Chapter Four
Meet Little Mr. President
Eto namang mga bading na to, hindi man lang tinakpan yung
bibig ko. Malay ko ba naman na anak ni Mr. President itong si Mahangin Man,
tuloy hello disciplinary office ako.
“Ms. Shizuka
siguro naman ayaw mong mawala sayo ang scholarship mo?” tanong ni Mr.
Poblete sa akin in a very calm and low voice. “Pero bakit naman ginanon mo si Sir Wacky, hindi mo ba
alam na anak sya ni Mr. President?”
Si Mr. Disciplinarian hindi ko alam
kung hibang o engot lang eh. Sisigawan at papahiyain ko ba naman yung tao kung
alam ko na anak pala sya ng mag-ari ng school na pinapasukan ko? Syempre naman
hindi ko gagawin yun lalo na at alam ko na pwedeng malaman nina Mama ang
pinag-gagagawa ko dito sa school, ayokong pumunta ng Japan for good.
“Sorry
po Sir, hindi ko naman po kasi alam na sya ang anak ni Mr. President. Saka kasi
po Sir nung minsan talagang pinakulo nya ang dugo ko, feeling close po kasi sya
masyado.” Katwiran ko naman, akala mo naman mananalo ako sa isang to.
“Pero
kahit na Ms. Shizuka, mali pa rin iyon. You
have to learn how to control your anger, your emotion. Hindi lahat ng tao
kasing-maunawain ni Sir Wacky.” Maunawain, saang banda? “You have to say sorry to him.”
Ako hihingi ng sorry sa kanya, ano bang ginawa kong mali
sa kanya? Kung tutuusin sya naman talaga ang may kasalanan eh. Unang-una dapat
hindi na sya nag-insist na ihatid kaming dalawa ni Milo sa bahay ko, pangalawa
sana nag-sorry sya nung nabangga nya ako sa counter o kahit man lang
tinulungan, pangatlo sana hindi na lang sya umepal nung nag-uusap kaming dalawa
ng kuya ko, at pang-apat sana hindi na lang sya pinanganak na makulit para
naman hindi na umabot sa ganito ang lahat.
“Eh Sir, paano po
ako hihingi ng sorry sa kanya eh hindi ko naman po alam kung saan ko sya
pwedeng puntahan para kausapin.” Dumadahilan na naman daw si ako oh!
Nag-ring yung telepono sa table ni Mr. Poblete at sabay
hand gesture na wait. “Disciplinary
office… Yes Sir, she’s here inside my office… Ok Sir, I let her know… No
problem Sir, bye!” at binalik na nya sa cradle ang phone receiver.
“Please meet Sir
Wacky at the President’s Office, right now! You may now leave Ms. Shizuka!”
Patay!!! Naku po naman oh, mukang matutuluyan yung plano kong sa Japan na lang mag-stay, ayoko
dun!!! Paglabas na paglabas ko ng Disciplinary Office sinalubong ako ng apat na
bakla, of course kanya-kanya silang tanong na parang mga field reporter.
“Deminyita baby,
whatetch happen inside the office?” tanong ni Milka.
“Gorabelles ka na
ba out of the school, expulsion ba ang verdugo sayo ni Mr. Pants?” grabe
naman sa expectation tong si Miley, tanggalin ko kaligayahan nya eh.
Syempre may sarili ring tanong si Mina. “Demi-licious
babe, anyareh? Ansaveh ni Mr. Pobs, nagka-usap na ba kayo ni little Mr.
President?”
And the one million peso question will be asked by Emilio
Alejandro Perez Punongbayan. “My DBF
from satan’s crib, nasa loob din ba si fafable wafung papa Wacky ko?”
malandi talaga, mas inuna pa talaga si Mahangin Man kesa sa kalagayan ko.
“No comment ako sa mga tanong ninyo,
may kailangan pa akong puntahan. Mauna na ako sa inyo at pupunta pa ako sa
impyerno!” at
naglakad na ako papunta sa Office of the President.
Habang nag-lalakad ako papunta sa mahangin na lalake na
yon ay pinag-titinginan naman ako ng ibang estujante ng school, iba na talaga
kapag sikat ka, kilala ng lahat!
Ilang minuto pa at himalang hindi nagbago ang isip ko na
pumunta sa opisina ni Mahangin Man. Ngayon ko lang naramdaman yung kaba, parang
gusto ko ng maglakad palabas ng Admin building. Hindi
naman siguro mapapansin ng mga tao dito na nanginginig ang tuhod ko sa sobrang
kaba. Kasi naman eh, baka mamaya maisipan nya na lang bigla na i-expel ako,
pano na lang ang future at diploma na pinapangarap ko?
“Are
you Ms. Demi Shen Shizuka?” tumango lang naman ako, baka kasi simpleng opo
lang ang sasabihin ko eh mabulol pa ako dahil sa sobrang kaba. “Pasok
ka na, hinihintay ka na ni Sir Wacky.”
Oh my good Lord, please help me to be a pasensyosa girl
kahit ngayon lang na haharapin ko si little Mr. President. Pagpihit ko nung
door knob at konting pagtulak, naramdaman ko agad yung malamig na aircon, ang
sarap sigurong matulog dito.
“Good afternoon
Sir, pinapatawag nyo daw po ako!” magalang kong sabi sa kanya, pero hindi
sya sumagot kahit simpleng ‘ha’ lang. “Sir!” tawag ko ulit sa kanya pero wala pa rin talaga. Hindi ko naman
sya makita kasi nakatalikod sa akin yung swivler chair nya.
Naku naman oh, mukang sasayangin lang nya ang oras ko.
Hindi ba nya alam na may klase pa ako ng three? Anong klaseng presidente ng
eskwelahan ang isang tulad nya na tini-tolerate ang pag-cut ng class ng isang
student?!
“Sir!” tawag
ko ulit sa kanya.
After five minutes at ilampong beses na pagtawag ko sa
kanya ng SIR ay hindi pa rin sya gumagalaw, so I decided to get out of his
office to tell his secretary na natutulog yata si little Mr. President.
“Excuse me po Mam, kanina pa po kasi ako nasa loob pero parang tulog po
yata si Sir. Kanina ko pa rin po kasi sya tumatawag pero hindi naman sya
sumasagot, baka po natutulog si Sir”
Pumunta naman sa loob yung
secretary para i-check siguro kung humihinga pa ang lokong Mahangin Man na yon,
at wala pang isang minuto ay lumabas na ulit ito.
“Mukang pagod si
Sir Wacky, nakatulog nga sya.”
“Ah Mam, pwede na
po ba akong umalis, may klase pa po kasi ako and it’s about to start na po.”
Pumayag naman yung babae. “Thank you po
Mam.”
Bwisit na lalake na yon, ipapatawag ako tapos matutulog
lang pala. Ng dumating ako ng classroom namin nandon na si Mam Wilma, pero
salamat na lang at hindi pa sya nagsisimulang mag-discuss.
“Deminyita saan ka
ba nanggaling, we thought-fulness hindi ka na papasok sa banga!” tanong ni Milo pagka-upong pagka-upo ko sa tabi nya. “Where have you been gelay?”
We’re in the middle of an activity on my Foods 324
subject ng biglang may kumatok sa room namin. Deadmatology lang ako kasi
kailangan maganda ang maging plating ko sa food na pinag-hirapang lutuin at
pasarapin ni Milo, kasi kung pangit ang plating na magagawa ko ay sa bahay ko
tutuloy ang sang-kabadingan troop for one whole week. Iniisip ko pa lang ang
mga pwedeng mangyari sa one week na yon parang ayoko ng umuwi sa bahay ko.
Wala naman akong narinig na kahit na ano after that
knocked, maramdaman ko na lang na merong isang kamay na humila sa kamay ko.
Pusang-gala naman oh, nasira yung ginagawa ko!
“Ano ba naman yan
oh!” at tinabig ko yung kamay na humawak sa kamay ko. “Wag ka ngang malandi jan Milo, nakita mo ng over sa
focus ako dito tapos mangugulo ka. Kapag mababa lang ang naging grade natin
dito humanda ka sa akin, isang linggo mo akong pakakainin sa Shakey’s!” mahabang sabi ko kay bakla ng hindi man lang sya tinitingnan.
After kong sabihin ang linya na yon
ay parang narinig ko yung mga classmate ko na naghagikgikan, ano bang
nakakatawa sa sinabi ko? Bakit
ba parang ang weird ng mga tao ngayon, ano bang meron.
“Ayos, tapos na
ako Milo ! Look!” paglingon ko sa left side
ko, hindi muka ni Milo ang nasilayan ko kundi
ang muka ni “S-sir Wacky!” anong
ginagawa nya dito?
“Siguro naman
pwede ka ng sumama sa akin, now that you’re thru with that activity?”
Demi, be good to him ok? Alalahanin mo kailangan mong
maging mabait sa kanya dahil sa kanya nakasalalay ang scholarship mo. “Eh Sir Wacky, hindi pa po tapos yung klase
ko?” ayos sa mga dahilan, akala mo makakalusot.
Tiningnan naman ni Mahangin Man si Mam Wilma. Mam Wilma
parang awa mo na, kahit ngayon lang ay tulungan mo ako. “I’m sorry Sir Wacky but I can’t allow Demi to come with you even if
you’re the son of Mr. President, we still have activity.” Oh thank you oh
so much Mam Wilma, promise hindi na ako male-late sa klase natin. “But if you want Sir, you can be the one
who will try the food that my class cooked for their activity.” That’s a
very bad idea Mam. Nasaan ba yung bote nung lason dito sa loob ng kitchen lab
ng malagyan tong niluto ni Milo ?
“That’s a great
idea Mam, pwede po ba na ako na rin ang magbigay ng grades nila for this
specific activity?”
Alam kong may galit sya sa akin, baka nga kinakamuhian pa
nya ako eh, pero parang hindi naman yata talaga tama na sya lang ang magbibigay
ng grade namin para sa activity na to na pinagbuhusan ko ng sandamakmak na
concentration para mapaganda ang presentation nitong niluto ni Milo.
“Ok class, you put
all your dishes at the center table para mahusgahan na ni Sir Wacky ang mga
niluto ninyo.”
“Ikaw na maglagay nyan sa table Lola Milo.” Utos ko kay
bakla.
“Ikaw na
Deminyita, baka sakaling bigyan nya tayo ng mala-Empire State Building na grade
ni fafa.” Utos naman sa akin ni Milo .
Kunwari pa tong isa na to, burahin ko make-up nya eh. “Bakla naman, ikaw ang dapat magdala nyan
kasi ikaw ang nagluto this time, so it means you are the one who is more
responsible sa activity na yan.” pang-uuto ko kay Milo.
“Milo, Demi ano pa ba ang hinihintay nyo jan?” sita naman sa amin ni Mam Wilma.
At the end of the day, ako
pa rin ang nanalo sa debate naming dalawa ni Milo ,
hahaha!!! Si Milo na ang nagdala sa center table nung pinaghirapan naming
dalawa, sana
lang wag laitin nung mahangin na yon yung ginawa namin dahil talagang
kakalimutan ko na anak sya si Little Mr. President!
Tinikman na ni Mahangin Man at Mam Wilma yung mga naunang
group, at parang balak nilang gawing finale ang luto ni Milo .
At iyon na nga ang nangyare. Nung sumubo silang dalawa, mas gusto kong makita
ang itchura ni Mam Wilma kesa dun sa isa na mukang nagmamarunong lang.
“So Sir Wacky,
what can you say about the dishes of my students?”
Ayoko na makinig, alam ko naman kung anong sasabihin ng
mokong na yan tungkol sa pinag-paguran naming dalawa ni Milo .
Baka mamaya mag-panting lang ang tenga ko sa maririnig ko eh mawalan pa ako ng
scholarship or worst masipa palabas ng university na to.
“Sa last dish
naman na tinikman natin Mam, it’s not overpowering. Yung mga ginamit na mga
ingredients is makikita lang talaga sa loob ng isang typical kitchen house,
which is good because everybody can make this kind of dish.” Naks, sanay
pala syang magsabi ng maganda. “But if
we are talking about working in a five-star hotel and restaurant, I bet this
dish will not pass the standard of the food critics.” Ginandahan
nga sa simula, pero ibinagsak din naman sa huli. “As
for the presentation, we all see na napaka-focus nung gumawa nito. It is so
good to look at, the presentation of this dish you’ll feel like you don’t want
to eat this kasi sayang yung magandang presentation.” Sa mga pauto naman, mamaya pag pumayag na si Mam na sumama ako sa kanya
malamang saktan na ako nyan. “But as I can
see, ang theme ng activity ninyo is lutong-bahay, I can say that this group
will have the highest grade from me.” Sabay turo nung gawa naming
dalawa ni Lola Milo.
Sobrang tuwang-tuwa naman daw ang baklita, at syempre pa
naki jump-for-joy na rin ako at ang tatlo pang mga bading kay Milo .
Hindi naman sa pagmamalaki pero laging kaming dalawa ni Milo
ang nakaka-kuha ng highest score sa mga activities.
Ilang reminders pa ang sinabi ni Mam at binilin na lang
nya na linisin namin ang kitchen bago kami umalis, pero etong lalake na to ayaw
talaga akong tantanan.
“Mam Wilma, please
excuse Ms. Shizuka sa paglilinis this time. We really need to talk about so
many things.”
Bahala sya sa buhay nya, excuse nyang mag-isa muka nya. HINDI AKO SASAMA SA KANYA HANGGANG HINDI
MALINIS ANG KITCHEN LAB! Ayoko syang kausap, ayoko syang makita!
“Sige na Demi,
sumama ka na kay Sir Wacky, at mukang importante talaga ang pag-uusapan nyo.”
Biglang sabi ni Mam.
“Pero Mam, hindi pa po ako ta---“
“It’s
ok, you may go now!”
no, that’s not ok!
No choice naman na ako, nagtanggal na ako ng apron at
nag-ayos ng bag ng lumapit sa akin ang apat na bakla.
“Girl, balitaan mo na lang kami agad ha.” Nako
Milka, sasaktan na talaga kita.
Natural hindi magpapatalo si Milo na
saksakan din ng dami ang kalandian sa katawan. “Girlash, sa akin yang si papa Wacky ha.” Kanyang-kanya na no.
“Wag
nga kayo jan, puro kayo kalandian eh. Baka mamaya eto na pala ang huling araw
ko dito sa school.”
Bigla namang may kinuha si Mina sa
bag nya sabay sabi na “Mga sisteret,
pa-picture tayo kay Sir Wacky, isa tong milestone para sa atin.” Milestone na ano,
milestone saan? “Since ikaw lang naman
ang mabait dito Demi-licious baby gelay, ikaw na ang mag-picture sa aming lima .” Sabay abot sa
akin ni Mina ng digicam nya.
waah! npa discipline office tuloy ako! letsugas na wacky na iyan! hahaha.. at ang walang hiya! tinulogan ako! time is gold kaya! hahaa..
ReplyDeleteWinner talaga ang sangkabadingan troop! palong palo ung mga question.. nasa pageant ba ko??hahaha.. milo! i love you talaga BBF! inuuna mo talaga sya kesa saken.. Frnd nga kita.. hahah
ung loko nman,F na F maging judge! san mo ba ko dadalhin ha? magpapakasal na bah tayo?? hahaha!!
at ginawa pa talaga akong photographer ng mga baklitang yon..
wag kayong mambitin ate.. hehe.. like the UD!..
Hahahaha... kaya ka pinapunta ng disciplinary office kasi daw malapit ka ng matapos pero hindi mo man lang daw maisipang dalawin si Mr. Pobs kaya ayan, pinatawag ka na nya ng tuluyan... ipanalangin mo na lang na wag ka na ulit mapunta jan....hahahaha...
DeleteSi Milo talaga ang magandang halimbawa ng isang TUNAY NA KAIBIGAN!!! akalain mo ba naman na inuna pa talagang hanapin at kamustahin si Papa Wafu Wacky nya kesa sayo...hahahaha...
hulaan mo na lang kung saan ka dadalin ni Wacky... hindi ko alam kung kayang abutin ng imagination mo yung naisip kong lugar eh...hahahaha... surprisa yun baby gelay...hahaha...
masosolo mo naman na kasi si Wacky kaya yung beauty mo ginawa na lang nilang photographer...
salamat at nagustuhan mo yung UD ko...
yung next chapter hindi ko pa alam kung kailan... kasi nag-iinarte ako ngayon, gusto ko madaming akong mabasang comment...hihi...
paPa waCky,,, kaKaLurqUi cLa,, kYahAha,,, niKikiLig at d saMe tiMe taWa p riN aq ng taWa,,,
ReplyDeletesuuuper LOVE hahahaha :)) ang kulit kulit. hahahaha ngayon lang ako nakapag comment sa mga story :) hahahahaha
ReplyDelete