Friday, May 3, 2013

10 Million Worth of Life : Epilogue

~E P I L O G U E~
(Esmie Saavedra POV)



Kinuha ulit akong tutor ni Meiro. Part-time lang naman. Tinanggap ko dahil malaki and sweldo at dito lang din sa school kami nagre-review! Hindi ako pumayag dun sa mansion nila kami mag-review para iwas malisya!




“Esmie… yung 10 million na utang mo saakin…”



“Excuse me!!! 9,821,400 na lang ang utang ko sayo ha!”



“Ha? Eksakto ba yun? Kinukwenta mo pala?”



“Oo naman!” Shunga pala ‘tong lalaking ‘to eh! “Don’t tell me hindi mo binibilang yung mga binabayad ko sayo?”



“Barya-barya ka kasi kung mag-abot.”



*pak!*



“Ang sama mo! Pinagtrabahuan ko yun ha!” At inirapan ko na lang siya. “Wag kang mag-alala, kapag naka-graduate na ako at nakakuha na talaga ng matinong trabaho, mas mabilis na kitang mababayaran.”



At seryoso ng pagkakasabi ko pero pinagtawanan lang ako ng kumag!



“Anong nakakatawa ha? Seryoso ako! Balang-araw, baka mas yumaman pa ako kesa sayo noh! Abangan mo lang!”



“At paano naman mangyayari yun kung ako lang din ang makakatuluyan mo?”



.



.



.



.



.



(●_●) – Ako



¬) – Si Meiro



“Ewan ko sayo. Mag-review na nga lang tayo ulit!”



(◠‿◠) – Si Meiro pa rin. Ayaw tumigil eh.



“Umayos ka na nga!”



Pero may binubulung-bulong pa siya. “Wushu~ totoo naman! Sa huli, saakin pa rin bagsak mo…”



“Oh baka gusto mo, kamao ko bumagsak sa mukha mo.” At pinalo ko na lang ulit siya ng librong pinag-aaralan namin. “Mag-review ka na at nang hindi ka rin bumagsak sa subject na ‘to!”



“Oo na po…” Naiinis siya kunwari pero nasisilipin ko yung ngiti sa mukha niya.



Yung ngiti ko naman, maayos ang pagkakatago.



Pero habang busy na kami ulit, nag-iisip naman ako ng malalim sa utak ko.



Sa hirap nga ng panahon ngayon, baka abutin talaga ng habang-buhay bago ko mabayaran ng buo ang natitira sa sampung milyon na utang ko.



“Pero Esmie, last na ‘to.”



“Ano na naman?”



“Diba kapag ikinasal naman tayo, magiging conjugal na ang properties natin? Eh di ibig sabihin, wala ding mapupuntahan yung pagbabayad mo saakin ng utang kasi saating dalawa din mapupunta yun.”



“Yung totoo Meiro, ang tagal mo talagang pinag-isipan yan noh?” Actually, napag-isipan ko na nga rin ang tungkol jan eh. Hehehe! Eh syempre matalino ako.



“Kahit saang anggulo mo pala tignan, ako pa rin ang lugi.”



“Tumigil ka na nga! Lugi mo mukha mo!”



“Di bale. Sa ibang paraan na lang kita sisingilin.”



Biglang nagbago ang ihip ng hangin. At hindi ko gusto yung hangin na umihip na naman sa green na utak ni Meiro. “Anong ibang paraan…?”



“Alam mo na ang ibig kong sabihin~” Saka siya ngumiti na parang na-asong ulol!



“Ang manyak mo talaga Meiro!”



“Hehe~ wag kang mag-alala Esmie! Your 10 million worth of life…”



9,821,400!”



Pero hindi niya yun pinansin at itinuloy lang ang pagsasalita, “I’ll make sure that your 10 million worth of life with me will be spent wisely.”



At bigla na lang siyang yumuko at hinalikan niya ako  sa labi.



















I guess my 10 million worth of life was really meant until forever.







  The End  













Aegyo's Note: Maraming salamat po sa lahat ng nakaabot sa parteng ito ng kwento!
At sinasabi ko na po na wala po itong Book 2 or kahit na anong sequel kaya wag na po kayong mag-request na gawaan ko pa ito ng kasunod.

At wala rin akong idi-distribute na softcopy nito so kung gusto niyo itong i-share sa iba
papuntahin niyo na lang sila sa site na  ito.

Yun lang po! Thank you Daydreamers!
To God Be The Glory!






18 comments:

  1. *O* Atlast naka-abot rin dito. HAHAHA Kinikilig ako Esmie at Meiro! XD Anlande ni Meiro. HAHAHAHA

    ReplyDelete
  2. waaaa! ang gnda po tlaga ng story nila!
    magko-comment p sna aq for book2 kso nabasa q yung note s baba. hehe!

    ReplyDelete
  3. Congrats ate josa ko for another finished wonderful story! ^_____^

    at talagang noon pa man eh sinusubaybayan ko na talaga to! awwwww, the ending is sooo cuuuuuttteee and sooo twiiiiiit!!! hanggang ending talaga, Meiro will always be meiro! hahah.. love love love this!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, sa wakas nga nakatapos ulit ng kwento... >___<

      Delete
    2. atEy,,, coNgrAts diN po 4 compLetiNg diZ stOry,,,

      Delete
  4. hwAhuHu,,, aNg gAnda tLga atEy,,, aNg swEet nLa at mMiMiss q tLga cLa,,, c mEirO mAypgKama-L p diN eEh,,, ayiiiEee,,,

    ReplyDelete
  5. Ang saya nitong dalawang to .. Sayang lang wala nang Book 2 .. =))

    ReplyDelete
  6. Yey! tapos ko na rin!! ^_^.. So grandparents pala ni Meiro sila Eli at Samira sa story na 'My Nephew In-law'... grabe ang ganda rin ng story na un.. I really love your stories :)

    ReplyDelete
  7. Waaah! Ang ganda-ganda ng story! Super love it! Minarathon ko talaga 'to. Hihihihi!

    ReplyDelete
  8. And knowing na grandparents ni Meiro sina Eli at Samira. Hihihihi!

    ReplyDelete
  9. Luhh! Ang story na ito ay........ INCREDIBLY AWESOME.

    ReplyDelete
  10. Luhhh! Ang story mo po ay ..... SUPER INCREDIBLY AWESOME!

    ReplyDelete
  11. Gawin niyo pong libro to.. supeer kakaripas ako ng takbo. As in agad agad XDD ! More Power po :)

    ReplyDelete
  12. haruujhusko! Abat kay ganda naman ng estoryang itu! Lol xD wala talaga kupas si Ms Author congrats po and congrats din po sa other stories nyo na super successful. :) -your silent reader/fan :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^