Tuesday, May 29, 2012

My Borrowed Love : Chapter 2


(Danielle's POV)


(O.O) Siya na naman?! Anong ginagawa nito dito?!!


Umayos ako ng upo kaya napalingon siya sakin tapos nagsmile. Aaack! Braces with Big Eyeglasses? Yuck! 



AAARGH! Danielle kelan ka pa natutong mag-inarte?


"Ngayon lang ata kita naging kaklase, Tss. Sakin ka pa talaga tumabi ah? Daming bakante Oh?" Sabay turo ko pa dun sa mga bakanteng upuan.


Kabisado ko lahat ng mga kaklase ko dito, Ngayon ko nga lang siya nakita dito eh.





Nagsmile ulit siya sakin. Hmmm. Ngayon ko lang napansin Gwapo at Cute pala siya kapag ngumingiti.


AAARGGH!! DANIELLE!! Kelan ka pa natutong pumuri ng di mo kilala?!


"Actually Architecture din ang course ko, Nagpalit lang ako ng section at tinulad sa section mo. -- Ooops! Nadulas ako." Sabi niya tapos biglang kumamot sa batok. ?_?


Tss! Nadulas pala ah? And.. Malambing din boses niya. Sarap pakinggan. AISH!! Danielle namann!!! 


Kay Fine Hindi na nga!


"A-ako pala si Matthew Marc Villa Fuente. ^__^ Ikaw? Fullname?" Sabi niya with a big smile on his face.


Ako?! Hindi niya kilala? Seryoso ba siya?


"Sorry pero hindi kita kilala at wala akong balak KILALANIN ka. So if you'll excuse me? CCR lang ako." Sabi ko tapos tumayo na at lumabas para mag CR.


Pag-diretso ko sa CR nag-ipit lang ako ng buhok tapos pumasok sa Cubicle 1. Maya-maya tapos na ko umihi pero di ako lumabas dahil may nag-uusap tungkol sakin dito sa CR.


"Grabe talaga si Black Feather. Kahit Gang Leader siya wala naman siyang karapatan sigawan yung Apat na Hottie guys kanina diba?" Girl 1


Ang ayoko sa lahat pinag-uusapan ako with those NEGATIVE thoughts!


"Well yes! Tapos ang alam ko anak ng may-ari ng school na 'to yung geek na sinigawan niya? Grabe buti mabait yung nerd na yun at hindi siya pina-kick out. Tsk! Rinig ko nga rin mabait yung geek na yun. Kaibiganin kaya natin para maging Favorite din tayo nung Prof natin."


TSS! Sip-sip! AARGH!


*BOOG!* 


Hinampas ko lang naman yung pintuan ng Cubicle na pinasukan ko.


"OHMYGOD! Sis alis na tayo may multo dito!" Sigaw nung unang nagsalita sa kanila.


"Celina! Tigilan mo nga! Okay lang yan matatakutin ka pa rin kahit college ka na!" Saway naman nung isa.


"Eeeh basta lumabas na tayo dito Zandra." Natatakot pang sigaw nung isa.


NAKAKAINIS! ANG INGAY NILA!!


Lumabas na ako ng cubicle at hinarap sila.


"Masarap ba sa pakiramdam ang Pag-USAPAN ang isang BLACK FEATHER?!! How dare you say that thing!" Hinampas ko yung pinto nung Cubicle 1 kaya bumaldog pa pabalik.


Dahil makipot lang ang daanan dito hinarangan ko yung daanan nila para di makalabas.


"You don't have the rights to say that to my attitude! I'm just being mysaelf and you two don't know the true me!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.


Naging takot yung mga mukha nila tapos yung isa mangiyak-ngiyak pa.


Danielle Patience. Patience.


Sa halip na suntukin ko yung dalawang yon lumabas na lang ako ng CR pero bumalik ulit ako.


"Subukan niyong ipagkalat 'to sisiguraduhin kong tutuluyan ko kayo!" Sigaw ko pa tapos lumabas na at dumiretso sa Room. Nakita kong nandun na yung prof namin pero di ko siya pinansin at diretso papunta sa upuan ko.


"Do you really Disrespect me Ms. Rivera? You're already late and you don't even say sorry 'cause you're late." Sabi nung Lalaki kong Prof.


Humarap ako sa kanya.


"Disrespect? Professor, I know how to respect you, and sorry 'cause i'm DAMN late in your class. Ano? ayos na po ba sir?" Sabi ko ng malumanay pero may Coldness na kasama.


Umupo na ako ta kinandong yung bag ko.


Teka? Bat nakabukas 'to?


"Hey Geek!" Tawag ko sa kanya kaya lumingon siya. "May gumalaw ba ng Bag ko?" Ngumiti lang siya at umiling.


TSS! Palangiti ba talaga 'to? WTF.




Maya-maya akala ko ako lang yung di nakikinig kasi nga tinatamad ako ayun pala pati itong katabi ko di rin nakikinig at humarap talaga sakin.


"Uy! Althea ano ba kasing buong pangalan mo? Althea lang kasi yung palagi kong nakikitang nakaukit dyan sa bag mo eh. Kaya althea na rin yung tinawag ko sayo." Tanong niya sakin.


SHIT! Sinabi ko na ngang ayokong tinatawag ako ng Althea ehh! Bwiset ba talaga 'to sa buhay ko?!


Tumayo ako at hinatak ko yung kwelyo niya habang naglalakad ako palabas ng room. 


"Ms. Rivera! San mo dadalhin si Mr. Villa Fuente?Sigaw nung prof namin pero tumakbo lang ako at di siya pinansin. 


Tumigil ako sandali at humarap agad sa kanya kaya nabunggo siya sakin.


Nagkatinginan pa kami ng mata kasi masyado kaming malapit sa isa't isa. Napakapit kasi ako sa dalawa niyang balikat dahil ang lakas ng force at muntik na kong matumba. 


Nung matauhan ako agad kong tinanggal yung pagkakapit ko sa kanya at tumalikod. AISH! Nagsasayang lang kami ng oras dito. Kinuha ko yung left wrist niya at hinatak na siya para tumakbo ulit.

6 comments:

  1. ung mukha nung nerd! ang epic tlga! hahhhahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. xD Hala? Kinawawa yung isa kong bida? Ahihi.

      Delete
  2. ~>angel is luv<~

    nakakatawa naman yung itsura nung nerd.
    parang bangag lang kaya napagttripan!
    but i bet na gwapo talaga siya.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^