Chapter Two
Mahingin Man
Attack!!!
Ang tigas lang ng muka ni Milo na ayain si Mahangin Man para makapag-kape sa bahay
ko, makakatikim talaga sya sa akin mamaya! Eto namang si Mahangin Man masyadong
feel at home, at umupo agad sa sofa ko.
“Nice
place huh, is this solely yours Shen?” tanong nya sa akin na wala naman
akong balak na sagutin sya. “Where are
your parents?”
Bakit ba ang dami nyang tanong,
imbestigador ba sya at balak nyang palitan si Mike Enriquez?
“Actually,
it’s a family property but since her parents decided to migrate at Japan sa
kanya na to ng buong-buo. Teka nga pala Mr. Wafu, ano bang name-sung mo?”
kumunot naman ang noo ni Mahangin Man kasi hindi nya siguro naintindihan ang
tanong ni Milong bading. “What I mean,
ano ang pangalan mo.”
Nangiti naman ang loko na akala mo
naka-discover ng bagong planeta na pwedeng pagtirhan ng mga alien na katulad
nya. “Stupid me, I’m Wacky and you two
are?” wala akong balak sabihin sayo ang pangalan ko, ayos na yung Shen lang
ang alam mo.
“Oh,
she’s my friend Demi Shen Jung Shizuka and I’m - - -“
Malandi ka talagang bakla ka,
kailangan talaga full name dapat? Humanda ka ngayon sa akin, I’ll be you SDBF
as in SUPER DEMONYITA BESTFRIEND FOREVER. “And
he is Emilio Alejandro Perez Punongbayan,
Milo for short!” and the best mang-badtrip
award goes to Demi-licious baby. Ang cute lang ng masagwang pagmumuka ni Milo ng sabihin ko kay Mahangin Man ang buo nyang
pangalan.
“Nice
name and nickname, EMILIO ALEJANDRO and Milo
for short.” Ahahahahaha!!! Hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko dahil sa
itchura ngayon ni Milo , sa sobrang inis nya
binato nya sa akin yung elevator shoes ni Milka. “Hey, you might hurt her!” pigil naman nya kay Milo
pero huli na, buti na lang nailagan ko.
“Here’s your coffee Wacky, after nyan
pwede ka ng umalis ha!”
binalingan ko naman si Milo na nasa
emote-session pa rin nya. “Ikaw na ang
bahala jan sa bisita mo ha, akyat na ako sa kwarto ko at may maaga pa ang first
class natin bukas.”
“I
really hate you Deminyita, hindi kita mapapatawad!!!” hay nako, si Jean
Garcia naman ngayon ang peg nya. Pwede bang si Eula Valdez naman ako ngayon? “How could you do this to me?!”
“You
know that I really love you Emilio, ay Milo
pala. Tulog na ako baklits, good night. Don’t forget to lock my doors, ok?”
“Nag-aaral
pa kayong dalawa, where?” hayan na naman sya, nagtanong na naman, at syempre
pa ang bading na si Milo na naman ang sasagot.
“Hindi ka ba nahihirapan Shen as working
student?”
Hay, ang kulit naman nitong lalake
na to oh! “Hindi naman, masaya naman ako
sa ginagawa ko kaya wala akong panahon para mahirapan.” Matahimik lang sya,
at sana naman
maramdaman nya na gusto ko na umuwi na sya, inaantok na ako.
“That’s
good, anyway I think I have to go, it’s running late already.” buti naman
at napansin mo din. “I’ll go ahead, thanks sa coffee. Bye!”
“Ihatid
na kita sa labas, baka maligaw ka eh!”
At lumabas na silang dalawa, etong
si Milo akala mo umakyat ng ligaw sa kanya si
Mahangin Man eh. Bahala na nga silang dalawa sa labas, basta ako matutulog na
at kailangan ko pang mag-review para sa quiz ko bukas.
“Ang
super fafable talaga ni Papa Wacky ko, and super gentleman pa dahil hinatid nya
kaming dalawa ni Demi-licious DBF ko.”
Sinama ako ni Milo sa favorite
tambayan nila ng mga sang-kabadingan troops nya, at syempre pa ang lola mo
panay ang kwento tungkol kay Mahangin Man na akala mo eh nililigawan nga talaga
sya. At yung mga engeng naman na sila Milka sobrang paniwala sa kwento ni
Emilio.
“Milo-vers
you’re so Lucky Manzano, I envy you so much!” sabi ng may-ari ng elevator
shoes na gamit ni Milo kagabi, si Milka. “Gorabelles din ako sayo next time na
mag-go ka sa… saan ka nga ba ruma-rocketeers Demi-licious?”
“Sa
Wild Ones, Milka!” sagot ko naman, at nagbasa na ulit.
“Isama
mo naman kami minsan don Milo para naman
makita rin namin ang magandang tanawin na nakita mo.” Hirit naman ni Miley,
Miley-gaya ang buhay kapag kasama mo sya, at iyon ay ayon lang sa kanya.
Hahaha. “Tapos kay Demi-licious tayo
o-order ng drinks, libre mo kami ma-Deminganda.”
Ganyan talaga ang mga iyan, walang
ibang alam kundi ang magpa-libre sa akin. Pero sorry na lang sila kapag nasa
Wild Ones kami, kasi hindi ko sila pwedeng bigyan ng libre.
“Tibay
nyo naman mga ateng, bawal akong manlibre don. Pakilala ko na lang kayo sa
bagong love-interest ni Milo-syang.”
“Close
kayo nung fafaness ni Milo-vers na si Daddy Wacky?” biglang tanong ni Mina
sa akin.
“Ay
nako, anong close si Deminyita at si fafa Wacky ko, eh kulang na nga lang sipain
ni Demi-licious babe si wafu papa Wacky ko palabas ng bahay nya. At ang
nakakaloka pa dito mga teh, sinabi pa nya kay Wafung Wacky ang full name ko,
ibato ko nga sa kanya ang elevator shoes mo sister Milka!”
“What? Binato mo kay Deminyita ang precious shoes ko na kulay fink? I
wanna kill you Milo, as in now na!!!” ang mala-Carmi Martin na litanya naman
ni Milka kay Milo .
Kapag ganitong mga klaseng bading
ang makakasama mo, malamang na sasakit ang tyan mo kakatawa lalo na kapag
lalake ang pinag-uusapan. Minsan nga nahahawa na ako sa mga salitang ginagamit
nila eh.
“Eh
kasi naman Emilio feeling mo bahay mo ang bahay ko kung patuluyin mo si
Mahangin Man, tapos inaya mo pang mag-kape akala mo naman may tinago kang kape
sa bahay.” Reklamo ko naman kay Milo na
ngayon ay kasalukuyang iniiwasan ang mga kurot ni Milka sa kanya.
“At
dahil sa ginawa mo sa precious elevator shoes mo, sa akin na si Papa Wacky mo!”
at tumawa na parang mangkukulam ang bakla.
Pero etong si Milo
parang walang narinig, parang ok lang sa kanya na agawan sya ni Milka.
“Deadmatology
lang yang si Milo kasi iba talaga ang type nyan, hindi naman talaga si Mahangin Man. ”
“Sinetch
si Mahangin Man teh, ibang guy-lalu pa ba yon?” tanong ng naguluhan na si
Mina.
“Si
Mahangin Man at si fafa Wacky ni Milo ay iisa lang. Ang type talaga ni Milo si Kuya Brandy at hindi yung Wacky na yon ---“
Sabi na nga ba at magre-react ang
bading kapag narinig nya ang pangalan ni Kuya, hahaha. “Excuse me ten times wide the skyway Deminyita, HE IS NOT MY TYPE!!! Si
wafung Patrick na lang ang sa akin, wala pa naman syang ka-chorva.” Hindi
naman obvious na ayaw nya kay Kuya Brandy diba?
“Ay
award ka teh, ang dami mong lalake! Mamigay ka naman para lahat tayo masaya.
Kung ayaw mo dun sa Brandy, sa akin na lang sya.” Isa pa tong si Miley-gaya
eh, puro lalake rin nasa isip. “Teka
Demi-licious, ikaw ba wala kang fafa sa bar kung saan ka ruma-rocketeers? Baka
naman madami kang reserve boylets jan, i-share mo naman sa sangka-badingan
nation.”
Sasagot na sana ako, pero feeling yata ni Milo-ga kasing
ganda nya ako at sya ang sumagot sa tanong ni Miley-gaya. “Ay nako sisteret, tomboy yata itong si Deminyita kaya walang papable
na gustong pumatola sa kanya. I am correct Demi-licious gelay?” sampalin ko
isa tong si Milo eh.
“Babae
ako Milo-la no, sa ganda na taglay ko dapat piliin kong mabuti ang papatulan
ko.” nagpalakpakan naman ang mga lukring sa sinabi ko. “Gusto ko kapag nagka-jowawit ako, sya na rin yung last.”
“Iyan
naman ang mali, Demi-licious!” apela naman ni Milka.
“Oo
nga naman!” sang-ayon naman nung iba.
“Dapat
collect ka lang muna ng collect, then you select!” payo naman ni Mina na mina-dali
ang pagdadalaga. “Dapat i-appreciate mo
ang mga kalahi ni papa Adan.”
“Ewan
ko sa inyong apat, nakaka-baliw kayong mga kausap, puro kayo lalake.” At
ni-shoot ko na ang libro na binabasa ko. “Jan
na kayo, kailangan ko pa palang mag-grocery, bye my hilarious sang-kabadingan
troop.”
“Yes
Ma, tapos na ang class ko for today kaya nasa mall ako ngayon.” Ayaw kasing
maniwala ni Mama na wala na akong klase, akala nya tamang gala lang ako ngayon
sa mall. “May kailangan lang din po
akong bilin para sa project ko.”
“Siguraduhin
mo lang bata ka, dahil kapag nabalitaan ko na may failed ka this semester
ipapasundo na kita sa Kuya Kyohei mo.”
Bakit ba kasi naisipan ko pang
mag-face time kay Mama, tuloy naungkat na naman yung pagpunta ko sa Japan . “I have to go Ma, magbabayad na ako ng
mga binili ko.” at ni-end ko na yung tawag ko kay Mama.
Pipila na ako kasi baka humaba pa eh
gabihin pa ako ng uwi, kailangan ko pang maligo ulit bago ako pumasok sa Wild
Ones. Pero nung malapit na ako dun sa isang counter ay biglang may bumunggo sa
akin kaya ang resulta, ayun nagkalat yung mga bibilin ko sana .
“Ooopps,
sorry!”
Badtrip talaga, bakit ba parang ang
malas ko ngayong araw? Sa dami naman ng pwedeng bumunggo sa akin, bakit eto
pang si Mahangin Man? Pinulot ko na lang yung mga nagkalat na bibilhin ko at
lilipat na lang ako sa ibang counter.
Hindi man lang nya talaga ako
tinulungan na pulutin yung mga gamit na bibilin ko, apaka-gentleman talaga. “Leche!” sa sobrang inis ko hindi ko na
napigilan na sabihin ang salita na yon.
Sa sobrang inis ko pa tinigilan ko
na yung pagpulot dun sa mga dapat kong bibilin, sa department store na lang ako
bibili ng mga school supplies na kailangan ko. Nakaka-inis talaga ang lalake na
yon, nakakasira sya ng araw!
“Thank
you Mam, happy shopping.” Sabi nung cashier sa akin, na nginitian ko na
lang.
Pagka-alis ko naman sa harap ng
counter, sya namang ring ng cellphone ko. Aba
himala, si Kuya Kyohei tumatawag at video call pa.
“Oh
Kuya, napatawag ka? May problema ka na naman ba sa babae?” tinatawagan lang
kasi ako ni Kuya kapag may problema yan o kaya naman sobrang ligaya. “Oh baka naman sobrang saya mo at kailangan
mo ng masasabihan? Wait lang Kuya, pasok lang ako sa isang resto para naman
hindi ako mukang timang dito sa mall.”
“Ok,
I’ll give you a minute.” At naghanap na nga ako ng pinaka-malapit na resto
na masarap ang pagkain. “Ang tagal naman
oh!”
Shakey’s ang place to be para sa
akin, mojos, belly buster pizza in thin crust, and of course hindi mawawala sa
order ko ang spaghetti with monter meatballs.
“So
Kuya Kyohei, anong pumasok sa utak mo at naisipan mo akong tawagan?” bungad
na tanong ko sa Kuya ko after na umalis nung waiter. “How are you?”
“I’m
fine, pero syempre namimis na kitang kasama. Ikaw naman kasi Demi bakit ayaw mo
pang mag-stay dito sa Japan ,
masaya din naman dito?”
Sabi lang naman nya yon, na masaya
sa Japan
pero ang totoo hindi naman talaga. “Kuya
kahit na ano pang sabihin mo, hindi ako mag i-stay jan sa Japan . Kung pupunta man ako jan,
just for a vacation.” Ayoko talaga dun kahit pa sabihin na mas maunlad ang Japan compare sa Philippines .
“Ikaw
kamusta ka naman jan, hindi mo man lang maisipan na tawagan ako, lagi na si
Mama.” Sus, nagtampo pa ang mahal kong kuya. “May boyfriend ka na ba jan?”
Sakto naman sa tanong ni Kuya na
yon, biglang may tumabi sa akin na lalake, si Mahangin Man na naman!!! Wala ba
syang ibang alam gawin kundi ang sirain ang araw ko, kanina pa sya ha. Malapit
na syang buminggo sa akin.
“Sino
yang kausap mo Babe, nagseselos naman ako.” Putaraklis naman oh, baka
mamaya isipin talaga ni Kuya boyfriend ko ang bwisit na to! “Who is he babe?”
“Arrggg!!!
Pwede ba lumayo ka nga sa akin lalake ka na lumunok ng vacuum cleaner!”
bwisit na bwisit kong sabi kay Mahangin Man at saka ko naman hinarap si Kuya. “He’s not my boyfriend Kuya Kyohei, he is
just someone na walang magawang maganda sa buhay!”
“Hey
Shen, I just want to say sorry to what happened at the bookstore.” Hihingi
nga ng sorry sa nangyari kanina, tapos gumawa na naman ng bagong kasalanan. “Sorry na babe.”
“I’ll
call you later Kuya, I will kill this guy muna. Bye, love you!” and I end
that call na. “Ikaw lalake ka, kung wala
kang magawa wag ako ang bwisitin mo.
Umalis ka na nga dito!”
Nakaka-badtrip talaga sya, bwisit
sya! Pano na lang kung maniwala si Kuya sa lalake na to, tapos sabihin kay Mama
at Papa? Naku po, malamang sunduin nila ako dito at itatapon sa Japan .
Hindi pwedeng mangyari yon!!!
“Pwede
ba umalis ka na dito, kung kakain ka din humanap ka ng sarili mong pwesto!”
ayaw pa rin kasi nyang umalis sa tabi. “Ano
ba!!!” at tinulak ko sya palayo sa akin. Mejo napalakas yata yung boses ko
kaya pinag-tinginan kaming dalawa nung ibang kumakain. “Kasi naman eh!”
Ayaw pa rin nya akong tigilan, hindi
pa rin talaga sya umalis sa tabi ko. “Waiter!”
agad namang lumapit yung lalake na kumuha nung order ko kanina. “Paki-take out na lang yung mga orders ko!”
pagkasabi ko nun ay agad din namang sumunod yung waiter. Buti pa sya madaling
kausap, samantalang ang isang to pinagtatabuyan ko na ayaw pa ring lumayas.
Hindi nagtagal ay dumating na yung
mga orders ko, salamat naman! “Umalis ka
jan, dadaan ako!” singhal ko na naman kay Mahangin Man, thank you Lord
dahil sinunod din nya ang sinabi ko!
Salamat din Jesus dahil hindi na nya
ulit ako sinundan, matatahimik na ang buhay ko! Naglibot-libot muna ulit ako at
saka bumili ng kung anong trip ko, ayun wala akong trip so I end up buying
nothing.
Tinawagan ko si Milo
para papuntahin sa bahay ko para naman may kasama akong kumain nitong mga
binili ko sa Shakey’s. “Hello baklits,
punta ka sa bahay.” Syempre pa mega natong yan kung bakit.
“Bakit,
anyareh teh?”
“Wala
lang, pauwi na kasi ako and I bought pizza, mojos, and pasta sa Shakey’s. Hindi
ko naman kayang ubusin lahat ng yon ng mag-isa lang, kaya pumunta ka na sa
bahay.” Sagot ko naman sa kanya.
Bilang masiba din ang BBF ko ay
pumayag sya at sinabing pupunta na sya. Ako naman naglakad na papunta sa
sakayan ng jeep pauwi, baka mainip si Milo na
luka-luka ay maisipan pang gawin nun para makapasok ng bahay.
nKkTwa tLga c maHanGin maN,,, LOL,,,
ReplyDeletehe's name is Wacky? baka pati pagmumukha nya wacky din ha.. hahaha.. hala sige magbukingan kau ng full names nyo..
ReplyDeleteahhh,iba pala yung sinasight-sung ni milo ha,haha.. deny pa sya.. nakakatawa ang sang-kabadingan troop!! you go half-gurls!
uaahh!! i really like dat babe thing.. kinikilig ako..
SUPER NAKAKAALIW ANG MGA BEKLINGS :D HAHAHAHAHA SUPER LOVE IT <3
ReplyDelete