CHAPTER 14
(ATASHA
ORELLANA POV)
Grabe
mga tao dito! May mga lahing bampira yata sila! Hatinggabi at lalo silang
nagwawala. Sabi naman ni Zack, the party is just really beginning!
“Oo naman! Kasama kasi kita.”
“Ano yun Tasha?” Eh ang binge mo! “Ang lakas ng tugtog, hindi na kita masyadong marinig.”
Ah
hindi mo pala marinig ha! “Sabi ko
aylabyu!”
“Ano yun? I LOVE YOU???”
Waaaaaaaaaaah!
Bakit yun narinig niya? “HINDI!!! Sabi
ko alak!!! Alak pa!!! Yung iniinom ko kanina. Orderan mo nga ako ulit nun.”
“Ano ba yung iniinom mo?”
Ay
ano nga ba yun? Paano naman kasi si Ate Ganda yung umorder nun eh. “Hindi ko alam ang tawag dito eh.” At
hawak ko yung baso na iniinuman ko kanina.
Bigla
namang kinuha ni Zack yung baso ko tapos tinikman niya yung tira kong inumin
kanina! At owmaygallyness!!! Dun siya uminom sa part kung saan lumalapat yung
labi ko sa baso!!!
This
is the second time na nag-indirect kiss na kami!!! Pakikurot nga ako at
napakalandi ko na talaga!!! Ang feelingera ko! Sobra!
“Ah… Arnold Palmer mocktail pala. Ang
sarap ha.” Syempre, may
kasamang labi ko yun Zack! Ahihihihi! “Teka,
oorderan na kita.”
“Salamat!”
Mainggit
ngayon ang mga nakakakita saamin. Pansin ko kasi na kanina pa kami
pinagtitinginan ng mga ibang guest. Paano ba naman itong si Zack, parang boyfriend
ko kung makadikit saakin! At kung masyado na kayong nakakapalan sa mukha ko, magbasa
kayo ng ibang kwento!
Pagbalik
ni Zack dala si ginoong Arnold Palmer, bigla namang may magandang pinatugtog
yung DJ. Naghiyawan nga ang lahat tapos yung dancefloor, lalong napuno ng mga
tao.
“I like that song…”
“Ako din.” Hindi ko nga alam yang kantang yan. Hindi
Tagalog o English. Kanta yata ng alien, pero infairness maganda nga.
Uminom
na ako at nakatingin lang ako kay Zack na humi-headbang na lang sa tugtog
habang nanonood sa mga nagsasayawan. Kanina pa ‘to nagpaparamdam na ayain ako
sa pagsayaw pero humihindi lang ako. “Gusto
mo yatang sumayaw! Punta ka na doon. Party niyo ‘to eh, makipagsaya sa iba niyo
pang bisita.”
“Samahan mo kasi ako.”
“Ano ako hilo? Ayaw ko pang mapahiya ng
wala sa oras noh! Eh alam mo namang para akong tuod kung sumayaw, diba!”
Natawa
naman si Zack sa sinabi ko. Changgala naman kasi, bakit hindi ako nabiyayaan ng
galing sa pagsayaw! “Makisayaw ka na
doon Zack! Okay lang ako dito.”
Hindi
na rin naman yata natiis ni Zack dahil may ibang mga kaklase din siya na
tintawag siya doon sa gitna. “Okay lang
talaga? Ayaw mo talagang sumayaw?”
“Ayaw ko nga! Pumunta ka na doon.” So ayun, lumapit na siya sa mga kaibigan
niya at nagsayawan na lang sila.
“Jan ka lang ha!”
Pinanood
ko na lang siya at wag kayong maghinala saakin ha. Walang halong pagnanasa yung
panonood ko sa pagsayaw ni Zack. Hindi naman malaswa yung sayaw niya. Ang
cute-cute lang talaga niya!
Kakainlab
lalo! At dahil jan, naubos ko agad yung inumin ko! Ahahahaha!!!
Malapit
naman din ako dun sa drink bar kaya umorder ako ulit nung Arnold Palmer. Naadik
na yata ako sa inumin na ‘to, ang sarap eh! Kasing sarap ni Zack. Joke lang!!!
Hindi pa ako lasing ha, inaaliw ko lang ang sarili ko.
Siguro
naka-apat na baso na yata ako kaya naramdaman ko na ang tawag ng kalikasan. And
since enjoy na enjoy pa si Zack sa pakikipagsayawan kasama ang mga kaibigan
niya, hindi na ako nagpaalam na magpupunta muna ako ng CR.
Buti
naman at hindi rin ako naligaw sa paghahanap ng CR. Wiwing-wiwi na kasi ako
kaya kusa nang gumana ang sense of direction ko.
Sosyalin
din ang CR, para akong nasa hotel. Pero bago ko pa ma-describe ang buong CR,
magko-concentrate na muna ako sa pagwiwi.
Nang
mailabas ko na ang dapat ilabas, oras na para magpanibagong round ng Arnold
Palmer! Hwahahahaha! Pero syempre, mag-hugas muna tayo ng kamay at tignan kung
mukha pa rin ba akong tao.
Matino
pa rin naman ang itchura ko kahit lumipas na ang ilang oras. Utang ko talaga
ito kay Ate Diva dahil sa pagpapaganda niya saakin. Aalis na sana ako kesa
mainlove pa ako sa kagandahan ko ngayon, kaso napansin ko na hindi lang pala
ako nag-iisa dito sa loob.
Joke!
Ang gandang multo naman niya!
Yung
babae kanina na nakita ko, nandito rin siya ngayon at nagre-retouch din siya ng
make-up niya. Hindi ko nga napigilan ang sarili ko na titigan siya. At dahil
jan, napatingin na rin siya saakin.
“Um… do you need anything?” OMG! English speaking! Nosebleed na me!
“Ah… wala…” Para naman akong timang!!! Imbes na
umalis na, napako pa yata ang paa ko sa kinatatayuan ko!
Para
lang akong nakakita ng artista! Ang ganda naman kasing babae nito! Ang amo ng
mukha at ang hinhin ng boses! Parang dyosa! Pero syempre OA na ako nun! Pero
ito ang totoo, gusto ko nakawin yung mukha niya! Pwede kaya?
After
niyang mag-makeup, lumapit siya saakin at nakatitig naman sa mukha ko. Ano ‘to
gantihan? “You’re from TMU, right?”
“Ye-Yes… how did you know?”
“We’re schoolmates.”
“Ow really? Wow…” Nakakatameme siyang kausapin!
Naii-starstruck ako sa kanya eh!
“By the way, I love your dress. Mind if I
take a picture of it? I’ll include something like that on my next shop list.”
“Sure.” Syempre nag-pose ako saka niya ako pinicturan! Kakahiya lang!
“And I also like your gloss.”
“Ah… thank you.” Si Laris ang naglagay nitong lipgloss ko
eh. Hindi pa rin humuhulas!
She
smiled tapos nauna na siyang umalis.
Grabe!!!
Ang ganda na nga niya, ang bait-bait pa!!! Biruin mo, kinausap ako ng ganung
klaseng nilalang! It’s so~ amazing! Pero why do I still get this feeling na
kilala ko itong babaeng ito. Ow well, siguro kaya familiar dahil nga schoolmate
ko pala siya.
Nakabalik
na ako at lahat-lahat, pero nagsasayaw pa rin si Zack! Ang nakakainis lang,
napapalibutan na siya ng mga babaeng bayawak! Kung pwede lang magkalat ng
patibong sa paligid ni Zack, ginawa ko na kanina pa! Ang sarap nilang
pagkukurutin sa gilagid! Ang lalandi!!!
Pero ang pinaka ikinagulat
ko ay ang pagkakahawi ng mga babaeng yun nang may dumating na isa pang babae.
Yung babaeng mala-dyosa sa ganda!!! Paglapit niya sa kanila, nagsialisan na ang
mga yun at siya na lang ang mag-isang nakikipagsayaw kay Zack!
What
is the meaning of that!!! Sinong babae yun!!! At kung makasayaw, makalaglag
panga ng mga lalaki dun sa dancefloor!
“Yow~ Hot Pink!”
“Nak ng butete!!!” Bigla na lang humarang sa eksena si Ate
Ganda! Hindi ko na makita yung ginagawa ni Zack at nung babae eh! “Excuse me ha! May pinapanood ako!!!”
“Ano ka ba? Wallflower? Wag kang maupo
dito! Sayaw ka dun!”
“Bakit mo ba ako kinakausap dito? Baka may
makakita saatin.”
“Wala naman… busy ang lahat sa pag-eenjoy
nitong party.” Tapos
naupo siya sa tabi ko pero hindi naman
talaga para tabihan ako. Umorder lang ulit siya ng drink sa bartender. “I’ll have rum n’ cream please.”
“Eh yung mga babae mo?”
“Pinasasayaw ko muna.”
“Ah ayun naman pala! Kaya pala si Zack ang
tinarget ng mga babae mo kanina dahil pinatakas mo pala.” Anyway speaking of Zack, ayun kitang-kita
ko na ulit na kasayaw pa rin niya yung babae. “Oy,
kilala mo ba yung babaeng kasayaw ni Zack ngayon?”
Nilingon
naman ni Laris yung direksyon nila Zack, “Ow.
Si Carly Frias. Remember the girl na nakita mo noon na kasama niya, siya yun ha.”
Ajujujujujuju!!!
“Kaya pala familiar siya!!! Siya pala
yun!”
Ajujujujujuju
ulit!!! Patay na lovelife ko!!! Ganung kagandang babae ang nakaaligid kay Zack!
Pero naalala ko naman ang sabi niya, friends lang daw sila.
Pero
ulit!!! Yung babae, hindi naman aarte yun ng ganun kung wala siyang gusto kay
Zack! Kitang-kita ko kasi, grabe kung maka-flirt habang magkasayaw sila!
“Why Hot Pink? Selos ka?”
“Hindi ah! Ako magseselos? Bakit ako
magseselos? Hindi ako nagseselos! At wala akong karapatang magselos.”
“Pero nagseselos ka nga. Ahahahahaha!” May tama na yata itong lalaking ‘to! “Kung makikipaglaban ka sa babaeng yan sa
puso ni Zack, ngayon pa lang sinasabi kong talo ka na.”
“At bakit?”
“Una, magchildhood friends man kayo ni
Zack, may something naman sa dalawang yan. They are best known as couple sa
TMU.”
“Magkaibigan lang sila, yun ang sabi ni
Zack!”
“Pero hindi malayong mag-develop na talaga si Zack
sa kanya. Alam kong alam mo yan. At pangalawa, it’s also known sa lahat na si
Carly ay matagal nang may gusto kay Zack.” Sabi ko na nga ba! Obvious na obvious naman yun! “And lastly at pinakahigit sa lahat, kasi
mas maganda, sexy at sikat si Carly kesa sayo.” Awts! Awts talaga!
Aish!!!
Pinababa nitong kumag na ‘to ang self confidence ko! Ang galing niyang
magpamukha na wala akong pag-asa kay Zack!
“Wanna bet?”
“Bet your face!”
“Dahil alam mo na ang tungkol kay Carly ngayon,
sooner or later lalapit ka na saakin para hingin ang tulong ko.”
“WOW!!! Ang lakas!!! Bakit? Dahil sa
pagiging Kissing Bandit mo na naman? Kahit ano pang sabihin mo, wala akong
pake! At hinding-hindi ako hihingi ng tulong sayo!”
Tinawanan
niya lang ako at saka na siya tumayo pagkakuha niya sa drinks niya. “Fine! But it’s a bet and I’m never wrong
with this kind of things, Hot Pink.”
Ibalibag
ko kaya ang katawan ng lalaking ‘to! Kakaimbyerna!
At
lalo pa akong naiimbyerna dahil hindi pa rin naglalayo si Zack at si Carly!
Gaano nga kaya sila ka-close? Mas matimbang kaya si Carly kesa saakin?
It was passed 3 in the
morning nang matapos na ang kasiyahan at isa-isa nang nagsisiuwian ang mga
bisita. “Sorry talaga!”
“Okay lang. Naenjoy mo pagsasayaw eh.”
“Sorry pa rin… hindi ko na kasi napansin
na ganun na pala ako katagal kanina. Mag-isa ka lang tuloy.” Kanina pa siya nagso-sorry. “Sorry Atasha!”
“Okay nga lang. Ano ka ba!”
“Ganito na lang, ihahatid kita pauwi
ngayon.”
“Hala wag na! Bawal!”
“Hindi naman ako papayag na mag-isa ka
lang uuwi noh! Anong oras na kaya, madilim pa! Eh diba sabi mo, maraming adik
sa banda sa inyo.”
“Syempre, laking takot lang ng mga adik
saakin noh!”
“Wag ka na ngang magpalusot. Basta
ihahatid kita.”
Umakbay
na saakin si Zack hindi pa man din ako pumapayag na ihatid niya ako. Tapos
naglakad na kami palabas papunta na sa parking lot pero…
“Zack!!! Wait up!!!” That voice!!! I know that voice! Paglingon
namin pareho, si CARLY!!! “Ow… you two
know each other…?”
“Magkakilala na rin ba kayo?”
“Actually no. We just met dun sa washroom.
Anyway, hi I’m Carly.” She
offered her hand for a handshake so nakipagkamay na ako sa kanya.
“I’m Atasha.”
“It’s nice to know you Atasha… magkaanu-ano
pala kayo ni Zack?”
“We’re childhood friends.”
“Ow… I’m glad to meet one of Zack’s old friends.
Anyway, saan kayo pupunta? Are you guys going home?”
“Ihahatid ko si Atasha pauwi.” Biglang nagbago yung reaction niya. Sad
face? “Why Carly?”
“I was actually thinking if I can ask you
na ihatid rin ako. Nag-aalala na kasi si daddy dahil anong oras na din.”
“Why? Where’s your car?”
“I still don’t have it, remember?”
“Ah! Oo nga pala!!!” Tapos napatingin saakin si Zack. “Eh di, isasabay ka na lang rin namin… kaso…
magkaibang way pala kayo. Okay lang bang unahin na lang nating ihatid si Carly,
Atasha?”
“Ha? Mauna na lang ako sainyo, Zack. Inaantok na
rin kasi ako.” Kahit
labag ‘to sa loob ko ha! “Siya na lang
ihatid mo. Magko-commute na lang ako.”
“It’s not safe na mag-isa ka lang lalo na
ang ganitong oras.”
“Oo nga! At hindi ako papayag na walang
maghahatid sayo.”
“Okay nga lang ako. At isa pa, baka anong
oras ka na rin makauwi kung dalawa pa kaming ihahatid mo eh.”
“Kahit na!”
“Eh di si Atasha ang unahin nating ihatid.”
“Wag na!!! Bawal nga kasi magagalit yung
may-ari ng dorm namin.”
“Hindi na magagalit yun dahil anong oras
na din.”
“Naku, mas lalong magagalit yun. Aalis na
ako talaga! Ba-bye!!!”
“Atasha naman, wag kang makulit! Ihahatid
kita!” Lalo kaming tumatagal
dito! Eh kasi naman, umeksena pa ‘tong si Carly eh!
Buti
na lang at may isa pang umeksena. “Saakin mo na lang pasabayin ang kaibigan mo,
Zack.” Biglang sabat ni Laris at nakatingin na siya saakin. “Pareho naman tayo ng way diba?”
At
kahit pa hindi ko rin gusto ang pag-epal niya sa oras na ito, mabuti na rin
siguro ‘to. Lumingon-lingon ako sa paligid, wala na rin namang tao ang
makakakita na magkasama kami. “Ay oo nga
Zack! Dito na lang ako sa kaibigan mo sasabay.”
“Sigurado ka?”
“Oo. Sige na, sumakay ka na rin sa sasakyan.”
At para hindi na sila mamilit pa, hinila
ko na si Ate Ganda at nagsimula na kaming maglakad palayo.
Hindi
ko na nga nilingon sina Zack at ilang sandali pa, narinig ko na nag-start na
yung sasakyan at umaandar ito.
*clap clap clap*
Ano
namang sound effects yun? “Bakit
nagpaparaya ka ngayon Hot Pink?”
“Hindi ako napaparaya! Mas kailangan lang
ni Carly na maihatid siya agad kasi mas delikado ang beauty niya.”
“Mali ang ginawa mo, alam mo ba yun? Matagal
na nga silang magkasama kanina dahil sa sayawan, magkasama pa sila ulit ngayon.
Tsk! Martir ka rin noh?” Alam
ko! Ako na! Ako na ang tanga! “Sa huli,
nakikita kong pagsisihan mo ‘tong ginawa mong pag-iwan sa kanila na silang
dalawa lang.”
“Manahimik ka na nga lang! Ano ka na ba
ngayon? Manghuhula?”
“Nope. Pero alam ko lang talaga ang
mangyayari. Just believe me.”
Hindi
ko na siya pinansin kahit ano pang salita pa ang sabihin niya. Kahit pa nung
sumakay na kami ng bus, hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.
Ayoko
talagang magpaapekto. Masakit lang sa puso yun!
Mag-iisip
na lang ako ng iba. Katulad ng inaantok na talaga ako. At malamig itong
nasakyan naming bus. At ang ganda lang talaga ng mukha ni Ate Ganda kaya nga
nakakapagtaka na lalaki siya at…
*click click*
“Ano yan?”
“Ipopost ko sa Anti_KB mamaya. Wala akong
magawa.”
At
mag-iisip ulit ng ibang bagay para hindi masagi sa isip ko sina Zack at si Carly. Pero yan na,
naalala ko ulit sila… aish!
“Hot Pink!” At bigla niyang hinubad ang suot niyang
coat. “Malamig diba? Suotin mo muna.”
Wow!
Act of kindness na naman!
“Wag mong isasauli saakin hangga’t hindi
mo pa nalalabhan ha.”
“Bwiset!” Pero sinuot ko na rin. Malamig eh.
“KB after Guiller’s party”
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
Ang ganda ng photos hahaa! love it!
ReplyDeleteang bilis mag-comment! kakapost ko pa lang! ahahaha!
DeleteAng cuuute. Sana po mabilis po ung pag update ulet :) Please ^^ Love it po pla :3
ReplyDeleteso si zack pla ang gusto ng carly n un! nku ptay tau jan atasha! kkaasar si zack, kinalimutan nia si atasha dun ha! hmp!
ReplyDeletebuti n lng anjan si laris! at c laris nmn tlga ang gusto q pra sknya dhil xah c kb!!
wwoowwowoowwowow...
ReplyDeletehehehehehehehehehehehehehehehehhe...
ramdam ko parang hindi mabait si carly...
naku atasha...bakit nga ba?hahahaha
oi si laris...kinilig ako ng kunti...
woah! bakit ang ganda ganda ni carly. but i think, bitchy type nga ang babaeng yan. tsk! sayang kung pangit ang ugali niya.
ReplyDeletei sooo love it.. haha.. update na po ate..
ReplyDelete--DemiDoLL
grabe! zack ang gwapo mo! so sayo pala may gusto yung carly! nangangamoy love triangle!
ReplyDeleteayus lang yan, basta walang papakelam kay laris! kay kissing bandit ka na atasha! sswertehin ka pa!
maygallywow! nkilig aq kei zack d2! nguguluhan aq s knila ni laris! preho q cla gusto pra kei atasha!
ReplyDeleteHaha. feel na feel ko iyong sayawan dahil sa kanta ng Tiara. Nappasayaw din ako habang nagbabasa. TImang lungz!
ReplyDelete