~C H A P T E R 8~
(Esmie Saavedra POV)
“Bitawan mo
ako!!!” Nagwawala na
ako kanina pa sa sasakyan. “Kelan mo ba ako titigilan! Hindi naman kita tatakasan
eh!!!”
“Eh bakit ba
paulit-ulit ka rin ng paliwanag mo? Kapag sinabi kong hindi ka aalis, HINDI KA
TALAGA MAKAKAALIS!”
Wala na talaga akong nagawa. Naipasok niya ako
pabalik sa mansion, papunta dun sa dati kong kwarto. Kahit anong palag ko, wala
akong nagawa! Isipin mo ba naman kasi mga kasing laki nga ni Hulk yung
bodyguards na tumutulong sa kanya.
“Tumigil ka
na ha. Itatali na kita!”
“Violation of
human rights ‘to Meiro!!! Hindi mo ako pwedeng ikulong at lalong-lalo na hindi
mo ako pwedeng pigilan kung gusto ko nang umalis!!! You’re keeping me against
my will!”
Pagkasigaw ko nun, sinenyasan ni Meiro yung mga
bodyguards. “Iwanan
niyo nga muna kaming dalawa.” Agad naman siyang sinunod ng mga
bodyguards. Yung kalmadong mukha ni Meiro, ngayon na lang ulit napalitan.
Sobrang seryoso! “Ano ba talagang problema? I know there’s something else that’s why
you want to run away. Ano bang ginawa ko sayo Esmie?”
Natahimik ako… tapos naalala ko na naman yung
naging usapan namin bago kami napunta sa sitwasyong ito. Yung mga sinabi niya
na talaga namang tumagos saakin.
“Well I’m not
in the position to explain it you!!!! Especially because you’re not even my
girlfriend!!! Lalong-lalo na, wala ka sa position na umarte o umangal dahil ako
may-ari ng buhay mo!”
“I’m not in
the position to explain anything to you. I’m nothing to you, right?” Ang sakit lang sa pakiramdam! Hindi ko talaga
ma-explain bakit ako nagkakaganito eh. “At binayaran mo lang ang utang ko Meiro… bakit kailangan
pati buhay ko angkinin mo?”
“Then tell me
how are you going to pay me?” Ang cold ng boses niya. Ang plain ng itchura. Walang ekspresyon sa
mata. “Kung
aalis ka at iiwan mo ako, tingin mo makakaipon ka agad ng ganun kalaking pera?
Be realistic Esmie, hindi ka kikita ng ganung kalaking halaga ng agad-agad!
Kailangan mo pang buhayin ang sarili mo, dodoblehin mo paghihirap mo para
bayaran ako.”
“Then so be
it! Hindi naman ikaw ang maghihirap diba? AKO!”
“Gusto mong
mahirapan? Eh dito nga sa puder ko, hindi mo matiis! Sinasaktan ba kita? Diba
hindi naman! Hindi ko nga alam kung anong kinagagalit mo eh. Yung kay Elsbeth
ba? Eh ginawa ko nga yun para sayo!”
“Basta ayoko
na Meiro!!!” At basta na
lang ring tumulo ang luha ko. “Hindi ko na kaya… hindi ko na kaya dahil sayo!”
“Bakit nga?
Ano bang meron saakin?”
“Dahil…”
Dahil ano nga ba?
Dahil ba nagselos ako kay Elsbeth? Dahil ba parang
nasasaktan ako sa dami ng mga babae sa buhay niya? Dahil ba naiinis ako na mabait
siya saakin kahit wala namang dahilan? O dahil…
“Dahil ayoko
sayo Meiro. Nasusuka ako sa mga ginagawa mo. Yang pag-uwi mo ng iba’t ibang
babae dito sa mansion mo. Nakakadiri ka Meiro! Nakakadiri…”
Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Naglakad
siya palapit saakin at napaatras ako hanggang sa mapunta ako sa pader.
Susubukan ko sana umiwas pero na-corner na niya ako dun sa pader. Kitang-kita
ko yung galit sa mga mata niya.
At yung sunod niyang sinabi… parang nabinge yata
ako nun…
(◑_◑”)
“A… ano?”
“You really
want to go? Fine, pero ngayon kita sisingilin.” Tapos, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha
niya sa mukha ko. “Pay me… pay me with your body.” At saka niya
ako hinalikan na halos malapit na sa labi ko.
*pak!*
“Bastos ka
talaga!!! Manyak!!!”
Naitulak ko siya palayo at pinunasan ko agad yung part sa mukha ko na hinalikan
niya.
Pero ewan ko anong sapi meron itong si Meiro.
Kahit tinulak ko na, lumapit pa rin! At hindi pa nakuntento, binuhat niya ako
papunta sa kama tapos dun inihiga. Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya
saakin.
Pumatong pa siya saakin para hindi ako makaalis,
at nakaharang yung dalawang kamay niya sa parehong gilid ko.
“Meiro ano
ba!!!”
*dug dug dug dug dug!!!*
Nasha-shock yata ang puso ko sa mga nangyayari!
Naka-cross na nga lang yung dalawang kamay ko sa bandang dibdib ko kasi hindi
ko na alam kung ano pang plano nitong lalaking manyakis na ‘to.
“Palalayain
na kita… but pay me with your body.” Owmayghad!!! Dahan-dahan pa niyang inilapit ang mukha niya! Nadikit na
nga yung dibdib niya sa braso ko!!! “Wala akong pakelam kahit nandidiri ka saakin. Ano? Kaya
mo akong bayaran ngayon?”
Naamoy ko yung hininga niya. Sa sobrang lapit
niya, parang nakakabisado ko na yung magandang porma ng mukha niya. Tengenenemen!!!
Hindi na dapat ganito ang iniisip ko sa sitwasyon na ‘to pero hindi ko lang
mapigilan ang sarili ko.
“Bakit mo ba ako
pinahihirapan ng ganito?”
Sobrang halo-halo na ang emosyon na nararamdaman
ko. Naiinis ako sa kanya at sa lahat ng pinaggagawa niya! Kinakabahan ako sa
gusto niyang mangyari ngayon. Samantalang heto ako, parang sasabog na yata ang
puso ko.
“Mahal mo ba ako
Meiro?”
“A… ano?”
“Mahal mo ba ako?
Mangangako ka bang hindi ka na titingin at maghahanap ng ibang babae?” At nung subukan kong umangat, siya naman ang
umatras kaya nagawa kong bumangon. “Kasi kung mangangako kang magbabago ka na… sige, gagawin
ko gusto mo.”
*inhale… exhale…*
At inihanda ko na ang sarili ko para sabihin ang
mga salitang pwedeng makapagpabago ng takbo ng buhay ko. Hindi ko alam kung
kelan pa kasi ‘to nangyari… basta ang alam ko lang…
“Anong ibig
mong sabihin Esmie?”
“Mahal na
kita Meiro!!!”
Kaya nga ayoko na dito, kasi nasasaktan ako sa
mga pambababae niya. Nahihirapan akong mag-pretend na wala lang ‘tong
nararamdaman ko. At gusto ko mang pigilan, nahulog pa rin ang loob ko sa kanya.
“Hindi na ako
aalis. Ibibigay ko pa sayo ang sarili ko… pero ipapangako mo bang mamahalin mo
rin ako ng buo?”
.
.
.
“I’m sorry
Esmie.”
Yun lang ang sinabi niya at saka siya umalis at
iniwan akong mag-isa dun sa kwarto.
m(>﹏<)m
Sana hindi na ako umamin!!! Hindi sana ako
mukhang tanga ngayon!!! Bakit ko pa kasi na-realize na yun na nga ang
nararamdaman ko sa lalaking yun! He’s the worst man to love but still ang
tanga-tanga ko at na-fall pa rin sa kanya!
Ano ngayon ang napala ko? REJECTED!!!
Hindi ko na nagawang umalis pa sa mansion,
mananatili pa akong katulong… tapos ngayon dala-dala ko yung kahihiyan na
umamin ako sa kanya pero ang nakuha ko lang ay ang sorry niya!
.
.
.
*sob sob*
Naiiyak ako shet!!! “Ang sakit-sakit lang.” Kung
kelan naman minahal ko na yung manyak na yun!!!
ͼ(ݓ_ݓ)ͽ
End of Chapter 8
(A/N: 15
chapters lang itong story. Kaya naman wag kayong mag-alala, hindi ko na kayo
masyadong bibitinin pa. Basta dadalian ko na lang ang update para matapos na
agad. ^^)
grabe nman tong scene na to!! ang hot!! haha
ReplyDeleteai naku!! basag!! umamin pa kasi eh.. waaahh!! nkakalungkot nman.. *sob *sob
Pusanggala naman Meiro! Wag mong gawing tanga si Esmie!
ReplyDeleteang eps nga masyado ni meiro. hmp~
DeleteTengenenemen Meiro! Haha. Kakilig:*
ReplyDeleteeEeeeEeee naKu nMn,,, meiRo,,, bKit uNg bOdy aGad ni eSmie uNg hiniHingi mo tApos SORRY Lng uNg ibiBigaY mu s cOnfeSsiOn,,, aY nkU naKu naKu nAMaN tLga mEirO,,, kaiNis ka,,,
ReplyDeletewahhhhh!!! tatapusin nio na poh??
ReplyDeletesayang mganda pa naman ang plot ng story!!!! huhuhu
wahhhhh!!!! tatapucn muh na eto miss author???
ReplyDeletesayang mganda pa namn ang plot!!!!
Obvious naman na mahal rin ni meiro si esmie
ReplyDeleteHindi naman nia hahabulin ng ganyan kung hindi
Siguro... Hindi ko alam kung paano but I kniw meron twist yan
I know the author, grabe magpaikot ng emotions yan.
grabe ka meiro!!! ang sama!!!
ReplyDeletemeiro is such an assh*le. i wanna punch him!
ReplyDelete___d88888888b_____d88888888b
ReplyDelete__d88?____d88b___d88b____`88b
_d8?_________d888b_________`8b
_8b_________________________d8
_b8__________________d8888b___d8888b
__d8________________d8?__d8b_d8b__`8b
___8ba_____________d8?_____d8b_____`8b
____`8da___________8b_______________d8
______`Y8b__________d8_____________8b
________`8b__________8ba_________ad8
__________`88_____88__`8da_____ab8?
____________8b___d8_____`Y8___8Y?
_____________`b_d?________`8_8?
______________`8?__________`8?
_______________"____________"
The eff!!! Anong...meron?! Nakakaloka ka Esmie! Waaaaaaaaaaaah! Naloka akong tunay!!! Nanlaki pa ang mga singkit kong mata (naks! Yabang! HAHA) at... anong nangyari kay Meiro? @.@ bakit ganon?! NAKAKABALIWWWW!!!
ReplyDeleteHinihintay ko yung salitang JOKE pero totoo pala!! Nakakainis ka, Meiro >///<
ReplyDelete