Thursday, June 21, 2012

Fiction and Fact: Beast - Chapter 8


CHAPTER EIGHT
FACT

         Bakit parang naninikip ang hita ko? Bakit masakit ang kamay ko? Anong nang-yayari? Nasaan ako? Wala akong makita kundi dilim.



         "Tulungan mo siya! Hindi kakayanin ng bead ko ang lason sa katawan niya!"kay YoSeob ang boses na iyon. Nasaan siya? Anong lason? Anong bead? Sino ang tinutukoy niya?


          Pinilit kong imulat ang mata ko kahit na parang ayaw niyang bumuklatn. Pinilit kong gumalaw  pero naka-baluktot ako sa naramdaman kong sakit.  Hindi ko lama kung saan banda pero parang pinupunit ang buo kong pag-katao. Lumalatay sa kalamnan at mga buto ko ang hapdi. Pakiramdam ko para akong sinusunog na buhay. Masakit! Parang pati puso ko dahan dahang kinakayod ng matalim na kutsilyo. Mamamatay na ako sa sakit. Para unti unting hinihiwa ang dib dib ko pababa sa tiyan. Ayaw ko na! Hindi ko na kaya!


         "Bakit ba masyado kang nag-aalala sa kanya? Hayaan mo na lang siyang mamatay. Teka nga! Patay na pala siya. Oo nga! Patay na siya! Tingnan mo nga iyang itsura niya! Naaagnas na ang katawan niya! Nag-tatabaan na iyong mga uod na nag-pe-pyesta sa laman niya. Bakit  ba hindi mo pa ilibing iyan at bawiin mo ang bead na tinanim mo sa puso niyan!"galit na saad ng isaang lalaki.


         "HyunBin! Alam kong alam mo ang mang-yayari kung hindi natin siya maliligtas! Siya na lang ang tanging pag-asa natin!"ano bang sinasabi  YoSeob? Sino ba ang tinutukoy nila sa usapan nilang iyon?


         Gusto kong hawakan si YoSeob pero hindi ko masyadong maiangat ang kamay ko. Parang may bakal na nakadaan kaya naman hirap akong iangat siya. Parang sandaling namanhid ang katawan ko ng may biglang malamig na dumampi sa mga palad ko. Napaka-higpit nito na para bang panandalian akong nagiging okay.


         "Hades! Kaya mo iyan!"si DongWoon ba iyon? Tama ba ang narinig ko?


         "Tigilan niyo nga iyan! Sa lahat ng Death God! Kayo ang wirdo! Isama mo pa si MinKi! Bakit ba ang hilig niyong makihalubilo sa mga tao at iba pang mga nilalang? Ikaw! YoSeob! Ibinigay sa iyo ni Ambrose ang bead na iyan bago siya maging abo dahil naniniwala siyang kaya mo itong protektahan! Pero anong ginawa mo? Pinag-katiwala mo lang sa kaniya! Tingnan mo ngayon kung anong nang-yayari sa pinag-kakatiwalaan mo! Mapapahamak pa ang mga kasamahan natin dahil sa iyo!"hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila! Ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ang pag-hihirap ko sa sakit.


         "Pinag-katiwala niya sa akin ang bead dahil naniniwala siyang darating ang araw na makikilala ko rin ang taong po-protekta nito. At si KiKwang nga ang taong iyon! Wala na akong iba pang makitang pwede pag-katiwalaan ng bead. Siya lang. Iyon din ang nakita ko sa darating na panahon! Kaya nakiki-usap ako sayo! Tulungan mo siya!"


         Nang banggitin ni YoSeob ang pangalang KiKwang ay parang otomatikong bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Mula sa makita namin ni JunHyung si MinKi, sa librong maliiit na ibinigay niyang may nakaipit na picrure ko at may nakasulat na KiKwang sa likuran. Ang pag-habol ko kay YoonA at ang tatlong bampira na nakita ko. Naalala ko ang katotohanang sinabi sa akin ng isang bampira na isa na akong patay. Isa  lang akong ilusyon. Isa lang ilusyon ang lahat. Patay na ako, hindi na ako humihinga!


         Muling dumilim ang paligid ko. Wala nanaman akong makita. Tuluyan na ba talaga akong mamamahhinga? Hindi pwede!


         Biglang lumiwanag ang paligin, nakita ko ang sarili ko. Nakahiga sa lapag,  katabi si JunHyung. Anong ginagawa niya sa tabi ko? At bakit siya umiiyak? Bakit niya ako iniiyakan?


         "KiKwang! KiKwang! Gumising ka!"umiiyak niyang pakiusap sa akin. "Wag mo akong iwan!"tintawag niya akong KiKwang? Ako ba si KiKwang? Kung kanina ay wala si YoSeob ngayon ay naroon na ito.


         "Payag na ako sa gusto mo. Pero bago mo kuhain ang kaluluwa ko gusto ko munang makitang buhay si KiKwang."saad ni JunHyung kay YoSeob. Muli nanamang dumilim at sa muling pagliwanag si YoSeob ang nakita ko.


         Nakatayo sa sa harap ng katawan kong walang buhay. Hindi humihinga, maraming sugat na hindi ko alam kung saan nang-galing. Bakit nakatitig lang si YoSeob sa akin? Bakit wala siyang ginagawa? Ilang saglit pa ay parang magic na lumitaw sa kanang kamay niya ang isang malaking kalawit. Mahaba ang hawakan nito at may matulis na patalim na naka-kurba.


         Napaiwas ako ng tingin ng bigla niyang itinaga sa katawan ko ang kalawit na hawak niya. Pinilit ko paring tumingin kahit pa nadidiri na ako sa ginagawa niya. Nakita kong hinatak pa niya pababa sa tiyan ko ang talim dahilan para bumuka ang katawan ko. Kitang kita ang lama loob ko at ang dugong parangg gripo na tumatagas sa lapag. Nasusuka ang sa nakikita ko. Tiningnan ko si YoSeob. Ngayon ko pa lang siyang nakitang ganiyan ka-seryoso. Tumayo siya ng diretso at ang hawak niyang kalawit ay bigla ding nawala na parang magic. Tinitigan niya ang katawan ko ng ilang segundo tapos ay nakit kong humaba ang mga kuko niya ng iangat niya ang kaliwang kamay niya. Walang ano ano ay inihiwa niya ito sa dib dib niya.


         Hindi katulad ng sa akin ang kaniya ay puro kalansay lang. Wala siyang lamang loob at wala din siyang puso. Ang tanging mayroon lang siya ay ang maliit na umiilaw sa dibdib niya. Kinuha niya iyon tapos ay hiniwaan niya ang puso ko gamit ang kuko niya saka doon inilagay ang umiilang na maliit na bagay. Kasabay ng unting unting pag-galing ng sugat niya ang hiwa sa puso ko, hanggang sa tuluyan na nga itong nag-sara. Maya maya pa ay dumating na si DongWoon.


          "Hindi mo naman kailangang biakin ang katawan niya para lang sa  isang ilusyon."siya parin ang DongWoon na nakilala ko. Seryoso at walang reaksyon ang mukha.


           Ang seryosong mukha ni YoSeob ay napalitan ng ngiti. "Hu? Gusto ko lang makita ang laman loob niya. Interesante kasi."dahilan niya kahit na alam kong hindi naman iyon ang ginawa niya. Bakit kailangang itago pa niya kay DongWoon ang bagay na iyon? Tinititigan lang siya ni DongWoon na may pag-hihinala. Ginagawa naman ni YoSeob ang lahat para hindi mahalata ang pag-sisinungaling niya. Lumapit sa katawan ko si DongWoon at naupo. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago tinankpan ang mga mata ko ng kanang kamay niya. Nang tanggalin niya ito ay unti-unting bumukas ang mga mata ko.


         Kung kanina ay nasa isang abandunadong lugar ako ngayon ay nagising ang katawan ko sa isang malaking kama. Sa kwarto na kinalakihan ko. Sa kwarto kung saan madalas akong mag-tanong sa sarili ko kung sini nga ba ako. Naroon parin sina YoSeob at DongWoon. Nakatayo sa bintana si YoSeob habang si DongWoon naman ay naka-upo sa tabi niya. Naalala ko ang araw na iyon. Iyon ang unang beses na nakilala ko silang dalawa. Ang sabi ni DongWoon nakita lang daw nila akong naka-bulagta sa kalsada. Nang malaman nilang humihinga pa ako ay kinuha nila ako at inuwi sa bahay nila. Doon na nag-umpisa ang lahat. Sabi pa ni YoSeob siguro daw ay nabagok ang ulo ko kaya wala akong maalala sa nakaraan ko. Pero hmali pala! Hindi pala iyon ang totoong nang-yari. Bakit kailangang itago pa nila sa akin ang lahat? Bakit kailangan nilang mag-sinungaling? Kapatid ko pala si JunHyung. Bakit pinag-kait nila sa akin ang kapatid ko? Bakit?


          "Bakit?"ikinagulat ko ang boses na nag-salita. Hinanap ko kito pero hindi ko makita. "Dahil kapag nalaman mo mawawalan ng bisa ang bead na nasa puso mo."pamilyar sa akin ang boses. nakumpirma ko ito ng lumabas na si MinKi.


         "Anong ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong sa kaniya.


         "At ganun nga ang nang-yayari sayo ngayon. Unti unti nang nawawalan ng bisa ang bead dahil sa mga bagay na pinakita sayo ng mga pangit na bampirang iyon. Lalo na si LeeJoon."comical parin ito mag-salita.


         "Ibig sabihin totoo ang lahat ng nang-yayari?"hindi ako makapaniwala.


         "Totoo naman ang lahat. Ikaw lang ang hindi. Kaya ka lang nakakaramdam ng sakit ngayon dahil sa bead.Dahil ang bead na iyan ang nag-sisilbing puso at utak ng mga taong patay na."paliwanag ni MinKi. Ang labo! Hindi ko maintindihan!


         "Anong ako lang ang hindi?"gusto kong luminaw ang lahat.


         "Patay ka na nga. Hindi ka na humihinga. Ang D'Arensbourg Ville hindi totoo yun. Ang totoo nakatira ka lang sa isang abandunadong palasyo. Ang katawan mo?"tiningnan niya ako na may pang-didiri. "Nabubulok na. Dapat inilibing ka na lang ng kapatid  mo kaysa isugal pa niya ang kaluluwa niya kay DongWoon. Sa huli din naman sa hukay din ang bagsak nyo. Kaso hindi nga lang kayo magiging pataba sa lupa. Baka maging dag-dag pa kayo sa lupang itatabon sa bangkay."diretso at wala man lang pakundangan nityang sabi. Pero may mga part parin doon na hindi ko maintindihan.


        "Ano bang ibig mong sabihin?"muli kong tanong.


        "Magiging alikabok kayo kapag namatay kayo. Hindi, patay ka na apal. Si JunHyung lang. At dahil nga sa ginawa ng mga bampira damay pati ang lahat ng Death God sa kamatayan niyo. Hindi, patay ka na nga e. Ah! Damay kaming lahat sa pag-kawala niyo."parang natutuwa pa siya sa nang-yayari kahit alam niyang malapit na siyang mamatay.


        "Si JunHyung? Bakit inilayo siya sa akin? Siya na lang ang tanging pamilya mayroon ako. Bakit kailangan pa nilang burahin ang ala-ala naming dalawa?"sunod sunod kong tanong na para bang wala na ako sa sarili.


        "Nakikinig ka ba? Sabi ko nga sayo na kapag nalaman mo ang katotohanan ay mawawalan ng bisa ang bead sa katawan mo. At pag nang-yari yun katapusan mo na at ng mga kabaro ko! Wala nang Death God na susundo sa mga kaluluwa ng namatay! Walang nang MinKi na susundo sa mga babaeng magaganda! Higit sa lahat mag-kakaroon na ng pag-kakataon ang mga bampira na mang-gulo sa mga tao dahil wala nang pumipigil sa kanilang bead. Ang bead na iyon ang tanging pumupigil sa kanilang manakit ng mga tao. Sila na ang mag-hahari sa underworld! Naiintindihan mo ba iyon?"parang batang nag-wawala si MinKi. "Si JunHyung? Siya lang naman ang itatapat nila sayo para labanan kami, ikaw. Dahil alam nila kung anong klaseng nakaraan mayroon kayo ni JunHyung."bumuntong hininga si MinKi. "Gaya ni YoSeob na kayang makita ang hinaharap, ganun din ang kakayanan ni LeeJoon. Ang pinag-kaiba nga lang ay kaya ding makita ni LeeJoon kahit ang nakaraan."saad ni MinKi.


         Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko na lang na baka binabangungot lang ako. Hinihiling ko na lang na magising. Pero kung totoo man, tama si Minki. Sana inilibing na lang ako ni JunHyung noon kaysa ganito pa ang nang-yayari. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan.





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^