Tuesday, June 12, 2012

My Borrowed Love : Chapter 18

(Danielle's POV)



"Yung Date natin bukas ah? I need you to be Presentable." Sabi niya dun sa may Mic.



Oh...My...God.





Tsk! Talaga 'to si Matthew. Baka magalit sakin si Ruijin nito eh!





Bat ko nga ba iniisip yung isang yun? Haaay Ewan!




Nagsmile lang ako sa kanya. Nakita kong tumayo si Ruijin at tumakbo palabas ng Gym. Hala? Bakit?





---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Russle's POV)




Ako si Russle Hernandez. Ex-Boy Friend ni Ruijin. Ex-Best Friend niya rin. Thats it. 





Nandito lahat ng Students sa Gymnasium. Teka? Yung babaeng yan yung...Yung nakita kong umiiyak kahapon diba? Eh? Naka-upo ako sa likod ni Ruijin. Nakita ko siyang tumayo, nagkatinginan pa nga kami eh. Tumakbo siya palabas ng Gym. Sinundan ko siya. Walang pwedeng magpa-iyak kay Ruijin.





Sumunod ako kay Ruijin papunta sa labas. 





Nakita ko siyang umiiyak. Bakit? Bat ba siya umiiyak? Dahil sa lalaking yon?





Ni-tap ko yung left shoulder niya. Lumingon siya sakin.





"Mahal mo na ba yung lalaking yun?" Tanong ko sa kanya. Nagulat siya, nagulat rin ako kung bakit yun ang unang lumabas sa bibig ko eh.





"Oo. Pero hindi na kasi pwede eh. Mahal kasi siya ng Best Friend ko." Sagot niya habang umiiyak.




"Wag na kasi yung lalaking yun ang mahalin mo. Pwede namang ako na lang diba?" Sabi ko tapos hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi.




"Russle..." Banggit niya sa pangalan ko habang nakatitig sa mata ko.






Inilapat ko yung noo ko sa noo niya.





"For the Second Time. Can i Borrow your love? I can't just watch you to be hurt by anyone. I'm begging you Ruijin, please come back to me? Please? Please?" Pag-mamakaawa ko sa kanya. Tumutulo na rin yung luha ko. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. 





Tumango siya habang nakadikit pa rin yung noo ko sa noo niya.





Ngumiti ako sa kanya ng malungkot.





Hindi ko na siya hahayaang malungkot. Hinding hindi na. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap.





--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Rieley's POV)





You'll Definitely Regret this Day Black Feather! Akin lang si Matthew! 





Date? Sure! I'll ruin it. 





Princess Rieley Alonzo, baka nakakalimutan mo matthew? Kaya kong sumira ng tiwala ng ibang tao. Tsss. Goodluck Black Feather. 




"Rie, tama na. Sabi ko naman sayo eh. Iba na lang ang gustuhin mo. Since First Year College crush na ni Matthew si Black Feather kaya wala ka nang magagawa dun." Sabi ni Aira habang hinahagod niya yung likod ko.





"Shut The Fuck Up Aira! Akin lang si Matthew! Akin lang siya! " Sagot ko.





"Tanggapin mo na Rieley. Hindi sayo si Matthew." Nasampal ko si Aira dahil sa sinabi niyang yun.





"Nakalimutan mo na ata, Aira? Lahat ng gusto ko nakukuha ko! Are you really my Cousin, Aira? Ganito na ako since bata pa lang! Lahat nakukuha ko kaya hindi ko hahayaang mapunta siya sa ibang tao!" Pagpupumilit ko.





"Goodluck bhes. Ikaw na bahala sa buhay mo. I'm soo out of it. I'll not tell tita, pero kapag nalaman niya 'to i'm sure ililipat ka niya." Sabi ni Aira tapos tumayo na at nag-lakad palayo.





--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




(Danielle's POV)





Tapos na yung Program. Nandito kami ni Matthew sa Ice Cream Parlor. Dami niya ngang binili eh. Gusto akong patabain. Tsss.





"Nga pala Danielle." Sabi niya habang kumakain siya ng Buko pandan na flavor.





"Hmm?"





"Bukas ah? 6 pm. Sa Villa Fuente Paradise tayo magkikita." eh? Adik siya sa date? Mas excited siya kesa saken? Kasi actually ako hindi excited eh.





"Okay." Maikli kong sabi sa kanya.





"Ui! Badtrip ka ba?" Huh? Badtrip? Hindi naman ah?





"Bat naman ako mababadtrip ah?" Tanong ko sa kanya.





"Ang tipid mo kasi sumagot eh." Sabi niya sakin.





"Tss. Wala 'to. Halatang hindi ka pa sanay sakin. Tipid talaga akong sumagot." Sabi ko habang naka-poker Face.





> The NEXT DAY: 5:25 pm.
>At the RIVERA MANSION.





Nakaligo na ako. Actually nandito ako sa Walk-in-Closet ko. Hmmm.





White Loose Shirt na may Design na Falling Black Feather then Leather Jeans then... Aha! Pure Black Converse!





Pagkatapos ko mag-bihis bumaba na ako pero nagulat ako nung nandito pala sila Fei at Mika sa baba. Hinatak ako ni Mika paakyat ulit sa kwarto ko then si Fei naman naka-alalay habang tinutulak ako. Eeeh? Anyare sa kanila?





Pagdating namin sa kwarto ko Pinaupo nila ako sa Kama ko at silang dalawa yung pumasok sa Walk-in-Closet ko.





"Oi! Ano bang ginagawa niyo dyan?!" Sigaw ko.





"Duh~! Pinuno sabi ni Matthew kahapon gusto niya presentable ka! Eh ano yan? Presentable ba yan?!" Sabay pa nilang tanong sakin nung sumilip sila. Tss!





"Hoy! Umalis nga kayo dyan! 5:30 na ano ba! " Sigaw ko sa kanila.





"Ipipili ka namin ng magandang damit pinuno!" Sigaw in Mika.




"Ano ba kayo?! Presentable naman ako 'no?" Sigaw ko pabalik.





Biglang may kumatok then pumasok si Mom.





"Oh? Bakit po?" Tanong ko.





"Nandyan sila Fei at Mika ah? Bat di mo babain?" Tanong ni Mom sakin.





Saktong lumabas sa Walk-in-Closet ko yung dalawa. Nagulat nga si Mom eh.





"Look tita! Makikipag-Date siya kay Matthew ng ganyan yung damit. Diba hindi presentable?" Sabi ni Fei tapos tinuro pa ko.





"Fei is right, Danielle. Ano ka ba! Kung makikipag-date ka hindi lang basta Jeans and shirt ang suot mo. Mas maganda kung Dress and heels para naman alam ng ka-date mo na Date yung pupuntahan mo." Ee? Pinangaralan ako eh?





"Yah! Tita's right! And siyempre, dapat may Make-up na kasama!" Sabat naman ni Mika.





Haaay. Wala na nga akong nagawa para pigilan sila. Inayusan nila ako. Psh! Di kaya ako sanay ng naka-heels!





AAARGHH! Pero okay na nga! Medyo sanay pa naman. Haha!


(Danielle's Picture)


AISH! Kinakabahan ako..





Hinatid ako ni Fei at Mika sa Gate ng Paradise. Yung mga tingin ng mga estudyante dito eh. Bago ba ko dito?!





Nakita ko na si Matthew. Naglakad ako papunta sa kanya pero nung malapit na ako bigla akong natapilok. AAAAHH!





Napapikit ako pero... Inaantay kong sumakit yung katawan ko pero pag-dilat ko nakita kong naka-alalay si Matthew para hindi ako matumba.





Aaack! Kinikilabutan ako sa pwesto namin eh.





Umayos na kami ng tayo.





"Sorry." Pag-papaumanhin ko. Nakakahiya talaga. Natapilok pa ko sa harap niya eh!





"Its okay. Wala namang kaso yun. Natapilok lang eh, sino bang tao ang hindi natatapilok?" Sagot niya sakin.





"Uh.. Ayos lang ba Itsura ko? Di ba ko mukhang Alien?" Tanong ko ng nahihiya. Baka kasi panget para sa kanya.





"Haha? Alien? Are you Insane? Of course hindi mukhang alien! Ano ka ba, ang ganda kaya. Simple yet Gorgeous." Sagot niya sakin. Sabay... Kindat? Is it only me na nakakita? Or totoong Kinindatan niya ko?




"Uh.. Thanks." Sabi ko na lang. Nahihiya talaga ko eh.





Inalok niya sakin yung braso niya para kumapit. 




Kumapit na lang ako then naglakad kami papunta sa Car Park at sumakay sa Kotse niya.




Teka lang? Uh...Casual Formal ang dating nung suot niya?





Wow! Eeeh?





Nakarating na kami sa Restaurant.





Pag-pasok namin...Nag-bow yung dalawang Waitress sa giild namin then hinatid kami sa Table namin. Weeew. Ganito ba talaga dito?





"Sila mom and dad?" Tanong ni Matthew dun sa  waitress na sumunod samin.





"Parating na po sila." Sagot nung waitress."Excuse me sir." Tapos nag-bow at umalis na.




"Ganito ba talaga dito?"Tanong ko sa kanya.




"Uhmm. Yung bow sa entrance oo. This restaurant is our property. Actually yung pag-bow sa entrance kami talaga ng kapatid ko nagpasimuno nun. Nung bata pa kami palagi kaming nandito at kapag may papasok na customer nagbo-bow kami." Pag-kukwento niya.




Eeeh? Ang gara eh?




"GOOD EVENING MA'AM, SIR." Bati ng lahat ng nagta-trabaho dito.




Napalingon kami ni Matthew. Nagulat ako kasi biglang tumayo si Matthew at hinawakan yung kamay ko.



Tumayo na lang ako saka kami naglakad para salubungin yung Mom and Dad niya.










1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^