Chapter Three
The Who si Little Mr.
President!!!
Anak naman ng sampung buwaya oh!
Kung maka-busina naman akala mo bingi ang lahat ng nandito, hindi ba nya naisip
na nandito ako at nakikipag-usap sa BBF ko?
“Yung
babae masasagasaan!!!” sigaw nung isa.
Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppppppppppppppp!!!
Alam kong may dalang sasakyan ang
tao na yon, pero hindi naman na nya kailangan pang ipangalandakan pa yon.
Napatingin naman ako dun sa direksyon nung isang babae na may tinuturo sa
likuran ko, pero yung sa likod ko nga ba talaga yung tinuturo nya?
Ako naman na masunurin tumingin sa
likuran ko kahit na hindi ko sigurado kung ako nga ba yung kausap nung babae.
Pag-lingon ko, dun ko lang napansin na muntik na pala talaga akong masagasaan,
ako pala yung sinasabi nung isang sumigaw kanina. Nung aalis na ako sa harap
nung kotse na kulay itim na halatang bagong-bago pa ay saka naman bumaba ang
driver. Wag nyang sabihin na sisigawan nya ako sa harap ng maraming tao, dahil
sasamain sya talaga sa akin.
“Hey
Demi Shen, ihatid na kita sa inyo!” fuck, sya na naman, wala na bang ibang
tao sa mundo ang pwede kong makita? “Hey
Demi, sorry na talaga!!”
Lumakad na ako palayo sa kanya para
sumakay ng jeep, pero talagang makulit sya at pinigilan nya ako. “I insist, ihahatid na kita sa bahay mo.” Yung
iba naman akala mo mga nanonood ng taping.
“Pwede ba Mahangin Man tantanan mo ako ha, sirang-sirang na ang
mag-hapon ko dahil sayo.”
Nagulat naman sya nung tawagin ko
syang Mahangin Man, pero pakelam ko naman. “What
did you just called me, Mahangin Man?” kailangan ko pa ba talagang ulitin
para sa kanya?
“Oo,
Mahangin Man nga. Please lang Mr. Mahangin Man, bitiwan mo na ako at kailangan
ko ng umuwi.” At hinila ko naman yung braso ko na hawak nya.
Pero makulit din ang lipi nya, ayaw
pa rin nya akong bitawan, sa sobrang bwisit ko talaga sa kanya eh tinapakan ko
yung paa nya. “Ouch, bakit mo tinapakan
ang paa ko?” tanong naman nya habang hawak yung paa nya na tinapakan ko.
“Para
bitiwan mo ako!”
Pero mabilis ang reflexes nya at
nahawakan na naman nya ako. Naku naman oh, ano ba kasi talaga ang kailangan nya
sa akin?
“Ihahatid na kita!”
“No need!”
“I really insist!”
“Ayoko nga!”
“Pumayag ka na!!”
“Ayoko
nga sabi eh, bakit ba ang kulit mo?!”
Ilang beses ko ng sinabi na ayoko at
hindi na nya ako kailangang ihatid pero ayaw pa rin nyang tumigil. Sa sobrang
inis ko sa kanya, may nakita akong bato sa may likuran nya at dinampot iyon.
“Kapag hindi ka pa tumigil sa pangungulit ko, ibabato ko to sa sasakyan
mo!” tingnan ko lang kung kulitin mo pa ako!
“I
know you can’t do that. At sa oras na dumikit ang bato na yan sa kotse ko,
hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” At ako pa talaga ang tinakot
nya ha! “Kaya please lang Demi Shen,
pumayag ka na naihatid kita sa bahay mo.”
Sinabi ng kapag hindi sya tumigil
ibabato ko talaga ang hawak ko sa kotse nya, kaya naman sabi nung bato sa wind
shield ng kotse nya ay ‘hello, am gonna broke you to a hundred pieces’ dahil
binato ko talaga sa kotse nya yung malaking bato na hawak ko.
Sa ginawa ko na yon, parang nakita
ko na ang nawawalang kapatid ni Satanas. Parang gusto kong ibalik yung oras na
yon tapos hindi ko na lang sana
binato yung salamin nung bogo nyang kotse. His face suddenly turn red, kahit
yung tenga nya namula, tingin ko nga yung itim nung mata nya naging pula rin
dahil sa sobrang galit nya sa ginawa ko. Napa-woah naman yung audience naming
dalawa ni Mahangin Man.
“he—hehehe!!!
Peace!!! vc”)” at nagsimula na akong humakbang palayo sa kanya, baka kasi
bigla na lang nyang pilipitin ang leeg ko.
Pero mabilis talaga ang mokong at
hindi hinayaan na makalayo ako, nahawakan nya agad ako sa braso at hinila
papasok sa kotse nya. Ay nako hindi pwedeng matapos agad ang kwento ko na ito
ng walang happy ending, hindi pa panahon para sumakabilang-buhay ako.
“Bitiwan
mo nga ako, you provoked me to do that. Ni-warningan na kita na babatuhin ko
yung sasakyan mo kapag hindi ka pa tumigil, tapos hindi ka pa rin tumigil.”
Depensa ko naman kahit na wala syang sinasabi kahit na isang salita, at dahil
doon, mas natakot naman ako. “Bitiwan ko
nga ako!”
“You
have to pay for these!!!” matigas nyang sabi. “Dadalhin kita sa pinaka-malapit na Police Station!”
Pero sabi nga sa pelikula ni Da King
FPJ at Vandolph, walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Mainit ang ulo ko
kaya wag nya akong dinadaan sa galit-galitan nya.
Hindi naman papayag na ang ganda ko
eh makita ko sa likod ng malamig na bakal ng police station. Nung isang beses
pa na hinila nya ako para sumakay sa sasakyan nya, ay sinuntok ko sya sa
kaliwang mata nya at ng mejo lumuwag yung pagkaka-hawak nya sa braso ko ay
tinuhod ko naman ang ari-arian nya Mabuti nay ung sigurado ako na nasaktan
talaga sya ng husto para naman hindi na nya ako abutan kapag tumakbo ako.
“Sorry
ulit Mahangin Man, kasalanan mo naman ang lahat eh!”
At tumakbo na ako at sumakay agad ng
jeep, mahirap na baka kalahi din sya ni Iron Man at hindi pala sya nasaktan sa
ginawa ko. Pero syempre hindi ko naman nakalimutang iuwi yung favorite foods
ko.
Pagdating ko sa bahay, nakita ko
agad ang busangot na face-lalu ni Milo .
Nilabas ko agad sa bag ko yung susi ng bahay ko at inabot sa kanya ang lahat ng
nabili ko kanina, at dali-dali kong binuksan ang bahay ko. Ng maka-pasok na
kaming dalawa ni Milo ng bahay ay ni-lock ko
ulit ang pinto ko, syempre pa ang baklita todo tingin lang.
“Anyareh
teh, bakit kailangang i-lock mabuti ang house-sung mo? May balbal ka na namang
ginawa no?”
At kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina
mula dun sa bookstore hanggang sa kanina sa sakayan ng jeep. At ano pa ba ang
aasahan mo sa baklitang si Milo, syempre inggit sya kasi nakita ko si wafung
papa Wacky nya, saka inggit much daw sya kasi na-feel ko daw ang frontpage ni
Mahangin Man. Ang laswa din minsan nitong si Milo-la eh.
Ilang araw naman na akong pumapasok sa Wild Ones at ni
anino ni Mahangin Man ay hindi ko nakikita, sobrang pinagpapa-salamat ko ang
bagay na yon. Sa school din na pinapasukan ko, wala pa rin naman akong
natatanggap na sulat na kailangan kong pumunta ng disciplinary office. Baka
kasi mamaya matalino pala ang mokong na yon at maisipan na ipa-hunting ako at
alamin kung saan ako nag-aaral.
“Grabe ka Milo,
ang laswa talaga ang pag-iisip mo. You’re so nakaka-diri to death.”
Ano bang pinag-uusapan nitong dalawang bading na to, at
nasaan pa yung dalawa? Pero wala na rin naman bago dun sa sinabi ni Milka-way
na ang laswa ni Milo na kulay gatas.
“Anyway,
Demi-licious baby girl have you heard the news inside the school?”
Tanungin nyo na ako sa mga subjects ko, lahat masasagot
ko wag lang mga current events sa university dahil wala talaga akong alam.
“Ano bang balita
yan, ipagbabawal na ba ni Mr. President ang mga lalakeng saksakan ng yabang sa
school natin? Kung iyon ang balita, ipagpapatayo ko ng monumento jan sa kanto
si Mr. President.”
Binatukan naman ako ni Milo at Milka sa mga sinabi ko,
ano bang mali
sa sinabi ko? Seryoso ako!!!
“Seryosong usapan ‘to Deminyita ka,
ang balita kasi yung anak na lang daw ni Mr. President ang magpapa-takbo nitong
school.”
Wow ang baklang si Milo , akalain mo updated sa
current events sa loob ng campus na hindi related sa poging lalake. “Excited na nga kami Deminyita ni kumareng
Milka eh.”
“Ano naman ang
nakaka-excite sa balita na yon? Baka mamaya hindi naman pala marunong yung
papalit kay Mr. President, tapos mayabang at kurakot pa! Saka baka mamaya
happy-go-lucky yung anak non, pano na lang ang magandang future sana natin?”
“Balita kasi namin
baby gelay pogi daw yung anak ni Mr. President kaya naman super excited kami
kasi magkakaron na naman kami ng new source of inspiration.” Sagot naman ng
malading si Milka-way.
Ang sang-kabadingan troop nga naman oh, basta lalake
laging excited pero pagdating exam lahat nganga.
“Mga girlash!!!”
sigaw ni Mina sa amin mula sa kung saan.
“I have good news
sistahs, I have good, good, very good news!” exag lang Miley? “Nandito na yung anak ni Mr. President na
papalit sa kanya.”
“Talaga, talaga?”
excited na tanong naman nila Milo at Milka.
“Where-lalu na si
little Mr. President? Gorabelles na tayo ng ma sight-sung na us ang magandang
tanawin na handog ni Kumpareng Adan!” ang malanding si Milka, hindi halata
sa super excited talaga sya. “Tara-lets
Demi-licious babe!” at hinila na ako ni Milo
at Milka habang naglalaro sa phone ko!
Bilang hindi naman ako interesado sa anak ni Mr.
President eh hindi na ako nag-abala pa na sumilip kung ano ba ang itchura nya.
Samantalang yung apat akala mo may poging artista na pinapanood ng live.
“Grabe, diba ang
wawit lang ni little Mr. President? Kakaririn ko sya once na maka-graduate ako
sa school na to. Mukang super ka-dooper bango nya oh!” ang di magkanda-tuto
na sabi ni Mina. “Teh ang gwaponess nya,
um-over the bakodness ang hotness at sexiness oh!!”
“Mare hindi lang
yon, hindi na nagtira ng sex appeal para sa ibang papa, inangkin na nyang
lahat. Walang say-sung ang fafa mo jan Milo-vie poe.” Malanding sabi naman
ni Miley-gaya.
“Teka naman kasi,
bakit ba nakatalikod sya sa atin? Hindi ba nya know-sung kung saan nya
mafa-foundness ang real beauty? Nandito tayo kaya dapat lang na dito sya
humarap di--- ow my gosh!!!” malamang humarap si little Mr. President kung
tawagin ni Milka. “He is so handsome!!!”
“Ay wait-lalu lang
girls!!! Sy-sya yung…”
Hala, natalisod yung character ko! Kailangan hindi muna
ako ulit matalisod, baka makain na ako nung bear na humahabol sa akin. “Ay names, sayang hindi ko nakuha yung
magnet!” hindi kasi agad ako nakatalon eh, yan tuloy. Bakit naman kasi
kailangan pang may pinapana dito, hindi ba pwedeng kamuka na lang nung unang Temple Run
to na puro takbo lang ang ginagawa? “Buti
na lang may wings!!!” nalaglag yung character ko, paka-tanga lang.
Oh, anong problema ng mga bading at bigla na lang silang
tumahimik lahat? Ah, baka kasi umalis na si little Mr. President kaya wala na
silang masabi. Bigla na lang kasing tumahimik ang paligid eh.
“Patay!” boses
ni Milo yun. Sinong patay?
“Haya!!!”
Game over na agad ako, anu ba naman yan! At bigla akong
nagtaas ng tingin para na rin i-check kung bakit sila tumahimik bigla. Nung
itaas ko yung ulo ko, tumama yun sa matigas na bagay. Naglakad ba ako ng hindi
ko namamalayan at nauntog ako sa pader? Pero hindi eh, may nakita akong sapatos
na panlalake sa tapat ng paa ko, so ibig sabihin sa tao ako nauntog!
Sya na naman?! Alam kong may kasalanan ako sa kanya, pero
parang hindi na makatarungan na araw-araw nyang sisirain ang araw ko! “Ikaw na naman?! May lahi ka bang kabute?”
tanong ko kay Mahangin Man. Sa tanong ko na yon parang napa-woah yung mga
nakapaligid sa aming dalawa, kahit yung singhap nung mga baklita narinig ko
rin.
Mukang talagang desidido sya na pagbayarin ako nung wind
shield nung kotse nya na binato ko. Mukang nag-hire pa sya ng isang magaling na
private investigator para lang mahanap ang school ko at para ipadala ako sa
disciplinary office.
“So, dito ka pala
nag-aaral! Nice!!!”
Ano naman ang nice doon? Bukas na bukas din lilipad na
ako ng Japan
at hindi ako babalik ng Pilipinas hanggang hindi ko nababalitaan na wala na sa
mundong ibabaw ang lalake na to.
“Ano ba kasing ginagawa
mo dito, ha? Kung balak mong isumbong ako sa may-ari ng school para i-expel
ako, go lang! Akala mo naman natatakot ako sayo.!?”
HWaHehE,,, hiNdi tLga naGpaPigiL c sHen at biNato tLga uNg caR ni MM sHort fOr mHanGin maN,,,, mei sRiLi tLGa aq niCknMe s kaNya,,,
ReplyDeleteai grabe! ang kulit nya!!! siguro na love at first sight sya sakin kaya he's following me.. hahah.. ako na assumera!.. cnsya k na lang,basag windshield mo.. sabog bubog! haha
ReplyDeletekung makpaglock nman,parang mei gyera sa labas eh.. hahah
goshness! ang laswa talaga ni milo!! mabuti hindi ako nahawa sa kanya.. haha.. yari na ako nito sa kanya!! bukas na bukas,lilipad na talaga ako sa japan! hahah.. i'm excited wat will happen next..
nikikiliog aq!!! aylabyu ate josa q!!!!!! ang gnda-ganda tlga ng mga stories mu!!! pls nmn, wag k na nambibitin!!!!! nmimiss q n din ung iba p story, nde mu p nttpos un....
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah~ ang ganda super ka duper to the highest level~~
ReplyDeletelove love ang ratings ko dito..
nakakatuwa pa~~~ ♡ ❤ ♡ ❤
ang sweet!!
ReplyDeletehindi ko mapigilan matawa mapangiti sa story na to . haha thumbs up Miss Queen :))
ReplyDelete