Sunday, June 10, 2012

Fiction and Fact: Beast - Chapter 1

CHAPTER ONE:

HADES D'ARENSBOURG

        May 25, 2001

       Dinig ko ang hiyawan ng mga taong umiiyak. Aninag ko ang katawan ng mga taong nang-hihina. Mga batang walang ibang tinatawag  kundi ang mga magulang nila dahil sa sakit na nararamdaman nila sa katawan.


     Sakit? Ganun din ang nararamdaman ko ngayon sa aking katawan. Sakit na gumuguhit sa kabuuan ng aking pag-katao. Tila dahan dahang hinihiwa ang laman ko ng isang matalas na kutsilyo na sobrang sakit ay hindi ko mapigilang mapa-sigaw. Para akong mamamatay. Masakit! Kung mamamatay lang din ako bakit ko pa kailangang danasin ang ganito.


     Naririnig ko ang nakatatanda kong kapatid na si junHyung, isinisigaw ang pangalan ko, "KiKwang! KiKwang! Gumising ka!"gusto kong sabihin sa kanya na gising ako. Gusto ko siyang hawakan pero unti-unti nang nawawalan ng pakiramdam ang buo kong katawan. At unti-unti na ring nawawala ang  paningin ko. Ang huli kong naaninag ay ang mukha ni JunHyung na umiiyak at nag-mamakaawa na huwag ko  siyang iwan.


     Bakit? Mawawala na ba ako? Saan ako pupunta? Wala naman akong ibang makita kundi dilim. Nasaan na ba ako? Nasaan si JunHyung? Nasaan ang kuya ko?


      "KiKwang!"napalingon ako sa likod ko. Sigurado akong boses ni JunHyung iyon. Pero bakit wala siya doon? "KikWang!"muling tawag mula sa lukuran ko. Lumingon ako pero wala siya.


     Tumakbo ako, tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod. Hinihingal akong napa-luhod. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pabilis ito ng pabilis kasabay sa pag-ikot ng paligid. Hinahabol ko ang bawat pag-hinga ko pero bakit tila unti-unting sumasakit ang dib-dib ko?


      Palalim ng palalim ang sakit sa para banginiipit ako, mauubusan na ako ng hininga. Wala akong magawa kundi ang humawak na dib-dib kong naninikip. "Ahhh!"sigaw ko na alam kong wala namang makakarinig. "Ahhhhh!"muli kong sigaw. Napahiga na ko sa lapag. Gusto kong mag-wala sa sakit. Nag-pagulong gulong ako, para na akong nasisiraan. Hanggang sa dahan dahang humihina ang pintig ng puso ko, dahan dahan ding nawawala ang sakit. Pahina ito ng pahina na tila isang kandilang unti unting nauubos at sa huli ay mamamatay.


PRESENT TIME


      Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nahiga sa malaking kama na kasya kahit limang tao pa. Dinama ko ang lambot nito. Para akong nakahiga sa isang higanteng bulak. Masarap sa pakiramdam, nakaka-relax. Ayaw ko na munang bumangon, ayaw ko na munang makita ang mundo sa labas ng aking kwarto. Ha! Nakakatawa. Ano nga ba ang mundo pag nakalabas na ako ng kwarto? Gusto mong malaman? Sige sasabihin ko sayo. Pero binabalaan kita, sigurado akong hindi mo rin magugustuhan.


      Magulo. Iyang ang general discription ko pag tinatanong ako kung anong klaseng buhay mayroon ako. Magulo naman talaga, lalo na kung lumaki kang walang naaalala sa nakaraan mo. Kahit man lang style ng buhok ng tatay mo, o kaya kung gaano ka-gaspang ang kamay ng nanay mo, o kung may kapatid ka ba? Minsan naiisip ko kung totoo bang may pamilya ako? Baka itinapon lang ako ng magulang ko sa basurahan at pinulot ng dalawang wirdong lalaki na umampon sa akin. Si YoSeob at DongWoon D'Arensbourg. Mag-kapatid sila. Matanda si YoSeob pero siya ang mas isip bata kumpara kay DongWoon na bihira mo lang makitang ngumiti. Seryoso siya masyado sa buhay.


      Nag-papasalamat ako sa kanila dahil inampon nila ako. Tinuring nila akong isang kapamilya kahit na hindi kami mag-kakadugo. Binigyan nila ako ng  marangyang buhay. Lahat ng luho ko nasusunod ko. Sa loob ng labing isang taon kong buhay sa kanila wala silang ibang ginawa kundi ang asikasuhin ako. At ang sabi ni YoSeob kapag dumating ang panahon na kailangan na nilang mamaalam lahat ng ari-arian ng D'Arensbourg ay ipapamana nila sa akin. Hindi ako interesado sa yaman nila. Interesado ako sa sinabi nyang pag-dating ng tamang panahon. Hindi ko maintindihan kung anong ibig nyang sabihin doon pero ayaw ko na intindihin. Dahil ayaw ko mag-isip.


     Maswerte ako dahil nakatira ako sa malawak na lupain na kayang buo ng isang bayan. Hindi mo masusukat sa tingin ang laki ng lupain. May dalawang libong tauhan sila na nag-ta-trabaho para sa kanila. Pinapasahod at pinapakain. Libre sa tirahan at may buwanang pang-gastos sa araw-araw nilang pamumuhay. Hindi ko alam kung paano lumawak ang ari-arian ng D'Arensbourg pero ayaw ko na intindihin. Dahil alam ko narin naman ang sagot. Lahat naman ng mayayaman, napunta sa kinalalagyan nila dahil sa sikap. Marahil ganoon din ang ginawa nila. Kahanga-hanga.


     Gusto ni YoSeob na pag-aralan ko ang pag-papatakbo ng D'Arensbourg Sugar Industry pero tumanggi ako. Wala akong balak humawak ng negosyo. Ayaw ko ng magulong buhay. Ayaw kong utusan ang mga taong mag-harvest ng tubo sa gitna ng parang hindi na yata humihintong ulan.  At isa pa hindi pa ko handa. Lalo na ngayong walang ibang nasa isip ko kundi puro tanong.


       Nasaakin na nga ang lahat pero bakit parang may kulang parin? Para akong isang puzzle na nawawalan ng isang piece. Parang isang baso na basag. Parang may isang bagay na hinahanap hanap ko pero hindi ko naman alam kung ano. Isang bagay na alam kong mag-papakumpleto ng pag-katao ko. Para bang hindi ko kilala ang sarili ko.


      Sino ba ako? Ako si Hades D'Arensbourg. Isang sikat na tao, nakatira sa Smethport, Pennsylvanian na bihira lang masilayan ang araw. Labing walong taong gulang, isang high school student na walang maalala sa nakaraan nya. Isang lalaki na parating nakatago ang sariili sa mga eyeliner na nasa mata at magulong buhok. Isang magaspang na ugaling pilit na itinatago ng maputi at makinis na balat. Nang-liliit na sarili sa kabila ng katangkaran? Sa mga mapupulang labi na may itinatagong madilim na pag-katao. Mga nakaka-akit na ngiti, ngunit nasasaktang puso. Ako si Hades D'Arensbourg at ito ang mundo ko, punong puno ng pag-kukunwari at pag-tatago.


      Minsan naiisip ko kung totoo ba ako? O baka naman isa lang akong character sa isang fiction story.



2 comments:

  1. first time q lng mgbsa ng really dark at gloomy n story! horror pla ang genre n2!!!

    ReplyDelete
  2. i actually enjoyed this! para maiba naman! magbabasa ako ng walang romance!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^