Friday, September 7, 2012

My Borrowed Love : Chapter 40


(Danielle's POV)

Tama ba 'tong nakikita ko? Kamukha niya si...

Si Matthew. 

Oo, si Matthew.

Pinilig-pilig ko ang ulo ko saka muling tumingin sa lalaki. 

Hindi pala. Akala ko si Matthew na. Siguro sabik lang ako sa mga ngiti niya. Sabik na makita siyang muli.

Bigla siyang tumingin sakin kaya iniwas ko ang tingin ko. Tumakbo agad ako palabas ng Campus. 

Pumunta ako sa Car Park at pinuntahan ko na ang Kotse ko. Bago na nga pala ang Kotse ko. Chevrolet Camaro. Yung color black na Camaro.

~AFTER 4 Months~

(Third Person's POV)

*PAK!*

"Sa susunod nerd, kilalanin mo babanggain mo. Mambabangga ka na lang yung may matatapon pa na mantsa sa kabungguan mo? Kung di ka rin naman kasi TANGA eh!" Sita nang babaeng nagngangalang 'Breena' pagkatapos niyang sampalin ang babaeng bumunggo sa kanya.

"Hoy! Hoy ano yan ha?!" Sita ni Cyrus sa grupo ng babaeng nakapalibot sa inaaway nito.

Tumakbo si Cyrus at Jairus para paalisin ang grupo ng babae kaya umalis ang mga ito.

"Ayos ka lang, Thea?" Nag-aalalang tanong ni Jairus.

Tumango-tango ito habang pinipilit itago ang mga luha.

Nagpatunog ng buto si Cyrus na kasalukuyang nakatayo malapit sa dalawa.

"T.ngina talaga. Kapag nalaman ko lang kung sinu-sino ang mga yon, ipapagulpi ko talaga sila." Sambit ni Cyrus habang nakatingin sa kawalan.

Nasa Villa Fuente Paradise sila at kasalukuyang nasa upper hill ng Paradise na iyon.

Tumayo si Jairus at pinatong ang kaliwang kamay sa kanang balikat ni Cyrus.

"Pare tama na. Palipasin na muna natin 'to. Pero kapag inulit ulit tuluyan na natin." Sabat ni Jairus.

"Geh." Sang-ayon ni Cyrus saka lumuhod katapat ng babae. "Tara, Thea. Hatid ka lang namin sa Clinic ha? Basta mag-ingat ka na lang sa susunod para di ka nila apihin." Paalala ni Cyrus saka na nila inakay ang babaeng nagngangalang 'Thea' papunta sa Clinic.

Oo nga pala. Siya si Althea Danielle Rivera. Na mas kilala na ngayon bilang Nerd/Geek or The Nerdy Thea o kaya naman sa katagang Former Black Feather.

Pagkarating sa Clinic, pinagamot lang nila Cyrus ang mga kalmot ni Thea sa Braso saka na ito inihatid sa Condo Unit nito.

Oo, Condo Unit nga. Walang kaalam-alam ang Mom niya na binubully na lang siya sa Unibersidad na pinapasukan niya. May grupo pa rin naman siya pero ang grupo niya ang pinaka-masikretong grupo sa lahat.

Kung maihahalintulad, siya ay isang Nerdy Gangster pero nag-iiba ang anyo niya kapag siya ay nagiging Gangster. Siguro nga, sa halip na problemahin niya pa ang pakikipaglaban sa taong nagtago sa kanya ng totoong pangyayari, lalayo na lang siya at magbabagong buhay. Pero hindi niya babaguhin ang alam niyang hindi na niya matatanggal sa sarili niya. Ang pagiging Gang Leader. Ang lahat ng bumubully sa kanya ay pinapahuli niya sa mga Gang Members niya, pinapagulpi para hindi na ito muling gawin ng mambubully na iyon. 

Pagkarating sa Condo Unit niya, iniwan na siya ng dalawa kaya pumasok siya sa kwarto niya at dinial ang numero ng assistant leader ng Gang niya.

[Ano yun, Black Eagle?] Tanong ni Charles.

"Kidnapin niyo si Breena Ocfemia. Gulpihin niyo pero wala kayong sasabihin na kahit na ano. Maliwanag ba, Invinsible?" 

[Maliwanag pa sa sikat ng araw, Black Eagle. Kami nang bahala sa kanya.]

Saka na ibinaba nito ang tawag.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



(Danielle's POV)

Oo, hindi nga kayo nagkakamali, ako si Althea Danielle Rivera. But scratch the 'Danielle' . I hate that name. I really HATE that name.


Babae ako eh, kaya Althea ang pangalan ko. Pero ako pa rin naman 'to. Hindi ko binago yung dating ako, binago ko lang yung katangian ng dating Althea. Kasi ako pa rin 'to. Ako pa rin yung COLD. STONE HEARTED. Pero hindi ako Boyish. Nagbago na nga ako diba? At ako rin yung NERD. Why Nerd? Namiss ko si Matthew eh. Iniisip ko nga kung magpapalagay ako ng Braces eh. Tss. Ang korni ko kapag ganon.


Goodluck sayo, Breena Ocfemia. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Martin's POV)


"Come on Babe! Dali na kasi! Punta tayo sa Amusement Park! Minsan na lang kasi mag-date eh." Tapos nagpout siya.

Onga pala, si Althea pala. Actually hindi ko talaga siya 'BABE'. Siya lang 'tong gusto akong tawaging Babe. Best Friend ko siya. :) As usual, ganun pa rin naman ang pwesto ko, ako pa rin si Black Phoenix. Nakakatawa nga eh. May bagong gawang gang sa pinas tapos bigla na lang naglaho ang pinaka-leader ng Feather Gang. Haaay.

"Tsk! Alam mo, Thea, sa halip na hinahanap mo yung FIRST KISS mo, nakikipagharutan ka sakin. Hala labas! Hanapin mo yung PRINCE CHARMING mo!" Biro ko sa kanya.

"Bahala ka nga dyan! Ikaw na nga 'tong niyayaya eh! Tatanggi pa, asuus! Kung alam ko lang, namimiss mo lang yung FIRST LOVE mo!" Saka na siya tumakbo palabas ng Kwarto ko.

May bahay kami dito sa U.S. Si Mom and Dad ang kasama ko dito. And every month umuuwi si Dad sa Pinas. Ayos na rin si Mom at si Thea.

Napangiti na lang ako. Sa hinaba-habang panahon, buti naman natanggap na ni Thea na hindi ko na talaga siya mahal. Pero sa totoo lang, namimiss ko na nga siya. Haay. Sana nga lang maka-balik na ako sa Philippines. Sabik na akong makita siya. Tsk. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Cyrus' POV)



Pagpasok naming dalawa ni Jairus dito sa HQ tumayo agad yung dalawa. Edi syemre yung Girl Friend namin.


Nagkibit-balikat si Mika. Si Fei naman nagpameywang.

"At saan kayo galing?" Strikto at mataray na tanong nilang dalawa.

"May tinulungan lang kami..." Sagot ko.

Tumingin sakin si Jairus tapos pasimple akong siniko.

"Tinulungan? Tssi. Sinong tutulungan niyo? Sino na naman yung TINULUNGAN niyo? Yung magaling niyong LEADER? Yung hanggang ngayon eh tinuturing niyo pa ring LEADER? Huwaaw!" Sarkastikong sabi ni Fei.

"Bitter Much, Honey?" Natatawang tanong ni Jairus.

Akala niya siguro biro pa 'tong sinasagupa namin dito.

"Excuse me, ako bitter?! What the Hell! Who the hell say that?" Mataray na sagot ni Fei.

"Come on! Hindi na importante kung sino yung tinulungan namin." Tapos lumapit na si Jairus kay Fei saka ito hinalikan sa noo.

"And you?" Mataray na tanong ni Mika sakin.

"Ah-eh... Ta-tara, mika! Nuod tayong sine!" medyo nauutal kong sabi saka ko siya hinila palabas ng HQ.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 AUTHOR'S NOTE!!!



Onga pala, nasa Right Side pala yung guy na nakita ni Danielle. Nung namalikmata siya niyan.


^___^ And isa pa ule! Ahehe, pansin niyo parang Intro lang 'tong Chapter na 'to 'no? ^__^ Ahehe. Malapit na po 'to matapos eh. Ahaha.










2 comments:

  1. ang ganda ng UD.. ang daming happenings.. ilang chapter ba to sis?

    ReplyDelete
  2. ngulat aq s umpisa p lng! ung picture ni matthew! nmiss q xah subra!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^