Friday, June 15, 2012

Fiction and Fact: Beast - Chapter 5

CHAPTER FIVE
THE PICTURE
         Hindi ko akalaing classmate ko ang lalaking pamilyar sa akin sa subject kong chemistry. Nag-kataon pang mag-katabi kami. Marami akong naririnig na usapa usapan na kapag ipinagdikit kaming dalawa ay mag-kahawig daw kami. Sa isip ko lang ay nag-kataon lang siguro. Marami naman talagang mag-kakahawig na tao sa buong mundo. Kaya lang ang lagi nilang comment ay para kaming mag-kapatid. Hindi ko na lang pinapansin.


         "Hi!"bati niya sa akin. Matipid ko siyang nginitian. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan parin ako sa kanya dahil sa nang-yari noong isang araw. "Sabi nila mag-kamukha daw tayo."friendly niyang saad sa akin. Tango at ngiti lang ulit ang sinagot ko. Wala ako sa mood na kausapin siya. Pakiramdam ko kasi ginago niya ako nang ayaw niyang umamin na siya ang sinundan ko. "Ako nga pala si JunHyung."pakilala niya na inilahad pa ang mga palad sa akin. Huminga ako ng napakalalim bago ako lumingon sa kanya at pinilit ko ang sarili kong tanggapin ang kamay niya. Mukhang masaya naman siya sa ginawa ko.


        Nang mag-tama ang mga palad namin ay muli nanaman akong nakaramdam ng familiarity sa kanya. Para bang naramdama ko na ang mga hawak na iyon noon pa lang. Pilit kong inaalala pero wala talaga akong mapiga. Kumikirot na lang ang puso ko sa kaiisip sa bagay na pilit kong inaalala at kapag gingawa ko iyon pakiramdam ko pinag-kakasya ko ang sarili ko sa isang napakasikip na pinto. Nakaka-baliw na.


        Agad akong bumitaw ng mapansin kong ilang segundo na akong nakahawak sa kamay niya. Natawa naman siya sa akin. Napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko kahit na wala namang makati. Umubo ako kahit na wala naman akong ubo saka nag-pakilala sa kanya. "Ako naman si Hades."wika ko na walang lingon lingon sa kanya. Nakakailang ang mga pang-yayari. Hindi ko alam kung bakit. Mabuti na lang at dumating na ang teacher. Kaya lang nang mag-umpisa ang experiment ay naging mag-partner kami.


         "Alam mo ba parang pamilyar ka sa akin."maya-maya ay sabi ni JunHyung sa akin nang nag-uumpisa na kami sa experiment. Ikinagulat ko iyon dahil pareho kami ng nararamdaman. Pamilyar din ako sa kanya. Ano bang mayroon sa aming dalawa? Dati ko ba siyang girlfriend sa nakaraan kong buhay? O baka naman ako ang naging girlfriend niya sa nakaraan niyang buhay? Dejavu? Kalokohan!


        Nanatili akong tahimik ngunit nag-patuloy siya sa pag-sasalita. "Parang kilala na kita noon pa."nilingon ko siya. Habang sinasabi niya iyon ay abala siya sa pag-halo ng chemicals. Paanong nag-kapareho kami ng nararamdamangdalawa? Nag-kataon lang ba ito o sindya ng tadhana? Unti-unti akong napapaisp sa sarili ko na baka may parte siya sa nakaraan ko na hindi ko maalala?


       "Alam mo bang ganun din ang nararamdaman ko."pag-amin ko sa kanya. Napatingin siya sa akin na may mga ngiti sa labi.


       "Talaga? Ang wirdo no? Nakaka-frustrate na nga minsan e."aniya. Ngumti ako.


      "Hindi mo rin ba maalala ang nakaraan mo?"tanong ko sa kaniya. Dahil kapag wala siyang maalala ay siguradong may koneksyon talaga sya sa nakaraan ko.


      "Hu? Hindi a. Maraming masaya sa nakaraan ko. Galing ako sa pamilya ng Vadamerca. Bagong lipat lang kami dito sa Smerthport Pennsylvania. May mga kapatid ako. Anim kaming lalaki at may isang babae."tumawa siya. "Ang dami namin no?"natatawa pa niyang kwento sa pamilyang meron siya. Medyo na-dismaya ako dahil akala ko ay pati sa ganun ay mag-kakasundo kami. Pero sa mga oras lang din na iyon ko naramdamang masarap pala siyang kasama. Pala-kwento siya. Nakapalagayan ko na siya ng loob sa maiksing panahon.


        Si DongWoon ang nag-sundo sa akin  ng mag-uwian na. Ang sabi niya ay may pinuntahan si YoSeob kaya siya ang nag-sundo. Ngunit nag-mamadali din siya dahil mayroon din daw siyang pupuntahan. Nang makauwi kami sa bahay ay hinintay niya lang na matapos ako sa pag-kain saka siya umalis. Ngayon ay mag-isa na lang ako sa loob ng napakalaking mansyon kasama ang ibang mga tauhan sa sa bahay na malamang ay tulog na ngayon.


        Hindi ko alam kung saan sila nag-punta, Wala din naman kasi silang naikwento sa akin, basta ang sabi ni DongWoon ay may importante lang silang aasikasuhin at saka na lang daw nila sasabihin sa aking pag-dating ng tamang panahon. Ayan nanaman ang salitang 'pag-dating ng panahon.' Ano bang mayroon sa salitang iyan at madalas gamitin sa akin nila YoSeob at DongWoon. Siguro ay may mga pinag-hahandaan lang silang ilang mga bagay na hindi ko pa pwedeng malaman.


          Nakakabagot din mag-isa lalo na kung sobrang laki ng bahay mo na halos hindi niyo na makita ang isa't isa kahit na nasa iisang bubong lang kayo. Naisipan kong libuntin ang mansyon. Sa ilang taong kasing pag-tira ko dito ay hindi ko pa nasubukang libutin talaga ang kabuuhan nito. Una kung pinuntahan ay ang madalas na tambayan ni YoSeob kapag gusto niya mapag-isa. Ang dark room na wala kang ibang makikita kundi dilim. Kaya nga siguro tinawag niya itong dark room. May kaliitan lang ang dark room at mayroon lang itong isang sofa at maliit na table na nakamamangha dahil nag-go-glow ito. Bumagay sa madilim na kwarto. Naupo ako sa sofa pero hindi rin ako nag-tagal dahil pakiramdam ko may kasama ako sa loob. Nakakakilabot. Agad akong lumabas at sunod kong pinuntahan ang paboritong lugar ni DongWoon sa kabuuhan ng bahay. Ang library na mayroong A-Z shelf. Sa pag-pasok mo ay unang bubulaga sayo ang isang mahabang study table na napapagitnaan ng mga shelf. May lamp na nakapatong dito at may mga librong naka-buklat na halatang hindi pa tapos basahin ni DongWoon.


         Nilapitan ko ang study table upang alamin kung anong klaseng libro ang binabasa niya. "The Grim Reaper by Bernard Knight? Reaper Man by Terry Pratchett? The Book Thief by Markus Zusak?"kinuha ko ang isa pang libro na nakapatong sa mini drawer at binasa din ang title nito. "Things Seen in Graveyard? Ano ba 'to? Puro kamatayan naman ang mga binabasa ni DongWoon! Haist! Mag-kapatid nga sila ni YoSeob!"nang ibalik ko ang libro ay may bigla na  lang bumagsak. Pinulot ko ang nahulog na kung ano mula sa libro ni DongWoon.


         Isang punit na picture ng isang bata na nasa edad walo hanggang sampo. Ang saya-saya ng mga ngiti niya sa kuha na iyon. At mukhang ganun din ang katabi niya. Hindi naman siya kamukha ni YoSeob o kaya naman ay ni DongWoon. Tinitigan kong mabuti ang picture dahil parang nakita ko na siya. Nang matauhan ako ay unti unti ring lumilinaw sa paningin ko na kamukha siya si JunHyung. Pero bakit may picture si DongWoon si JunHyung? Ano ang koneksyon nila sa isa't isa?


         Napapiglas ako ng may narinig akong boses na paparating. Mukhang sina DongWoon iyon at YoSeob. Nataranta ako bigla at hindi ko alam kung saan ako mag-tatago. Tumakbo ako sa ikatlong shelf sa kanan ko para doon mag-tago. Hindi ko man sila nakikita ay naririnig ko naman sila. Pabagsak na binuksan ang pinto ng hindi ko alam kung sino. Saglit na nanahimik pag-kuway si DongWoon na ang narinig kong sumisigaw.


            "Bakit ibinigay mo sa kanya ang bead? Bakit ganun lang kadali sayo na ipasa sa kanya ang posisyon mo? Hindi pa nga natin alam kung magugustuhan ba niya ang nang-yayari sa kanya! Hindi pa natin alam kung tatanggapin ba niya ang alok mo!"galit na saad ni DongWoon kay YoSeob. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-tatalunan nila. Anong bead? Sino ang hindi pa handa? Anong sinasabi nila?

              
             "Sinasabi mo bang wala kang tiwala sa kakayanan ko? Binigay ko sa kanya ang bead dahil alam kong maasahan ko siya! May tiwala ako sa kanya dahil iyon ang nakikita ko!"si YoSeob naman ang dumepensa sa sarili niya. Sino ba ang pinag-uusapan nila? Ako o may iba pa? Malamangv hindi ako iyon dahil wala namang ibinigay na bead sa akin si YoSeob. Kung ganun, sino ang pinag-uusapan nila?


              "Sana nga hindi mag-kamali 'yang instinct mo!"sa wakas ay sumuko din si DongWoon sa pakikipag-talo.


               "Kailan ba naging mali ang instinct ko?"narinig ko pang tumawa si YoSeob.


               Nasa isip ko parin ang pinag-tatalunan nila YoSeob at DongWoon kanina sa library nabang nag-lalakd ako papuntang kwarto. Ano kaya yung bead at sino kaya ang pinag-bigyan ni YoSeob niyon? Mukhang pinag-kakatiwalaan talaga siya ni YoSeob dahil handang ipasa ni YoSeob ang posisyon niya sa binigyan niya ng bead. Ang swerte ng taong iyon. Nang pabalik na ako ng kwarto saka ko lang napansin na hawak ko parin pala ang picture ni JunHyung. Inilapag ko ang picture sa study table at nahiga sa kama. Mariin kong ipinikit ang mga mata  Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.





2 comments:

  1. ang creepy nung binbsa ni dongwoon! puro mei mmga reaper peo kun aq mkkkita ng taong ganun s totoong buhay, prang ang cool kya! ayan n, nhhwa n rin aq s ka-creepyhan ng story n2! love it!!!

    ReplyDelete
  2. ayos! ito maganda binabasa kapag gabi eh. mas lumulutang imagination ko.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^