Brokenhearted Playgirl
By: InnocentPen
Chapter One
HER POV
Nakatingin ako sakanya habang nakikipagkwentuhan siya sa
mga kaibigan niya.
Ang sarap nyang titigan. Hindi ko alam pero napapa-smile
na lang ako habang nakatingin sakanya.
Iniimagine ko na ako yung kasama nya, ako yung
kinukwentuhan niya. Haaay. Hanggang imaginations lang naman toh.
Sino ba naman ako para mapansin ng isang Gelo Fernandez?
Ako lang si Kathryn…Kathryn na iniignore lagi.
My school life will never be exciting without him. Oo,
inspiration ko siya.
Siya ang dahilan kung bakit pumapasok pa rin ako dito,
kahit wala naman akong nakakausap.
Siya rin ang dahil kung bakit ginagalingan ko sa
academics ko.
Nagbabakasakali kasi akong mapansin niya ako, kahit
minsan lang.
Naaalala ko yung time na yun…. Yung first meeting namin.
Flashback…
“Neri! Peram ng ballpen yung original!” Narinig kong
sigaw ni Gelo sa isang classmate namin.
“Wala!”
“Z! May ballpen ka?”
“Ganda lang meron ako!”
“Psh. Vannesssssa! Peram ng ballpen!” Natatawa na lang
ako sakanya. Ang kulit nya kase. Sinasamantala nyang wala ang Teacher. Haha!
“Wala! Hiniram na ni Shie!” Ingay talaga ng
magbabarkadang ito. Pero nakakatuwa sila.
Tiningnan ko si Gelo. Ayun, nag-uusok na ang matangos
niya ilong. Ang cute talaga.
Tumayo siya sa upan nya at saka sumigaw ng….
“SINONG MAY BALLPEN DYAN? PAHIRAMMM! MAY LIBRENG KISS---“
“Mr. Fernandez! Anong sinisigaw mo dyan?!” Ay! Lagot,
nandyan na si Ma’am. Tsk tsk.
“W-wala, Ma’am. I’m just….just….” Hindi nya masabing wala
siyang ballpen kaya nanghihiram ito siguradong mapapagalitan toh.
“I’m just, what?” Inip na tanong ni Ma’am.
“I’m just…just---“
“Ginigising nya po ako, nakatulog po kasi ako kaya
sinusubukan niyang gisingin ako.” Nakatungong sabi ko. (_ _)
“What?! Natutulog ka sa klase ko?! Nawala lang ako
tapos—“
“Sorry, Ma’am.”
“Okay, fine! Leave the room.”
“Ma’am?” Di ko nagets eh.
“I said, get out! This is your punishment for sleeping in
my class!” Ang terror talaga ng teacher naming toh. Namamahiya talaga ng
students. Nakakahiya. New student pa naman ako dito sa Wonderstruck university!
>_<
Nakayuko pa rin ako habang kinukuha ko yung gamit ko at
naglakad na palabas.
Haaay. Kasalanan ko toh e.
“Waitt.” Nagsalita si Gelo. Napatingin naman ako sakanya.
Nahihiya talaga ako, kaunti na lang baka maiyak ako dito.
He looked at me.
“Ma’am, ang taba nyo pala kapag iyan ang suot nyo noh?
Hahaha!” Natawa rin ang ibang classmates namin!
“Kayoo! 2nd year highschool pa lang kayo! Ang
pasaway nyo na. Both of you…” Namumula na sa inis si Ma’am nang tinuro kaming
dalawa ni Gelo, “GET OUUT!”
I saw him smiled at me. Oh my ^////^
Ayun nga hinila nya ako palabas at saka pumunta kami sa
canteen.
Tapos bumili siya ng pagkain…
“Thank you ha! Kainin mo toh, masarap yan. Favorite ko
yan. Sige, Hazel. Thank you.” Sabi niya nagpakilig saken. Pero pagkatapos nun
umalis na siya.
“Sayang, di pa ako nakakapag-welcome. Haaay.” Bulong ko.
Kinain ko na lang yung nilibre niya. Favorite pala niya yung Palabok with
shrimps. Masarap nga…ngayon lang ako nakatikim nito. Pano ba naman
ipinagbabawal saken kase…..kasee… Oh my!
May allergy pala ako sa shrimps! O___O
-End of Flashback-
Yung nangyari pagkatapos nun? One week akong hindi
nakapasok dahil sa allergy. Tapos pagkapasok ko, ayun. Balik sa dati. Akala ko
nga papansinin na nya ako pero hindi pa rin pala.
At ngayong 3rd year na kami. Hindi pa rin kami
close, asa pa ko. May nakakausap naman ako pero wala akong itinuturing
ka-close.
Haay. Kailan kaya ulit---
“Hi, Hazel! Long time no talk!”
May nagsalita sa likuran ko. Haay. Sino pa ba edi si
Gelo…
WAIT?! GELLOOOO?!
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^