Friday, May 3, 2013

10 Million Worth of Life : Chapter 15


~C H A P T E R 15~
(Esmie Saavedra POV)





Hingal na hingal akong nakarating dito sa rooftop. “MEIRO WAG!!!” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makita ko si Meiro sa delikadong pwestong kinatatayuan niya. Dun sa pwesto kung saan din ako nakatayo noon para magpakamatay.


“Esmie? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na gulat siya na makita ako. “Diba ayaw mo na akong makita? Na ayaw mo nang makarinig ng tungkol saakin? Na iniiwasan mo ako...”



“Ano ba Meiro!!! I didn’t meant what I said a while ago!!! Nasabi ko lang yun dahil…”



“I get it Esmie. You and Kenji, right?”



“Anong tungkol saamin ni Kenji!!! Walang namamagitan saamin!”



“Palagi kayong magkasama. I know. Hindi ka makakapag-sinungaling saakin.” Teka, paano naman niya nalaman yun? Don’t tell me… “I’m always there Esmie. Sa mga lugar kung saan ka nagta-trabaho at kung saan ka nagpupunta. Sinusundan lang kita nang hindi mo alam. And I saw you so happy with him. Naiintindihan ko na kung bakit ka umiiwas saakin…”



Buong pag-iingat na akong lumapit sa kanya. Baka kasi mamaya, tumalon na talaga siya at hindi ko na yun mapigilan pa.



“Mahal kita Esmie...”



At last. Narinig ko rin yung mga salitang gusto kong marinig  noon.



Pero bakit sa dinami-dami ng pagkakataon, bakit ngayon na lang?




Narinig ko ang malalim na pagbuntung-hininga niya at itinuloy na niya ang sinasabi niya, “Mahal kita kaya hindi na kita guguluhin pa. Hindi ko na kayo guguluhin ni Kenji. Pinapalaya na kita Esmie.”



“Tumigil ka na nga sa mga pinagsasabi mo jan Meiro!!!” At hindi ko na namalayan pero nagsimula nang tumulo ang luha ko.



“Bakit ka umiiyak?”



Tinignan ko siyang mabuti at kahit pa nahihiya ako, ngayon na ang tamang oras para sabihin ‘to. “Alam mo, umiyak ako noong namatay ang mga magulang ko at iniwan nila akong mag-isa. Umiyak ako noong nalaman kong may naghahabol na Yakuza sa buhay ko. Umiyak ako noon dahil sa takot sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko.”



Tahimik lang si Meiro na nakikinig sa mga sinasabi ko pero hanggang ngayon ay nakatayo pa rin siya dun sa delikadong pwesto kaya maingat pa din ako.



“Ngayon, umiiyak ako dahil natatakot ulit ako Meiro. Natatakot ako na baka tuluyan ka nang mawala saakin…” Sa sinabi ko, gulat ang reaction ni Meiro kaya naman sinamantala ko na yun para mas makalapit pa sa kanya. “Meiro… wag… Wag mo akong iwan…”



At inilahad ko sa harap niya ang kamay ko para mahawakan niya.



“Pero bakit Esmie? Wala na akong ginawa kundi ang magpaka-gago diba?” Nagsimula na din siyang umiyak. “Wala na akong ginawang matino! Napaka-walang kwenta ko! I have always been a disappointment to my parents...”



“But they still love you, Meiro!”



“I have always been a disappointment to you.”



“I STILL LOVE YOU!”



That exact moment, yung malakas lang na hangin ang gumawa ng ingay sa buong lugar. Isama na rin natin ang hindi pa rin tumitigil na malakas na kabog ng puso ko.



“Oo Meiro. Kahit ilang beses mo akong sinaktan noon, I still love you.”



Natulala siya ng ilang segundo, tapos nagtuluy-tuloy ang mas malakas na agos ng luha niya kaya napatakip na siya ng mukha gamit ang isang kamay niya. Masasabi kong humahagulgol na siya!



“Kaya Meiro… wag kang magpapakamatay… hindi ko kayang mawala ka…”



.



.



.



.



.



“Ha?” Bigla na lang siyang natigil sa paghagulgol at napakunot ang noo niya na nakatingin saakin. “Sinong magpapakamatay Esmie?”



“Obvious ba? Alangan naman ako! Eh di ikaw.”



“Hindi ako magpapakamatay!”



“Eh anong ginagawa mo jan? Bakit nakatayo ka jan!”



“Dito kita unang nakausap kaya madalas na akong nagpupunta dito.” At kusa na siyang bumaba dun sa delikadong pwestong kinatatayuan niya kanina. “Pero nagpupunta ako dito para makapag-isip lang. Wala akong planong magpakamatay!” Sabi niya habang nagpupunas na ng luha at parang natatawa na.



Ako naman, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. “Ang sabi kasi ni Kenji suicidal ka daw! Nagpatingin ka nga daw sa psychiatrist dahil sa problemado ka eh!”



“Eh gagung Kenji naman pala yun! Sira ulo lang! Wag kang magpapaniwala sa lahat ng mga sinasabi nun!”



Hwaaaaaaaaaaah!!! Mas lalong naiiyak dahil sa inis!!! Buset na Kenji yun!!! Niloko ako!!!



Pero kung hindi dahil sa kanya, hindi kami makakapag-usap ng matino ni Meiro ngayon. Teka, matino nga ba?



Pero niyakap lang ako ni Meiro pagkatapos nun. At wala na rin akong ginawa kundi yakapin siya ng mas mahigpit pa.




(ʃƪ ˘ ˘)(ˆˆc)



Kalmado na ang lahat. Natigil na kami sa iyakan. Magkatabi kaming nakaupo ngayon dito sa sahig at nakasandal lang sa pader. Nandito pa rin kami sa rooftop ng school dahil tahimik at walang istorbo.




“Esmie… alam mo bang tatlong babae lang ang kilala ko ang pangalan. Una! Ang pangalan ng paborito kong lola, si Samira! Tapos yung pangalan ng mama ko… si Elaiza! At ang pinakahuli… kilala mo ba kung sino ha?”



“Sino?”



“Kilala mo yun eh!!! Hindi mo alam? Yung babaeng yun. Siya lang… siya lang ang babaeng hinding-hindi ko gagaguhin…”



Sa pagkakatanda ko, yan ang naging usapan namin ni Meiro noong minsang malasing siya. “Sino yung pangatlong babae?” At nakakahiya mang mag-assume pero gagawin ko na din. “Ako ba yun Meiro?”



Napag-isipan na kasi namin na oras na para mag-usap kami ng tungkol saamin. Napapanahon na rin siguro yun noh! And this time, wala na talagang hiyaan! Direchahan na.



“Ikaw nga yun Esmie… pero hindi ko natupad yung sinabi kong ikaw lang yung babaeng hinding-hindi ko gagaguhin. I’m sorry… sorry Esmie.”



“Since when did you like me?”



“Since you never looked at me.” Naging mala-plaggana lang naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Of all the girls in this school, ikaw lang ang hindi pumapansin at nagpapapansin saakin. At first, I’m not that bothered… pero nung tumatagal na palagi na akong nakatingin sayo at naghihintay na pansinin mo, dun ko na na-realize na nahuhulog na ako sayo.”



Medyo nakakapanibago na marinig na magkwento si Meiro ng ganito. Pero walang halong panloloko ang mga sinasabi niya. Nafi-feel ko ang sincerity sa bawat linyang binibitawan niya.



“Noong mga panahon na yun, nagre-rebelde pa ako nun. Nabo-boringan ako sa buhay ko! Ginagawa ko lahat ng gusto ko!”



Natawa ako bigla. “Oo nga. Nakwento saakin yan ng daddy mo.”



“But then, I heard about what happened to you. Na kaya ka pala palaging seryoso ay dahil wala ka ng pamilya at ikaw na  lang ang bumuhuhay sa sarili mo. Na kaya pala hindi mo ako pinapansin dahil busy ka sa pag-aayos ng problema mo.”



At dahan-dahan, inabot niya ang kamay ko para hawakan yun ng mahigpit.




“And then I saw you in this place. The first time I had the guts to finally talk to you. It was the first time… ang kaso, hayop din ng timing ko dahil gusto mo na palang mag-suicide nung time na yun.”



Natawa ako bigla. At ganun din siya.



Sa tuwing naalala ko ang eksenang yun, hindi ko mapigigilan na matawa at mahiya na din sa kababawan ng utak ko nun.



“When you said your life was a mess… naisip ko ganun din naman ang akin. But when you said you have nothing, sobrang nasapul ako nun. I have everything and yet hindi ko man lang pinahahalagahan yun.”



Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At napatingin siya sa malayo.



“Right then, I knew what I had to do. Kailangan kitang iligtas Esmie.” Saka na siya napatingin ng direcho sa mga mata ko. “Since you have nothing, I wanted to share my everything to you.”



“At hindi lang  ako ang nailigtas mo nun. Pati ang sarili mo.”



“Exactly.” Nagngitian kami nun. “Noong isinama kita sa mansion ko, first time na lang ulit ako nun nakauwi sa sarili kong bahay. Kaya nga nagkandarapa ang lahat nun sa pag-asikaso saakin.” At natawa na lang ulit siya habang iniisip yung pangyayaring yun.



“Doon na nalaman ng daddy mo na nag-uwi ka na pala ng babae.”



“At ang babaeng yun ang tuluyang nagpabago sa buhay ko. Binago mo ang buhay ko Esmie.”



Touch na touch na talaga ako sa mga sinabi niya. Tagos na sa puso eh. Pero…



“Bakit mo naman ako pinagtulakan noon? Noong nag-confess na ako sayo. Ilang beses pa yun Meiro. Bakit mo ako…” Hindi ko matuloy yung gusto kong sabihin. Ang sakit pa rin eh.



“Bakit kita binasted?”



“Wow lakas! Hindi naman kita niligawan ha!” Feeling nitong lalaking ‘to! But kidding aside, “Bakit mo ako iniwasan kahit sinabi ko nang may gusto ako sayo?”



“Kasi…” Naging seryoso ulit ang mukha ni Meiro. Tapos tumingin siya saakin ng direkta sa mata. “Kasi natatakot ako na baka hindi ko mapanindigan.” Tapos nagbuntong-hininga lang siya ng malalim. “I know that you believe I’m a playboy.”



“It’s a fact.”



“At kung sinu-sinong babae ang pinapatulan ko…”



“Oo nga eh…” Kaya natatakot ako baka may AIDS na siya.



“But believe me or not, I have never made love with anyone.”



Nasamid ako bigla. “Weh! Ako pa niloko mo Meiro!!!”



“I swear with my mom and my grandma’s names!”



“Psh! Hindi pa rin ako naniniwala.”



“Sige nga isipin mo naman Esmie. Kung araw-araw, iba-ibang babae ang kinakama ko, tingin mo hindi pa ako nagka-AIDS sa lagay na ‘to.”



“Eh pero…” Napailing ako para iwasan na maisip ko yung mga eksena sa utak ko na may mga kasama siyang iba’t ibang babae at nakahubad pa. Kung lalaking katulad naman kasi ni Meiro, imposible talagang walang mangyari sainyo diba?



“I swear… I’m a virgin Esmie.”



Sinimangutan ko lang si Meiro. Siguro kahit pa magpa-lie detector test kami, hindi pa rin ako maniniwala.



“Maybe I'n not a virgin sa utak, mga mata, kamay, paa, labi, dila…” At nagsabi pa siya ng kung anu-ano pang parts sa katawan niya, “…but down there, I really am a virgin.”



Oh wag na kayong mag-isip ng kung ano ang ibig sabihin ng ‘down there’ niya ha. Una niyang ibig sabihin ay yung 'down there' niya talaga. Pero may itinuro pa siyang isang parte ng katawan niya.




Itinuro niya ang bandang dibdib niya. “Dito Esmie. Dito sa puso ko, virgin pa ako.”



Tinaasan ko na lang siya ng kilay nun. “Eh ako rin naman ha! Virgin pa ako...”



“Alam ko!”



“Eh bakit pinalabas mo pa rin na wala kang nararamdaman para saakin?”



“Kasi hindi pa nga ako ready nun. Ayokong kunin ang virginity NG PUSO MO tapos hindi ko lang din maaalagaan. Gusto ko na kapag nagtapat na ako sayo, yung mapaninindigan ko… at panghabang-buhay na.”



Matagal lang akong walang imik. Nakatitig lang sa kanya at pinapakinggan ang paghinga niya at sariling tibnok ng puso ko.



“Eh ngayon Meiro? Kaya mo na ba akong panindigan?”



“Nung huling pag-aaway natin, dun ko lang naisip na napakabagal ko. Na ang duwag-duwag ko pala. Matagal na akong handa Esmie eh, ang gagu ko lang talaga dahil hindi ko pa ginawa.”



Napangiti na ako nun.



“Tapos nalaman ko pa na madalas na kayong magkasama ni Kenji. Ang sarap na kayang bumalik sa pagiging adik nun! Kasi ang buong akala ko, nahuli na ako. Akala ko mas gusto mo na talaga ang lokong yun. Na wala na akong pag-asa para itama yung saatin.”



“For the last time, friends lang kami ni Kenji.”



Sa pagkakataong yun, si Meiro na din ang napangiti.



“Kung ganun Esmie, handa ka na rin bang tanggapin ako ulit? If you give me another chance, I swear I won’t waste it again.”




“May iba pa ba akong choice Meiro?” At binigyan ko siya ng pang-asar na tingin at ngiti. “Eh diba nga, ikaw ang may-ari ng buhay ko?”



“Esmie, ayokong angkinin ang buhay mo kung hindi ko lang rin makukuha ang puso mo.”



Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko sa sinabi niya. Ibang klaseng tuwa at kilig eh.



“Meiro, I said I still love you. Ibig sabihin lang nun, hawak mo pa ang puso ko...”



At mahaba pa sanang speech yung sasabihin ko kaso niyakap na ako agad ng mahigpit ni Meiro. “And I love you too Esmie. I love so much.”



Tingin ko naman hindi na kailangan pang pahabain pa ang usapan.



Nasabi na ang lahat ng dapat sabihin.



Narinig na ang lahat ng dapat marinig.



Ngayon, ipaparamdam na lang namin ang dapat na iparamdam sa isa't isa.




(っ◔◡◔)♥(ˆˆԅ)

End of Chapter 15

7 comments:

  1. nkakakilig!!! huhu...
    epilogue n kasunod, mmimiss q cla esmie and meiro. .

    ReplyDelete
  2. waaaaahhh!! my gass!!! kilig ever to the max ate josa ko!!! eeeehhh!!! infairness kay meiro dito ha.. mas nakaka inlove siya.. hahha

    ReplyDelete
  3. hwAhuHu,,, aNg swEet niLa,,, ntWa p aq ndE nMaN pLa mgppKmatAy c mEirO,,, LoKo-LOkO c kEnji eE,,, wAgasAn,,,

    ReplyDelete
  4. Syet naman !! Ang sweet nito .. =D

    ReplyDelete
  5. Weh? Virgin pa talaga si Meiro?! Pano nangyari yun?!

    ReplyDelete
  6. UTANG NA LOOB! Sinasabi ko na nga ba!!! Nang aaning lamang si KENJIE! Uwahahahaha! SALAMAT sa kanya diba?! At nakakatuwa lang si Meiro! Mahal na mahal niya talaga si Esmie!!! Napahagulhol pa nga diba? Naputol lang dahil sa pagpapakamatay thingy!!! Hahhaha~ at last! Nagka-aminan na din!!! Hay nako, Meiro!!! Hindi rin ako naniniwalang virgin ka pa! :p pero sa puso? Pwede pa!!! Hahahaha. Joke lang! Gets ko strategy mo, Meiro :p alam mo naman na half pervert ako eh!!! HAHA. AT alam mo naman na ako'y sayo eh! At botong-boto ako sayo para kay Esmie! Minsan talaga kailangan muna natin masaktan bago natin ma-realize ang lahat lahat eh noh? Haaaaaay!!! Ang sarap mag basa ng mga stories mo, Unnie. Para na din akong na-in love! Hehehehe. Kailan kaya ako makakapunta ng National Bookstore na makikita ko sa mga TEEN-FICTION, ROMANCE, FANTASY section ang mga libro ni AegyoDayDreamer? Hindi ko rin alam! Pero sana in the future makakita ako~ hihi. Nakatapos na naman ako ng isa sa mga nakakabaliw na istorya mo Unnie!!! WAH~ *sabog confetti*

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^