(Danielle's POV)
Tumayo na lang ako saka kami naglakad para salubungin yung Mom and Dad niya.
Nag-kiss si Matthew sa Mom niya. Then nagulat ako nung after nila mag-cheek-to-cheek Nakipag-Cheek-to-cheek din sakin yung Mom ni Matthew.
"Good Evening po." Bati ko sa kanilang dalawa habang nakangiti ng Matamis.
Ngumiti sila parehas sakin pero napansin ko lang parang ang asim ng ngiti ng Mom ni Matthew sakin.
Haay. Bakit ba pinapakielaman ko pa yun?
Naglakad na kaming apat pabalik sa Table then umorder na rin sila.
Tsk.. Ano ba 'to.. Kinikilabutan ako sa tingin ng Mom ni Matthew. Haay.
Habang kumakain kami kinakausap ako ng Dad ni Matthew.
"I like you for my son iha. Bagay na bagay kayo." Bigla akong namula dun ah?
"Uh..Thank you po Sir." Nahihiya kong sagot.
"C'mon iha! We're not in a Business Talk so don't call me sir. Tito Marc will be Fine." Sabi niya sakin.
"To be honest. I think Althea is more Compatible with Martin. " Sabat nung Mom ni Matthew.
Martin... Parang Familliar yung Name niya..
"Ma! Ano ba naman kayo oh! Nililigawan ko po si Danielle pero sa halip na suportahan niyo ko sinasabi niyo na mas Compatible si Danielle kay Martin. Ano ba naman yan oh!" Naiinis na saad ni Matthew.
"Stop it!" Awat ng Dad ni Matthew. Ah este ni tito pala.
"Darla, wag ka namang ganyan! Don't be so childish! Eto yung isa mong anak, nanliligaw kay Danielle pero bakit ba lagi mong sinasali si Martin? Yung suwail mong anak?!" Tsk.. Bat ba ganito sila?!
"Pwede ba Marc?! Wag mo ngang tawagin na suwail si Martin! Suwail din naman yang Isa mong anak ah?! Pwede ba ha?! Excuse me Matthew." Tapos tumayo siya at naglakad papunta sa C.R.
I think kelangan ko siyang kausapin.
"Excuse me." Tapos tumayo na rin ako at pumunta sa C.R.
Pagdating ko ko dun may nagcocomfort na sa Mom ni Matthew. Teka? Eto yung girl na kasama niya ah? Yung humatak sa kanya?
"Ahem." Tikhim ko.
Napalingon sakin yung Babae na humatak kay matthew at tinaasan ako ng kilay.
"Sino bang may gawa tita? Yang BABAENG yan?" Tanong niya na ine-emphasize pa yung 'BABAE' Errr! Kung wala lang mom ni Matthew dito baka ginulpi ko na 'to. Panira eh.
"Sige na Rieley, umalis ka na muna. Thanks for the Comfort." Tapos umalis na yung babae.
"T-tita ayos lang--" Pinutol niya bigla yung sasabihin ko eh?
"Don't you ever call me tita! Pwede mo lang akong tawagin na tita kapag lumayo ka kay Matthew!" Natigilan ako sa sinabi niya.
Bat ko lalayuan si Matthew? Wala naman akong ginawang masama kay Matthew ah?
"Wa---"
"No more thoughts! Just stay away from Matthew! Ano ka ba naman Althea?! Ikaw ang First Love ni Martin then First Love ka rin ni Matthew?! Tigilan mo na si Matthew! Mas gusto ko si Rieley para kay Matthew. Ayaw kong makakarating 'to kay Matthew, maliwanag ba?!" Sa sobrang takot ko napa-tango na lang ako.
Anong gagawin ko? Lalayuan ko ba si Matthew? Sabi ng mom ni Matthew....Yung kapatid daw ni Matthew first love din ako...Then..May kinwento din si Matthew sakin about sa kapatid niya...Bata pa lang daw sila may first love na daw yung kapatid niya...
It means...First Love ako ni Martin?
"Iha, are you okay?"
P-pero.. First Love ko rin si Matthew...
"Iha?"
Bakit ba feeling ko Bawal na Pag-ibig 'tong pinasok ko?!! Bakit ba pinagbabawalan ako ng Mom ni Matthew? Nanliligaw pa lang naman si Matthew ah?
"Danielle?! Danielle?" Natauhan ako bigla nung may yumuyugyog sakin.
Si tito pala. Wala na pala mom ni Matthew dito sa C.R.
"Uh...Sorry tito." Tapos yumuko ako at pinunasan yung luha ko.
"C'mon! Nagaantay na sa labas si Matthew."
Lumabas na kami ng C.R. at dumiretso sa Table.
"Sumama ka na Matthew. Emergency ata yan" Narinig kong sabi ng mom ni Matthew.
"Tss. Sorry rieley. Pero hindi ako sasama. Palagi na lang kasi eh. Kapag may emergency ako ang palagi mong hinahatak. Pwede ba Rie? Hindi lang ako ang kaibigan mong lalaki. Kung tutuusin pwede mo namang tawagan si Kenneth." Sabi ni Matthew na naiinis.
Nung makalapit kami nagtanong ako kaagad.
"What's Happening here?" Then tumingin ako dun sa babae at tinaasan siya ng kilay. "And what are you doing here?" Tanong ko rin sa kanya.
Di siya nakasagot sa halip tumakbo na lang palabas ng Restau.
Tss.
"Danielle?" Tapos tumayo si Matthew at lumapit sakin.
"Umiyak ka ba?" Tanong ni Matthew sakin.
"Huh? Hindi ah?" Pagsisinungaling ko.
"Hindi naman namumugto yang mata mo kanina eh. Tska tignan mo nga! Nabura na yung Make-up mo buti na lang di ka naglagay ng Eye-liner at Mascara kundi kumalat na yan sa mukha mo."Nag-aalala niyang sabi.
Tumingin ako sa Mom ni Matthew. Masama yung tingin niya sakin... Sasabihin ko ba?
"Uh.. Matthew alis na ko." Sabi ko tapos umiwas na sa kanya.
"Tara hatid na kita." Tapos hinawakan niya ko sa kamay. Nagulat ako kaya nahatak ko yung kamay ko.
Tumingin siya sakin na nagtataka.
"May ginawa ba kong masama Danielle?" Tanong niya sakin.
Umiling lang ako tapos naglakad na.
"Teka!"Pigil niya at hinabol ako.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Hatid na kita. " Tapos hinawakan niya ulit yung kamay ko at nagulat na naman ako kasi binawi ko na naman yung kamay ko.
"May problema ba Danielle? Bat ayaw mong hinahawakan ko yung kamay mo?" Medyo na-iiyak na yung boses niya.
"W-wala. Wala 'to. Wag mo na lang siguro muna hawakan yung kamay ko. Wag ka mag-alala wala kang ginawang masama." Sabi ko sa kanya para hindi na tumulo yung luha niya na parang anytime babagsak.
"Sige. Tara hatid na kita." Tapos lumabas na kami ng Restaurant at sumakay sa Kotse niya.
Hinatid niya ako hanggang sa Mansion.
"Sige, dito na lang ako matthew. Salamat." Tapos nagkiss na ako sa Right Cheek niya at lumabas na.
Inantay ko lang na umalis siya saka ako papasok sa loob ng bahay.
Hinatid niya kasi ako hanggang sa loob ng Gate namin.
Pagka-alis niya pumasok na ako sa Loob at nakita ko sa loob yung apat. Oh? Nasan si Ruijin?
"Oi! Anong ginagawa niyo dito?"Tanong ko pagpasok ko.
Napalingon silang apat at sabay-sabay na tumayo.
"May problema pinuno." Sabay-sabay na naman nilang sabi.
Ano ba?! Chorus sila?!
"Ano namang Problema yan? Kagagaling ko lang sa problema tapos problema na naman?" Tanong ko habang medyo nakapikit. Tinatamad talaga ako. Pagod pa ako dahil naka-heels.
"I think ikaw na ang dapat makakita ng problema natin." Sabi in Cyrus.
Ano bang Problema yon at di nila masabi-sabi Ah?!
"Sabihin niyo na. Pagod ako." Tapos naglakad na ako papunta sa hagdan.
"Best Friend slash Boy Friend ni Ruijin ang leader ng Water Dragon Gang." Sabi naamn ni Fei.
Napalingon ako at napabalik.
"Sigurado kayo diyan? Si Russle Hernandez? 'Best Friend slash Boy Friend ni Ruijin' ? Hindi ko alam yun ah?" Napatango silang apat.
Actually hindi namin alam na may Girl Friend si Russle slash Drago.
Kaya pala nung natalo namin last year ang The Water Dragon Gang pumunta sa U.S. si Russle.
Haaay. Problema na naman. -_____________________-
russel hernandez! wag nio n xah problemahin, bka nmn wlang blak mangulo yan. si ruijin lng ang gus2 nia. hahhhaha
ReplyDelete