Monday, June 4, 2012

My Borrowed Love : Chapter 10




(Cyrus' POV)



Bumalik na ko dun sa kwarto at nakita ko na nandun din yung doctor.




"Its really a miracle Mrs. Rivera. 45 minutes na po yung nakakalipas pero nabuhay pa po yung anak niyo. Napaka-laki po talagang help yung prayers na ginawa niyo." Sabi ni doc.



"Thanks to god talaga. Uh.. Nga pala doc, kelan po siya pedeng makauwi na?" Tanong ni tita dun sa doctor.



"One week for her recovery. Kapag hindi po naging mabilis ang recovery niya it'll be 2 or 3 weeks." Sagot ni doc.



"Naku, sana one week na lang for her fast recovery. Para makahabol pa siya sa naiwan niyang lessons sa university niya." Sabi ni Tita.



"Sige po, mauna na ako Mrs. Rivera." Sabi ni doc tapos umalis na.



***



> SUNDAY NOON <



Nandito kaming apat sa room ni Danielle. Si tita at dae pinagpapahinga namin.



Gising din ngayon si Danielle at kakwentuhan niya yung dalawang babae.



Kami naman ni jairus nagbubulungan.



"Nasaan ba si Ruijin?"Tanong ko kay jairus ng pabulong.



"Nasa condo unit niya. Mamaya pang hapon yun pupunta." Bulong din ni Jairus sakin.



"Papuntahin mo na ngayon." 



"Papuntahin? Seryoso ka? Baka magsagutan na naman yung dalawa kapag pinapunta mo yun ngayon."Sabi ni jairus na medyo napalakas.



"Ano ka ba! Para masabi na rin natin kay Danielle yung tungkol sa gang!" Napalakas na rin yung boses ko.



"Cy, Jai, Anong sasabihin niyo sakin na tungkol sa gang?" Tanong ni Danielle.



"..." Hindi kami sumasagot ni Jairus.



"Ano ba! Ano nga yung tungkol sa GANG?!! CYRUS! JAIRUS!"Sigaw ni Danielle.



Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Ruijin.



"Hey! Why are you shouting Danielle?" Tanong ni Ruijin at umupo katabi nila fei at mika.



"None of your business Pink Lion."Sabi ni Danielle at umirap.



"Ahem. P-pink Lion? Repeat it please? Correction. It's Pink Feather."Ngingising sabi ni Ruijin habang nangaasar.



"What?! Pink Feather?! Assuming ka? Ang pagkakatanda ko bumagsak ka sa challenges na binigay namin. Maybe 75 percent ang nakuha mo pero malaking bagay pa rin yung saamin ni Jairus. Dalawang Challenge lang ang ibagsak mo di ka na makukuha."Ngising sabi din ni danielle.



AARGH!! Bat ba away ng away 'tong dalawang 'to? Tapos magkakapikunan din. HAAY.



"Me? Assuming? Just ask them. They know the truth. Alis muna ko, punta lang ako sa Starbucks dyan sa tapat ng Hospital."Sabi ni Ruijin at umalis na.



Ano 'to? Iiwan kaming nakabitin? Gagu yun ah. 



"FEATHER GANG!! Ano ba talaga yung sinasabi ni Ruijin?!"Sigaw ulit ni Danielle.



"Alis muna kami danielle."Paalam nila fei at mika sabay dali-daling lumabas ng kwarto.



Girl Friend ko ba yun si mika? Eh bat hinayaan ako dito?



"Jairus! Cyrus! Ano ba ha?! Magsalita kayo!" Sigaw na naman ni Danielle.



"Danielle. Bibili pala muna ko ng makakain natin. Tol alis muna ko." Sabi din ni Jairus at dali-daling lumabas.



ANO BA?!! Nakakatakot kaya 'tong si Danielle kapag galit!



"CYRUS! Wag na wag kang magbabalak na umalis. Ipinapangako ko, kapag umalis ka dito, kapag nakalabas ako dito tatanggalin kita sa grupo at hindi talaga kita bubuhayin Cyrus." Pamatay na sabi ni Danielle sakin.



"Yatz. Sorry na, napagdesisyunan ko lang naman na pasalihin si Ruijin eh. Kung hindi dahil sa kanya baka di ka namin nailigtas, baka hindi ka niya nailigtas. Isa pa, pasalamat din namin kay Ner--"Pinutol niya yung sasabihin ko.



"Kay Matthew?"Tanong niya at napalingon sakin.



"Huh? Uh.. O-oo. Pasalamat din kami kasi kung hindi ka niya nakita siguro pinaglalamayan ka na namin ngayon."Sabi ko sa kanya tapos umiwas ako ng tingin.



"LETSUGAS CYRUS!! BAKIT NIYO BA KASI ISINALI SI RUIJIN?! MASAYA NGA AKO NUNG DI SIYA NAKAPASA EH! TAPOS IKAW 'TONG MAGPAPASOK SA KANYA SA GANG?!! NASISIRAAN KA BA NG ULO CYRUS?!!" Galit na galit na sigaw ni Danielle sakin.



"Danielle, hindi. Ano ka ba, Assistant Leader ako kaya kapag wala ka, pede naman akong magdesisyon para sa gang!"Sigaw ko rin sa kanya.



"Ulul KA BA?! WALA AKONG SINABING PEDE KANG MAGDESISYON NG WALA AKO!! KAPAG NAMATAY AKO SAKA KA LANG MAGIGING LEADER! NGAYON OO, SABIHIN NA NATING ASSISTANT LEADER KA, PERO HINDI KA LEADER PARA MAGDESISYON. IKAW LANG ANG BAHALA SA GANG NATIN! PERO HINDI SA PAGDEDESISYON NG GANUN!" Sigaw din ni Danielle.



"Eh, Sincere naman si Ruijin na sumali sa Gang natin eh." Sabi ko sa kanya ng mahinahon.



"Kay Fine. Kasali na siya sa Feather gang pero tandaan niyo 'to. Kahit kasali siya hinding hindi ko siya hahayaang makatapak sa HQ natin at hindi ko rin siya ituturing na ka-gang ko. " Sagot ni Danielle tapos pumikit na lang siya.



Maya-maya biglang bumukas yung pintuan at pumasok si ruijin, Jairus, Fei, at mika. May dalang pagkain si Jairus, tapos si Ruijin naman may dalang Anim na Frap. Yaman ah?



"Eto na yung Pagkain oh. Jollibee yan." Sabi ni jairus at nilapag sa lamesang maliit yung mga styro.



"Lul. Jollibee ka dyan, Dapat bumili ka rin ng Chocolate Float." Sabi ko sa kanya.



"Hala? May Frap na may Float pa? Sosyal ka niyan Cyrus."Sabi ni jairus sakin tapos umupo sa tabi ni danielle.



"Heto, Chickenjoy, pati spaghetti. Kainin mo yan ah?"sabi ni jairus at inabot yung pagkain.



Kinuha ko na rin yung pagkain ko at binuksan para kumain.



Kumuha na rin sila.



AFTER EATING



*TOK! TOK!*



"Hoy! Ruijin yung pinto." Sabay-sabay naming sabi.



"Whatever." Sabi niya tapos tumayo na at binuksan yung pinto.



"Hey! Matthew ikaw pala." Huh? Kilala niya yung nerd? Ah oo nga pala, nag-aaral na rin kasi siya sa Villa Fuente.



"Oo, ako nga." Pumasok siya at lumapit kay Danielle."Ui. Musta ka na?" Tanong niya kay danielle.



"I'm Fine."Sabi ni Danielle ng walang gana tapos kinuha yung iPod niya at nagheadset saka pumikit.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


(Danielle's POV)



BWISET NAMAN OH!!



*poke*



*poke*



*poke*



AARGHH!



Pagmulat ko ng mata ko tinanggal ko yung headset ko.



"ANO BA HA?!"Sigaw ko sa kanya.



"Ui. Maayos na lagay mo? May masakit ba sayo? Kelangan mong tubig? Pagkain?"Tanong niya sakin.



LETSUGAS NAMAN OH!



"ANO BA HA?! MAAYOS NA YUNG LAGAY KO AT WALANG MASAKIT SAKEN!! HINDI KO KELANGAN NG TUBIG DAHIL KAKAINOM KO LANG!! KAKAKAIN KO NGA RIN LANG EHH! KAYA PEDE BA WAG KA NGANG MAKULET!! BAD TRIP AKO KAYA PEDE BA HA?! LUMAYO-LAYO KA! " Sigaw ko sa kanya.



"Ayoko nga."Sabi niya tapos umupo pa sa hinihigaan ko. 



GAGU BA SIYA TALAGA?!!



"WAG KANG DUMIKIT SABI KO!! NAKAKAINTINDI KA BA HA?!!" Sigaw ko pa sa kanya.



"Hindi." Sabi niya na parang nanghahamon.



"BWISET NAMAN TALAGA OH!! BAKET BA NAPAKA TAGAL NG HUWEBES PARA MAKALABAS NA KO DITO SA WALANG HIYANG OSPITAL NA 'TO?!!" Sigaw ko pa at tinulak siya.



Pero di ko talaga siya maitulak. KAINES!!



"ANO BA!! LUMAYO KA NAMAN! " Sigaw ko sa kanya ulit tapos itinulak ulit siya.



SA WAKAS!! Naitulak ko rin siya!




 Pero... AARGHH! Umupo na naman?!!



"MATTHEW MARC VILLA FUENTE!! LUMAYAS KA NGA SA HINIHIGAAN KOOO!! NAKAKAINTINDI KA NAMAN SIGURO DIBA?!"









1 comment:

  1. ~>angel is luv<~


    mathhew! ang kulit agad! baka mabinat si danielle! euhaha~

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^