CHAPTER FOUR
UNEXPECTED
Si YoSeob na ang nag-hatid sa akin kinabukasan. Nabanggit niya sa akin na ha-hunt-tingin daw nila ang mag-nanakaw mamayang gabi. Nag-offer ako na sumama pero hindi niya ako pinayagan. Nakakalungkot lang pero hindi ko siya mapipilit lalo pa at kasama niya si DongWoon. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang nila ipaubaya sa mga pulis ang pag-hahanap. Pinapagod lang nila ang mga sarili nila.
Dinig na dinig ko ang usapan sa campus at corridor ng makarating ako sa school. Mukhang hindi lang ang D'Arensbourg ang pinapasok ng mag-nanakaw at mukhang hindi lang siya isa kundi marami sila. Pag-dating ko sa room ay ganun din ang topic nila. Inilapag ko ang gamit sa sa tabi ng tulalang si YoonHa. Natauhan lang siya ng maupo ako sa harap niya.
"Anong problema mo? Bakit nakatulala ka?"masaya kong bati sa kanya. Nag-babakasakaling mapasaya ko siya.
"Hades."iyon lang ang naisagot niya. Halata ang pag-aalala sa boses maging sa maging sa mukha niya.
"Anong nang-yayari sayo?"nag-tataka kong tanong. Ngayon mo lang nakitang ganun si YoonHa.
"Ayos ka lang ba?"
Kunot nuo ko siyang sinagot, "Oo. Ayos lang ako. Baka ikaw ang hindi ayos."hinimas ko ang nuo niya pero wala naman siyang lagnat. May kakaiba kay YoonHa ngayon.
Hinawakan ni YoonHa ang kamay ko ng mahigpit bago siya muling nag-salita. "Basta! Hindi ko hahayaang masaktan ka."determinado niyang wika. Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ano? Hindi kita maintindihan."ayos lang ba talaga si YoonHa o naapektohan na rin siya dahil sa mga kumakalat na balita tungkol sa mga mag-nanakaw. Napalingon ako sa dalawang classmate ko na nag-uusap ng may hindi kagandahang kwento akong narinig.
"Grabe! Ang sabi daw may pinatay na isang pamilya ang mga mag-nanakaw na iyon!"
"Talaga? Nakakatakot naman!"
"Ang balita pa nga. Wala naman daw kinuha sa mmga gamit nila. Pero kakaiba ang pag-patay sa mga ito. Parang kinuha ang mga dugo nila. Ang sabi marahil daw iyon ang ninanakaw para ibenta."
"Dugo?"ulit ko sa si YoonHa lang ang nakarinig. Tiningnan ko siyang may kwestyonableng mukha, wala akong makita sa kaniya kundi ang nang-gigilid niyang mga luha. Hindi ko maintindihan ang nang-yayari sa paligid. Ito ang kauna-unahang may nang-yaring ganitong kababalaghan sa Smethport.
Lumabas ako ng room na ang iniisip ko ay ang mga mag-nanakaw na kumukuha ng dugo. Kakaiba sila sa lahat ng narinig kong nag-nakaw. Laman loob ng tao pwede pa, pero dugo? Bakit iyon? Mas mahal bang ibenta iyon kaysa sa kidney o puso ng tao? Ang isa pang ipinag-tataka ko ay hindi naman agad agad pwede kang mag-benta nun dahil kailangan pang i-test ang taong pang-gagalingan noon. Marami pang mabusising proseso bago ka payagang mag-donate o mag-benta ng dugo. Saan nila dinadala ang dugo?
Sa gitna nang pag-iisip ko ay muli kongg nakita ang lalaki kahapon. Parang may bigla na lang nag-sabi sa akin an sundan ko siya kaya naman walang pag-aalangan ko siyang tinakbo. Sa bilis ng lakad niya ay halos mawala na siya sa paningin ko. Saan ba siya pupunta? Sa likod na ng school 'to e. Anong gagawin niya dito? Hanggang sa may nilabasan siyang maliit na lagusan palabas ng school. Sinundan ko siya hanggang labas kaso bigla siyang nawala.
Kakaiba ang simoy ng hangin sa lugar na ito. Siguro dahil sa nag-tataasang puno na nakapalibot dito. Ngayon ko lang nalaman na may gubat pala sa likod ng school. Nag-umpisa nang umambon at nag-uumpisa na ring lumamig ang hangin. Maya-maya ay ramdam ko nang kinikilabutan ako. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Nang lingunin ko ang kawalan, pakiramdam ko ay nilalamon ako nito ng unti-unti. Gusto ko nang umalis pero parang may pumipigil sa akin. Nakikita ko parang gumagalaw ang mga punong kahoy. Nag-uumpisa nang kumabog ang dib dib ko. Habang naririnig ko ang malakas na pag-kabog nito ay nararamdaman ko rin na may papalapit sa akin. Ipinikit ko na lang ang mata ko na tila ba hinihintay ko na lang na may sumakmal sa akin.
Parang huminto ang pag-tibok ng puso ko ng may biglang kumapit sa balikat ko. Pag lingon ko si YoonHa ang bumulaga sa akin. Hapong hapo ito na tila ba napakalayo ng tinakbo nito.
"YoonHa?"kunot nuo kong tanong pero hindi agad siya nakasagot dahil hinihingal siya. "Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalamang naan dito ako?"sunod-sunod kong tanong.
"Na-kit-a ki-ta-kaya-"uutal utal niyang saad habang hinahabol niya ang pag-hinga. "sinun-dan ki-ta."aniya.
"Ikaw talaga."hinarap ko siya saka inalalayan. Inilagay ko ang kaya niya sa balikat ko tapos ay niyakap ko siya sa baywang pero mukhang hindi talaga niya kayang tumayo. Nag-taka ako dahil unang beses kong makita siyang ganun kapagod. Grabe ba talaga ang tinakbo niya para sundan lang ako? Binuhat ko na lang siya para makabawi man lang ako sa pag-sunod niya sa akin. Mukhang hindi na niya kakayanin pang pumasok sa susunod na subject kaya naman minabuti ko na lang na tawagan si YoSeob para ipaalam sakapatid ni YoonHa ang nang-yari at para maiuwi na rin siya. Agad din akong nag-tungo sa bahay nila ng matapos ang klase.
"Ano bang nang-yari bakit may mga pasa si YoonHa?"nag-aalalang tanong ng kapatid niyang si DooJoon. Ikinagulat ko naman ang pasa na sinabi nito. Parang kanina ng buhatin ko si YoonHa ay wala pa itong mga pasa ngunit ngayon ay marami nang nangi-ngitim sa mga braso maging sa mga binti nita.
"Hindi ko alam. Ang sabi kasi niya sinundan niya ako."paliwanag ko.
"Sinundan? Bakit? Saan ka ba pumunta?"may halong gulat at galit ang tono ng boses ni YoSeob.
"Kanina kasi may lalaki akong sinundan. Hindi ko naman akalain na sa gubat sa likod ng school pala ang punta niya."kwento ko. Napatayo naman sa kinauupuan si HyunSeung at nag-papalit-palit ito ng tingin kay YoSeob at DooJoon.
"Bakit mo naman siya sinundan?"seryosong tanong ni YoSeob na sinagot ko rin naman.
"Pamilyar kasi sakin ang lalaking iyon. Para bang nakita ko na siya noon kaya lang hindi ko maalala kung saan at kailan. Parang may koneksyon kami sa isa't isa."saad ko habang iniisip ang mukha ng lalaki. Lalong naging seryoso ang mukha ni YoSeob. Nakita ko rin ang alarma sa mukha nila DooJoon at HynSeung.
"Bakit ngayon ko lang sinabi sa akin ang bagay na ito?"kahit galit na ay elegante paring mag-salita si YoSeob.
"Sasabihin ko naman sana kaso nakalimutan ko."simula ng mag-karoon ng issue sa mag-nanakaw na iyan ay hindi na natigil ang mga wirdong pangyayari. "Bakit? May konekksyon ba sa pag-katao ko ang lalaking iyon?"bigala ko na lang naitanong. Iyon na lang ang bigalang lumabas sa bibig ko.
Umiwas ng tingin sa akin si YoSeob bago sumagot. "Wala."matipid niyang wika. Nag-iwan tuloy siya ng tanong sa isip ko. Kung wala bakit ganun na lang ang iwas niya ng mga tingin sa akin. Halatang may itinatago siya. Kung mayroon ma. Ano naman iyon? Bakit hindi niya sabihin sa akin? Wala ba akong karapatang malaman iyon?
Nakaupo lang ako sa tabi ni YoonHa, hawak ang mainit niyang kamay habang naroon sa labas sina YoSeob. Mukhang may seryoso nanaman silang pinag-uusapan. Gusto ko makisali kaso sabi ni YoSeob ay bantayan ko muna si YoonHa. Ilang minuto pa ay nagising na nga siya.
"YoonHa!"masaya kong bati sa kanya. Ngumit naman siya sa akin.
"Hades."anas niya.
"Ayos ka na ba?"mahinahon kong tanong habang hawak ko parin ang kamay niya. Tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "Saan ba galing ang mga pasa mo? Ano ba nang-yari nang sinundan mo ko?"gusto kong malaman kung saan niya nakuha ang mga pasa niya. Hindi siya sumagot, sa halip ay nilingon niya lang ang mga pasa niya.
"Wag ka mag-alala okay na ako. Wag mo na pansinin ang mga pasa ko."aniya.
"Pero-"pinutol ni YoSeob ang sinasabi ko ng pumasok siya kasunod ang dalawa.
"Hades. tama na iyan. Pagod si YoonHa. Umuwi na muna tayo. Bukas na lang kayo mag-usap."saway niya sa akin ng maabutang niyang kinukulit ko si YoonHa tungkol sa pasa nito.
Bumuntong hininga na lang ako. Bago tumayo ay hinalikan ko si YoonHa sa nuo. Halik ng isang nakakatandang kapatid na lalaki. "Sige, uuwi na kami. Bukas nalang tayo mag-kita. Bye."bahagya ko pang kinurot ang pisngi niya saka tuluyang umalis.
Nangi-ngibabaw ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni YoSeob. Hindi ako sanay na ganun kaya naman ako na ang unang nag-salita. "Pinag-uusapan niyo nanaman ba ang planong pag-dakip sa mga mag-nanaka?"hula ko lang kahit hindi ko naman talaga narinig ang usapan. Tumango si YoSeob ngunit wala itong sagot.
Kinabukasan ay hindi pumasok si YoonHa. Mukhang hindi pa nito kaya dahil namamaga pa ang mga pasa niya. Nang mag-break ay muli kong nakita ang lalaking sinundan ko kahapon. Naroon siya sa kabilang table sa tapat ko. Hindi na ko nag-paliguy lligoy pa. Tumayo ako para komprontahin siya sa nang-yari kahapon.
"Bago ka ba dito?"agaran kong tanong na ipong nag-hahanap ng away.
"Oo. Bakit?"nakatingin ito sa akin na may pag-tatanong ang mukha.
"Nakita kita kahapo. Pumunta ka sa likod ng school. Annong ginagawa ko dun?"saad ko. lalong kumulot ang mukha niya.
"Anong ibig mong sabihin?"naguguluhan niyang tanong na tila ba ay wala siyang alam sa nang-yari kahapon.
"Hindi mo maalala? Pumunta ka sa likod ng school kahapo. Dun sa may gubat. Anong ginagawa mo dun? At saan ka pumunta? Bigla kang nawala."natawa siya sa akin.
"Imposible."wika niya. Mukhang ako naman ang naguluhan.
"Anong imposible? E nakiya nga kita kaya sinundan kita."giit ko.
"Imposible dahil wala naman ako kahapon. Hindi ako yung sinundan mo."wika niya na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hayaan ko na lang.
Hindi ako pwedeng mag-kamali. Ikaw nga yun."giit ko, pero iginigiit din syang hindi nga siya iyon.
"Hindi nga ako iyon. Wala akong pasok kahapo kaya wala ako sa school. Heto pa yung class schedule ko. Tingnan mo."
speaking of thrill! ito yung nararamdaman ko!
ReplyDelete~>angel is luv<~
ReplyDeleteate updat emo na po ito agad! sino kaya yung sinundan niya! grabe! exciting na!!!
ay grbe lungs! naeexcite aq every chpters! sbrng ganda! at sino nga kya ung sinundan nia? doppelganger???
ReplyDelete