Saturday, September 29, 2012

You Got Me : Chapter Three

Chapter Three
The Who si Little Mr. President!!!


            Anak naman ng sampung buwaya oh! Kung maka-busina naman akala mo bingi ang lahat ng nandito, hindi ba nya naisip na nandito ako at nakikipag-usap sa BBF ko?


            “Yung babae masasagasaan!!!” sigaw nung isa.


            Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppppppppppppppp!!!


            Alam kong may dalang sasakyan ang tao na yon, pero hindi naman na nya kailangan pang ipangalandakan pa yon. Napatingin naman ako dun sa direksyon nung isang babae na may tinuturo sa likuran ko, pero yung sa likod ko nga ba talaga yung tinuturo nya?


            Ako naman na masunurin tumingin sa likuran ko kahit na hindi ko sigurado kung ako nga ba yung kausap nung babae. Pag-lingon ko, dun ko lang napansin na muntik na pala talaga akong masagasaan, ako pala yung sinasabi nung isang sumigaw kanina. Nung aalis na ako sa harap nung kotse na kulay itim na halatang bagong-bago pa ay saka naman bumaba ang driver. Wag nyang sabihin na sisigawan nya ako sa harap ng maraming tao, dahil sasamain sya talaga sa akin.


            “Hey Demi Shen, ihatid na kita sa inyo!” fuck, sya na naman, wala na bang ibang tao sa mundo ang pwede kong makita? “Hey Demi, sorry na talaga!!”


            Lumakad na ako palayo sa kanya para sumakay ng jeep, pero talagang makulit sya at pinigilan nya ako. “I insist, ihahatid na kita sa bahay mo.” Yung iba naman akala mo mga nanonood ng taping.


            “Pwede ba Mahangin Man tantanan mo ako ha, sirang-sirang na ang mag-hapon ko dahil sayo.”


            Nagulat naman sya nung tawagin ko syang Mahangin Man, pero pakelam ko naman. “What did you just called me, Mahangin Man?” kailangan ko pa ba talagang ulitin para sa kanya?


            “Oo, Mahangin Man nga. Please lang Mr. Mahangin Man, bitiwan mo na ako at kailangan ko ng umuwi.” At hinila ko naman yung braso ko na hawak nya.


            Pero makulit din ang lipi nya, ayaw pa rin nya akong bitawan, sa sobrang bwisit ko talaga sa kanya eh tinapakan ko yung paa nya. “Ouch, bakit mo tinapakan ang paa ko?” tanong naman nya habang hawak yung paa nya na tinapakan ko.


          “Para bitiwan mo ako!”


            Pero mabilis ang reflexes nya at nahawakan na naman nya ako. Naku naman oh, ano ba kasi talaga ang kailangan nya sa akin?


          “Ihahatid na kita!”


          “No need!”


          “I really insist!”


          “Ayoko nga!”


          “Pumayag ka na!!”


            “Ayoko nga sabi eh, bakit ba ang kulit mo?!”


            Ilang beses ko ng sinabi na ayoko at hindi na nya ako kailangang ihatid pero ayaw pa rin nyang tumigil. Sa sobrang inis ko sa kanya, may nakita akong bato sa may likuran nya at dinampot iyon.


            “Kapag hindi ka pa tumigil sa pangungulit ko, ibabato ko to sa sasakyan mo!” tingnan ko lang kung kulitin mo pa ako!


            “I know you can’t do that. At sa oras na dumikit ang bato na yan sa kotse ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” At ako pa talaga ang tinakot nya ha! “Kaya please lang Demi Shen, pumayag ka na naihatid kita sa bahay mo.”


            Sinabi ng kapag hindi sya tumigil ibabato ko talaga ang hawak ko sa kotse nya, kaya naman sabi nung bato sa wind shield ng kotse nya ay ‘hello, am gonna broke you to a hundred pieces’ dahil binato ko talaga sa kotse nya yung malaking bato na hawak ko.


            Sa ginawa ko na yon, parang nakita ko na ang nawawalang kapatid ni Satanas. Parang gusto kong ibalik yung oras na yon tapos hindi ko na lang sana binato yung salamin nung bogo nyang kotse. His face suddenly turn red, kahit yung tenga nya namula, tingin ko nga yung itim nung mata nya naging pula rin dahil sa sobrang galit nya sa ginawa ko. Napa-woah naman yung audience naming dalawa ni Mahangin Man.


            “he—hehehe!!! Peace!!! vc”)” at nagsimula na akong humakbang palayo sa kanya, baka kasi bigla na lang nyang pilipitin ang leeg ko.


            Pero mabilis talaga ang mokong at hindi hinayaan na makalayo ako, nahawakan nya agad ako sa braso at hinila papasok sa kotse nya. Ay nako hindi pwedeng matapos agad ang kwento ko na ito ng walang happy ending, hindi pa panahon para sumakabilang-buhay ako.


            “Bitiwan mo nga ako, you provoked me to do that. Ni-warningan na kita na babatuhin ko yung sasakyan mo kapag hindi ka pa tumigil, tapos hindi ka pa rin tumigil.” Depensa ko naman kahit na wala syang sinasabi kahit na isang salita, at dahil doon, mas natakot naman ako. “Bitiwan ko nga ako!”


            “You have to pay for these!!!” matigas nyang sabi. “Dadalhin kita sa pinaka-malapit na Police Station!”


            Pero sabi nga sa pelikula ni Da King FPJ at Vandolph, walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Mainit ang ulo ko kaya wag nya akong dinadaan sa galit-galitan nya.


            Hindi naman papayag na ang ganda ko eh makita ko sa likod ng malamig na bakal ng police station. Nung isang beses pa na hinila nya ako para sumakay sa sasakyan nya, ay sinuntok ko sya sa kaliwang mata nya at ng mejo lumuwag yung pagkaka-hawak nya sa braso ko ay tinuhod ko naman ang ari-arian nya Mabuti nay ung sigurado ako na nasaktan talaga sya ng husto para naman hindi na nya ako abutan kapag tumakbo ako.


            “Sorry ulit Mahangin Man, kasalanan mo naman ang lahat eh!”


            At tumakbo na ako at sumakay agad ng jeep, mahirap na baka kalahi din sya ni Iron Man at hindi pala sya nasaktan sa ginawa ko. Pero syempre hindi ko naman nakalimutang iuwi yung favorite foods ko.


            Pagdating ko sa bahay, nakita ko agad ang busangot na face-lalu ni Milo. Nilabas ko agad sa bag ko yung susi ng bahay ko at inabot sa kanya ang lahat ng nabili ko kanina, at dali-dali kong binuksan ang bahay ko. Ng maka-pasok na kaming dalawa ni Milo ng bahay ay ni-lock ko ulit ang pinto ko, syempre pa ang baklita todo tingin lang.


            “Anyareh teh, bakit kailangang i-lock mabuti ang house-sung mo? May balbal ka na namang ginawa no?”


            At kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina mula dun sa bookstore hanggang sa kanina sa sakayan ng jeep. At ano pa ba ang aasahan mo sa baklitang si Milo, syempre inggit sya kasi nakita ko si wafung papa Wacky nya, saka inggit much daw sya kasi na-feel ko daw ang frontpage ni Mahangin Man. Ang laswa din minsan nitong si Milo-la eh.





            Ilang araw naman na akong pumapasok sa Wild Ones at ni anino ni Mahangin Man ay hindi ko nakikita, sobrang pinagpapa-salamat ko ang bagay na yon. Sa school din na pinapasukan ko, wala pa rin naman akong natatanggap na sulat na kailangan kong pumunta ng disciplinary office. Baka kasi mamaya matalino pala ang mokong na yon at maisipan na ipa-hunting ako at alamin kung saan ako nag-aaral.


            “Grabe ka Milo, ang laswa talaga ang pag-iisip mo. You’re so nakaka-diri to death.”


            Ano bang pinag-uusapan nitong dalawang bading na to, at nasaan pa yung dalawa? Pero wala na rin naman bago dun sa sinabi ni Milka-way na ang laswa ni Milo na kulay gatas.


            “Anyway, Demi-licious baby girl have you heard the news inside the school?”


            Tanungin nyo na ako sa mga subjects ko, lahat masasagot ko wag lang mga current events sa university dahil wala talaga akong alam.


            “Ano bang balita yan, ipagbabawal na ba ni Mr. President ang mga lalakeng saksakan ng yabang sa school natin? Kung iyon ang balita, ipagpapatayo ko ng monumento jan sa kanto si Mr. President.”


            Binatukan naman ako ni Milo at Milka sa mga sinabi ko, ano bang mali sa sinabi ko? Seryoso ako!!!


          “Seryosong usapan ‘to Deminyita ka, ang balita kasi yung anak na lang daw ni Mr. President ang magpapa-takbo nitong school.” Wow ang baklang si Milo, akalain mo updated sa current events sa loob ng campus na hindi related sa poging lalake. “Excited na nga kami Deminyita ni kumareng Milka eh.”


            “Ano naman ang nakaka-excite sa balita na yon? Baka mamaya hindi naman pala marunong yung papalit kay Mr. President, tapos mayabang at kurakot pa! Saka baka mamaya happy-go-lucky yung anak non, pano na lang ang magandang future sana natin?”


            “Balita kasi namin baby gelay pogi daw yung anak ni Mr. President kaya naman super excited kami kasi magkakaron na naman kami ng new source of inspiration.” Sagot naman ng malading si Milka-way.


            Ang sang-kabadingan troop nga naman oh, basta lalake laging excited pero pagdating exam lahat nganga.


            “Mga girlash!!!” sigaw ni Mina sa amin mula sa kung saan.


            “I have good news sistahs, I have good, good, very good news!” exag lang Miley? “Nandito na yung anak ni Mr. President na papalit sa kanya.”


            “Talaga, talaga?” excited na tanong naman nila Milo at Milka.


            “Where-lalu na si little Mr. President? Gorabelles na tayo ng ma sight-sung na us ang magandang tanawin na handog ni Kumpareng Adan!” ang malanding si Milka, hindi halata sa super excited talaga sya. “Tara-lets Demi-licious babe!” at hinila na ako ni Milo at Milka habang naglalaro sa phone ko!


            Bilang hindi naman ako interesado sa anak ni Mr. President eh hindi na ako nag-abala pa na sumilip kung ano ba ang itchura nya. Samantalang yung apat akala mo may poging artista na pinapanood ng live.


            “Grabe, diba ang wawit lang ni little Mr. President? Kakaririn ko sya once na maka-graduate ako sa school na to. Mukang super ka-dooper bango nya oh!” ang di magkanda-tuto na sabi ni Mina. “Teh ang gwaponess nya, um-over the bakodness ang hotness at sexiness oh!!”


            “Mare hindi lang yon, hindi na nagtira ng sex appeal para sa ibang papa, inangkin na nyang lahat. Walang say-sung ang fafa mo jan Milo-vie poe.” Malanding sabi naman ni Miley-gaya.


            “Teka naman kasi, bakit ba nakatalikod sya sa atin? Hindi ba nya know-sung kung saan nya mafa-foundness ang real beauty? Nandito tayo kaya dapat lang na dito sya humarap di--- ow my gosh!!!” malamang humarap si little Mr. President kung tawagin ni Milka. “He is so handsome!!!”


            “Ay wait-lalu lang girls!!! Sy-sya yung…”


            Hala, natalisod yung character ko! Kailangan hindi muna ako ulit matalisod, baka makain na ako nung bear na humahabol sa akin. “Ay names, sayang hindi ko nakuha yung magnet!” hindi kasi agad ako nakatalon eh, yan tuloy. Bakit naman kasi kailangan pang may pinapana dito, hindi ba pwedeng kamuka na lang nung unang Temple Run to na puro takbo lang ang ginagawa? “Buti na lang may wings!!!” nalaglag yung character ko, paka-tanga lang.


            Oh, anong problema ng mga bading at bigla na lang silang tumahimik lahat? Ah, baka kasi umalis na si little Mr. President kaya wala na silang masabi. Bigla na lang kasing tumahimik ang paligid eh.


            “Patay!” boses ni Milo yun. Sinong patay?


            “Haya!!!”


            Game over na agad ako, anu ba naman yan! At bigla akong nagtaas ng tingin para na rin i-check kung bakit sila tumahimik bigla. Nung itaas ko yung ulo ko, tumama yun sa matigas na bagay. Naglakad ba ako ng hindi ko namamalayan at nauntog ako sa pader? Pero hindi eh, may nakita akong sapatos na panlalake sa tapat ng paa ko, so ibig sabihin sa tao ako nauntog!


            Sya na naman?! Alam kong may kasalanan ako sa kanya, pero parang hindi na makatarungan na araw-araw nyang sisirain ang araw ko! “Ikaw na naman?! May lahi ka bang kabute?” tanong ko kay Mahangin Man. Sa tanong ko na yon parang napa-woah yung mga nakapaligid sa aming dalawa, kahit yung singhap nung mga baklita narinig ko rin.


            Mukang talagang desidido sya na pagbayarin ako nung wind shield nung kotse nya na binato ko. Mukang nag-hire pa sya ng isang magaling na private investigator para lang mahanap ang school ko at para ipadala ako sa disciplinary office.


            “So, dito ka pala nag-aaral! Nice!!!”


            Ano naman ang nice doon? Bukas na bukas din lilipad na ako ng Japan at hindi ako babalik ng Pilipinas hanggang hindi ko nababalitaan na wala na sa mundong ibabaw ang lalake na to.


            “Ano ba kasing ginagawa mo dito, ha? Kung balak mong isumbong ako sa may-ari ng school para i-expel ako, go lang! Akala mo naman natatakot ako sayo.!?”


            “Demi-licious… ssshhhh…” bakit ba pinatatahimik ako nitong si Milo?



6 comments:

  1. HWaHehE,,, hiNdi tLga naGpaPigiL c sHen at biNato tLga uNg caR ni MM sHort fOr mHanGin maN,,,, mei sRiLi tLGa aq niCknMe s kaNya,,,

    ReplyDelete
  2. ai grabe! ang kulit nya!!! siguro na love at first sight sya sakin kaya he's following me.. hahah.. ako na assumera!.. cnsya k na lang,basag windshield mo.. sabog bubog! haha
    kung makpaglock nman,parang mei gyera sa labas eh.. hahah

    goshness! ang laswa talaga ni milo!! mabuti hindi ako nahawa sa kanya.. haha.. yari na ako nito sa kanya!! bukas na bukas,lilipad na talaga ako sa japan! hahah.. i'm excited wat will happen next..

    ReplyDelete
  3. nikikiliog aq!!! aylabyu ate josa q!!!!!! ang gnda-ganda tlga ng mga stories mu!!! pls nmn, wag k na nambibitin!!!!! nmimiss q n din ung iba p story, nde mu p nttpos un....

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah~ ang ganda super ka duper to the highest level~~
    love love ang ratings ko dito..
    nakakatuwa pa~~~ ♡ ❤ ♡ ❤

    ReplyDelete
  5. hindi ko mapigilan matawa mapangiti sa story na to . haha thumbs up Miss Queen :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^