CHAPTER NINE
THE CHOICE
Hanggang
ngayon ay nananatili kami sa madilim na paligid ni MinKi. Pinapakinggan ko
parin ang bawat kwentong binibityawan niya. Isang rebelasyon ng nakaraang
pangyayari.
"Hindi lang iyon ang kaya ni LeeJoon. Kaya din niyang harangan ang
vision ng kahit sino maliban sa mga sorcerer at sorceress. Ganun ang nararanasan
ngayon ni YoSeob. imula ng mawala sa kaniya ang bead ay hindi na niya makita ang mga mang-yayari dahil
hinaharangan ito ni LeeJoon."pag-papatuloy niya.
"Limang
daan at sampu na ang nakalipas nang mag-umpisa ang kaguluhan ng mga bampira sa
mundo ng mga tao. Wala silang tigil noon sa pag patay sa mga kawawang nilalang.
Kaya nga wala din kaming tigil sa pag sundo ng mga kaluluwa noon."nakuha
pang mag-biro ni MinKi. "Malulupit sila, wala silang awa. Sisiidin nila
ang dugo at laman ng mga tao hanggang sa wala na silang makuha tapos ay iiwanan
lang nilang basta sa tabi pag natapos sila. Iyon ang mga panahon na wala pang
kakayahang pigilan ng mga Death God ang kagustuhan ng mga bampira. Mga Diyos
nga kami, pero hindi sa lupa kundi sa mundo ng mga patay. Hindi kami gaya ng
mga bampira na kayang mag-hari sa lupa at sa mundo ng mga patay."tumalikod
sa akin si MinKi. "Si G.O, siya ang pinuno ng lahat ng mga bampira. Kahit
ano pa ang klasipikasyon ng mga ito. Mapa-blood o fresh dead eater man gaya ni
SeongHo at Mir. Isa siyang malupit na pinuno. Kaya niyang sakupin ang buong
mundo sa isanhg kisap mata lang."humarap siya sa akin. "Kasunod niya
ang kapatid na si Thunder. Silang dalawa lamang ang may kakayanan na gawing
bampira ang sino mang taong gustuhin nila sa pamamagitan ng kakaibang
seremonya. Wala akong ideya sa bagay na iyon. Ang alam ko lang ay maswerte ang
kung sino mang makakaligtas sa seremonyang iyon."huminto siya saglit.
"Balak
nila noon na gumawa ng isang malaking nasyon ng mga bampira. Pero napigilan
sila ng isa sa mga Death God."saad ni MinKi na ikinakunot ng nuo ko.
"Ang
sabi mo kanina wala kayong kakayanan na pigilan sila?"pag-uulit ko sa
sinabi niya kanina.
"Likas kay Ambrose ang pagiging maawain kahit pa sabihin mong isa
siyang Death God. Hindi niya matiis ang mga nang-yayari. Wala sa katarungan ang
mga taong namamatay."gumuhit ang lungkot sa mukha ni MinKi.
"Nag-punta siya sa Dinas Affaraon
para kausapin si GaHi. Si GaHi ang pinaka-makapangyarihan sa mundo nila. Isa
siyang imortal na mangkukulam. Hindi siya isang fairy Godmother pero kaya
niyang gawin kahit ano man ang hilingin mo. Siya ang pinakamagaling sa lahat ng
sorceress at sorcerer kaya maraming takot sa kaniya maging ang mga bampira. Si
GaHi ang nag-re-reyna sa mundo ng mga patay at kahit mga buhay pa. Kaya niyang
imanipyula ang mga ito."saad ni MinKi.
"Ano
naman ang koneksyon ni GaHi sa mga nang-yari noon?"wala akong ibang mabigkas
kundi tanong.
"Humingi
ng tulong si Ambrose sa kaniya kung papaano niya mapipigilan ang binabalak na
masama ni G.O at Thunder. Higit pa sa hiniling
ni Ambrose ang ibinigay ni GaHi. Pinagbigyan siya ni Gahi kapalit ang
buhay hindi lamang ni Ambrose kundi maging buhay naming lahat. Pumayag si
Ambrose dahil tiwala siya sa nakikita niya sa hinaharap. Binigyan siya ng
kakayahan ni GaHi na makontrol ang mga bampira sa pamamagitan ng bead. At
nag-papatuloy ito hanggang ngayon. Pero ng makita ni Ambrose ang sarili na
mamamatay ay agad niyang ipinasa ang bead kay YoSeob. Ito lang kasi ang bukod
tanging may kakayahang gaya sa kaniya. Namatay nga si Ambrose, pero matagumpay
niyang naipasa kay YoSeob ang bead. Kaya hanggnga sa mga oras na nasa kaniya
ang bead ay hindi makakilos ang mga bampira. Ngunit simula ng ipasa ito sa iyon
ay humina ito dahil mahina rin ang kakayanan mo. Hindi gaya ni YoSeob na purong
puro ang kakayanang protektahan ang bead."huminto siya saglit kaya
nag-karoon ako ng pag-kakataong makasingit. "Iyon ang mga panahong
nagagawa na muling makahanap ng taong biktima ang mga bampira na inakala ng iba
ay mag-nanakaw sa Smerthport."naalala ko nga ang pangyayaring iyon.
"Kung
alam niya naman palang mahina pa ako bakit ibinigay niya sa akin ang bead?
Hindi ko kayang protektahan ang bead at mas gugustuhin ko pang ilibing na lang
kaysa umabot pa sa puntong pati sarili kong kapatid ay kalabanin ko."iyon
naman talaga ang gusto ko. Mas gusto ko pang maging abo na lang kaysa kalabanin
ang kapatid ko. At isa pa hindi naman ako isang Death God, biktima nga ako ng
katusuhan nila e. Malaki ang pasasalamat ko dahil binigyan nila ako ng
pangalawang buhay kahit na isa lang itong ilusyon. Hindi nila ako pinabayaan sa
kabila ng lahat. Itinuring nila akong isang pamilya. . .isang pamilya?
Isang
pamilya, ganun ang turing sa akin ni DongWook at YoSeob. Kahit kailan hindi
nila pinaramdam sa iba ako. Minsan hindi talaga maintindihan ang nararamdaman
ni DongWook pero alam kong importante ako sa kaniya. Si YoSeob, siya ang laging
nag-papasaya sa akin sa tuwing nalulungkot ako. Lagi siyang nariyan sa tabi ko
kung kailangan ko siya. Sila ang naging pamily na ko sa loob ng eleven years.
Sila ang sumalo sa akin sa mga araw na mawala ang alaala naming dalawa ni
JunHyung. Sila ang tumayong mga kapatid at magulang ko.
"At
prinotektaha ka nila noong mga panahong nalaman ng mga bampira na nasa iyo ang
bead, sinusubukan kang salakayin ng mga bampira dahil alam nilang mahina ka pa.
Sinasamantala nila ang pag-kakataon"sagot ni MinKi na tila ba nababasa
niya ang laman ng isip ko. "Noong mga araw na parati silang wala. Naroon
sila nakikipag-sagupaan sa mga bampira kasama ang mga lobo."saka lang
pumasok sa isip ko sina YoonA, DooJoon at HyunSeung. Hindi pala sila
ordinaryong tao kundi isa silang lobo. Si YoonA na ginawa ang lahat noon para
iligtas ako. At ang mga kapatid niya na pasikretong piroprotektahan ako.
"Si
YoonA na namatay dahil sa pag-ligtas sa iyo."nagulat ako sa sinabi ni MinKi.
Si YoonA namatay dahil sa akin? Bakit? "At hindi lang buhay ni YoonA ang
mawawala kundi pati kanila DongWoon at YoSeob, HyunBin, ako. Lahat tayo
mawawalang parang bula."wika ni MinKi sa frustrated na boses.
"Ano
bang ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong.
"Nasa
bead na iyan ang buhay naming mga Death God. At ang buhay mo ay nasa aming mga
Death God! Kung magagawa mong protektahan ang bead mabubuhay kami, pag nabuhay
kami mabubuhay ka rin."paligoy ligoy niyang saad.
"Naguguluhan ako! Ang sabi mo kapag nalamanb ko ang lahat mamamatay
ako kasama kayo dahil mawawalan ng bisa ang bead."lalong gumugulo ang
sitwasyo. Hindi ko na maintindihan ang lahat. Ano ba ang totoo sa mga siinasabi
niya? Hindi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan ko.
"Isa lang ang gusto kong malaman sayo ngayon! Nasa sagot mo ang
magiging resulta."huminga ng malalim si MinKi bago nag-salita ulit.
"Kaya mo bang protektahan ang bead?"napaisip ako sa tanong na iyon.
Sandali lang, bakit kailangang sagutin ko iyan? Gusto
kong sabbihing ayaw ko dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. At isa
pa siya na rin ang nag-sabing mamamatay din ako kapag nalaman ko ang lahat.
Bakit ngayon kailangan niyang itanong sa akin ang iyan?
"Pero, sandali gusto ko-"hindi ko na natapos ang sinasabi ko
dahil bigla na siyang sumingit.
"Natutuwa akong marinig na gusto mo at kaya mo. Ngayon pwede ka
nang gumising sa bangu-ngot na 'to. Sana tuparin mo ang pangako mo. Naniniwala
ako sa iyo. Sila na ang bahala sa iyo."gusto kong sumingit na hindi naman
iyon ang ibig kong sabihin pero hindi niya ako binigyan ng pag-kakataon. Sa
halip ay ipinatong niya ang kamay niya sa nuo ko saka itinulak ako. Ang lakas
ng tulak dahilan para bumagsak ako patalikod.
Isang
malalim na hininga ang binunot ko. Napaupo pa ako mula sa pag-kakahiga tapos ay
napaubo ako ng mabulunan ako ng hangin. Hinahabol ko ang bawat pag-hinga ko.
Napalingon ako ng biglang lumapit sa akin si YoSeob na may pag-aalala sa mukha.
Maging si DongWoon na naalala kong kanina pa nakaupo sa tabi ko. Hinihingal
parin ako habang nakatingin sa kanila. Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni YoSeob, sa unang
pag-kakataon ay nakita ko rin ang mga ngiti ni DongWoon.
"Pano ka nakaligtas sa lason?"walang ganang tanong ng isang
lalaki. "At sa sumpa ng katotohanan?"dugtong pa niya.
Tumingin
sa akin si YoSeob na may pag-tatanong ang mukha. "Hindi ko alam. Si MinKi.
Nakita ko siya, marami siyang sinabi sa akin na hindi ko maintindihan. Tapos
noong hawakan niya ako sa nuo at itinulak bigla na lang akong
nagising."paliwanag ko sa kanila. Natawang pagak ang lalaking nag-tanong
sa akin.
"Tsi! Hindi ko alam na hero din pala si MinKi gaya ni Ambrose?
Malamang abo na yun ngayon."sarkastiko niyang saad.
"Anong ibig niyang sabihin?'tanong ko kay YoSeob at DongWoon.
"Ibinigay ni MinKi ang buhay niya para makaligtas ka sa kamatayan.
Hindi ka na isang ilusyon ngayon."sagot ni YoSeob.
"Dahil may Death God na nag-buwis ng buhay niya para sa isang taong
patay na ang kaluluwa nito ay lilipat sa taong pinag-buwisan nito. Ibig lang
sabihin noon ay hindi ko na kailangang gamitin ang ilusyon sayo. Lahat magiging
totoo na sa iyo. Kung dati ay hindi mo nakikita ang katotohanang nasa
abandunadong lugar lang tayo nakatira ngayon ay makikita mo na kung ano talaga
ang itsura ng D'Arensbourg vill. Wala na akong maitatago pa sayo dahil hindi na
gagana ang illusion sayo. At isa pa, isa ka na ring Death God
ngayon."paliwanag ni DongWoon.
"Ang bead prinotektahan ito ni MinKi na makuntamina ng lason. Hindi
lang ikaw ang iniligtas niya kundi pati kaming mga Death God."saad ni
YoSeob na may kaunting lungkot. "Kaso isa nanaman sa kasamahan namin ang
namatay."aniya.
Namatay? Dahil nanamn sa akin? Una si YoonA ngayon si MinKi naman na minsan
ko lang nakita sa buhay ko. Bakit kailangan pa nilang mag-sakripisyo ng buhay
para lang iligtas ako? Bakit kailangang may mamatay pa para lang mabuhay ako?
Pakiramdam ko napakasama kong tao.
"Malamang naipaliwanag na sa iyo ni MinKi kung ano ang obligasyon
mo sa bead at sa amin?"halatang ayaw sa akin ng lalaking ito.
"HyunBin, bakit ba hindi ka na lang mag-pasalamat dahil nailigtas
ka pa ni MinKi?"saad ni DongWoon. Inismid lang siya ng tinawag niyang
HyunBin.
Napalingon ako sa sugat na nasa kamay at
hita ko. Naalala kong kinagat pala ako ng mga bampira. Nang-laki ang mata ko
ngg kusa itong gumagaling. Narinig kong natawa si YoSeob. Nag-tataka ko siyang
tiningnan.
"Healer si MinKi. Kaya niyang mag-pagaling ng kahit anong klaseng
sakit o sugat. Kahit may lason pa iyan o wala. Isa lang iyan sa mga bagay na
kaya niyang gawin. Isa poa doon ay kaya ka niyang kausapin sa panaginipmo. Gaya
ng ginawa niya sa iyo ngayon."ngayon ay masaya na ang aura niya.
Nang
maalala ko ang mga bagay na sinabi sa akin ni MinKi sa panaginip ko na hindi ko
naintindihan ay ay agad kong tinanong si YoSeob. "Anno ba talaga ang
tungkol sa bead? Si YoonA? Totoo bang patay na
siya?"sunod sunod kong tanong. Ngunit bago sumaggot si YoSeob ay
itinayo niya ako sa pag-kakaupo.
"Wala na si YoonA. Namatay siya ng iligtas ka niya sa kamay ng mga
bampira. Sina DooJoon at HyunSeung ay sugatan. Pero wag kang mag-alala, ayos na
sila ngayon."huminto siya sahglit bago muling nag-salita.
"Nakatadhana sa iyo ang bead. Una pa lang alam na iyon ni Ambrose.
Hindi niya pinaalam sa lahat maliban sa amin ni MinKi. Ibinigay niya ang bead
sa akon dahil gaya ko nakikita niya ang mang-yayari sa hinaharap. Nakita niyang
makikita kita at darating ang araw na maibibigay ko rin sa iyo ang bead. At
ngayon nga ay nang-yari na ito."aniya ni YoSeob.
"Pero paano kung hindi ko na-protektahan ang bead? Pano
kayo?"alala kong tanong. Natatakot ako. Paano kung hindi ko nga
ma-protektahan ang bead? siguradong hindi lang ako ang mamamatay kuni pati
sila. Nasayang ang sakripisyo ni MinKi para sa akin. Mawawalan ng saysay ang
pag-kamatay ni YoonA. "Si JunHyung? Bakit itinago niyo sa akin ang tungkol
sa kaniya?"singit ko ng bigla kong maalala si JunHyung.
"Isa sa patakaran ng Death God na may kakayahang buhayin ang isang
patay gamit angg ilusyo ay ang mag-bura ngg ala-ala. Dahil kapag nalaman ng
patay ang katotoha ay mababaliwala ang lahat. Pareho silang magiging abo ng
Death God na bumunhay sa kaniya. Iyon ang tinatawag na sumpa ng katotohanan.
Wala itong epekto sa bead na nasa loob mo. Pwede kong bawiin sa iyo ang bead
kung mamamatay ka at isalin sa iba. At kapag namatay ang ang Death God na bumuhay
sa iyo sa ibang dahilan. Mapupunta sayo ang kaluluwa niya."paliwanag ni
YoSeob.
Napalingon ako kay DongWoon na ngayon ay katabi si HyunBin. Mas risky
pala ang ginawa niya. Alam niya na kapag oras na malaman ko ang katotohanan ay
pwede siya mawala pero itinuloy niya parin. Lahat sila handang ibuwis ang buhay
para lang sa akin.
"At si JunHyung. Hawak siya ng mga bampira ngayon. Inaamin ko.
Hindi na natin siya mababawi sa kanila dahil ginawa na siyang bampira ni G.O."nalungkot
ako sa inanunsyo ni YoSeob. Balakk ko pa namang bawiin si JunHyung sa mga
bampira pero mukhang malabo nang mangyari pa ang bagay na iyon. Ngayon pa na
isa na siya sa makakaaway ko sa darating na panahon.
>>>FINALE HERE
bwiset tlgang mga bampira yan! ginwa png klaban c junghyun! peo naniniwla aq n mbait p rin c junhyun! grbe n ang mga pngyyri tlga!!!
ReplyDeleteat nklimutan q ireact...
ReplyDeleteomaygad!!!!!!!!!!!!!!!! finale n ksunod! >________________<