Saturday, September 29, 2012

You Got Me : Chapter Two

Chapter Two
Mahingin Man Attack!!!



            Ang tigas lang ng muka ni Milo na ayain si Mahangin Man para makapag-kape sa bahay ko, makakatikim talaga sya sa akin mamaya! Eto namang si Mahangin Man masyadong feel at home, at umupo agad sa sofa ko.


            “Nice place huh, is this solely yours Shen?” tanong nya sa akin na wala naman akong balak na sagutin sya. “Where are your parents?”


            Bakit ba ang dami nyang tanong, imbestigador ba sya at balak nyang palitan si Mike Enriquez?


            “Actually, it’s a family property but since her parents decided to migrate at Japan sa kanya na to ng buong-buo. Teka nga pala Mr. Wafu, ano bang name-sung mo?” kumunot naman ang noo ni Mahangin Man kasi hindi nya siguro naintindihan ang tanong ni Milong bading. “What I mean, ano ang pangalan mo.”


            Nangiti naman ang loko na akala mo naka-discover ng bagong planeta na pwedeng pagtirhan ng mga alien na katulad nya. “Stupid me, I’m Wacky and you two are?” wala akong balak sabihin sayo ang pangalan ko, ayos na yung Shen lang ang alam mo.


            “Oh, she’s my friend Demi Shen Jung Shizuka and I’m - - -“


            Malandi ka talagang bakla ka, kailangan talaga full name dapat? Humanda ka ngayon sa akin, I’ll be you SDBF as in SUPER DEMONYITA BESTFRIEND FOREVER. “And he is Emilio Alejandro Perez Punongbayan, Milo for short!” and the best mang-badtrip award goes to Demi-licious baby. Ang cute lang ng masagwang pagmumuka ni Milo ng sabihin ko kay Mahangin Man ang buo nyang pangalan.


            “Nice name and nickname, EMILIO ALEJANDRO and Milo for short.” Ahahahahaha!!! Hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko dahil sa itchura ngayon ni Milo, sa sobrang inis nya binato nya sa akin yung elevator shoes ni Milka. “Hey, you might hurt her!” pigil naman nya kay Milo pero huli na, buti na lang nailagan ko.


          “Here’s your coffee Wacky, after nyan pwede ka ng umalis ha!” binalingan ko naman si Milo na nasa emote-session pa rin nya. “Ikaw na ang bahala jan sa bisita mo ha, akyat na ako sa kwarto ko at may maaga pa ang first class natin bukas.”


            “I really hate you Deminyita, hindi kita mapapatawad!!!” hay nako, si Jean Garcia naman ngayon ang peg nya. Pwede bang si Eula Valdez naman ako ngayon? “How could you do this to me?!”


            “You know that I really love you Emilio, ay Milo pala. Tulog na ako baklits, good night. Don’t forget to lock my doors, ok?”


            “Nag-aaral pa kayong dalawa, where?” hayan na naman sya, nagtanong na naman, at syempre pa ang bading na si Milo na naman ang sasagot. “Hindi ka ba nahihirapan Shen as working student?”


            Hay, ang kulit naman nitong lalake na to oh! “Hindi naman, masaya naman ako sa ginagawa ko kaya wala akong panahon para mahirapan.” Matahimik lang sya, at sana naman maramdaman nya na gusto ko na umuwi na sya, inaantok na ako.


            “That’s good, anyway I think I have to go, it’s running late already.” buti naman at napansin mo din. “I’ll go ahead, thanks sa coffee. Bye!”


            “Ihatid na kita sa labas, baka maligaw ka eh!”


            At lumabas na silang dalawa, etong si Milo akala mo umakyat ng ligaw sa kanya si Mahangin Man eh. Bahala na nga silang dalawa sa labas, basta ako matutulog na at kailangan ko pang mag-review para sa quiz ko bukas.





            “Ang super fafable talaga ni Papa Wacky ko, and super gentleman pa dahil hinatid nya kaming dalawa ni Demi-licious DBF ko.”


            Sinama ako ni Milo sa favorite tambayan nila ng mga sang-kabadingan troops nya, at syempre pa ang lola mo panay ang kwento tungkol kay Mahangin Man na akala mo eh nililigawan nga talaga sya. At yung mga engeng naman na sila Milka sobrang paniwala sa kwento ni Emilio.


            “Milo-vers you’re so Lucky Manzano, I envy you so much!” sabi ng may-ari ng elevator shoes na gamit ni Milo kagabi, si Milka. “Gorabelles din ako sayo next time na mag-go ka sa… saan ka nga ba ruma-rocketeers Demi-licious?”


            “Sa Wild Ones, Milka!” sagot ko naman, at nagbasa na ulit.


            “Isama mo naman kami minsan don Milo para naman makita rin namin ang magandang tanawin na nakita mo.” Hirit naman ni Miley, Miley-gaya ang buhay kapag kasama mo sya, at iyon ay ayon lang sa kanya. Hahaha. “Tapos kay Demi-licious tayo o-order ng drinks, libre mo kami ma-Deminganda.”


            Ganyan talaga ang mga iyan, walang ibang alam kundi ang magpa-libre sa akin. Pero sorry na lang sila kapag nasa Wild Ones kami, kasi hindi ko sila pwedeng bigyan ng libre.


            “Tibay nyo naman mga ateng, bawal akong manlibre don. Pakilala ko na lang kayo sa bagong love-interest ni Milo-syang.”


            “Close kayo nung fafaness ni Milo-vers na si Daddy Wacky?” biglang tanong ni Mina sa akin.


            “Ay nako, anong close si Deminyita at si fafa Wacky ko, eh kulang na nga lang sipain ni Demi-licious babe si wafu papa Wacky ko palabas ng bahay nya. At ang nakakaloka pa dito mga teh, sinabi pa nya kay Wafung Wacky ang full name ko, ibato ko nga sa kanya ang elevator shoes mo sister Milka!”


            “What? Binato mo kay Deminyita ang precious shoes ko na kulay fink? I wanna kill you Milo, as in now na!!!” ang mala-Carmi Martin na litanya naman ni Milka kay Milo.


            Kapag ganitong mga klaseng bading ang makakasama mo, malamang na sasakit ang tyan mo kakatawa lalo na kapag lalake ang pinag-uusapan. Minsan nga nahahawa na ako sa mga salitang ginagamit nila eh.


            “Eh kasi naman Emilio feeling mo bahay mo ang bahay ko kung patuluyin mo si Mahangin Man, tapos inaya mo pang mag-kape akala mo naman may tinago kang kape sa bahay.” Reklamo ko naman kay Milo na ngayon ay kasalukuyang iniiwasan ang mga kurot ni Milka sa kanya.


            “At dahil sa ginawa mo sa precious elevator shoes mo, sa akin na si Papa Wacky mo!” at tumawa na parang mangkukulam ang bakla.


            Pero etong si Milo parang walang narinig, parang ok lang sa kanya na agawan sya ni Milka.


            “Deadmatology lang yang si Milo kasi iba talaga ang type nyan, hindi naman talaga si Mahangin Man.


            “Sinetch si Mahangin Man teh, ibang guy-lalu pa ba yon?” tanong ng naguluhan na si Mina.


            “Si Mahangin Man at si fafa Wacky ni Milo ay iisa lang. Ang type talaga ni Milo si Kuya Brandy at hindi yung Wacky na yon ---“


            Sabi na nga ba at magre-react ang bading kapag narinig nya ang pangalan ni Kuya, hahaha. “Excuse me ten times wide the skyway Deminyita, HE IS NOT MY TYPE!!! Si wafung Patrick na lang ang sa akin, wala pa naman syang ka-chorva.” Hindi naman obvious na ayaw nya kay Kuya Brandy diba?


            “Ay award ka teh, ang dami mong lalake! Mamigay ka naman para lahat tayo masaya. Kung ayaw mo dun sa Brandy, sa akin na lang sya.” Isa pa tong si Miley-gaya eh, puro lalake rin nasa isip. “Teka Demi-licious, ikaw ba wala kang fafa sa bar kung saan ka ruma-rocketeers? Baka naman madami kang reserve boylets jan, i-share mo naman sa sangka-badingan nation.”


            Sasagot na sana ako, pero feeling yata ni Milo-ga kasing ganda nya ako at sya ang sumagot sa tanong ni Miley-gaya. “Ay nako sisteret, tomboy yata itong si Deminyita kaya walang papable na gustong pumatola sa kanya. I am correct Demi-licious gelay?” sampalin ko isa tong si Milo eh.


            “Babae ako Milo-la no, sa ganda na taglay ko dapat piliin kong mabuti ang papatulan ko.” nagpalakpakan naman ang mga lukring sa sinabi ko. “Gusto ko kapag nagka-jowawit ako, sya na rin yung last.”


            “Iyan naman ang mali, Demi-licious!” apela naman ni Milka.


            “Oo nga naman!” sang-ayon naman nung iba.


            “Dapat collect ka lang muna ng collect, then you select!” payo naman ni Mina na mina-dali ang pagdadalaga. “Dapat i-appreciate mo ang mga kalahi ni papa Adan.”


            “Ewan ko sa inyong apat, nakaka-baliw kayong mga kausap, puro kayo lalake.” At ni-shoot ko na ang libro na binabasa ko. “Jan na kayo, kailangan ko pa palang mag-grocery, bye my hilarious sang-kabadingan troop.”





            “Yes Ma, tapos na ang class ko for today kaya nasa mall ako ngayon.” Ayaw kasing maniwala ni Mama na wala na akong klase, akala nya tamang gala lang ako ngayon sa mall. “May kailangan lang din po akong bilin para sa project ko.”


            “Siguraduhin mo lang bata ka, dahil kapag nabalitaan ko na may failed ka this semester ipapasundo na kita sa Kuya Kyohei mo.”


            Bakit ba kasi naisipan ko pang mag-face time kay Mama, tuloy naungkat na naman yung pagpunta ko sa Japan. “I have to go Ma, magbabayad na ako ng mga binili ko.” at ni-end ko na yung tawag ko kay Mama.


            Pipila na ako kasi baka humaba pa eh gabihin pa ako ng uwi, kailangan ko pang maligo ulit bago ako pumasok sa Wild Ones. Pero nung malapit na ako dun sa isang counter ay biglang may bumunggo sa akin kaya ang resulta, ayun nagkalat yung mga bibilin ko sana.


            “Ooopps, sorry!”


            Badtrip talaga, bakit ba parang ang malas ko ngayong araw? Sa dami naman ng pwedeng bumunggo sa akin, bakit eto pang si Mahangin Man? Pinulot ko na lang yung mga nagkalat na bibilhin ko at lilipat na lang ako sa ibang counter.


            Hindi man lang nya talaga ako tinulungan na pulutin yung mga gamit na bibilin ko, apaka-gentleman talaga. “Leche!” sa sobrang inis ko hindi ko na napigilan na sabihin ang salita na yon.


            Sa sobrang inis ko pa tinigilan ko na yung pagpulot dun sa mga dapat kong bibilin, sa department store na lang ako bibili ng mga school supplies na kailangan ko. Nakaka-inis talaga ang lalake na yon, nakakasira sya ng araw!





            “Thank you Mam, happy shopping.” Sabi nung cashier sa akin, na nginitian ko na lang.


            Pagka-alis ko naman sa harap ng counter, sya namang ring ng cellphone ko. Aba himala, si Kuya Kyohei tumatawag at video call pa.


            “Oh Kuya, napatawag ka? May problema ka na naman ba sa babae?” tinatawagan lang kasi ako ni Kuya kapag may problema yan o kaya naman sobrang ligaya. “Oh baka naman sobrang saya mo at kailangan mo ng masasabihan? Wait lang Kuya, pasok lang ako sa isang resto para naman hindi ako mukang timang dito sa mall.”


            “Ok, I’ll give you a minute.” At naghanap na nga ako ng pinaka-malapit na resto na masarap ang pagkain. “Ang tagal naman oh!”


            Shakey’s ang place to be para sa akin, mojos, belly buster pizza in thin crust, and of course hindi mawawala sa order ko ang spaghetti with monter meatballs.


            “So Kuya Kyohei, anong pumasok sa utak mo at naisipan mo akong tawagan?” bungad na tanong ko sa Kuya ko after na umalis nung waiter. “How are you?”


            “I’m fine, pero syempre namimis na kitang kasama. Ikaw naman kasi Demi bakit ayaw mo pang mag-stay dito sa Japan, masaya din naman dito?”


            Sabi lang naman nya yon, na masaya sa Japan pero ang totoo hindi naman talaga. “Kuya kahit na ano pang sabihin mo, hindi ako mag i-stay jan sa Japan. Kung pupunta man ako jan, just for a vacation.” Ayoko talaga dun kahit pa sabihin na mas maunlad ang Japan compare sa Philippines.


            “Ikaw kamusta ka naman jan, hindi mo man lang maisipan na tawagan ako, lagi na si Mama.” Sus, nagtampo pa ang mahal kong kuya. “May boyfriend ka na ba jan?”


            Sakto naman sa tanong ni Kuya na yon, biglang may tumabi sa akin na lalake, si Mahangin Man na naman!!! Wala ba syang ibang alam gawin kundi ang sirain ang araw ko, kanina pa sya ha. Malapit na syang buminggo sa akin.


            “Sino yang kausap mo Babe, nagseselos naman ako.” Putaraklis naman oh, baka mamaya isipin talaga ni Kuya boyfriend ko ang bwisit na to! “Who is he babe?”


            “Arrggg!!! Pwede ba lumayo ka nga sa akin lalake ka na lumunok ng vacuum cleaner!” bwisit na bwisit kong sabi kay Mahangin Man at saka ko naman hinarap si Kuya. “He’s not my boyfriend Kuya Kyohei, he is just someone na walang magawang maganda sa buhay!”


            “Hey Shen, I just want to say sorry to what happened at the bookstore.” Hihingi nga ng sorry sa nangyari kanina, tapos gumawa na naman ng bagong kasalanan. “Sorry na babe.”


            “I’ll call you later Kuya, I will kill this guy muna. Bye, love you!” and I end that call na. “Ikaw lalake ka, kung wala kang magawa wag ako ang bwisitin mo.  Umalis ka na nga dito!”


            Nakaka-badtrip talaga sya, bwisit sya! Pano na lang kung maniwala si Kuya sa lalake na to, tapos sabihin kay Mama at Papa? Naku po, malamang sunduin nila ako dito at itatapon sa Japan. Hindi pwedeng mangyari yon!!!


            “Pwede ba umalis ka na dito, kung kakain ka din humanap ka ng sarili mong pwesto!” ayaw pa rin kasi nyang umalis sa tabi. “Ano ba!!!” at tinulak ko sya palayo sa akin. Mejo napalakas yata yung boses ko kaya pinag-tinginan kaming dalawa nung ibang kumakain. “Kasi naman eh!”


            Ayaw pa rin nya akong tigilan, hindi pa rin talaga sya umalis sa tabi ko. “Waiter!” agad namang lumapit yung lalake na kumuha nung order ko kanina. “Paki-take out na lang yung mga orders ko!” pagkasabi ko nun ay agad din namang sumunod yung waiter. Buti pa sya madaling kausap, samantalang ang isang to pinagtatabuyan ko na ayaw pa ring lumayas.


            Hindi nagtagal ay dumating na yung mga orders ko, salamat naman! “Umalis ka jan, dadaan ako!” singhal ko na naman kay Mahangin Man, thank you Lord dahil sinunod din nya ang sinabi ko!


            Salamat din Jesus dahil hindi na nya ulit ako sinundan, matatahimik na ang buhay ko! Naglibot-libot muna ulit ako at saka bumili ng kung anong trip ko, ayun wala akong trip so I end up buying nothing.


            Tinawagan ko si Milo para papuntahin sa bahay ko para naman may kasama akong kumain nitong mga binili ko sa Shakey’s. “Hello baklits, punta ka sa bahay.” Syempre pa mega natong yan kung bakit.


            “Bakit, anyareh teh?”


            “Wala lang, pauwi na kasi ako and I bought pizza, mojos, and pasta sa Shakey’s. Hindi ko naman kayang ubusin lahat ng yon ng mag-isa lang, kaya pumunta ka na sa bahay.” Sagot ko naman sa kanya.


            Bilang masiba din ang BBF ko ay pumayag sya at sinabing pupunta na sya. Ako naman naglakad na papunta sa sakayan ng jeep pauwi, baka mainip si Milo na luka-luka ay maisipan pang gawin nun para makapasok ng bahay.


            Beeeeeeeeeeeeeeeepppppp!!!





3 comments:

  1. nKkTwa tLga c maHanGin maN,,, LOL,,,

    ReplyDelete
  2. he's name is Wacky? baka pati pagmumukha nya wacky din ha.. hahaha.. hala sige magbukingan kau ng full names nyo..

    ahhh,iba pala yung sinasight-sung ni milo ha,haha.. deny pa sya.. nakakatawa ang sang-kabadingan troop!! you go half-gurls!

    uaahh!! i really like dat babe thing.. kinikilig ako..

    ReplyDelete
  3. SUPER NAKAKAALIW ANG MGA BEKLINGS :D HAHAHAHAHA SUPER LOVE IT <3

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^