Saturday, September 29, 2012

My Borrowed Love : Chapter 47 (Last Chapter)

(A/N : Play the Music for better reading. :) Karugtong po)

(Martin's POV)


Pagdilat ko... Puro puti lang ang nakikita ko. Bumangon ako at nagsimulang maglakad-lakad. 


Puro puti... Wala akong ibang makita kundi puti...


Nasaan ako?


Anong ginagawa ko sa kwartong puro puti lang? 


Hindi ito Ospital dahil kung Ospital ito paniguradong may makakasalubong ako...


Pero nasaan nga kaya ako?


Bago ba 'tong pakulo ng kung sinomang tao dyan?


Parang awa niyo na, palabasin niyo na ako dito... 



Gusto ko na siyang makita... Gusto kong makita kung maayos lang ba ang lagay niya...


Kung... Kung sinaktan ba siya ng mga kaaway ko...


Gusto kong maramdaman na handa pa rin siyang makita at makasama ako kahit maging baldado ako.


Lakad pa rin ako ng lakad.... Maya-maya biglang nag-iba ang itsura ng dinadaanan ko.


May nakita akong mga nurse na tumatakbo at parang may hinahabol.


Hinarang ko yung isang nurse na babae pero nagulat ako nung tumagos siya sa katawan ko.


Anong....?


Sinundan ko ng tingin yung mga nurse na lumagpas na sakin. Ano bang nangyayari? 


Sunod kong nakita si Mom na tumatakbo at umiiyak.


Hinarang ko rin siya pero bigla siyang lumuhod. Umiiyak siyang bumulong. "Martin... Akala ko ba hindi mo na kami iiwan ng Dad mo? *SNIFF* Susundan mo na rin ba si Matthew? Please... Don't... I can't..."


"Darla!"Tumatakbo si Dad palapit kay Mama. 


Ano bang nangyayari?


"Tara na, Darla. Naghihintay na ang anak natin... Kailangan nanduon tayo para sa kanya." Saka tinulungan ni Dad na tumayo si Mama.


Tumakbo na rin sila kaya sinundan ko.


Bumungad sakin ang isang kwarto... ICU Room 204




Nakita ko ang isang taong nakahiga... Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharang ang mga nurse at dalawang doktor.



Pumasok ako at nakita ko si Mama na halos magbreak down na. Yakap-yakap lang siya ni Dad para pakalmahin at alalayan.


Ang isa namang taong nakita ko pa... Ay siya...


Si Danielle. Umiiyak rin siya habang nakaupo sa sahig at yakap-yakap ang dalawa niyang tuhod.


Lumapit ako sa kanya. Lumuhod kaharap niya.


"Ang sabi mo... Ang sabi mo hindi mo ako iiwan... Anong nangyari, Martin? Bakit ganyan ka? Iniwan mo na lang ako basta-basta... Masakit naman kasi eh... Yung nangako ka tapos hindi mo pala tutuparin..."Umiiyak niyang sabi.


Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat pero parang hindi niya rin ako nakikita.


Tumayo na ako at sisiksik sana sa mga nurse pero nagulat ako nung makalusot ako. Nakita ko ang sarili ko na nakahiga. Ni-checheck nila kung anong nangyayari sakin? Maya-maya biglang naglabas ng parang plantsa yung babaeng doktor saka ito ipinahawak sa isang nurse na lalaki... Tinanggal niya ang pang-itaas kong damit saka niya unti-unting idinikit sa dibdib ko. Parang hinihigop ng plantsa na iyon ang dibdib ko sabay ibinagsak.


"CLEAR!"


*DUG-BOOG!*


Kailangan ko nang bumalik... Para sa'yo Danielle... Para kay Mama at kay Dad... Para sa lahat... Babalik ako dahil alam ko kailangan niyo pa ako.


Humiga ako sa Hospital Bed saka unti-unting pumikit... Ibalik niyo na po ako, God.


(Danielle's POV)

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung muntik na namang bawiin ni God ang buhay niya...


Hnidi ko sinsisi si God... Desisyon niya yun... Ang alam ko lang ngayon... Siya ang para sa akin.


"Hm..."

Napalingon agad ako kay Martin. Nilapitan ko agad siya at hindi ko napaigilang ilabas ang mga ngiti ko sa labi nung makita ko siyang dumilat.


Nginitian niya ako.... Alam ko Weak Smile yun... Pero atleast gising na siya.


"Mabuti naman at Gising ka na. Teka lang... Kuha lang ako ng pagkain." Bati ko saka ako tumalikod at kumuha ng mansanas.


Hiniwa ko ito saka ko siya nilapitan. Nakapikit na siya pero nanatili pa rin ang Weak na Smile niya. Tinapik-tapik ko siya kaya dumilat ulit siya.


"Gusto mo?" Tanong ko saka ko itinaas yung Hiwang mansanas para makita niya.


Ni-bend niya yung mga braso niya saka unti-unting bumangon.


"Oh teka, tulungan kita." Sabi ko saka inilipag ang mansanas sa Bed side table at inilalayan ko siya.


"Salamat." Medyo paos niyang sabi.


"Sige na. Oh, mansanas." Sabi ko saka ko siya sinubuan ng isang cube ng mansanas.


Habang ngumunguya siya nakangiti siya sakin.


"Mabilaukan ka sana." Sabi ko sa kanya.


Sinamaan niya ako ng tingin. 


"HAHA! Biro lang!" Saka ako tumawa.


Umirap siya kaya lalo akong natawa.


Ang sungit niya. Bumalik ata yung Martin na nakabunggo ko. ^__^


~~~One Month Have Passed~~~


"Sige na nga... Sorry na rin sa inasal naming dalawa." Paumanhin ni Fei saka sila tumayo ni Mika at niyakap ako.


Kasama ko si Ruijin ngayon. Si Fei na daw ang Leader ng Feather Gang.... Pero... Mahina na ito at hindi na pinapansin.


"Nasaan Boyfriends niyo?" Bigla namang tanong ni Ruijin.


"Mine, at the Bar. " Sagot ni Mika.


"Si Jairus? Malay ko dun... Kapag nakakasalubong ko yun palaging may babaeng kasama at minsan pa may kalandian. Making out. Tss." Nagseselos niyang tono.


"Oh, ayun oh!" Saka may tinuro si Ruijin.


Oonga.. Si Jairus.... May kasamang babae. Magkaholding hands sila... 


Lumakad ako palapit sa kanila.


Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa tapos paa hanggang ulo.


Hinila ko yung buhok ni Jairus at kinaladkad ko papalapit kela Fei.


"Aray, ah? Ano ba kasi yun, Danielle?" Tanong ni Jairus sakin saka kumamot sa ulo.


"Now, Explain." Masungit kong sabi.


"Explain what?" Pa-inosente niyang tanong.


"Explain what? Explain what i just saw a minute ago." I commanded.


"No need to Explain. I'm just being me." Simpleng sagot niya.


"WHAT?! Just being you all the way? How about Fei? Sabihin mo nga sakin?" Naiinis kong sabi.


"One man word, Danielle. Dahil sinabi niya na bahala na ako sa buhay ko, so be it! I'm just being me and its all because of her." Malamig niyang sabi.


Nakita kong natulala si Fei. Maya-maya may biglang tumulong luha sa mga mata niya.


"One man word? Anong tawag dyan sa mga sinabi mo? Itago mo man yang nararamdaman mo sa pamamagitan ng paglalabas mo ng Cold Voice, alam ko pa rin kung sino ka. Si Fei lang ang nakapag-patino sayo... Ngayon, ano? Sasaktan mo siya by Making out with some bitches there?" Tanong ko.


Pinipilit kong iparealize sa kanya na mali ang ginawa niya.


"Bitch? Who? Her? Oh maybe." Saka ngumisi si Jairus.


Mika slapped him twice. "Never say it, @sshole!" Pikon na sabi ni Mika saka humarang kay Fei.


"What? Wala akong ginawa para masaktan siya. Isa pa, siya ang nagsabing bahala na ako sa buhay ko. Pinipilit ko siyang suyuin pero ayaw niyang magpasuyo... Anong gusto niyong gawin ko? Magpakatanga para lang maibalik yung samahan namin dati? Hindi na, kasi naman, bakit pa ako magpapakahirap na pabalikin siya sa buhay ko eh mas masaya nga ako sa ganito." Sambit ni Jairus.


"Mas masaya? Sige... Ikaw na yung masaya. Yan naman ang Hobby mo eh, manakit ng damdamin ng babae." Singit ni Fei habang umiiyak.


Tumakbo palayo si Fei. Hinabol siya nung dalawa habang ako nasa harap pa rin ni Jairus.


"Ngayon, sabihin mo kung bakit mo ginawa yun." I commanded.


"Fine. Nasaktan ako, Danielle. Ayokong ipakita sa kanya na apektado ako dahil baka lalo lang akong hindi makawala sa pagmamahal na 'to. Hirap na hirap na ko eh. Gusto ko man siyang ipaglaban pero pakiramdam ko ipinagtutulakan niya ako palayo sa kanya. Hindi ko ginawa 'to para masaktan siya. Akala ko dahil ipinagtutulakan niya ako palayo sa kanya eh ayaw niya na sakin. Hindi ko rin 'to ginusto, Danielle. Pero alam ko rin na hindi na babalik ang dating kami. Kaya iwan na lang natin yun doon." Sabi ni Jairus saka na ako iniwan.


Iwan? Ganun ganun na lang 'yon? Kung kami nga ni Martin na walang Relasyon hindi sumusuko, sila pa? Sila pa na ang laki-laki ng pag-asa?


Hinabol ko si Jairus saka ko siya hinarang.


"Bakit mo iiwan ang pagmamahal mo sa kanya? Tulad nga ng sabi mo sakin dati... Kapag tinakasan mo ang pagmamahal na yan, lalo yang titindi at hindi ka na pakakawalan pa. Bakit hindi mo gawin yan sa sarili mo ngayon, Jairus? Malaki pa ang pag-asa na magkabalikan kayo...  Please do something..." Pakiusap ko sa kanya.



"Danielle, hindi kasi ganun kadali yun. Hindi ganun kadaling ibalik yung pagmamahal na iniwan niyo na. Gustuhin ko mang i-apply yun sa sarili ko, hindi ko rin magawa dahil hindi ko kaya. Pakiramdam ko lagi mahirap, masakit at maiiwan akong mag-isa." Sabi ni Jairus na malapit nang mabasag ang boses.


"Jairus, hindi ka maiiwan ng mag-isa. Nandito kami palagi para sayo. At sana naman... Sana naman pakinggan mo ko." Pakiusap ko pa rin.


"Saka na, Danielle. Kung kami talaga para sa isa't isa. Edi kami. Walang makakapigil dun." Sagot ni Jairus saka na tuluyang umalis.


*bzzzt! bzzz!*


Kinuha ko ang Phone ko.

~~~~ From : Ruijin~~~~~
Bhes, punta kang HQ, dali!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Tumakbo ako papunta sa HQ at pumasok.


Nakita kong umiiyak pa rin si Fei.


"Fei!" Saka ako umupo sa tabi niya.


"Sorry. Hindi ko siya nakumbinsi eh. Sabi niya, kung kayo daw, kayo daw talaga." Sabi ko pa.


"Tama nga naman kasi siya eh. Aantayin ko na lang siguro na magkaayos kami ng kusa." Sabi ni Fei na bigla na lang kumalma.


"Sige na. Tara sa Mall! I'm okay!" Masiglang sabi ni Fei tapos tumayo na.


Nawala yung madramang atmosphere. 


Lumabas na kami at kanya-kanyang sakay sa kotse namin saka dumiretso sa Mall.


~MALL~

Nag-gala kami tapos kain dito tingin dun. Bili dito, lipat sa kabila. Sine dito, Arcade dun. Tapos lipat sa book store, tingin-tingin dito, bili dun.


Nung gabi na, paglabas namin ng mall biglang may humarang sa daan namin.


Lumabas ang lalaking naka-jacket na blue at nakashades galing sa may Black na Ferari Italia. Lumapit siya sa akin saka niya hinubad ang shades niya.


"Pwede ba kitang... I-date, My Love?" Nakangiti niyang tanong.

Biglang nag-init ang mukha ko.


"Ah-eh..." Naiilang ako Shet!


Tinulak-tulak ako nung tatlo papalapit lalo kay Martin. Yes. It's Martin.


"Danielle, wag ka na mahiya!! Dyan din naman ang diretso niyo eh! Ayiee!" Tukso nilang tatlo.


Lalong nag-init ang pisngi ko. Shet!  Ano ba 'to!


"Ahehe..." Awkward kong tawa.


Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad.


"Let's go?" Nakangiti niyang tanong sakin.

"Ah-eh... Paano yung kotse ko?" Tanong ko.


Iwas-iwas ng Topic dyan! xD


"Ruijin. Kaw na bahala, ha!" Natatawang sabi niya kay Ruijin.


"Oo ba! Hoy Danielle! Yung susi!" Sang-ayon ni Ruijin.


Ibinato ko sa kanya ang Susi ko sa kotse. Oonga pala. Wala pala siyang dalawang kotse.


"Ingatan mo yung Chevrolet Camaro ko ha!" Paalala ko.


"Oo na! Dali na!" Sabik na sabik na sabi ni Ruijin.

Pinagbuksan ako ni Martin ng Pinto saka ako pumasok. Isinara niya ng maayos saka siya umikot at sumakay na rin.


"Ready for the Date?" Tanong niya sakin.


"Sure ka date 'tong pupuntahan ko?" Natatawa kong tanong.


"Oo naman. Bakit ba?" Tanong niya ulit saka nagsimulang magdrive.


"Tignan mo kaya 'tong suot ko. Naka-jeans at simpleng T-shirt lang ako." Sagot ko saka tumingin sa sarili kong katawan.


"Hindi naman damit ang niyaya ko sa date eh. Ikaw ang niyaya ko, Danielle. Hindi yang damit mo. Kaya kahit anong klase ng damit yang suot mo, maganda ka pa rin sa paningin ko." Nakangiti niyang sambit.


Kinurot ko nga yung pisngi.

(A/N: Play again the Music, please!)




"Ang landi mo oy!" Natatawa kong sabi.


"HAHA! Iba ang malandi sa Malambing 'no!" Tanggi niya.


Tsk. Pinapakilig ako ng lalaking ito.


"Panuorin mo lang yung view, ha?" Sabi niya bigla.


Lumingon ako sa kanya saka sumagot. "Okay!" Then I nodded.


Maya-maya...
 (A/N: Read again the Music Video)

"Martilyo ka ba?.... Kasi pinako mo ako sa puso mo."


Yan ang nakalagay sa isang banner.


Next Banner: Dahil Gwapo ako, at Maganda ka, bagay tayo.




Shet! Nagmumukha akong baliw dito eh! Kinikilig ako Sheeeet!



Hinampas ko yung braso ni Martin.


"Ow! Ano ba?" Natatawa niyang sabi.


"Nakakainis ka! Pinapakilig mo ko!" Sabi ko na hindi pinapahalata na nagbu-blush ako.


Bigla siyang tumingin sakin.


"Oyy! Nagbu-blush siya oh! Asuuus!" Biro niya sakin.


Sa kulitan namin... Di ko napansin na nakatulog na pala ako.


~~~~~~~


Pagmulat ko ng mata ko... Ahshit! Ang liwanag naman oh!


Bumangon ako at nagulat ako nung mapansin kong nakahiga ako isang mesa na mahaba at puro petals ang nasa paligid ko.


Red Roses. Ngayon ko lang napansin na nasa Gazebo ako. Iba na rin ang suot kong damit. Isang cream na bestida na medyo pa-wave sa laylayan.


Nakasuot na rin sa uluhan ko ang isang headband na puro bulaklak na pink.


Bumaba ako sa mesa sanhi para maglaglagan ang mga petals. 


May biglang dumating... Si Martin. Nakasuot siya ng White shirt na may stripes na black. Then simpleng maong sa pangibaba. Pero Seriously... Ang GWAPO NIYA!!!!


May hawak siyang isang bulaklak na Pink saka niya ito inabot sa akin ng lumapit siya sakin.


"May I Dance you, Mylady?" Tanong niya saka nagbow.


Hinawakan ko ng bahagya ang damit ko saka ako naghalf-knee bend. "You may." Saka ko kinuha ang bulaklak at hinawakan ko naman ang kamay niya na nakalahad.


Lumabas kami ng Gazebo at nagsayaw kami malapit sa isang Swing.


"Mahal na mahal kita, Danielle." Nakangiti niyang sambit habang nagwa-waltz kami.


"Mahal na Mahal din kita, Martin." Sagot ko.


*BWISHHIIIWWW!! PAK! BOOM!*


Napatingala kaming dalawa. The Fireworks says : Will you be my girl, Althea Danielle Rivera?




Agad siyang tumingin sakin saka ngumiti.



"I'll always be yours, Martin Marc." Sagot ko.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!!!

Sabog na sa sobrang Kileeg! xDD Okay. This is the Last Chapter.









2 comments:

  1. wow! tapos mo na beb! congrats~ ayan na masisimulan ko na ulit siya! hahahaha!!!

    ReplyDelete
  2. nAiiyak aq,,, ewAn ko po bA,,, hindi nMan nkkAiyaK peRo nKkaTouch kaSi pataPos na,,, epiLogue n kaSunOd,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^