Monday, June 11, 2012

Fiction and Fact: Beast - Chapter 2

CHAPTER TWO
THE BOUDREAUX


         Nauglot ang magandang panaginip ko ng marinig kong tawagin ni YoSeob ang pangalan  ko. Agad akong bumangon para salubungin siya pero huli na. Nasa harap ko na siya kasama ang walang reaksyong mukha ni DongWoon.



        "Natutulog ka pala?"masayang tanong niya sa akin kahit na alam naman niya na tulog ako bago pa man siya pumasok. Hindi ko alam, pero may pag-ka-psychic si YoSeob. Kaya niyang basahin ang isip ng mga tao. Kaya wala akong maitago sa kaniya. Marahil ay alam din niya ang pinag-dadaanan kong kalituhan ngayon. kung mau isang tao man na nakakaintindi sakin siguradong siya na iyon.




        "Alam mo naman tinatanong mo pa."inis kong sagot sa kaniya. Naiinis naman talaga ako dahil mahilig siyang mag-kunwari na wala siyang alam kahit na meron. Nakita kong naningkit ang mga mata ni DongWoon. Siya ang parating nag-re-react sa mga ugali kong magaspang. At kung minsan, kapag hindi niya ito nagugustuhan ay hindi niya ipinapagamit sa akin ang paborito kong sasakyan na siya ang bumili. Ang Nissan Fairlady.





      Sa tuwing maniningkit ang mga mata niya ay tumatahimik at napapayuko na lang ako. Hindi ko man ipakita, takot ako kay DongWoon. Para kasing may nag-tatagong halimaw sa loob niya at sa oras na magalit siya ng sobra ay bigla na lang lalabas ang halimaw na iyo para kainin ako. Natawa si YoSeob sa pag-yuko ko. Tawa na napaka-elegante. Iyon ang ilan sa hinahangaan ko sa kanila.





      Si DongWoon na kung mag-salita ay para na siyang nabuhay ng ilang daang taon. Si YoSeob na kung kumilos ay napaka-graceful. Para silang mga sinaunang tao na nadala na lang ng makabagong henerasyon. Mga kutis na hindi mapuputla, pero bumabagay naman sa kanila. At kahit na nasa-edad trentay syete na si DongWoon at trentay nueve naman si YoSeob ay aakalain mong nasa twenties lamang sila dahil sa bata nilang itsura. Minsan nga ay naitanong ko kay YoSeob kung mga tao nga ba  sila o baka naman isa silang bampira natatawa nya akong sinagot, "kung bampira ako noon pa lang na makita kita sinipsip ko na ang dugo mo."Tama nga naman siya. Hindi ako tatagal ng ganito kung mga bampira nga sila. Siguro talagang ganun lang sila ng ipanganak.



       "Tara! Mangabayo tayo! Wala ka namang pasok ngayon. Dalawin natin yung tatlong mag-kakapatid"halata ang excitement sa boses at mukha ni YoSeob ng yayain niya ako mangabayo. Paborito niyang gawin iyon lalo na kapag umuulan. Isa sa wirdong ugali niya iyon.




      Ang tinutukoy niyang tatlong mag-kakapatid ay sina DooJoon, HyunSeung at Yoonha Boudreaux. Sina DooJoon at HyungSeung na ang oinakamatagal ng nag-trabahador sa D'Arensbourg Sugar Industry. Ang kapatid naman nilang si Yoonha ay classmate ko na noon pa mang elementary kami sa Smethport Area School. Sabi ni YoSeob nag-uumpisa pa lang sila kasama na nila ang mga Boudreaux. Pero ang sabi niya hindi niya nakita ang mga mabulang ng mga ito.





      Tumayo ako para pag-bigyan ang  hiling ni YoSeob. Nakita ko ang mga ngiti sa labi niya. Kung kaya ko lang ngumit na katulad ng kay YoSeob siguro laging maganda nag ulo ko. Ngunit sa tuwing mag-hahanap ako sa isang bagay na hindi ko makita nasisira ang araw ko at mas gusto ko na lang na mag-isa.





       "Tara. Gusto ko rin naman makita si Yoonha para sa assighnment namin sa Goemetry."si Yoonha kasi ang top student sa school kahit noon pa man. Ewan ko ba bakit hindi ko siya magaya. Siguro dahil sa tamad ako mag-aral. Bakit pa? Para saan? Kung tutuusin hindi ko na naman kailangan pang mag-aral pa para lang makahanap ng magandang trabaho. Kahit maupo na lang ako sa sulok ng kwarto ko siguradong may masaganang hinaharap ang nag-hihintay saakin. Si DongWoon lang naman ang mapilit na pag-aralin ako.





       Habang pinapanood ko ang graceful na galaw ni YOseob papuntang kwadra ay bigla kong nataning si DongWoon. "Hindi ka ba sasama samin?"lumingo siya sakin. Gaya ng dati, wala itong expression. Mabuti na lang at sanay ako dahil kung hindi mag-dadalawang isip na kong harapin pa siya.





      "Ayaw ko ng amoy doon."saad nito sa mababang tono ng boses. Pero kahit ganun ito kababa ay maganda paring pakinggan.


     Oo nga pala. ayaw niya ng amoy sa bahay ng Boudreaux. Sa bahay kasi nila maraming alikabok. Allergy si DongWoon sa mga ganun, madali siyang inuubo at sinisipon. Kaya naman tanging sina DooJoon, HyunSeung o kaya YoonHa na lang ang napunta sa bahay kung may kailangan sila.

       Maya-maya pa ay pareho na kami ni YoSeob ang nakasakay sa kabayo. Gamit niya si Nix ang puting kabayo at akin naman si Jinx, ang itim na kabayo. Si Jinx ang regalo saakin ni YoSeob noong matuto ako mangabayo. Tuwang tuwa siya noon kaya agad niya akong binilihan ng isa hanggang sa dumami sila. Ngayon ay may sampung kabayo na ako kasama na doon ang regalo ni DongWoon.


       Nag-paunahan kaming makarating ni YoSeob sa bahay nila YoonHa. Gaya ng dati, hindi ko parin matalo ang bilis niya sa pag-papatakbo. Minsan masarap din man kasama siyga-bayo kasama si YoSeob, kaso minsan mas pinili ko ang mag-kulong sa kwarto at mag-isip.


       Malayo pa lang inaabangan na agan kani ni YoonHa sa labas ng maliit nilang bahay. Ewan ko ba, parang ang lakas ng pang-amoy niya. Dahil kahit ilang kilometro pa ang layo ng isang tao alam na niya agad kung sino ang dadating. Minsan napapa-isip ako siguro hindi talaga ako nakatira sa Pennsylvanian dahil kung dito ako nakatira noon pa man ay may mga wirdong abilidad din ako gaya nila. Siguro ay napa-ka-elegante ko at napaka-graceful ng galaw ko gaya nila DongWoon at YoSeob o kaya naman ay nahuhulaan ko agad kung sino ang padating kahit na nasa kabilang ibayo pa ang tao gaya ni YoonHa. Sayang~


       "Hades!"masayang bati sakin ni YoonHa. Saya na parang wala ng mapag-lagyan. Lagi siyang ganiyan. Ngumingiti na walang kasing tamis sa tuwing makikita niya kami ni YoSeob na dumadalaw sa kanila. At kapag-nasa school kami. Masayahin at napaka-sweet ng ugali ni YoonHa. Lagi kasi niya akong dinadalhan ng ginawa niyang chocolate cookies simula ng sabihin ko na favorite ko iyon. Itinuturing ko na rin siyang kapatid. Gusto ko nga sana patirahin siya sa bahay kaso ayaw naman ng mga kapatid niya dahil wala daw mag-luluto sa kanila araw-araw. Nakakatawang dahilan. Sa bagay mahirap nga naman ang walang taga-luto sa bagay.


     "Kamusta?"masayang panga-ngamusta ko. Ilang saglit pa ay lumabas sina DooJoon at HyunSeung. Halatang kararating lamang ng mga ito galing trabaho dahil sa madumi pa ang katawan nila at mga damit na nakasabit sa balikat. Kitang kita mo talaga sa kanila ang grabeng pag-ta-trabaho dahil sa mga hubog nilang muscle hindi lang sa mga kamay at braso kundi maging sa kanilang tiyan. 


      "Master Hades, Senior YoSeob! Kayo po pala?"naiilang paring bati ni DooJoon kahit na ilang dekada na silang mag-kasama ni YoSeob. "Napasyal ho kayo?"tanong niya samin. Si YoSeob na ang sumagot. Sinulyapan ko naman ang pangalawa sa nakababatang kapatid ni DooJonn na si HyunSeung, nakangiti at magalangnya akong tinanguan.


       "Gusto lang namin malaman kung ayos lang kayo dito."aniya ni YoSeob. Matapos kong sulyapan si HyunSeung ay si YoSeob naman ang tiningnan ko. Napansin kong may kakaiba sa mga titig nito kay DooJoon. Titig na para bang kinakausap niya ito sa isip. Ganun din ang mga titig ni DooJoon. At ang itsura nila na para bang napaka-seryoso ng mga pinag-uusapan nila. Pero hindi ko na lamang pinansin dahil parati naman silang ganun. 


      Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni YoonHa papasok sa loob ng bahay. Maliit lang talaga iyon dahil pag-pasok mo ay makikita mo agad ang salas nila na mayroon lamang isang couch at maliit na lamesa. Sa kanang bahagi ay naroon na ang kanilang kusina. Sa kaliwa ay ang nag-iisang maliit na kwarto na si YoonHa lamang ang gumagamit. Naka-bukod ang banyo nila sa labas na kailangan mo pang lumakad ng trentang hakbang para marating ito. Kahoy lamang ang padir, pinto at bubog nito. Kumukuha sila ng tubig na sa balong may limang metro ang layo sa bahay at banyo. 


      "May cookies akong ginawa. Tikman mo."kinuha ni YoonHa ang isang piraso ng cookies tapos ay  marahan niyang isinubo sa akin. Kinagatan ko ito, tulad nang dati. Masarap parin ito, walang pinag-bago. Walang duda. Magaling talaga mag-bake si YoonHa.


      "Ang sarap parin!"sabi ko sa kanya. Muling sumilay ang mga ngiti niya. Halatang nagustuhan niya ang mga sinabi ko dahil namumula pa siya. Gustong gusto talaga niya na pinupuri namin siya. Inubos ko ang isinubo niyang cookies saakin at kumuha pa ulit ng dalawa. Masarap naman kasi talaga. Malalasahan mo  sa bibig ang tamis ng chocolate. At kapag nilunok mo ito ay may maiiwan paring matamis. Hindi siya crispy, malambot lang siya kaya masarap nguyain o kaya naman ay sip-sipin lang sa bibig.


       Nag-e-enjoy ako sa pag-kain, habang si YoonHa naman ay nag-huhugas ng mga plato. Mukha ngang mauubos ko na ang cookies. Pero bago mamng-yari iyon gusto ko munang matikman iyon ni YoSeob at DongWoon. Kumuha ako ng tatlo at ibinulsa tapos ay muli akong kumuha ng dalawa para ibigay kay YoSeob.


        Nilingon ko sila sa labas. Tanaw kasi sila mula sa bintana na nasa kusina. Nakita kong parang may seryoso silang pinag-uusapan dahil ngayon ko lang nakitang ganun ka-seryoso ang mukha ni YoSeob. May sinasabi ito kay DooJoon at HyunSeung pero hindi ko maintindihan. Tiningnan ko ang mga mukha ng dalawa. Tahimik lang din itong nakikinig. Ano bang ginagawa ni YoSeob? Pinagagalitan ba niya ang dalawa? Bakit? May nagawa bang mali ang mga  ito? Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla niya akong niyaya dito?


         Maya-maya pa ay umalis na kami. Nag-paalam na ako kay YoonHa. Halata ang lungkot sa mukha, nginitian ko siya tapos ay ginulo ko ang natural brown long hair niya. "Wag ka ng malungkot. Mag-kikita naman tayo sa school bukas e."saad ko sa kaniya. Mabuti at napangiti ko ulit siya.


        "Sige."paalam ni YoSeob sa una ay nakangiti ito ngunit ng tingnan niya ang dalawa ay sumeryoso ang mukha niya ganun din ang dalawa. Ilang saglit pa ay sakay na kami ng mga kabayo pauwi ng bahay. Sa pag-dating sa napakalaking mansyon ng D'Arensbourg ay naitanong ko kay YoSeob ang napag-usapan nilang tatlo nila DooJoon at HyunSeung.


         "Ano ang pinag-uusapan niyo kaninang tatlo?"seryoso kong tanong. Dagling nagulat si YoSeob ngunit elegante muli itong ngumiti.


        "Napag-usapan lang namin yung napapabalitang mag-nanakaw na pumasok D'Arensbourg Ville."hinubad niya ang mag-kabilaang gloves niya. Ganun na rin ang ginawa ko.


           "Mag-nanakaw? Hindi ba delikado iyon? Baka may masaktan sa mga tauhan natin?"saad ko. "Baka mamaya hindi lang sila pag-nakawan nito, baka patayin pa sila."dugtong ko pa.


          "Sana 'wag na humantong sa ganun." simpleng sagot ni YoSeob na para bang kilala nito kung sino ang mag-nanakaw. Mag-sasalita pa sana ako kaso sinalubong na kami ni DongWoon sa pinto. Nag-katitigan lang sila ni YoSeob ay tila nag-kaintindihan na sila sa nang-yayari. Iba talaga ang instinct ng mag-kapatid.


          Matapos ang hapunan ay inihatid ako ni YoSeob at DongWoon sa kwarto ko. Madalas nilang gawin iyon kapag may pag-aalala silang pilit na itinatago sa akin. Bago sila lumabas ay may mga paalala pa sila sa akin. "Wag na wag ka nang mag-bubukas ng bintana mo. Hayaan mo lang na laging naka-lock ang mga ito at nakalag-lad ang mga kurtina."saad ni YoSeob.


         "Madilim."reklamo ko.


        "Wag ka nang mag-reklamo. Sundin mo na lang kami."Okay, basta si DongWoon ang nag-sabi wala na akong palag. "Bawal ka na munang mag-drive mag-isa. Hindi mo muna gagamitin ang sasakyan mo hanggat hindi ko sinasabi."ayaw kong sumagot. Dahil hindi pabor sa akin ang kundisyon na iyon. Bakit? Dahil lang sa isang mag-nanakaw napa-paranoid na sila? Takot kong nilingon si DongWoon. Walang nag-bago, seryoso parin ito. Wala na akong magawa kundi ang bumuntong hininga. Matapos ang mga paalala ay lumabas na sila.


        Laging isara ang bintana? Hindi ako sanay na ganun pag natutulog. Gusto ko laging nakabukas ang lahat ng bintana. Bubuksan ko lahat at kapag malapit na ang umaga gigising ako para isara ulit. Nilanghap ko ang preskong halimuyak ng malamig na hangin. Tapos ay nahiga ako sa kama at muli iniisip ko nanaman ang isang bagay na kulang sa akin. Hanggang sa unti-unti akong nawawalan ng malay. At unti-unting lumalabo ang paningin ko habang dinadama ko parin ang malaks at malamig na simoy ngg hanggin sa labasng bintana.





4 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^