Again, kung hindi ko nakilala si… SIYA, hindi ko maiisip na patinuin na ang buhay.



Oo, nakakasawa magpaka-gagu eh. Try niyo and you’ll know!



Kaya sige! Kahit wala na SIYA, tutuluy-tuloy ko na itong pagbabago ko sa sarili ko. Para rin naman saakin ‘to eh.



“Welcome back, Sir Meiro.” Bati saakin ng mga maids pagkababa ko ng sasakyan.



Kinausap ko naman ang head maid namin. “Si Dad? Nanjan pa rin ba?”



“Yes Sir Meiro.”



“Tsk! Kelan ba uuwi yun?”



Paakyat na sana ako sa hagdan nang bigla kong masalubong si… SIYA!



“E… Esmie? Anong… anong ginagawa mo dito?”



Gulat na gulat siya na makita ako. Pero napayuko lang siya, parang nahihiya.



“Hindi ikaw ang ipinunta niya dito, Meiro. Wag kang umasa.”



“Dad! What did you tell her?”



“We talked.” Makulit talaga ‘tong ama ko eh! Sumbong ko na kaya ‘to kay Lolo Eli? Ang kulit na talaga! Ano na naman kayang plano niya?



“A… aalis na po ako Mr. Raniel.” Ang sabi ni Esmie kay Dad.



“Ipapahatid na kita kay Kenji.”



“No need Sir. Kaya ko na pong mag-isa.” At basta nakayuko lang talaga siya at umalis agad! Ni-hindi man lang nakipag-eye contact saakin!



Nang tuluyan na siyang makaalis, plano na rin sanang umalis ni Dad sa harap ko pero pinigilan ko na siya. “DAD! WHAT DID YOU TELL HER?”



“Nothing Meiro.” Damnit! He’s taunting me! “I’m leaving in a few hours. Babalik na ako sa America dahil namimiss na ako ng Mommy mo.”



“Dad! Wag mong baguhin ang usapan! Ano ngang pinag-usapan niyo ng babaeng yun!!!”



“Something na napapanahon na pag-usapan! Tungkol sayo, tungkol sa kanya, tungkol sa inyong dalawa.”



“Diba sabi ko wag kang makealam!”



“Someday, you’ll going to thank me for this.” At ngumiti lang siya na sobrang nakakabanas! Saka siya umalis sa harap ko na halatang satisfied sa ginawa niya!



̀_́)

End of Chapter 12

9 comments:

  1. so apo nga nla eli at sam si meiro! tas anak nila si elaiza! ang cool !!

    at kinilig aq 4 esmie.. nagbago si meiro dahil sa kanya !! sayang hindi lang kinwento ng dad ni meiro. bitin yun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mari-reveal din yan, SOON! ^____^

      Delete
    2. sBi q n ngA b aTey,,, uNg LoLa sAmira n cnAbi ni mEiro noOn, c sAm ngA yuN,,, tAs uNg moMmy niA n c eLaizA, ktuNog tLga ng nAme ni eLi,,, i knEw it,,, hwAhehE,,,

      Delete
  2. what??? si meiro ang grandson nila sam at elibyu??? my gosh!! big revelation!! hndi ko na expect yun ah.. so that why ganun ang lalalking yun, mei pinagmanahan naman pala si meiro eh.. hahah..


    so si baby elaiza yung baby nila!! at bakit lumagpas ang story ng isang generation?? haha.. sayang din un ah..


    haha.. basag si mero sa papa nya!! kala mo ikaw ang reason huh.. pwede nang pumalit sa pwesto ni maam charo santos si mr. raniel! hahah..


    well.. kaya nga meiro na imbento ang "nasa huli ang pagsisi" .. magpakipot ka pa ng konti esmie!! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, dahil tinatamad pa akong gawaan ng baby sina eli at sam eh. actually, bunso pa nga nila yang si elaiza! ahihihi... kaya naman inuna ko na yung mga apo para maiba naman! lels~

      Delete

  3. Kɪɴɪᴋɪʟɪɢ ᴘᴏ ᴛᴀʟᴀɢᴀ ᴀᴋᴏ ᴋᴀʏ Kᴇɴᴊɪ! Cᴀɴ I ʜᴀᴠᴇ ʜɪᴍ ғᴏʀ ᴍʏsᴇʟғ? ʜᴇʜᴇʜᴇ! Aᴛ ᴀɴᴀᴋ ɴɪʟᴀ Sᴀᴍ ᴀᴛ Eʟɪ ᴀɴɢ Mᴏᴍᴍʏ ɴɪ Mᴇɪʀᴏ! ᴛʜᴀᴛ's ᴏɴᴇ ʙɪɢ ʀᴇᴠᴇʟᴀᴛɪᴏɴ! Bᴜᴛɪ ɴᴀ ʟᴀɴɢ ɴᴀᴋɪᴀʟᴀᴍ ɴᴀ ᴀɴɢ Dᴀᴅᴅʏ ɴɪ Mᴇɪʀᴏ. Sᴀɴᴀ ᴍᴀɢᴋᴀᴀʏᴏs ɴᴀ sɪʟᴀ ɴɪ Esᴍɪᴇ.

    ReplyDelete
  4. c eSmie tLga aNg nkaPagpbAgo kEi mEirO,,, waaAah iLaNg chAptrs n LNg at mttApos,,, dbA haNggAng 15 LNg tO,,,

    ReplyDelete
  5. Hay!!! Sabi na nga ba eh! Si Eli at Sam ang grandparents ni Meiro eh!!! Wahaha. Gumagaling ako sa guessing game ah? Echos lang Unnie! Hahaha. Ang cool ng Dad ni Meiro!!! XD parang kasing edad lang ni Meiro kung mag-usap sila eh! ;p

    ReplyDelete
  6. Yung feeling na gusto kong sumigaw dahil sa kinikilig ako pero hindi ko magawa dahil binabantayan ko yung pamangkin kong baby na tulog na tulog! Hahaha :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^