Tuesday, June 12, 2012

Fiction and Fact: Beast - Chapter 3

CHAPTER THREE

FICTION

         Gaya nga ng sianbi ni DongWoon, hindi niya pinagamit  ang kotse ko o kahit ano man sa mga ito.  Wala si YoSeob kaya naman si DongWoon ang nag-hatid sa akin papuntang school. Nakakailang ang fourty five minutes ba byahe mula sa mansyon hanggang sa Smerthport Area School. Ni hindi man lang umiimik si DongWoon. Kahit pa alam ko na ganun talaga ang ugali niya ay hindi ko parin maiwasang makaramdam ng ilang.


        Pag-dating sa school lahat sila nakatingin sa akin ng bumaba ako sa itim na Audi A8 model na sasakyan ni DongWoon. Siguro ay nag-tataka sila kung bakit hindi ko dala ang sasakyan ko. Dinig ko ang mga bulungan nila tungkol sa akin. Medyo nakakahiya dahil nasanay silang ako lang ang mag-isang pumupunta sa school pero ngayon kasama ko si DongWoon. Nag-paalam na ako sa kanya ngunit tila may nakalimuntan siyang sabihin kaya naman bumaba siya ng sasakyan para habulin ako. Nakakatawa ang mga babaeng grabe kung kiligin ng makita ang perpectong pag-kakagawa kay DongWoon. Ngayon ay may kaagaw na ako pag-dating sa ganda ng mukha.


       "Hades!"tawag sakin ni DongWoon. "Hintayin mo ako mamaya. Susunduin kita.Wag kang lalabas mamay hanat wala ako."anito saka bumalik sa loob ng sasakyan at nag-paharurot. Biglang nalungkot ang kanina lang ay masayang crowd. 


       "Ano ba siya ni Hades? In-fairness ang gwapo din niya gaya ni Hades."bulong ng isang mapayat na babae sa katabi din niyang babae. Hindi ko na lang pinansin dahil nakita ko si YoonHa na nakaabang na sa akin. Naka-ngiti ko siyang kinawayan at nang makarating ako sa kanya ay agad ko siyang inakbayan.


        "Yung cookies ko?"agad kong hanap sa kaniya ng paborito kong pag-kain sa umaga. Dali-daling kinuha ni YoonHa ang cookies sa bag at ibinigay sa akin na may kasamang mga ngiti. Kinuha ko ito at agad ding kinain.


         "Bakit hinatid ka ni DongWoon? Pinarusahan ka nanaman ba niya?"hala sa mukha ni YoonHa ang pag-aalala.


         "Hindi. Frustrated lang sila dun sa  kumakalat na mag-nanakaw sa D'Arensbourg."simpleng eksplenasyon ko ngunti hindi nag-bnabago ang ekspresyon ng mukha ni YoonHa. Napakunot tuloy ang nuo ko. "Bakit? Natatakot ka rin ba na baka makasagupa ko ang mag-nanakaw at nakawin ang pag-katao ko?"pilosopong saad ko sa kanya na sinabayan ko pa ng sarkastikong tawa. "Wala naman siyang mananakaw  sa sarili ko dahil ni hindi ko nga maalala kung saan ako nang-galing e."bigla na lang akong nakaramdam ng inis. Hindi ko alam, pero naiinis na ko sa mga taong takot na takot na baka mapahamak ako. Ang O.A naman kasi nila. hindi pa naman ako mamamatay.


          Alam ni YoonHa na naiinis ako kaya nananahimik siya. Ramdam kasi niya kung galit ako o nag-gagalit galitan lang. Nang makita ko siya sa ganung sitwasyo na para siyang kaawa-awa ay pinilit kong ibalik ang una niyang mood na masaya. "Ang sarap mo talaga gumawa ng cookies no? Wala ng papalit sayo."mabuti ay kumagat siya sa bola ko. Ngayon ay okay na ulit siya. 


         Sa  pag-lalakad namin ni YoonHa sa corridor ay may nakakuha ng atensyon ko. Ngayon ko lang kasi nakita ang lalaking iyon dito. Mohawk ang buhok niya at mas matangkad siya sa akin. Habang tinititigan ko siya ay napapaisip ako. Pamilyar sya sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Pakiramdam ko kilala ko siya noon pa. Pilit kong inaalala kung sino siya at kung saan ko nga ba siya nakita pero wala akong mapiga sa utak ko.


        "Hades! Okay ka lang ba?"gising ni YoonHa sa lumilipad kong isip.


        "Hu-O-Oo! Okay lang ako."nauutal kong sagot kahit na alam kong hindi naman ako okay.


       "Sino tinitingnan mo?"sinundan niya ang tinatanaw ko, sinabi ko na lang na wala tapos ay niyaya ko na siya papuntang classroom namin. 


       Hanggang sa room ay hindi maalis sa isip ko ang babaeng nakita ko sa corridor. Parang may parte sa utak kong nag-sasabi na may koneksyon kami ng lalaking iyon. Sino ba siya? Kilala din kaya niya ako? Kahit sa uwian ay ginugulo ang isip ko ng lalaking iyon. Gusto ko siyang i-kwento kay DongWoon kaya lang  alam kong hindi naman siya interesado sa mga bagay na parang Dejavu. Pero sige, susubukan ko na lang. Hindi! Kay YoSeob na lang siguro pag balik niya.


       Gabi na ng makauwi kami sa bahay. Dumiretso kami sa dinning area kung saan handa na ang mga pag-kain sa halos sampong dipang haba ng lamesa namin na kung sa mag-kabilang dulo ka umupo ay hindi na kayo makakaitaan. May kulay pula itong sapin. Sa gitna ay nakapila ang mga nag-lalakihang mga kandila, mayroon eleganteng chandelier na nakasabit sa gitna, at may bentekwatrong malalaking upuan. Sa loob ng kwartong iyon ang tanging makikita mo lamang ay ang lamesa, chiimineya at ang dalawang pinto na daan papuntang kusina at sa lobby ng bahay. Tama ka, may lobby ang mala-gothic na bahay na ito.


       Naupo kaming mag-katapat ni DongWoon sa kabilang dulo ng lamesa. Mukhang hindi darating si YoSeob dahil dalawa lang ang nakahandang plato. Inumpisahan na naming kainin ang nilutong pag-kain ng kusinero. Marami kang mapag-pipilian. Mayroong steak, smoked chicken, vegetable salad at iba pa. Parati namang ganun. Akala mo laging may handaan. Matapos ang hapunan ay inihatid na ako ni DongWoon sa kwarto ko. Gaya kagabi, pinaalalahanan niya ulit ako. Sumangayon ako pero pag-alis niya ay muli kong binuksan ang mga bintana at nag-unat habang nilalanghap ko ang malamig at sariwang hangin.


       Muli nanamang pumasok sa isip ko ang lalaking nakita ko sa school kanina. Bigla akong natulala, nawala sa sarili na para bang saglit naging blangko ang isip  ko. Napapisik na lang ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si YoSeob. Hindi ko alam kung paano ito nakarating sa tabi ko na hindi ko man lang napapansin. Ni hindi man lang siya nakagawa ng ingay ng buksan niya ang mga pinto. At ang tahimik ng mga yabag niya na parang binuhat niya ang sarili para hindi ko marinig ang pag-dating niya.


       Ngumiti si YoSeob, "Nagulat ka ba?"mahinahon niyang saad. Inis ko siyang sinagot.


       "Sinong hindi magugulat sa ginawa mo? Bigla ka na lang sumusulpot na hindi ko namamalayan! May sa  bampira ka ba?"imbis na sumagot ay tinawana lang ako ni YoSeob. Tapos ay inilibot niya ang paningin sa mga bintanang nakabukas. Napayuko ako saglit at nag-hanap ng mailulusot sa kanya sa pag-aakalang pagagalitan niya ako ngunit naupo siya sa upuang malapit sa bintana.


       "Naniniwala ka ba sa mga Death Gods?"pag-kuway tanong niya sa akin. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Death God? Meron ba noon? Kalokohan!


       "Hindi ako naniniwala dun! Sa  mga cartoons lang ng mga hapon meron nun."natatawang saad ko sa kaniya. Hindi ko akalaing nanunuod siya ng Death Note dahil may alam siya sa mga shinigami.


       Natawa din sa akin si YoSeob. "Sabi daw nila maraming klase ng mga Death Gods. Dalawa na doon ay ang Death God na kayang makita ang hinaharap at ang isa naman ay kaya kang paniwalaing buhay ka kahit na patay ka na sa pamamagitan ng ilusyon."pag-papatuloy niya sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naikweto ang tungkol sa mga Death God.  "Sabi pa nila pwede ka humiling ng pangalawang buhay sa kanila. Ibibigay nila sa iyo ang lahat ng karangyaan sa mundo. 'Yun nga lang habang buhay nang masusunog ang kaluluwa mo sa empyerno. Kahit daw gumawa ka pa ng mabuti sa pangalawang buhay na hiniling mo sa kanila."nilingon niya ako tapos ay tumabi ulit siya sakin. "At alam mo ba na mandaraya ang mga Death God? Paniniwalain ka nila sa isang ilusyong buhay ka pero ang totoo hindi ka na humihinga."saad niya na tila ba ako ang sinasabihan niya.


        Bahagya akong  umiwas sa kanya dahil sa ilang na naramdaman ko. "Ano ka ba? Wag ka nga mag-papaniwala sa mga ganyan! Saan mo ba nakuha 'yan?"sunod sunod kong tanong.


       Nahalata ni YoSeob ang ilang ko kaya natawa na lamang siya. "Nabasa ko lang siya sa isang fiction story."pag-amin niya sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting inis.


   "Hay! Bakit ba kasi nag-babasa ka ng mga fiction story? At ang bilis mo pang maniwala!"wika ko. Tumatawa lang si YoSeob ngunit sumeryoso ito ng humarap ito sa kawalan. Sa ganung akto halata mong may bumabagabag sa kaniya. "Saan ka ba galing?"pag-bubukas ko ulit ng panibagong topic para mabawasan lang ang pag-iisip niya. Muli niya akong nilingon na ngayon ay nakahalukipkip na siya.


     "Nag-libot kami nila DooJoon at HyunSeung sa D'Arensbourg. Nag-babakasakaling mahanap namin ang mag-nanakaw."aniya.


      "Ano ba kayo? Walang mag-nanakaw na lumalabas pag umaga. Dapat gabi."suhestyon ko. Wala naman kasi talagang lumalabas na mag-nanakaw ng tanghaling tapat. Natawang muli si YoSeob.


       "Tama ka nga. Sige, susubukan naming mag-hanap sa gabi."isinara na ni YoSeob ang mga bintana atb lumakad na ito papuntang pinto. "Matulog ka na. At wag mo nang buksan ang bintana pag-labas ko."paalala niya. Tumango lang ako saka siya tuluyang lumabas.


      Nahiga ako sa kama ko at umaalingaw-ngaw sa akin ang kaninang kwento ni YoSeob. Ang mga Death Gods. Totoo kaya sila? Kung totoo nga sila, hindi kaya mas pinili nilang isangla ang kaluluwa ko sa mga Death Gods kapalit ng karangyaan? Tiningnan ko ang dibdib ko, humihinga pa naman  ako. Pero sabi nga ni YoSeob mang-loloko daw ang mga Death Gods, pwede ka nila paniwalainhg buhay ka pero ang totoo ay patay ka na. Hindi ka na humihinga. Napailing ako. Kalokohan! Iyon ang mga bagay na imposibleng mang-yari. . .pero posble kung totoo ang mga Death Gods.





3 comments:

  1. Thanks d2

    -------> i_heart_kpop ..


    may reward ka po sakin pagg natapos 2ng kwento ko ..


    cnu po fav. male kpo idol mo? and nu po real name mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaaaaaah! tlga po ate! slamat po!!!!!
      si minho po ng shinee ang tlgang love of my life! at pwede po jiyeon n lng name q? ayiiiiie!!!!!!!!!! excted n aq!!!!!!!!!!!

      Delete
    2. ok po .. tpusin ko lang po 2ng beast .. next cu sau ..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^