Monday, June 11, 2012

My Borrowed Love : Chapter 17


(Matthew's POV)



Tumayo na siya at nag-lakad na kami palabas ng Paradise. Ang lambot talaga ng kamay niya. =")




=D Holding Hands oh?! Haha! 



"Ehem." Tikhim niya.



Napatingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sa kamay namin.



"Hehe. Sorry. Lambot kasi eeh." Tapos binitawan ko na yung kamay niya.



"Tss!" Ngisi niya.



"Oh bakit ka ngumingisi dyan?"Tanong ko sa kanya.



"Wala. Pinipilit mo ata kasing magpakilig eh. "Sagot niya."Malambot daw? Tss, bolero." Bulong niya tapos biglang namula.



"Yiiee! Haha! Kinikilig siya ooh!" Sabi ko tapos pinisil ko yung Left cheek niya.



Binitawan ko agad yung pisngi niya. Haha. Mahirap na, baka pumangit yung cute na pisngi nitong Girl Fr-- Este Mahal ko. Haha.



Oh nga pala, sinisimulan ko pa lang ang panliligaw sa kanya.



Hinimas-himas niya yung kaliwa niyang pisngi. "Masaket yun ah? Inaabuso mo masyado pisngi ko hindi pa nga kita sinasagot." Sabi niya sakin.



"Aww. " Tapos niyakap ko siya."Bat mo pa patatagalin? Edi sagutin mo na ako ngayon." Biro ko sa kanya. Haha. 



Binatukan niya ko. "Sinswerte ka niyan. Excuse me, Di ako Easy To Get 'no? Bahala ka diyan." Tapos bumitaw siya sa yakap ko at naglakad na palayo.



Hinabol ko siya at inakbayan. "Ui! Tampo agad oh. Wag ka na tampo. Tara Ice Cream Parlor tayo." Sabi ko tapos hinatak ko na siya palabas ng Campus.




"Wo-o-oii!! Teka teka! Yung bag ko nasa HQ namin."Pigil niya nung makalabas kami.




Tinanggal niya yung pagkaka-akbay ko sa kanya tapos tumakbo na paalis.




Di ko na napigilan eh. =(




Biglang dumating si Rieley, hingal na hingal tapos hinahatak niya yung braso ko.




"O-Oi! Bakit ba Rie? Anong meron ba't mo ko hinahatak?" Tanong ko sa kanya kasi wala pa rin siyang tigil sa kakahatak sakin.




"Dali! Tara na kasi Matt! Si Chelsea kasi.." Natatarantang sabi ni Rieley habang hinihila pa rin ako.




"HAA?! Bakit? Ano bang meron kay Chelsea?!" Natataranta ko na ring tanong sa kanya.




Tsk! Madali talaga akong mahawahan ng Katarantahan. 




"Don't you remember?! May Asthma si Chelsea! Tara na dali!" Nagulat ako sa ginawa ko kasi tumakbo na ako bigla habang hinahatak ako ni Rieley.




Nakarating kami sa Library, at yung mga babae dun na kaibigan namin natataranta na rin at pinapaypayan si Chelsea.




Tumakbo agad ako papunta kay Chelsea at binuhat siya. Dali-dali akong tumakbo papunta sa Clinic. Tsk. 




Buti nandito si Doc at nacheck niya agad si Chelsea.




*RIIINGG! RIIINGGG!*




Lumabas ako ng Clinic at kinuha yung Phone ko.




SH.T! Nakalimutan ko! Si Danielle pa pala!




"Hello?"




[Tss. Si Ruijin 'to. Gagu ka rin talaga eh. Pabalik na si Danielle nung makita ka niyang may kasamang babae at hatak-hatak ka pa ng babae ah? How sweet, tinakasan mo lang si Danielle. Wag na wag ka na ulit lalapit sa Best Friend ko. Kami munang lima ang dadaanan mo bago ka makalapit kay Danielle ulit.] Nang-gigigil na sabi ni Ruijin.




"Let me Expl--"




[Explain? Kitang-kita ng dalawa niyang mata. Wala nang kailangang Explanation pa, sinaktan mo na naman siya. ] Sabi ni Ruijin tapos ibinaba niya na yung tawag.




Tsk! Pano na 'to?!




Pumasok ulit ako sa loob at hinanap ko si Rieley. Nagtanong din ako kay Aira pero sabi niya.."Umalis ah? Di mo napansin? Naku, oo nga pala Matthew, may gagawin pa pala ako, pabantayan na lang si Chelsea ah?" Tapos tinapik niya yung balikat ko at nagmadaling lumabas ng clinic. 




Hala?! Pano na 'to?! AARGHH!





Tinawagan ko si Danielle pero cannot be reach. AISH! Pano ba 'to!




Pinilit ko pa ring tawagan. Naka-12 times na akong tumatawag sa Phone niya pero hindi niya talaga sinasagot.





Hahayaan ko muna sigurong makapag-isip-isip siya. Palilipasin ko rin muna yung galit niya sakin.





Tumungo na lang muna ako sa higaan ni Chelsea. Magpapahinga muna ako, masyadong nakakastress 'tong problema ko.





After 3 hours...




May yumuyugyog sakin kaya nagising ako.





Nakita ko si Chelsea.




"Oh? Gising ka na pala. Gusto mo ba ng tubig?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang inaantok pa ko.




"Hindi, ayos lang ako, nandyan na sila mama, sila na bahala sakin, salamat sa pagbabantay sakin Matthew. Sige na, umalis ka na, parang may problema ka eh, i heard about yan dun kay Black Feather. Sige na puntahan mo na siya." Sabi niya sakin habang nakangiti.




SH.T! OO NGA PALA! SI DANIELLE PA!!




Sinubukan ko ulit tawagan yung phone niya pagkalabas ko ng clinic. 




[Hellooo?!Teka?! Bat lasing yung boses niya?!




"Nasan ka Danielle?!" Natataranta kong tanong sa kanya.




SH.T! Baka nag-inom na 'to.




[Sino ka ba?! Wala ka nang pake don!Sigaw niya sa kabilang linya.





May kakaibang tugtog eh... SHIT! NASA BAR SIYA!!




Teka.. Alam ko yung ganitong tugtog ng isang bar. SHIT! 





Hindi ko pa rin ibinababa yung tawag pero tumakbo na ako papunta sa Car Park. Binuksan ko agad yung kotse ko at pinaandar papunta sa...




Dairy C Bar




Pagkarating ko. Binaba ko na agad yung tawag. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan ko at pumasok sa loob.




Nagdire-diretso ako papunta sa Counter.





Nakita kong may humahalik sa Leeg ni Danielle. SHIT!




Sinuntok ko agad yung lalaki ng walang tigil. Sobrang kumulo yung dugo ko dito sa lalaking 'to. Pagkatapos ko siyang suntukin tumayo na lang siya at tumakbo na palabas.





Pagkatingin ko kay Danielle nakatungo na siya sa counter.




Tinanong ko yung Bartender kung magkano yung babayaran tapos sinabi niya na saka ko binayaran at binuhat na si Danielle.





It's all my Fault. Kung hindi ako sumama kay rieley hindi sana nagkaganito si Danielle. Pero.. Kung hindi naman ako sumama kay rieley may mangyayari namang masama kay Chelsea. AISH! Ano ba 'to?!





Dadalhin ko muna siya sa condo ko. Dun ko na lang siya pagpapahingahin. Tutal kasalanan ko naman diba?! Kaya dapat ako rin ang umayos dito.





Ipinasok ko si Danielle sa Kotse ko at kinabitan ng Seatbelt.





Habang nagmamaneho ako papunta sa condo ko nagsasalita siya.





"Sana pala hindi na lang ako naniwala sa mga kasinungalingan niya...Akala ko ba pupunta kami sa Ice Cream Parlor? EeeH bakit sumama siya sa babaeng yun? Siguro Girl Friend niya nga yun. Hindi niya lang sinabi sakin dahil ayaw niya akong masaktan. Tsk." Nung sabihin niya yan unti-unting nadudurog yung puso ko. Feeling ko ang laki-laki na ng ginawa kong sugat sa puso niya.





Pagkarating sa Condo ko inihiga ko lang siya sa kama ko.




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



(Danielle's POV)





Pagkagising ko... Teka?! Wala ako sa kwarto ko?! Huh? Nasaan ako?! 




A-aray! Ang sakit ng Ulo ko. Ano bang nangyari kagabi?





T-teka... AARGHH!





Napatingin ako sa katawan ko, hala?! Bat ang laki ng T-shirt ko?!





Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Matthew.... Teka? Si MATTHEW?! AARGHHH! Aray! Ang sakit, naramdaman ko na naman yung sakit ng... Naalala ko na, sumama siya sa babaeng kasama niya nung nakita ko nung umaga.





AISH! Wala siyang suot na T-shirt! Naka-tokong lang siya na short! Ano ba yan! Ipakita daw ba Abs niya?!





Lumapit siya sakin. May dala pala siyang... Ano yan?!





"Heto oh, Honey. Pampatanggal ng Hang Over. Bat ba kasi naglasing ka kagabi?" Tanong niya sakin tapos inabot yung Honey. Yung HONEY  NA PANTANGGAL NG HANG OVER AH?!





Humigop ako onti.





"You don't Hella Care Right? So why do i need to explain to you? Besides, ikaw nga ang dapat mag-explain eh, pero dibale na, kitang-kita ko naman yung ginawa mo eh." Cold na sabi ko sa kanya.




Tumayo na ako. "Nasaan damit ko? Anong ginawa mo sakin?!" Tanong ko sa kanya.







Hinagis niya sakin yung damit ko. "Wag kang mag-isip ng ganyan. Tinawagan ko pa mommy ko para lang hilamusan at palitan ka ng damit. Amoy alak ka kaya kagabi. Tinawagan ko na rin si Tita, sinabi ko naglasing ka kagabi at dinala muna kita dito." Pagpapaliwanag niya.





"Pakyu! Kahit anong paliwanag mo wala ng mangyayari. Nasaktan mo na ko eh. " Sagot ko sa kanya tapos pumasok ako sa banyo at nagbihis na.





Paglabas ko naka-upo na siya sa kama niya at nakayuko. Tss. Kunwaring pinoproblema ako?





"Wag ka ngang umasta na ikaw yung nasaktan. Ciao!" Binato ko sa kanya yung T-shirt niya at lumabas na ako pero bigla akong napabalik.





"Susi ko asan?!" Tanong ko sa kanya. Nagulat siya pero kinuha lang sa Side table yung susi ko at ibinato yung susi ko sakin.





"Nasaan kotse ko?!" Tanong ko ulit.





"Nasa Dairy C Bar pa. " Maikli niyang sagot.






Kinapa ko yung bulsa ko. Buti na lang may 100 pesos pa ko dito. Nandun kasi sa Kotse yung wallet ko ehh. Pati.. Phone ko... SH.T! Yung phone ko naiwan ko! Baka nag-aalala na sila Ruijin!





Dali-dali akong sumakay ng elevator. Buti na lang wala masyadong tao kaya mabilis akong nakarating sa labas.





Pumara agad ako ng taxi.





"Dairy C Bar po Manong." Sabi ko tapos nilabas ko na yung pera ko. 





Maya-maya nakarating na ako sa Bar at binayaran ko na si Manong. Nakita ko agad yung kotse ko. Tsk. Nag-iisa eh? Forever Alone Ang Kotse ko?





Sumakay na ako at tinignan ko yung Phone ko.






WHAT THE F.CK!  100 Missed Calls. Yung 50 kay Matthew. Then yung 25 sa Feather Gang. Yung 14 Missed Calls galing kay mommy. Yung 11 kay Dae.





Ano ba yan oh?!!





Nagmaneho na ako papunta sa Mansion.





> RIVERA MANSION <







Pagpasok ko pa lang ng bahay sinalubong na ako ni mommy ng yakap.





"Where have you been, Baby?!" Nag-aalalang tanong sakin ni Mom.






"I'm Fine mommy. Uhmm. Luto niyo naman po ako ng Bacon with Egg. Then Rice with Margarine po ah? Ligo lang po ako." Humalik ako sa pisngi ni Mom tapos tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.






Naligo ako at nag-palit ng Damit. Napatingin ako Calendar ko. Oh...My...God..Thursday pala ngayon?!! Bat hindi niyo sinabi sakin?!!





Lanya! Naalala ko tuloy yung Date daw namin. Tsss.





Bumaba na ako kasi panigurado tapos na yung niluluto ni mom sa baba.





Pagdating ko sa dining nakahanda na nga. Oh? Nandito pa pala si Dae?





"Nandito ka pa pala Dae?" Tanong ko sa kanya.




"Ate, It's only 6:00 in the morning. " Sabi niya tapos kumain na.





Umupo na rin ako at kumain.




"Sarap ah?! Thanks mom." Kumento ko nung matapos kainin yung niluto ni mommy.




Lumabas na rin agad ako at nagmaneho papunta sa school.




> VILLA FUENTE UNIVERSITY <




Nagulat ako nung pagpasok ko pa lang sa Campus sinalubong agad ako ng limang 'to.




"Oh?" Nagulat kong tanong nung bigla silang yumakap sakin.




"Saan ka ba nanggaling?! Hinanap ka sa amin ni Tita." Nag-aalalang saad ni Ruijin.




"Nag-lasing ako kagabi. Nung hindi pa ako gaanong lasing nilagay ko sa bag ko yung phone ko at pumasok ulit sa bar pero paggising ko.. Nakahiga na ako sa Higaan ni..." Pagkukwento ko.




"Higaan nino?!" Sigaw nilang lima.




"Ni Matthew." Maikli kong sabi. Nanlaki ng sobra yung mata nila.




"Walanya. Kasasabi ko lang sa kanya kahapon ah?" Sabi ni Ruijin.





"Yeah Right. Tara na sa HQ." Sabi ko tapos nauna na akong maglakad pero bigla akong hinila ni Ruijin.





"Teka teka! May program daw. Tara sa Gymnasium!" Tapos hinatak na nila ako papunta sa Gym.






Nakita ko lahat ng Tao nandito nga. Yung ibang estudyante nasa labas pa. Wala kasing gagawin ngayong linggo kaya pwedeng tumambay kahit saan. Pero mukhang may Program ngayon eh.





Umupo kami sa may Unahan. Reserved Seats daw para sa Feather Gang.





Tss.





Pag-upo namin biglang may nagsalita galing sa Speaker.






"Good Morning Ladies And Gentlemen. We Build this program because of the Son of the owner of this University. Mr. Matthew Marc Villa Fuente. Now, may we call on for Mr. Villa Fuente, The Owner of This University." 





May umakyat na lalaking nasa 50s na at nagsalita.





"Good Morning Everyone. Actually hindi ako ang may pakana nitong Program na ito. Matthew Requested it. Sabi niya i-invite daw namin lahat ng students dito. And our camera caught a face of a girl." Tapos may lumabas na picture dun sa projector.





OH SH.T! AKO YAN AH?! 






"Take that off Please!" Sigaw ko kaya biglang nawala.





"Haha. Just Kidding Iha. Don't Worry you're more than Beautiful enough to impress my Son. Good morning Once again Students!" Tapos bumaba na siya.




Geez. Lahat nakatingin sakin eeh?





Bigla ulit may nagsalita galing sa Speaker. Familliar Voice. Very Familliar Voice.




"I dedicate this song to her, For my First Love. Gotta Be You by One Direction."





Tapos lumabas na siya sa may backstage at tinugtog na yung gitara niya.




Girl I see it in your eyes you're disappointed

'Cause I'm the foolish one that you anointed with your heart
I tore it apart
And girl what a mess I made upon your innocence
And no woman in the world deserves this
But here I am, asking you for one more chance





First Love... D-diba First Love niya ako? Sabi niya..




I-ibgsabihin para sakin yung kanta niyang yan?





Can we fall, one more time?

Stop the tape and rewind
Oh and if you walk away I know I'll fade
'Cause there is nobody else








Parang gusto kong ngumiti pero parang basa yung pisngi ko. Huh? Umiiyak pala ako.





It's gotta be you

Only you
It's got to be you
Oh, Only you








Mahal niya ba talaga ako? Eh bat sumama siya sa Babaeng kasama niya kahapon kung mahal niya ko? 




Now girl I hear it in your voice and how it trembles

When you speak to me I don't resemble, who I was
You've almost had enough
And your actions speak louder than words
And you're about to break from all you've heard
Don't be scared, I ain't going no where





TT__TT Bat ba ako ang nakakaramdam nito? Hindi ba pwedeng itapon ko na lang 'tong pagmamahal na 'to? Bakit ba kasi ganito? Parang pinapa-fall niya lang ako sa kanya pero puro kasinungalingan naman ang mga pinag-sasabi niya sakin?




I'll be here, by your side

No more fears, no more crying
But if you walk away
I know I'll fade
'Cause there is nobody else

It's gotta be you

Only you
It's got to be you
Oh, Only you








Bakit sa halip na matuwa ako nasasaktan pa ko?






Oh girl, can we try one more, one more time?

One more, one more, can we try?
One more, one more time
I'll make it better




One more, one more, can we try?
One more, one more,
Can we try one more time to make it all better?








Siguro dahil iniisip ko na di niya naman talaga ako mahal at ginagawa niya lang yun para ma-fall ako sa kanya at madali niya na akong masaktan?





'Cause it's gotta be you

Its gotta be you
Only you
Oh, Only you

It's gotta be you
Only you
It's got to be you
Oh, Only you








Tinapos niya yung kanta habang nakatingin lang sakin at nakangiti.




Tumayo na ako at naglakad pero napatigil ako sa sinabi niya.





"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry kasi mas pinili kong puntahan yung kaibigan ko at dalhin sa Clinic kesa antayin ka at magpunta tayo sa Ice Cream Parlor. Yeah Right. It's all my fault. Alam ko naman yun eh. Kung inantay kita at hindi ako nagpadala sa hatak ng Best Friend ko baka may nangyari nang masama kay Chelsea. Nung inuna ko naman si Chelsea at dinala ko siya sa Clinic nagalit ka sakin. Sorry ah? Kasi palagi na lang kita sinasaktan. For the First Place kasalanan ko rin naman eh, hinahayaan kitang masaktan. Sorry talaga, wag ka na kasing magalit o magtampo sakin. Mahal naman kita eh. Mahal na mahal kita. Sorry Althea Danielle Rivera. I love you."




Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Mahal niya ko? Mahal na Mahal niya ko?




Bigla akong napangiti at napatulo na naman yung luha ko.





Humarap ako at umakyat sa Stage. Kinuha ko sa kamay niya yung Mic.





"Sana sinabi mo agad. Sana sinabi mo agad na dinala mo sa Clinic yung kaibigan mo. Maiintindihan naman kita eh. Hindi naman ako ganun ka-selfish eh. Selfish lang ako pag-dating sayo." Tapos binigay ko na sa kanya yung Mic at nagkiss ako sa Right Cheek niya.





"Yung Date natin bukas ah? I need you to be Presentable." Sabi niya dun sa Mic.




Oh...My..God.










3 comments:

  1. very nice posting and I like your article i like your blog.
    escorts in kanpur

    ReplyDelete
  2. Ayieeee..Kakilig naman..Gotta be you ang theme song.. ayieee..hihimatayin ako dito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh well that's my goal, sis. Pakikiligin ko ang aking readers. :) And hindi lang pakikiligin, paiiyakin ko rin kayo xD Haha.

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^