Wednesday, June 13, 2012

Riot Love Game : Chapter 25

CHAPTER 25
(Richelle POV)



REGINE: KUMAIN KA NA ESPREN PARA MAKA-INOM KA NA NG GAMOT MO. (binaba nya yung tray nung pagkain sa kama ko, amoy masarap naman pero sana lang hindi na madagdagan ang sakit ko kapag kinain ko to.)




RICHELLE: BESTFRIEND, SINONG NAGLUTO NYAN? HINDI BA LALALA ANG SAKIT KO KAPAG KINAIN KO YAN? (at binatukan ako ni Regina, ang lakas nun ah.) REGINE NAMAN EE, BAKIT MO AKO BINATUKAN EH MAY SAKIT AKO? (suminghot-singhot naman ako na parang bata na any moment eh papalahaw na lang ng iyak at saka maglulupasay.)



REGINE: SORRY NA BABY CHEL, IKAW NAMAN KASI EH, MAY SAKIT KA NA NGA AT LAHAT KUNG ANO-ANO PA YANG PUMAPASOK SA KUKOTE MO. (sinubuan ako ni Regine ng kanin at yung sinigang na buto-buto.)





RICHELLE: SINONG NAGLUTO NITO ESPREN, MASARAP SYA LASANG SINIGANG TALAGA. (tapos ngumanga ako ulit para subuan ulit ako ni Regine nung pagkain ko. hehehe, abuso much lang.)





Ganyan talaga ako kapag nagkakasakit, kung anong tinapang ko kapag wala akong sakit sya naman lambing ko kapag may sakit ako. Tinalo ko pa ang isang three years old na bata kung maglambing.





REGINE: SI RYE ANG NAGLUTO NYAN PARA SAYO, PINAG-TABUYAN NYA KASI AKO KANINA SA KUSINA NUNG MAGLULUTO NA AKO.





RICHELLE: (niluwa ko naman yung laman ng bibig ko, mahirap na baka kasi mamaya nilagyan nya pa to ng lason o kaya gayuma.) BAKIT HINDI MO NAMAN SINABI KAAGAD? AYOKO NG KAININ YAN, LUTO KA NA LANG NG IBA. KAHIT HINDI MASARAP KAKAININ KO WAG LANG YAN. (at tinulak ko palayo yung tray ng pagkain na si Rye ang nagluto.)





REGINE: WALA NG LAMAN YUNG REF NATIN KAYA WALA NA RIN AKONG ILULUTO, ALANGAN NAMAN NA UTUSAN KO SILA NA MAG-GROCERY NG GANITONG ORAS.





RICHELLE: SINONG SILA, SINONG UUTUSAN MO EH DADALAWA LANG NAMAN TAYONG NAKATIRA DITO? (alam kong may sakit ako pero hindi naman apektado ng sakit ko ang tenga ko.)





REGINE: NANDITO PA RIN YUNG KAMBAL HANGGANG NGAYON. (What? Sabi ko sa kanya pauwiin na nya yun ehh.) BABANTAYAN DAW NILA TAYO.





RICHELLE: REGINA NAMAN EE… AYOKONG NANDITO SILA, LALO NA SI RYE. REGINAAAAAA… (at nagpa-padyak ako sa sobrang inis sa nalaman ko na nandito pa pala ang kulugong yon.) REGINAAAAA…





Bigla naman bumukas yung pinto at iniluwa yung kambal. Lalo lang yata lalala ang sakit ko kung nandito ang dalawa na to. Peace of mind and pahinga ang kailangan ko, pero paano ako magkakaron ng kahit alin sa dalawa na kailangan ko kung nandito sila?





RYE: ANONG NANGYARI, BAKIT UMIIYAK NA NAMAN SI RICHELLE? MAY MASAKIT BA SAYO BEBE LOVE, GUSTO MO DALHIN NA KITA SA OSPITAL? (bebe love ka jan, ihulog kita sa bintana ng kwarto ko eh.)





RICHELLE: REGINAAAAAAA…





REGINE: SIGE NA RYE, RAYCE DUN MUNA KAYO SA LABAS.





RYE: P-PERO…





RICHELLE: UWAAAAAHHHHH!!! ESPREEEEEEEEENNNN!!! (at dahil sa iyak ko na yon, lumabas na rin yung dalawa sa kwarto ko.) REGINE, PAUWIIN MO NA SILAAAA…





REGINE: GUSTUHIN KO MAN NA PAUWIIN NA SILA, HINDI NAMAN PWEDE AT HINDI KO RIN MAGAWA.





RICHELLE: BAKIT? (naka-pout kong tanong sa kanya… parang bata lang talaga.)





REGINE: PAANO NA LANG TAYONG DALAWA KUNG WALA TAYONG IBANG KASAMA DITO SA CONDO? SINONG MAGTATANGGOL SA ATIN KAPAG PINASOK TAYO NUNG STALKER, MAY SAKIT KA KAYA HINDI MO RIN MAIPAG-TATANGGOL ANG SARILI MO. (may point naman si Regine doon, pero wala na bang iba na pwedeng magbantay sa amin?) KAYA RICHELLE, WAG KA NG UMAPELA JAN NA PAALISIN NATIN SILA.





RICHELLE: PE---





REGINE: PLEASE RICHELLE? HINDI KO RIN NAMAN GUSTO NA NANDITO SI RAYCE EE, PERO WALA TALAGA TAYONG CHOICE.





RICHELLE: MERON PA KAYA BAKLA… SI DENNIS AT SI DANIEL, MAS GUSTO KO PA NA SILA YUNG NANDITO KESA SA KAMBAL NA YAN.





REGINE: WAG KA NGANG CHOOSY JAN BRUHA KA, MAY SAKIT KA NA AT LAHAT KALANDIAN NA NAMAN YANG NASA UTAK MO. MATULOG KA NA NGA LANG.





*ding-dong-ding*





REGINE: SANDALI LANG AT TITINGNAN KO KUNG SINO YUNG NAGDO-DOORBELL.




Lumabas si Regine ng kwarto ko, pero ang hindi nya alam eh naka-sunod ako sa kanya. Nakakatayo naman na ako, yun nga lang nahihirapan ako kasi mejo masakit pa yung mga binti ko. Kailangan ko pang sumandal sa pader para lang makatayo ng direcho, ng kahit paano.





RYE: RICHELLE, BAKIT BUMANGON KA NA. MAHIGA KA NA LANG ULIT, YOU DON’T HAVE TO WORRY ANYTHING DAHIL BABANTAYAN NAMAN NAMIN KAYO NG KAIBIGAN MO.





REGINE: D-DENNIS? A-ANONG GINAGAWA MO DITO SAKA PANO MO NALAMAN KUNG SAAN KAMI NAKATIRA?





Si Dennis nandito? Oo nga, ano nga kayang ginagawa ng gwapo na to dito sa amin, at paano nya nalaman ang address namin? Teka, parang pareho lang kami ng tanong nitong si Regina ah.





REGINE: PASOK KA MUNA, MAUPO KA! (at napalingon si Regine sa gawi ko.) ANAK KA NG KALABAW! BAKIT TUMAYO KA, MAY LAGNAT KA PA EH. KAHIT KAILAN TALAGA PASAWAY KANG BABAE KA. (Nilapitan naman ako ng bruha.) PUMASOK KA NA NGA MUNA SA KWARTO MO AT MAGPAHINGA KA MUNA. (nag-pout ako at nagdrama na kunwaring maiiyak.) AAIIIISSSSSHHHH!!! OO NA, SIGE NA. (at inalalayan nya ako papunta dun sa sofa, hehehe. Ang galing mo talagang maka-uto Richelle, may sakit ka pa nyan.)





DENNIS: HOW ARE YOU FEELING NOW?





RYE: ANONG GINAGAWA MO DITO?





DENNIS: I CAME HERE BECAUSE OF THIS. (may nilabas syang isang brown envelops na mejo makapal. Anong laman nun, pera?) I JUST WANT TO ASK KUNG SI RICHELLE BA ANG NAGPADALA NITO SA AKIN.





RAYCE: ANO BANG LAMAN NYAN? FOR SURE HINDI YAN PERA.





DENNIS: PICTURES NAMIN TOGETHER, BUT MOST OF THEM ARE SOLO PICTURES NYA.




Nagka-tinginan naman si Rye, Rayce at Regine, samantalang ako eh super clueless. Pero promise hindi talaga ako ang nagpadala non, lalo na at may pictures pala yon na magkasama kaming dalawa, sayang din yon, remembrance yun ng friendship namin.





DENNIS: IKAW BA ANG NAGPADALA NITO RICHELLE?





RYE: BAKIT KA NAMAN PADADALAN NI RICHELLE NG MGA PICTURES NYA? (sasagot na sana ako eh, bigla naman umepal ang isang to. Etong para sayo!) ARAAAAAY!!! SINONG NAMBATO NG UNAN?





RICHELLE: AKO BAKIT, MAY REKLAMO KA? KUNG MERON PWEDE KA NG LUMABAS NG BAHAY NAMIN.





DENNIS: KUNG HINDI IKAW CHEL ANG---





RYE: HOY, WAG MO NGANG MATAWAG-TAWAG NA CHEL SI RICHELLE DAHIL AKO LANG ANG MAY KARAPATAN NA TUMAWAG NG GANON SA KANYA. (grrrr… naiinis na talaga ako sa kumag na to ah… pero infairness naman sa kanya, ang cute nya talagang magselos. Hihihi!)





REGINE: MAG-TIGIL KA MUNA NGA RYE HAYASHI, PATAPUSIN NA MUNA NATIN YUNG SINASABI NI DENNIS. ANO NA NGA ULIT YUNG SINASABI MO DENNIS?





DENNIS: KUNG HINDI SI RICHELLE ANG NAGPADALA NITO SA AKIN, SINO?





At nag-tinginan na naman yung tatlo na parang sila lang ang tao sa loob ng bahay na to! Lechugas na yan, ano ba kasi ang mga nangyayari? Bakit parang super OP ako, hindi ba ako part nitong kwento na to?





RICHELLE: SANDALI NGA, KANINA KO PA NAPAPANSIN NA NAGTITINGINAN KAYONG TATLO, MAY PROBLEMA BA?





RYE: ANG GANDA TALAGA NG BEBE LOVE KO OH, PHOTOGENIC. (inagaw naman ni Dennis yung ma pictures na hawak ni Rye.)





DENNIS: AKINA ANG MGA YAN!





RYE: AT BAKIT, MUKA MO BA ANG NANDITO?





DENNIS: THOSE PICTURES ARE MINE.





RAYCE: MAGTIGIL NA NGA MUNA KAYONG DALAWA JAN, SISIPAIN KO KAYO PALABAS NG UNIT.





REGINE: MERON DING NAGPADALA NG MGA PICTURES KO KAY PAUL, ESPREN. AND WE THINK NA ANG NAGPADALA KAY PAUL NG PICTURES KO, IS PAREHO LANG NG NAGPADALA NG PICTURES MO KAY DENNIS.





RICHELLE: SH*T! (yan lang talaga ang nasabi ko bilang hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin sa mga nangyayari.)





RAYCE: MASYADO NG MARAMI ANG NAKAKA-ALAM NG MGA NANGYAYARI, UNA SI PAUL NGAYON NAMAN PATI SI DENNIS. HINDI KO ALAM KUNG DAPAT BA TAYONG MATUWA DAHIL MARAMI NA TAYONG HAHANAP SA STALKER NA YON, O MAS DAPAT PA TAYONG MATAKOT.





DENNIS: STALKER? IS THERE SOMEONE WHO CAN TELL ME WHAT THE HELL IS HAPPENING?





RICHELLE: MERON KASING TAO NA WALANG MAGAWA SA BUHAY, AT KAMING DALAWA NI REGINE ANG NAPAG-TRIPAN NYA. NUNG UNA PINADALHAN LANG SI REGINE NG SCRAPBOOK NA PURO PICTURES NAMIN, AND PICTURES NA KASAMA NAMIN SILA (sabay tingin sa kambal) NA WALANG ULO. AKALA NAMIN NUNG UNA YUNG MGA BABAE LANG NA MAY GUSTO SA KANILA ANG MAY GAWA, PERO NAGKA-MALI KAMI.





REGINE: NAISIP RIN NAMIN NA BAKA KAYONG DALAWA NI DANIEL ANG STALKER NAMIN. NAISIP KASI NAMIN NA BAKA GUMAGANTI LANG KAYO DAHIL DUN SA NANGYARI SA STAR CITY, THE DAY BEFORE OUR BIRTHDAY. PERO NA-CONFIRMED DIN NAMIN NA HINDI RIN KAYO ANG STALKER NAMIN. WE’RE RUNNING OUT OF SUSPECTS, YUNG KAHULI-HULIHANG TAO NA PWEDE NAMING MAGING SUSPECT IS WALA NA RIN DAHIL KAGAYA MO, PINADALHAN DIN SYA NG MGA PICTURES KO.





DENNIS: GOD! I CAN’T BELIEVE NA MERON NABUBUHAY NA TAO JUST TO DO THESE STUPID THINGS. KAYA BA NAPUNTA KA SA POOL AREA NG SAU RICH, AY DAHIL HINAHABOL MO YUNG STALKER?





RICHELLE: (I nod) YEAH, PERO SA KASAMAANG-PALAD, HINDI KO NA SYA NAABUTAN DAHIL HINDI NA KINAYA NG MGA TUHOD KO ANG PAGOD, KAYA AYUN, NA-SHOOT AKO DUN SA PESTENG SWIMMING POOL NYO NA SAKSAKAN NG LALIM. (naalala ko na naman tuloy yung tagpo na yon, peste!)





DENNIS: KAYA HANGGANG NGAYON MAY SAKIT KA PA RIN DAHIL SA NANGYARI? TAKE YOUR MEDS ON TIME PARA GUMALING KA NA AGAD. MALAPIT NA ANG SPORTS FEST, BAKA HINDI KA PA MAKASALI KAWAWA NAMAN ANG TEAMMATES MO KUNG WALA ANG CAPTAINBALL NILA. (then he smile at me, na parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Bwahahaha! Na overdosed na yata ako kaya ganito ang pumapasok sa utak ko. hahaha!)





REGINE: KUMAIN KA BA DENNIS? SABAY-SABAY NA TAYONG KUMAIN.





DENNIS: YOU SURE? IKAW RICH, KUMAIN KA NA BA? (I just give him a grin smile, hehehe. Hindi ko alam kung OO o HINDI ang isasagot ko sa kanya ee.)





REGINE: NAKU, AYAW KAININ YUNG NILUTO NI RYE, BAKA DAW KASI MAY LASON O KAYA GAYUMA. PAGSABIHAN MO NGA ANG KAIBIGAN MO NA YAN, HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN NYA NAIINOM YUNG GAMOT NYA. (sumbungera ka Regina!!!)





DENNIS: AYAW MO NUNG PAGKAIN? WAG KANG CHOOSY RICH, HINDI KA TALAGA GAGALING NYAN, SIGE KA. (tamang takutin ako na parang bata?)





RICHELLE: EH KASI… (nag-pout na naman ako. Kapag nahipan ako ng hangin nito, habangbuhay na akong naka-pout. Ang sagwa.) SABI KO KAY REGINE IPAGLUTO NA LANG NYA AKO NG IBA KAHIT NA HINDI MASARAP, HINDI NAMAN NYA AKO IPINAG-LUTO.





REGINE: NAGSUMBONG KA PA, WALA NA NGA KASING IBANG LAMAN YUNG REF NATIN.





DENNIS: ANO BANG GUSTO MONG KAININ?





RICHELLE: MUSHROOM SOUP WILL BE FINE.





RYE: WALA NA NGANG IBANG LAMAN ANG REF NYO, KAYA KAININ MO NA LANG YUNG NILUTO KO.





RICHELLE: AYOOOOKOOOO!!!!!!!!





RYE: HAAYYYSSSSSHHH!!! WAG KA NGANG UMARTE JAN RICHELLE, PARA KANG BATA… KAININ MO NA LANG KUNG ANO ANG AVAILABLE.





DENNIS: HEY, WAG MO NAMAN SYANG SIGAWAN, SHE’S SICK.





RICHELLE: UWAAAAAAAHHHHHH!!! =(( (at nawalan na naman ako ng malay…)





REGINE: MAGSI-TIGIL NA NGA KAYO, ANG SAKIT NYO SA UTAK. HOY RYE, WAG MONG MASIGAW-SIGAWAN ANG BESTFRIEND KO DAHIL WALA KANG KARAPATAN NA GAWIN YON, AT KAHIT KAILAN HINDI KA MAGKAKARON NG KARAPATAN! (aylabyu espren… wiwit, hanep sa mga lines.) DENNIS, PAKI-PASOK NA MUNA SI RICHELLE SA KWARTO NYA.





RYE: BAKIT ANG LALAKE NA YAN ANG MAGPAPASOK KAY RICHELLE SA KWARTO NYA? BAKA MAMAYA GAWAN PA NG KALOKOHAN ANG ISANG YAN ANG KAIBIGAN MO.





REGINE: MY GAAAAAHHHHHHDDDD!!! ANO BANG GAGAWIN KO SA INYONG LAHAT! UMUWI NA NGA LANG KAYONG TATLO PARA NAMAN MATAHIMIK NA ANG BAHAY NA TO. OOOOOUUUUUUTTTTTT!!!! (pagpasok ni Regine sa kwarto ko.) RICHELLE, WAG KA NGANG MAGPANGGAP JAN NA HINIMATAY KA, HINDI KA MAGALING NA ARTISTA.





RICHELLE: PANIRA KA TALAGA NG MOMENT EH. (muntik ng matanggal ang tenga ko dahil sa pingot na ipinag-kaloob sa akin ng mahal kong si Regina.) AAARRRAAAAAAYYYY NAMAN…





Salamat naman at umalis na rin silang tatlo at natahimik na ulit ang magulo naming buhay.







=======================




*THE NEXT DAY/WALANG PASOK*





Mabuti na lang walang pasok ngayon dahil sa meeting ng lahat ng school instructors, at least I still have a day para makapag-pahinga pati na rin si Regine. Sobrang laki ang pasasalamat ko sa isang yan dahil binantayan at inalagaan nya ang isang damulag na katulad ko.





*ding-dong-ding*





REGINE: AKO NA ANG MAGBUBUKAS.





Sino ba naman kasi yon, ang aga-agang mang-istorbo, hindi ba nila alam kung anong oras lang? Wala ba silang wrist watch o kahit wall clock man lang sa bahay nila?





REGINE: WAAAAAAAAAAHHHH!!! (tapos narinig ko ang malakas na pagsara ni Regine ng pinto, kaya naman napabangon na rin ako.)





RICHELLE: HUY! SINO BA YUNG NAG-DOORBELL, BAKIT PINAG-SARADUHAN MO ULIT? (at bilang shock pa rin ang loka eh binuksan ko yung pinto para tingnan kung sino yung bwisita namin ng ganitong kaaga.) WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!! (And I slammed our door shot, heavily!)





REGINE: A-ANONG GINAGAWA NILA DITO, BAKIT NANDITO SILA?





RICHELLE: HINDI KO RIN ALAM BAKLA!!!




.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.



BOOOOOGGGGSSSSHHHHH!!!!



.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




REGINE & RICHELLE: AROUCH!!!!






Note lang po!!!


Si Mommy is yung ina ni Regine…
Si Mama naman is yung ina ko…


Just in case lang… baka malito kasi kayo… I thank you all!!!





MAMA: MGA WALANGYA KAYONG MGA BATA KAYO, BAKIT PINAG-SARADUHAN NYO KAMI NG PINTO?





MOMMY: HINDI LANG ISANG BESES, DALAWA PA! TAPOS AYAW NYO PA YATA KAMING PAPASUKIN.





RICHELLE: PERO HINDI NYO NAMAN PO KAILANGANG IHAMPAS SA NOO NAMIN YUNG PINTO, ANG SAKIT PO KAYA!





REGINE: NAKAKA-SIRA KAYO NG GANDA EE, PANO KAMI PAPASOK NITO BUKAS KUNG MAY MALAKI KAMING BUKOL SA NOO?!





MAMA & MOMMY: WE MISS YOU TOO BABY GIRLS!!! (then they hugged us…yung tipong ayaw na kaming pakawalan… aaaiiisssshhhh!!!)





Ng finally, binitiwan na rin nila kami from that killer hug eh nagka-tinginan na lang kaming dalawa ng ‘the monsters are back!’ look. Sa totoo lang, hindi namin alam na dalawa kung dapat ba kaming matuwa dahil nandito na naman sila sa Pilipinas. Yang dalawang mag-bestfriend pa na yan, yung mga kalokohan namin ni Regina, walang-wala yan sa kalokohan na alam ng mga ina namin.





MOMMY: ANO BA NAMANG KLASENG BAHAY TO, SAKSAKAN NG GULO PARANG PURO LALAKE ANG NAKATIRA.





MAMA: MY GOD! BAHAY BA TALAGA TO? HALA, MAGLINIS NA KAYO NG BAHAY!





RICHELLE: MAMA NAMAN, KAKA-GALING KO LANG SA SAKIT TAPOS PAGLILINISIN MO AKO? ANG SAMA TALAGA NITO! (Mama ba talaga kita?)





MAMA: ABA NAMAN ANAK, ANO BANG ALAM KO KAKADATING LANG NG MAGANDA MONG MAMA AT TITA! BUT SERIOUSLY, NAGKASAKIT KA? HINDI BA YAN GAWA-GAWA LANG?





REGINE: TITA, HINDI NAMAN PO GINAGAWANG JOKE YUNG MGA GANYANG BAGAY.





MOMMY: ‘NAK WAG KANG MASYADONG SERYOSO SA BUHAY, MAAGA LANG PAPANGIT NYAN. TINGNAN MO KAMI NG TITA MO, HANGGANG NGAYON HEAD OVER HEALS PA RIN SA AMIN ANG PAPA AT TITO MO.





Hindi ko talaga alam kung matatawag na cool tong dalawa na to, o weird ba, o sadyang malakas lang ang sapak nila sa utak. Pero kahit naman parang may tililing ang mothers namin ni Regine eh love na love namin yang dalawa na yan!





REGINE: MOOOMMMMMMYYYYYYYY!!!! UWAAAAAAAAAHHHH!!!!





RICHELLE: MAMAAAAAAAAAAA!!!! NAGKA-SAKIT AKO NG ILANG ARAW, NGAYON LANG AKO GUMALING. DAPAT LAST WEEK PA KAYO DUMATING NI TITA EE… UWAAAAAAAHHHHH!!!!





REGINE: MOMMY, KAILANGAN KO NG MAGALING MONG PAYO… UWAAAAAHHHHUHUHUHU!!!





RICHELLE: MAMA… MAMA… AKALA NYA NILOKO KO SYA, AKALA NYA NILOKO KO SYA…UWAAAAHHH!!! TAPOS MAMA AKALA NYA TWO-TIMER AKO!!! MAMA!!!! ANG SAMA-SAMA NYA!!!





REGINE: SABI NYA AKO ANG PRINSESA NYA, AKO ANG BARBIE DOLL NYA PERO MAS KINAMPIHAN PA NYA YUNG ISA… TAPOS…TAPOS… MOMMY!!! ANG SAMA-SAMA DIN NYA!!!





Kita nyo naman diba, kung gaano kami katapang ni Regine kapag kaming dalawa lang sya naman naming hina kapag nanjan ang mga nanay namin. Oo na, nanay’s girls na kaming dalawa!





MOMMY: SINO YANG MGA HINAYUPAK NA LALAKE NA YAN HA? BAKIT NILA PINA-IYAK ANG ANAK KO AT ANG BESTFRIEND NG ANAK KO NA ANAK NG BESTFRIEND KO?!





MAMA: WAG NA WAG SILANG MAGPAPAKITA SA AKIN AT TALAGANG BABALATAN KO SILA NG BUHAY! ANG KAPAL NG MUKA NILANG LOKOHIN KAYO. BAKIT, GWAPO BA SILA?!?!?!?!





REGINE & RICHELLE: OPO!!! (sabay pa naming sagot ni espren…ayan, sabay din kaming nakonyatan!)





MOMMY: GWAPO BA TALAGA GIRLS? PATINGIN NAMAN NG PICTURE OH!





MAMA: OO NGA NAMAN NG MAKILATIS NG MABUTI, MINSAN KASI MALABO ANG MGA MATA NINYO.





REGINE & RICHELLE: ETO PO OH! (sabay naming inabot ni Regine yung picture frame na nasa ilalim nung center table sa sala.)





MOMMY: AY ANAK, PWEDENG-PWEDE KANG UMIYAK DAHIL SA LALAKE NA TO, KA-GANDANG LALAKE. IPAKILALA MO NGA SA AKIN NG MAPIKOT KO PARA SAYO!





REGINE: MOMMY NAMAN EE…





MAMA: SISTERET, TINGNAN MO DIN TONG EX-JOWA NITONG SI CHEL ANG GANDANG LALAKE DIN… SAAN BA NAKATIRA ANG BATA NA ITO AT NG MAPAKI-USAPAN NA BALIKAN KA? SAYANG ANG MAGANDANG LAHI NYA KUNG HINDI MO PAPAKINABANGAN. AHAHAHAHA!





RICHELLE: MAMA NAMAN EE! SERYOSO AKO, MAG-SERYOSO KA DIN NAMAN!





MAMA: SERYOSO AKO ANAK, EH SINO BA YUNG INAKALA NYA NA ISA MO PANG JOWA, MAY PICTURE KA DIN BA NON?





MOMMY: OO NGA PALA REGINE, NASAAN NA YUNG PICTURE NUNG PAUL NA SINASABI MO SA AKIN DATI?





RICHELLE & REGINE: ETO PO OH!





MOMMY: GRABE KAYONG MGA BATA KAYO, KAILAN NYO PA NAGING HOBBY ANG MANGOLEKTA NG PICTURES NG MAGAGANDANG LALAKE?





MAMA: OO NGA NAMAN, ANG DAYA NINYO! HINDI NYO MAN LANG NAISIPAN NA ISAMA KAMI SA HOOBY NYO NA YAN! ETO BA ANAK YUNG PINAG-SELOSAN NUNG GWAPO MONG EX? ANO NGA PALA ANG PANGALAN NITONG DALAWA NA TO?





RICHELLE: YUN PONG EX KO SI RYE HAYASHI, YUN NAMAN PONG ISA SI DENNIS CAMPBELL.





MOMMY: EH ETONG SAYO ANAK, ANONG PANGALAN NITONG INIIYAKAN MO? SAKA ANO NG NANGYARI DITO KAY PAUL?





REGINE: YUN PONG NAGPA-IYAK SA AKIN SI RAYCE HYUNG, TWIN BROTHER NUNG EX NI RICHELLE NA SI RYE. KAY PAUL NAMAN PO, WALA NA PO AKONG PAKELAM SA KANYA, HINDI KO NA SYA GUSTO.





MOMMY: SISTERET, ANG HABA NG HAIR NG MGA ANAK NATIN. ANG GWAPO NITONG APAT NA TO.





MAMA: OO NGA EH, YUNG HINDI NYO MAPIPILI SA AMIN NA LANG HA. (tapos nag-apir pa sila sabay tawa ng bonggang-bongga, lakas talaga ng saltik nila.)





REGINE: MOMMY NAMAN EE!!!





RICHELLE: MAMAAAAA!!!!





==========================




BOSS1: ANO NG BALITA DOON SA DALAWA?





STALKER1: SI RICHELLE PO BOSS BIGLA NA LANG NAG-COLLAPSE NUNG MINSAN NA HINABOL NYA AKO SA SAU. SA SWIMMING POOL NUNG SCHOOL





BOSS1: ANONG NANGYARI?





STALKER1: GUSTO KO MAN PO SYANG TULUNGAN KAYA LANG PO HINDI KO NA NAGAWA, BAKA PO KASI UMAARTE LANG NYA MABULILYASO PA ANG LAHAT.





BOSS2: AFTER THAT? HINDI MARUNONG LUMANGOY SI RICHELLE, SINONG TUMULONG SA KANYA?





STALKER1: MERON PONG ISANG LALAKE NA TUMULONG SA KANYA, SI DENNIS CAMPBELL PO, FROM SAU. SYA PO YUNG KASAMA NI REGINE AT RICHELLE SA STAR CITY, THE DAY BEFORE THEIR BIRTHDAY.





BOSS1: TINGIN KO MAY GUSTO RIN ANG DENNIS NA YAN KAY RICHELLE HA!





BOSS2: YOU, ANO NG BALITA KAY REGINE?





STALKER1: OPO NGA PO PALA, NADAPA PO SI REGINE NUNG HINAHABOL NILA AKO KAYA MERON PO SYANG SUGAT SA TUHOD.





BOSS2: IS SHE OK NOW? ANO PANG BALITA SA KANYA?





STALKER2: BREAK NA PO SILA NUNG BOYFRIEND NYA NA SI RAYCE, SAME AS RICHELLE AND RYE.




BOSS2: OTHER THAN THAT?





STALKER2: NAGKAROON PO NG SAKIT SI RICHELLE, MAYBE BECAUSE OF WHAT HAPPENED TO HER DOON SA SAU AND SI REGINE ANG NAG-AALAGA SA KANYA.





STALKER1: NAIWAN PO MAG-ISA SI RICHELLE SA CONDO UNIT NILA, SO I DECIDED TO GIVE HER FRUITS KAHIT HINDI NYO PO SINABI PERO HINDI NAMAN PO SYA LUMABAS PARA SILIPIN KUNG SINO YUNG NAGDO-DOORBELL.





BOSS1: SIGE NA, MAKAKA-ALIS NA KAYO. SUNDAN NYO PA RIN SILA AT ITAWAG NYO SA AMIN ANG MAHAHALAGANG DEVELOPMENT SA KANILANG DALAWA.





BOSS2: WAG NYO NA RIN SILA KUHANAN NG PICTURES, I THINK OK NA YON. SUNDAN NYO NA LANG SILA PERO WAG KAYONG MAGPAPAHALATA. YOU TWO MAY GO NOW.





STALKER1 & 2: THANK YOU PO.





BOSS1: ANO NA ANG SUSUNOD NATING GAGAWIN?





BOSS2: HAYAAN NA MUNA NATIN NA BANTAYAN NUNG DALAWA NA YON SI RICHELLE AT REGINE, SAKA NA TAYO MAG-PLANO KAPAG MAY NABAGO SA IKINIKILOS NUNG DALAWA. 




End of Chapter 25





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^