Chapter Twelve
Lagot Kayo!!!
(Gio POV)
After that incident, yung kunwaring
boyfriend ni Gina si Hale at girlfriend ko naman si Snow ay naging mas malapit
na kaming dalawa ni Gina. Though hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang
nararamdaman ko para sa kanya.
“Na-ayos
mo na ba yung bag mo, have you packed all your stuffs?” tanong ko kay Gina
ng puntahan ko sya sa kwarto nya.
Since sem break naman ngayon, and
malapit na ang anniversary ni Kuya at Ate Billy they decided na mag out-of-town
for a couple of days. Syempre pa all expense paid ni Kuya, he even asked us to
invite our friends. Gina and I decided to ask Lalaine and Jules to come with
us, si Ate Billy at Kuya naman si Ate Empress at Kuya Oliver ang isinama.
Galling pala ng CR si Gina kaya pala
hindi ko sya nakita nung pumasok ako sa kwarto nya. “Yup, kakatapos ko lang mag-ayos ng bag ko Gio. Yung sayo ba, naayos mo
na?” sagot naman nya sa akin habang itinatabi yung mga bag na dadalhin nya
mamayang gabi pag-alis namin.
“Baka
naman ang dami mo na namang dadalin na hindi naman kailangan.” Ewan ko ba
sa isang to, kahit hindi naman useful dinadala pa rin nya. “Baka nagdala ka pa ng hair blower?”
Sa sinabi ko na yon, bigla na lang
tumulis yung nguso nya na parang ang sarap lang halikan. “Nagdala nga ako. Eh kasi baka mama---“ hindi ko na sya pinatapos
sa sasabihin nya kasi hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na halikan sya.
“I
understand, baka kasi mamaya walang blower sa hotel na tutuluyan natin, eh di
ilang araw ka din na bad hair day. At kapag nangyari yon papangit ka, at kapag
pumangit ka maiisip mo na baka hindi kita magustuhan.” Ang utak talaga ng
mga babae, masyadong advance. “Kahit
naman hindi maganda ang buhok mo, hindi pa rin naman kita pagpapalit kay Snow
kahit pa mas maputi sya sayo.”
Hinampas naman ako ni Gina dahil sa
sinabi ko na mas maputi si Snow compare sa kanya, pero totoo naman yun kasi nga
American sya. But to be honest, hindi ko talaga gusto ang mga ganong kulay, mas
prefer ko pa rin ang asian color.
“Ang
sama mo talaga, lumabas ka na nga ng kwarto ko at marami pa akong gagawin!”
at tinalikuran na nya ako.
Lumapit naman ako sa kanya at
niyakap sya mula sa likod nya. “Eto
naman oh, binibiro ka lang naman eh.” Ang naglalambing kong sabi sa kanya.
“Che,
maghanap ka ng kausap mo!” at lumakad na naman sya sa kabilang sulok ng
kwarto nya.
Hindi ko naman matitiis na
nagtatampo sa akin si Gina, kaka-ayos lang namin tapos tampuhan na naman kami.
“Sorry na Regina, joke lang naman yun
eh.” Sabi ko sa kanya sabay yakap ulit mula sa likod nya.
“Kuya
Gio, laro tayo ng Temple Run asaka ng Fruit Ninja.”
Ano ba naman tong si Ran, napaka
wrong timing din kung minsan eh. “Hindi
ako pwede Ran, busy si Kuya Gio, si Ate Monsi na lang ang ayain mo maglaro.”
Pero parang ako lang din tong si Ran kung minsan.
“Pero
Kuya Gio, Ate Monsi is busy packing her things. Saka muka namang tapos ka na
rin mag-ayos ng bags mo, so play with me na. Ate Billy is also busy packing her
and Kuya Nathan’s stuffs.” At isang beses pa ay humindi ako sa kanya. “Ate Gina, tayo na lang ang maglaro, ayaw
akong kalaro ni Kuya Gio oh.”
“Hindi
pwede si Ate Gina, hindi pa sya tapos mag-ayos ng gamit nya.” Magsasalita
sana si Gina pero tinakpan ko na yung bibig nya, aba ayoko naman na umalis kami
papunta sa Ilocos na hindi kami ok, pano kami mo-moment dun? “Hintayin mo na lang na matapos si Ate Monsi
mo sa ginagawa nya. Sige na Ran, may pag-uusapan pa kaming dalawa ni Ate Gina
mo.”
Mabuti naman at lumabas na si Ran ng
kwarto ni Gina. “Bakit naman hindi mo
sinamahan na maglaro si Ran?” parag galit na tanong ni Gina sa akin.
“Eh
kasi ayaw mo akong pansinin, ayaw mo akong kausapin.” Ano Gio, naghahanap
ka ng palusot?
Tiningnan naman ako ng masama ni
Gina. “So kasalanan ko pa pala ngayon,
ganon? Hoy Gregorio baka talagang samain ka na sa akin ha, lumabas ka na nga sa
kwarto ko.” Ang baho naman non, Gregorio.
“Sorry
na kasi Regina, di na kita ulit bibiruin about kay Snow.” At hinila ko sya
palapit sa akin para yakapin sya. “Sorry
na uy!” kasi ayaw nya akong titigan sa mata eh. “Gina, sorry na!” at hinalikan ko sya sa pisngi.
“Oo
na, sige na makipaglaro ka na kay Ran, kawawa naman yung bata walang makalaro.”
Ouch, parang ayaw akong kasama ni Gina.
“Oh, anong klaseng tingin na naman yan Gio? Bakit parang iiyak ka jan?”
“Eh
kasi parang ayaw mo akong kasama, kasi parang galit ka pa rin sa akin. Kita mo
nga, pinagtatabuyan mo ako papunta kay Ran.” Sige lang Gio, umarte ka pa ng
umarte jan Gio, konti na lang at pwede ka ng maging artista. “Ayaw mo ba
akong kasama?”
“Hindi
naman, kasi naman kawawa naman si Ran.” At nagpatumba ako sa kama nya
habang yakap-yakap ko sya. “Waaaaahhhhh,
ano ka ba Gio!” ahhh, eto ang best feeling. “Bitawan mo nga ako, tatayo ako!”
“Ayoko
nga, ang ganda-ganda ng pwesto natin oh. Na-miss kita eh.” Ikaw na madaming
sweet bones sa katawan Gio, ikaw na talaga! “Ganito lang muna tayo, twenty minutes lang.”
++++++++++++++++++++++++++++
(Monina POV)
“Ate
Monsi, let’s play Temple Run and Fruit Ninja.” Biglang sabi ni Ran ng
pumasok sya sa kwarto ko bitbit ang iPad nya. “Ate Monsi!”
Naman oh, wrong timing din tong si
Ran eh, hindi pa nga ako tapos mag-ayos ng mga gamit na dadalin ko mamayang
gabi eh. “I can’t play with you Ran,
busy pa si Ate Monsi. Inaayos ko pa ang mga dadalin ko mamaya eh, ask Kuya Gio
or Ate Gina to play woth you.” Sagot ko kay Ran na sinulyapan ko lang.
Umakyat sya sa kama ko at sinimulang
maglaro saka nagsalita. “Eeehhh, busy
din daw si Kuya Gio, and sabi rin ni Kuya Gio busy si Ate Gina that’s why they
can’t play with me.” Sagot naman ni Ran sa akin.
Saan naman busy ang dalawa na yon eh
si Kuya Gio nakita ko kanina na tapos ng mag-ayos ng gamit na dadalin nya, si
Ate Gina pwede pang hindi tapos mag-ayos ng dadalin nya.
“Ano
bang ginagawa ni Kuya Gio?” tanong ko naman kay Ran.
“They
are busy hugging each other eh.” Walanjong dalawa na yon. Akala ko hindi
silang dalawa at may jowa ng silang iba? “Nandun
nga sila sa kwarto ni Ate Gina eh. Nii-istorbo ni Kuya Gio si Ate Gina sa
pag-aayos ng gamit nya.” Dagdag pa ni Ran.
Ano ba naman ang dalawa na yon, ang
labo nilang kausap ha, ang gulo nilang dalawa. Saka bakit kailangan pa nilang
ipakita yung mga ganon kay Ran eh hindi pa naman sila mag-asawa? Naku naman oh,
isumbong ko kaya silang dalawa kay Mommy at Daddy?
“Sandali
lang Ran, dito ka lang ha! Pupuntahan ko lang sandal sina Kuya Gio!”
sesermonan ko ang dalawa na yon eh, tama ba naman na mag-PDA sa harap ni Ran? “You wait for me here, ok?” at lumabas
na ako ng kwarto ko papunta sa kwarto ni Ate Gina.
“Oh
Monsi, saan ka sasabak ng gyera?” tanong sa akin ni Ate Billy ng makasalubong
ako. “Tara nga dito!” at hinila nya
ako papasok ulit sa kwarto ko.
“Ate
Billy look, I got a new top score on Fruit Ninja!” pagmamalaki ni Ran kay
Ate Billy ng pumasok kami sa kwarto ko.
“Wow
naman, ang galling talaga ni Ran oh. Laro ka pa ulit.” Sabi nit okay Ran,
pagkatapos ay ako naman ang hinarap nya. “So
Monina, tell me bakit ganyan ang itchura mo na para kang may susugurin na
kaaway?”
Napayuko naman ako at saka nagsalita
“Eh kasi si Kuya Gio at Ate Gina,
pinapakita pa nila kay Ran yung paglalampungan nila” naiiyak kong sabi kay
Ate Billy. “Eh diba hindi naman tama yun
Ate Billy, ang bata pa kaya ni Ran para sa mga ganon.” Naiyak na talaga
ako, ewan ko kung bakit. “Saka ang labo
kasi nila eh, nung isang araw lang sabi nila may iba na silang boyfriend at
girlfriend tapos ngayon makikita sila ni Ran na nagyayakapan sa kwarto ni Ate
Gina.” Para akong tanga, umiiyak ako habang nagsasabi kay Ate Billy.
Niyakap naman ako ni Ate Billy at
saka sya nagsalita, ay naunahan pala syang magsalita ni Ran. “Ate Monsi, why are you crying? Pina-iyak
mo ba sya Ate Billy?” kita nyo nga, napaka-inosente pa ni Ran tapos
pakikitaan nila ng ganon.
“May
problem kasi yung friend ni Ate Monsi and she’s affected by it. Puntahan mo
muna baby si Kuya Nathan sa room namin, lalaro daw kayo ng Temple Run.”
Excited naman na bumaba si Ran sa kama ko at tumakbo papunta sa kwarto nila
Kuya Nathan. Ako naman ang hinarap ni Ate Billy pagkalabas ni Ran. “Ako na lang ang makikipag-usap sa kanila
Monsi, ok ba sayo yun?”
Tumango lang ako bilang sagot at
saka yumakap sa kanya. Kasi naman ee, hindi kasi talaga maganda ang naging
dating nun sa akin. Ok lang naman sana na maglampungan silang dalawa, basta
siguraduhin lang nila na hindi ko makikita at hindi rin makikita ni Ran.
“Oh
sige na Monina, tahan ka na at si Ate Billy na ang bahalang pagsabihan si Kuya
Gio at Ate Gina nyo, ok?” at pinahiran na ni Ate ang luha ko. “Tuloy mo na yang pag-aayos mo ng gamit.”
At lumabas na sya ng kwarto ko.
Sobrang swerte talaga namin, lalo na
ni Kuya kasi napaka-bait ni Ate Billy. She treats us like her realand true
sibs, para ngang mas kapatid pa namin sya kesa kay Kuya Nathan before eh. Super
thankful din kami sa kanya kasi sya yung dahilan para mapalapit ulit sa amin si
Kuya Nathan na naligaw ng landas before.
++++++++++++++++++++++++
(Billy POV)
Paker talaga tong dalawang love
birds na to eh, wala ng piniling lugar. Jusko, tama ba namang ipakita pati kay
Ran ang pag-PDA nila? Tatamaan talaga sa akin ang dalawa na to eh. Kawawang
Monsi, naiyak na lang sa sobrang bwisit siguro dun sa dalawa. Eh kasi nga
naman, umuwi ditto nung minsan yung dalawa at nagtuturuan na meron ng ibang
jowa ang isa’t-isa tapos makikita mo nag anon ang drama nila.
Napansin ko naman na bukas nga yung
pinto ng kwarto ni Gina, at pagtapat ko dun, nakita ko ang dalawa na magkayakap
habang nakahiga. Mukang masyado naman yata silang nasarapan sa pagyayakapan at
mukang tulog ang dalawa.
“Ahem…
Aheeeemmm…” alangya, dedma lang? “Aheeeeem!!!
Excuse me lang oh, istorbohin ko lang kayo sandali” salamat naman at
naramdaman na nila na nandito pala ako sa labas ng kwarto. “Hello!”
Bigla namang napatayo sa pagkakahiga
yung dalawa, at naghiwalay mula sa pagkakayakap nila sa isa’t-isa. “Ano yun Ate Billy?” tanong sa akin ni Gio
na nagkukusot pa ng mata.
“Pasok ka Ate Billy.”
Ang sabi naman sa akin ni Gina ng makatayo ito mula sa pagkakahiga nya. “May kailangan ka ba?”
Pumasok naman ako at isinara yung
pinto nung kwarto. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko na pakelaman at
pagsabihan silang dalawa. Kung hindi man tama tong gagawin ko, iisipin ko na
lang na ginagawa ko lang to para sa alaga ko na si Ran.
“Ate
Billy!” untag naman sa akin ni Gio ng matulala ako ng hindi ko namamalayan.
“May problema ba?”
Problema bang maituturing yung mga
nakita ni Ran at yung naging reaksyon ni Monina? “Ano kasi eh, ahmmm… gusto ko sana kayong maka-usap ng maayos.”
Pasimula ko, kasi hindi ko alam kung pano to sisimulan eh.
Pucha ka naman Billy, ilang taon ka
na ba at ilang taon lang yang mga kakausapin mo para kabahan ka jan at
magmukang tinatawag ni Inang kalikasan?
“Ano
ba yon Ate Billy, parang masyadong seryoso yang sasabihin mo?” eto namang
isang to, masyadong atat lang Gina?
Eto na talaga, sisimulan ko na. “May sinabi kasi sa akin si Monina kanina,
and I think kailangan nyong malaman yon.” Ang dami mo namang pasakalye
Billy eh, direchuhin ko na lang kasi silang dalawa. “Nakita daw kayong dalawa ni Ran na nagyayakapan, and Ran told that to
Monsi. Dapat nga si Monina ang pupunta ditto at magsasabi sa inyo.”
Nagkatinginan naman yung dalawa,
pero walang nagsalita ni isa sa kanila. “Habang
sinasabi sa akin ni Monina ang lahat umiiyak sya, and I can’t figure out why,
pero sa tingin ko dahil sa confusion plus that she’s concern kay Ran.” Yumuko
naman si Gina after kong sabihin yon, at si Gio na lang ang naka-tingin sa
akin.
“Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayong dalawa na ipakita yung
pagmamahal nyo sa isa’t-isa, but please consider Monina and Ran, they are too
young for that kind of thing. May kasama kasi tayong bata ditto sa bahay, and I
don’t think that maganda yun sa tingin nila.”
“Sorry Ate Billy”
biglang sabi ni Gina.
Hay nako naman oh, parang ang hirap
naman nitong ginagawa ko. “Hindi kasi
maintindihan ni Monina ang tungkol sa inyong dalawa, kasi nga diba, nung isang
araw umuwi kayo dito at nagsabi na may boyfriend ka ng iba” tiningnan ko si
Gina “at may girlfriend ka na rin na
iba” at si Gio naman ang tiningnan ko “syempre
iisipin nung isa na hindi kayo, na walang namamagitan sa inyo. Tapos
bigla-bigla malalaman nya na naglalambingan kayo, syempre magugulo ang isip
nun.”
“Sorry,
hindi ko agad naisip yun.” Bigla ring sabi nni Gio.
“Alam
naman nating lahat dito sa bahay na matalino kayo, kaya naman naisip agad ni
Monina yung kapatid nya, si Ran. For sure naman mahal nyo rin naman si Ran, so
you all want the best for him.” Dagdag ko pa. “Maaasahan ko ba na hindi na ulit to mangyayari?” tanong ko sa
kanilang dalawa.
Tumango naman yung dalawa bilang
sagot sa tanong ko. “So anong balak
nyong gawin ngayon?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Maybe
we should talk to Monsi and say sorry to her, explain to her kung saan sya
naguguluhan.” Sagot naman sa akin ni Gio.
Tumayo na ako at lumapit sa pinto
para lumabas. “Paker kasi kayong dalawa,
mag-aminan na kayong dalawa kung mahal nyo talaga ang isa’t-isa hindi yung para
kayong timang na minsan sweet, minsan naman dedmahan ang drama.” Pasensya,
hindi ko napigil ang sarili ko. At tuluyan na akong lumabas ng kwarto ni Gina
at nagtuloy sa kwarto namin ng asawa ko.
Bakit ba kasi may mga tao na mahal
naman nila yung isang tao pero bakit hindi nila masabi-sabi sa tao na yon at sa
buong mundo na mahal nila ito? Hindi ko kasi talaga sila ma-gets eh, kinakahiya
ba nila na mahala nila ang tao na yon? At lesheness, basta ako mahal na mahal
ko ang asawa ko, at alam ko na mahal na mahal din nya ako at hindi nya ako
ipagpapalit. Dahil sa oras na gawin nya yon, magsisisi sya ng sobra-sobra dahil
wala na syang makikita pa na katulad ko.
“Ran,
tapos na kayo maglaro ni Kuya Nathan mo?” hindi ko kasi alam kung naglalaro
pa ba sila o nagku-kwentuhan na lang eh.
“Let’s pack your stuffs na.” at binuhat ko na si Ran.
“Sweetheart
tulungan na kita sa pag-aayos ng gamit ni Ran.” Prisinta naman ni Nathan.
“Wag
na Kuya Nathan, Ate Billy and I can manage.” Naku talaga naman ang
mag-kapatid na to oh, lagi na lang akong pinag-aagawan. “Diba Ate Billy, we can pack my stuff, just the two of us, without the
help of Kuya Nathan?”
“Eh
di papanoorin ko na lang kayo, mamaya kung ano na naman sabihin mo sa
sweetheart ko eh.” parang timang talaga tong si Nathan, pati si Ran
pinagseselosan. “Sama ako sa kwarto mo
Ran.”
enebenemen kasi si gregorio eh! ahahaha!!! tama ba namang maglambing ng ganun? hwaaahhh~ pakunwari pa daw akong demure oh!
ReplyDeletepero tama naman si billy, dapat wag maglampungan na may nakakakitang bata! magtatago na kami next time! lels~
sa huli, isa pa rin ang may kasalanan nito... SI SNOW!!! bakit sa kanya ang sisi, kasi kung hindi niya sinabing gf siya kunwari ni gio, hindi ko naman din sasabihin sana na bf ko naman si hale... at kung hindi yun nangyari, hindi yun yung paniniwalaan ni monsi. ayan tuloy~ pwede na akong abugado sa reasoning ko dito ha! ahahaha!!!
pero espren~ uwaaaaaaaaah!!! kinikilig much ako sa pinaggagawa ni gio!!! nagaala kuya nathan na talaga siya!!! bigla-bigla na lang tumutuka! hwahahahaha!!! ow well~ matagal ko ring pinangarap yan!!! oh diba bonggarcious, si gina naman ang pahard-to-get ang drama! euhahaha!!!
dapat pala after ni Gina sa business course, dapat mag-tuloy sya sa law...ahahaha...may future eh... pusoy na na-way pa..hahaha...
Deletematuto kasi kayong magsara ng pinto, marunong naman kumatok ang mga kasama mo sa bahay...hahaha...
palihim kasing nagpaturo si Gio kay Nathan eh, kaya nagkaganyan ang isang yan...hahaha...
ayan ha, ikaw na ngayon ang hinahabol ni Gio, wish granted na...hihi...
pero pasensya na talaga kasi wala masyadong kilig moment dahil madalian lang ang lahat...hihi...
ibuhos ang lahat ng sisi kay snow! but then, salamat na din sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi rin matatauhan sina gio at gina. bagay talaga sila!
Deletekya pla ganun c gio! akla q mei skit lng xah ate queen! ahahhahahahha!!! mei secret tutorial pla kei nathan! ahhahahhahaha!!!!
ReplyDeletesayang ung moment nla, ksi nmn nag-iiyak n c monsi. may pinagddaanan? bka nagddlga na! hahha peace!!!!
aymishu na my jiyeon... hindi na tayo nagkakatagpo... :(
DeleteWalang sakit yang si Gio, busy lang sya sa pag-konsulta sa kuya nya na inangkin ang lahat ng sweet bones ng Lopez family, hahaha... nanghihingi ng konti kay Nathan, hahaha...
ako din eh, nanghinayang sa moment nila eh pero wala naman tayong magawa kasi ang batang si Monina masyadong nawindang sa mga nalaman nya. nawala sa tamang posisyon yung utak nya ng malaman nya na naglalampungan yung dalawa eh may mga jowa na silang iba... hahaha...
sumbong kita kay Monsi...hahaha...
aNg drAma ni moNsi,,, naPurNada tuLoY aNg pda nG LOveRs,,, uNa niO muNa ksiNg gaWin ay maGamiNan ng reAL fEeLings at iPaGsigawaN n kaYo na,,, tPos nun, maGLoCk kaU ng pintO,,,,
ReplyDeletesayang nmn ung moment nina gio at gina.. pinapangarap p nmn yan ni gina.. sa susunod matutong maglock ng pinto ha. ahhahahahhaha!! cute tla ni ran khit kelan!!! ung mga nillro nia, yan din nillaro q mdalas ehh...
ReplyDelete