Sunday, October 21, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 8

~C H A P T E R  8~
(Esmie Saavedra POV)



“Bitawan mo ako!!!” Nagwawala na ako kanina pa sa sasakyan. “Kelan mo ba ako titigilan! Hindi naman kita tatakasan eh!!!”



“Eh bakit ba paulit-ulit ka rin ng paliwanag mo? Kapag sinabi kong hindi ka aalis, HINDI KA TALAGA MAKAKAALIS!”




Wala na talaga akong nagawa. Naipasok niya ako pabalik sa mansion, papunta dun sa dati kong kwarto. Kahit anong palag ko, wala akong nagawa! Isipin mo ba naman kasi mga kasing laki nga ni Hulk yung bodyguards na tumutulong sa kanya.



“Tumigil ka na ha. Itatali na kita!”



“Violation of human rights ‘to Meiro!!! Hindi mo ako pwedeng ikulong at lalong-lalo na hindi mo ako pwedeng pigilan kung gusto ko nang umalis!!! You’re keeping me against my will!”



Pagkasigaw ko nun, sinenyasan ni Meiro yung mga bodyguards. “Iwanan niyo nga muna kaming dalawa.” Agad naman siyang sinunod ng mga bodyguards. Yung kalmadong mukha ni Meiro, ngayon na lang ulit napalitan. Sobrang seryoso! “Ano ba talagang problema? I know there’s something else that’s why you want to run away. Ano bang ginawa ko sayo Esmie?”



Natahimik ako… tapos naalala ko na naman yung naging usapan namin bago kami napunta sa sitwasyong ito. Yung mga sinabi niya na talaga namang tumagos saakin.



“Well I’m not in the position to explain it you!!!! Especially because you’re not even my girlfriend!!! Lalong-lalo na, wala ka sa position na umarte o umangal dahil ako may-ari ng buhay mo!”



“I’m not in the position to explain anything to you. I’m nothing to you, right?” Ang sakit lang sa pakiramdam! Hindi ko talaga ma-explain bakit ako nagkakaganito eh. “At binayaran mo lang ang utang ko Meiro… bakit kailangan pati buhay ko angkinin mo?”



“Then tell me how are you going to pay me?” Ang cold ng boses niya. Ang plain ng itchura. Walang ekspresyon sa mata. “Kung aalis ka at iiwan mo ako, tingin mo makakaipon ka agad ng ganun kalaking pera? Be realistic Esmie, hindi ka kikita ng ganung kalaking halaga ng agad-agad! Kailangan mo pang buhayin ang sarili mo, dodoblehin mo paghihirap mo para bayaran ako.”



“Then so be it! Hindi naman ikaw ang maghihirap diba? AKO!”



“Gusto mong mahirapan? Eh dito nga sa puder ko, hindi mo matiis! Sinasaktan ba kita? Diba hindi naman! Hindi ko nga alam kung anong kinagagalit mo eh. Yung kay Elsbeth ba? Eh ginawa ko nga yun para sayo!”



“Basta ayoko na Meiro!!!” At basta na lang ring tumulo ang luha ko. “Hindi ko na kaya… hindi ko na kaya dahil sayo!”



“Bakit nga? Ano bang meron saakin?”



“Dahil…”



Dahil ano nga ba?


Dahil ba nagselos ako kay Elsbeth? Dahil ba parang nasasaktan ako sa dami ng mga babae sa buhay niya? Dahil ba naiinis ako na mabait siya saakin kahit wala namang dahilan? O dahil…



“Dahil ayoko sayo Meiro. Nasusuka ako sa mga ginagawa mo. Yang pag-uwi mo ng iba’t ibang babae dito sa mansion mo. Nakakadiri ka Meiro! Nakakadiri…”



Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Naglakad siya palapit saakin at napaatras ako hanggang sa mapunta ako sa pader. Susubukan ko sana umiwas pero na-corner na niya ako dun sa pader. Kitang-kita ko yung galit sa mga mata niya.



At yung sunod niyang sinabi… parang nabinge yata ako nun…



(_)



“A… ano?”



“You really want to go? Fine, pero ngayon kita sisingilin.” Tapos, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. “Pay me… pay me with your body.” At saka niya ako hinalikan na halos malapit na sa labi ko.



*pak!*



“Bastos ka talaga!!! Manyak!!!” Naitulak ko siya palayo at pinunasan ko agad yung part sa mukha ko na hinalikan niya.



Pero ewan ko anong sapi meron itong si Meiro. Kahit tinulak ko na, lumapit pa rin! At hindi pa nakuntento, binuhat niya ako papunta sa kama tapos dun inihiga. Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya saakin.



Pumatong pa siya saakin para hindi ako makaalis, at nakaharang yung dalawang kamay niya sa parehong gilid ko.



“Meiro ano ba!!!”



*dug dug dug dug dug!!!*



Nasha-shock yata ang puso ko sa mga nangyayari! Naka-cross na nga lang yung dalawang kamay ko sa bandang dibdib ko kasi hindi ko na alam kung ano pang plano nitong lalaking manyakis na ‘to.



“Palalayain na kita… but pay me with your body.” Owmayghad!!! Dahan-dahan pa niyang inilapit ang mukha niya! Nadikit na nga yung dibdib niya sa braso ko!!! “Wala akong pakelam kahit nandidiri ka saakin. Ano? Kaya mo akong bayaran ngayon?”



Naamoy ko yung hininga niya. Sa sobrang lapit niya, parang nakakabisado ko na yung magandang porma ng mukha niya. Tengenenemen!!! Hindi na dapat ganito ang iniisip ko sa sitwasyon na ‘to pero hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.



“Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?”



Sobrang halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Naiinis ako sa kanya at sa lahat ng pinaggagawa niya! Kinakabahan ako sa gusto niyang mangyari ngayon. Samantalang heto ako, parang sasabog na yata ang puso ko.



“Mahal mo ba ako Meiro?”



“A… ano?”



“Mahal mo ba ako? Mangangako ka bang hindi ka na titingin at maghahanap ng ibang babae?” At nung subukan kong umangat, siya naman ang umatras kaya nagawa kong bumangon. “Kasi kung mangangako kang magbabago ka na… sige, gagawin ko gusto mo.”



*inhale… exhale…*



At inihanda ko na ang sarili ko para sabihin ang mga salitang pwedeng makapagpabago ng takbo ng buhay ko. Hindi ko alam kung kelan pa kasi ‘to nangyari… basta ang alam ko lang…



“Anong ibig mong sabihin Esmie?”



“Mahal na kita Meiro!!!”



Kaya nga ayoko na dito, kasi nasasaktan ako sa mga pambababae niya. Nahihirapan akong mag-pretend na wala lang ‘tong nararamdaman ko. At gusto ko mang pigilan, nahulog pa rin ang loob ko sa kanya.



“Hindi na ako aalis. Ibibigay ko pa sayo ang sarili ko… pero ipapangako mo bang mamahalin mo rin ako ng buo?”



.



.



.



“I’m sorry Esmie.”



Yun lang ang sinabi niya at saka siya umalis at iniwan akong mag-isa dun sa kwarto.



m(><)m



Sana hindi na ako umamin!!! Hindi sana ako mukhang tanga ngayon!!! Bakit ko pa kasi na-realize na yun na nga ang nararamdaman ko sa lalaking yun! He’s the worst man to love but still ang tanga-tanga ko at na-fall pa rin sa kanya!



Ano ngayon ang napala ko? REJECTED!!!



Hindi ko na nagawang umalis pa sa mansion, mananatili pa akong katulong… tapos ngayon dala-dala ko yung kahihiyan na umamin ako sa kanya pero ang nakuha ko lang ay ang sorry niya!



.



.



.



*sob sob*



Naiiyak ako shet!!! “Ang sakit-sakit lang.” Kung kelan naman minahal ko na yung manyak na yun!!!



ͼ(ݓ_ݓ)ͽ

End of Chapter 8


(A/N: 15 chapters lang itong story. Kaya naman wag kayong mag-alala, hindi ko na kayo masyadong bibitinin pa. Basta dadalian ko na lang ang update para matapos na agad. ^^)


13 comments:

  1. grabe nman tong scene na to!! ang hot!! haha

    ai naku!! basag!! umamin pa kasi eh.. waaahh!! nkakalungkot nman.. *sob *sob

    ReplyDelete
  2. Pusanggala naman Meiro! Wag mong gawing tanga si Esmie!

    ReplyDelete
  3. Tengenenemen Meiro! Haha. Kakilig:*

    ReplyDelete
  4. eEeeeEeee naKu nMn,,, meiRo,,, bKit uNg bOdy aGad ni eSmie uNg hiniHingi mo tApos SORRY Lng uNg ibiBigaY mu s cOnfeSsiOn,,, aY nkU naKu naKu nAMaN tLga mEirO,,, kaiNis ka,,,

    ReplyDelete
  5. wahhhhh!!! tatapusin nio na poh??
    sayang mganda pa naman ang plot ng story!!!! huhuhu

    ReplyDelete
  6. wahhhhh!!!! tatapucn muh na eto miss author???
    sayang mganda pa namn ang plot!!!!

    ReplyDelete
  7. Obvious naman na mahal rin ni meiro si esmie
    Hindi naman nia hahabulin ng ganyan kung hindi
    Siguro... Hindi ko alam kung paano but I kniw meron twist yan
    I know the author, grabe magpaikot ng emotions yan.

    ReplyDelete
  8. meiro is such an assh*le. i wanna punch him!

    ReplyDelete
  9. ___d88888888b_____d88888888b
    __d88?____d88b___d88b____`88b
    _d8?_________d888b_________`8b
    _8b_________________________d8
    _b8__________________d8888b___d8888b
    __d8________________d8?__d8b_d8b__`8b
    ___8ba_____________d8?_____d8b_____`8b
    ____`8da___________8b_______________d8
    ______`Y8b__________d8_____________8b
    ________`8b__________8ba_________ad8
    __________`88_____88__`8da_____ab8?
    ____________8b___d8_____`Y8___8Y?
    _____________`b_d?________`8_8?
    ______________`8?__________`8?
    _______________"____________"

    ReplyDelete
  10. The eff!!! Anong...meron?! Nakakaloka ka Esmie! Waaaaaaaaaaaah! Naloka akong tunay!!! Nanlaki pa ang mga singkit kong mata (naks! Yabang! HAHA) at... anong nangyari kay Meiro? @.@ bakit ganon?! NAKAKABALIWWWW!!!

    ReplyDelete
  11. Hinihintay ko yung salitang JOKE pero totoo pala!! Nakakainis ka, Meiro >///<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^